NATATAWA NG PINAGBIGYAN ang anak ni Giovanni na mga ilang minuto lang naman niyang niyakap. Bago isauli kay Briel ay muling yumakap ang Gobernador sa babae na maging ang kanyang katawan ay tila ba ayaw na rin ditong mapahiwalay pa. Kinuha na ni Briel si Brian, ngunit sa halip na ibigay ni Giovanni ay muli siya nitong ninakawan ng halik na hindi na napigilan ni Briel na matawa nang mahina nang dahil doon. Tila ba hindi pa naging sapat para sa Gobernador ang mga gabi at araw na maiinit nilang pinagsaluhan sa Italy.“I love you, both!” pahabol pa ni Giovanni na bahagyang namula na ang mga mata na parang maiiyak.Tango lang ang naging tugon ni Briel sa sinabi nito. Ewan ba niya kung bakit pa siya nahihiya. Marahil ay dahil nakababa na sila ng sasakyan at ayaw niyang iparinig sa guard nila na sabihin na mahal niya ang lalaki. Dati naman wala siyang hiya-hiya. Ngayon na lang din iyon. Kumaway lang sila ni Brian gamit ang kamay ng anak niya. Bagama’t nakangiti si Giovanni nang paalis na ang
NAPASAPO NA SA kanyang noo si Briel. Hindi na niya binawi ang sinabi ng anak at hindi na rin siya nagpaliwanag pa. Malamang narinig na iyon ng lahat ng nasa kabilang linya. Sa lakas ba naman ng usapan ng magpinsan. Patunay nito ay ang malakas nilang pagtawa na hindi na nakaligtas kay Briel. Nagkunwari na lang siyang walang pakialam sa kanila. Kapag mag-explain pa siya, paniguradong hahaba at hahaba pa ang magiging usapan. Isipin pa lang ay pagod na siya.“Daddy, Brian? You mean si Lolo Governor?” litong tanong ni Gabe na tumingin na sa ama at pagkatapos naman ay sa kanyang ina. Naghahanap ito ng kasagutan sa kanyang mga tanong. “Siya ang bumili ng pasalubong para sa akin?”“Hmm, si Daddy…Brian Daddy…” ulit pa ni Brian na nagawa ng makuha ang cellphone sa ina.Mariing nakagat na ni Briel ang kanyang labi. Talaga naman ang mga batang ito, wala talagang malilihim sa kanila.“Wait, Brian, kasama niyo ni Tita Briel si Lolo Governor sa bakasyon?” paglilinaw pa ni Gabe na halatang hindi maka
SA TINURANG IYON ni Margie ay hindi na napigilan na malakas ng naihampas ni Giovanni ang kanyang isang palad sa kanyang lamesa. Hindi na magawang makapagtimpi ng kanyang galit sa mga pinagsasabi ng babae sa kanya. Hindi niya makuha kung saan nanggagaling ang galit ng babae sa kanya at nagawa nitong masabi iyon. Hinid man nito kilala kung sino ang kanyang tinutukoy, isa lang ang nasisigurado doon ni Giovanni. Walang sinuman ang magsasalita ng masama patungkol kay Briel at bibintangan ito ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. Kamukha niya si Brian, ano pa ang kailangan niyang patunayan? Kamukha ito ng apo niya sa pamangkin. At kahit walang DNA na nangyari, alam niya at nasisiguro niya na anak niya ang bata. Walang sinuman ang makakapagpabago ng katotohanang iyon sa kanya. “Ano bang pakialam mo sa ginagawa ko sa buhay ko, Director Tabora? Ang tagal na natin na natapos. Bakit mo ako hinahabol? Wala kang karapatan na akusahan na hindi ko siya anak! Anak ko ang batang iyon. Anak ko. Nar
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang
HINDI PINUPUTOL ANG halik na binuhat na niya ang katawan ni Briel na wala namang naging anumang angal na nagawa pang buksan ang pintuan ng nasa likod niyang silid. Napalakas pa ang sarado doon nang sipain ni Giovanni na lumikha ng malakas na ingay na wala namang ibang naistorbo maliban sa ilang mga maid na naglilinis ng tirang kalat na kanilang iniwan sa sala ng villa. Napatingala lang sila saglit at kapagdaka ay kibit-balikat na binalewala na lang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa nila gaya nina Briel at Giovanni na halatang wala ng sinumang makakapigil pa sa kanila. Hindi lang si Giovanni ang nawala sa kanyang sarili, dahil maging si Briel ay lunoy na rin na nagawa ng ipagkanulo ng sarili. Bumagsak sa sahig ang mga butones ng suot na damit ng lalaki ng walang pakundangang hablutin iyon ni Briel. Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Giovanni na nabaling na ang atensyon sa kulang ay masira niyang polo.“G-Gabriellla—” “Ano?! Hinalikan mo na ako huwag mong sabihin na naduduwag
MAKAILANG BESES NA ibinuka ni Giovanni ang kanyang bibig habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Briel ang mga mata na hindi na pakiramdam niya ay nanghahapdi na. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa babae. Sa sobrang dami nga noon ay hindi na niya alam kung alin ang kanyang uunahin. Napakurap na ang kanyang mga mata, dumalas pa ang kanyang hinga. Hindi pa rin inalis ni Giovanni ang mga mata kay Briel na nanatiling nakatingin sa kanya at halatang naghihintay ng mga magiging sagot niya. Matabang na itong ngumiti pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin magsalita si Giovanni. Nasa dulo na ng kanyang dila ang mga sasabihin niya, ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya. Iyong tipong parang hirap na hirap siyang magsalita at magpakatotoo kay Giovanni. Ipinilig ni Briel ang ulo na para bang wala itong mapapala kahit na sigaw-sigawan niya pa ang lalaking kaharap. Napuno na naman ng pagkadismaya ang buong katawan niya. Umasa na n
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili