NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
HINDI NAPAPALIS ANG mga ngiting nilapitan na ni Giovanni si Briel upang yakapin lang ito at aluin. Sunod-sunod pang pumatak ang mga luha ng babae sa kanyang nalaman na hindi na matagalan ni Giovanni na makita. Buhat si Brian sa kanyang mga bisig ay pinunas na niya gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Hindi magawang alisin ang mga mata kay Briel na para bang pinagmalupitan ito kung kaya naman umiiyak. Nagkatunog na ang tawa ng Gobernador na bahagyang napailing nang makitang kinagat na ni Briel ang labi upang pigilan na mas mapahikbi.“Masaya ka ba ngayon kaya ka umiiyak o malungkot dahil wala ka sa Pilipinas ng mga sandaling ito?”Hindi sumagot si Briel bagkus ay yumakap lang siya sa katawan ni Giovanni at sinubsob na ang mukha sa tagiliran nito. Masaya siya. Sa sobrang saya nga niya hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha doon.“Mommy? Bakit ka iyak?” inosenteng tanong na ni Brian na itinuro pa ang sarili niyang mga mata.“Tahan na, Gabriella, nagtatanong na si Brian kung baki
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel ang kiligin sa mga sinabi ni Giovanni. Hindi lang iyon, sa paraan ng pagtitig nito sa kanya parang siya ang mundo nito. Ganitong-ganito ang mga titig nito sa kanya noon. Punong-puno iyon ng pagmamahal.“Ako na ang mauuna.” ani pa ni Giovanni na kinuha na ang cellphone at biglang kumuha ng larawan nilang pamilya.Saglit na may kinutingting iyon sa kanyang cellphone. Nagbigay na iyon ng kakaibang kaba kay Briel na nakatitig na kay Giovanni habang higit niya ang kanyang hinga. Namilog pa ang mga mata niya nang may tumawag at sagutin iyon. “Mama?” Parang mahihimatay na si Briel sa isiping ang kinuha nitong larawan ay sinend niya sa kausap ng ina ng sandaling ito. “Hmm, kasama ko nga sila dito sa Italy.” sagot ng Gobernador na binalingan na ng tingin si Briel na biglang namutla na.Matulin na dumaan ang mga araw na negosyo ang inaasikaso ni Giovanni. Matapos nilang kumain ng unang dinner sa labas ay hindi na iyon naulit dahil na madalas na gabing-gabi na siya
PAAKYAT NA SANA ang Gobernador, pabalik ng kanyang hotel suite nang may mahagip ang mga mata niya na pamilyar na bulto ng katawan sa lobby ng hotel kung saan siya naka-check in. Napatigil pa siya sa paghakbang nang medyo malakas na at mataas ang boses ng bultong iyon kung kaya naman naagaw nito ang wala sanang pakialam na pansin.“I am sorry Miss, we do not provide other guest details, especially if you are not expected to come by the guest.” sagot ng receptionist na pilit nakikipagtalo sa babae kung saan naburo na ang mga mata ni Giovanni ng sandaling iyon.“How many times do I have to tell you that it's okay? I want to surprise him. Why does he have to know? Is there a surprise that someone knows already?” patuloy na pakikipagtalo ng babae na iginiit ang gusto niya, “I'm his girlfriend!”Parang itinulos na si Giovanni sa kanyang kinatatayuan. Hindi malaman kung lalapitan niya ito o hindi at aakyat na lang upang puntahan sina Briel? Paano kung mapilit nito ang receptionist? Mag-aabot
HINDI PA SUMISIKAT ang araw kinabukasan ay nasa airport na sina Briel at Giovanni. Naroon na rin ang secretary nito at ang mga invisible na bodyguard. Panay ang sulyap ni Briel sa Gobernador habang karga si Brian. Gusto niyang magtanong ngunit palagi siyang inuunahan ng pag-aalinlangan na ayaw niyang manghimasok at makialam kung anuman ang kanyang kinakaharap na suliranin. Kung may tiwala sa kanya si Giovanni, paniguradong sasabihin nito kung ano ang problemang mayroon siya. Iyon na lang ang kanyang pinanghahawakan kung kaya naman pinili na lang niya ang manahimik at huwag ng bomoses pa.“Let's go, Briel…” giya ni Giovanni sa kanya nang magsimulang magpapasok na ng eroplano. Walang imik at puno pa rin ng pakiramdam na sumunod si Briel sa gustong mangyari ni Giovanni. Kinuha nito sa kanya si Brian at ito na ang nagkarga. Pagkatapos noon ay hinawakan nito ang kanyang isang palad. Wala pa rin siyang imik na sumunod. Habang lulan ng eroplano ay nagawang makalimutan ni Briel ang maaaring
NATATAWA NG PINAGBIGYAN ang anak ni Giovanni na mga ilang minuto lang naman niyang niyakap. Bago isauli kay Briel ay muling yumakap ang Gobernador sa babae na maging ang kanyang katawan ay tila ba ayaw na rin ditong mapahiwalay pa. Kinuha na ni Briel si Brian, ngunit sa halip na ibigay ni Giovanni ay muli siya nitong ninakawan ng halik na hindi na napigilan ni Briel na matawa nang mahina nang dahil doon. Tila ba hindi pa naging sapat para sa Gobernador ang mga gabi at araw na maiinit nilang pinagsaluhan sa Italy.“I love you, both!” pahabol pa ni Giovanni na bahagyang namula na ang mga mata na parang maiiyak.Tango lang ang naging tugon ni Briel sa sinabi nito. Ewan ba niya kung bakit pa siya nahihiya. Marahil ay dahil nakababa na sila ng sasakyan at ayaw niyang iparinig sa guard nila na sabihin na mahal niya ang lalaki. Dati naman wala siyang hiya-hiya. Ngayon na lang din iyon. Kumaway lang sila ni Brian gamit ang kamay ng anak niya. Bagama’t nakangiti si Giovanni nang paalis na ang
NAPASAPO NA SA kanyang noo si Briel. Hindi na niya binawi ang sinabi ng anak at hindi na rin siya nagpaliwanag pa. Malamang narinig na iyon ng lahat ng nasa kabilang linya. Sa lakas ba naman ng usapan ng magpinsan. Patunay nito ay ang malakas nilang pagtawa na hindi na nakaligtas kay Briel. Nagkunwari na lang siyang walang pakialam sa kanila. Kapag mag-explain pa siya, paniguradong hahaba at hahaba pa ang magiging usapan. Isipin pa lang ay pagod na siya.“Daddy, Brian? You mean si Lolo Governor?” litong tanong ni Gabe na tumingin na sa ama at pagkatapos naman ay sa kanyang ina. Naghahanap ito ng kasagutan sa kanyang mga tanong. “Siya ang bumili ng pasalubong para sa akin?”“Hmm, si Daddy…Brian Daddy…” ulit pa ni Brian na nagawa ng makuha ang cellphone sa ina.Mariing nakagat na ni Briel ang kanyang labi. Talaga naman ang mga batang ito, wala talagang malilihim sa kanila.“Wait, Brian, kasama niyo ni Tita Briel si Lolo Governor sa bakasyon?” paglilinaw pa ni Gabe na halatang hindi maka
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi