GULANTANG NA NAGPALINGA-LINGA ng mga mata si Bethany habang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kay Briel iyon, ang kapatid ni Gavin. Hindi nagtagal at natagpuan ng kanyang mga mata ang hinahanap na hindi kalayuang bench. Ilang hakbang ang layo sa tinatayuan niya. Nasa hospital din palang iyon ang babae na basta na lang siyang iniwan sa warehouse kanina. Ni hindi man lang siya nito tinulungan kahit pa galit ito sa kanya. Kahibangan man, pero hindi niya mapigilang sumama ang loob na sa babae. Mabuti na lang at tinulungan siya ng kapatid nito dahil kung hindi ay paniguradong sinugod na niya ito ngayon at walang humpay na inaway. Kasalanan ng babaeng ito ang nangyari. Napangiwi si Bethany nang makitang enjoy na enjoy silang dalawa ni Albert sa ilalim ng liwanag ng buwan na animo ay walang ibang tao sa kanilang paligid. Literal na wala naman talagang tao doon maliban sa kanila, ngunit pangit pa rin sa paningin ng iba iyon.
BIGLANG HINABLOT NI Albert gamit ang kanyang isang palad sa leeg si Briel na nagulat man ay hindi na nagawa pang makapag-react. Hinila niya na palapit ang nobya at walang pakundangang mariin niyang hinalikan ito sa leeg na parang nawawala siya sa sarili habang hinihila ang buhok nito upang doon ibaling ang nararamdaman niyang frustration. Umungol naman si Briel at hinayaan sa ginagawa niya si Albert. Noong una ay okay lang kay Briel iyon, ngunit nang mas lamang na ang sakit ng kanyang anit ay napilitan na siyang tapikin ang balikat ni Albert upang mapigilan na ito sa kanyang ginagawa.“A-Aray, babe? Nasasaktan na ako!”Natigilan si Albert na biglang nahimasmasan sa ginagawa niya. Ilang beses niyang tiningnan ang mukha ni Briel na halatang hindi na nito nagustuhan ang kanyang ginagawa.“What’s wrong with you? Gusto mong tanggalin ang hibla ng mga buhok ko sa anit ko? Hindi na ako nasisiyahan, babe!”Saglit napaiwas ang mga mata ni Albert kay Briel. Hindi malaman ng lalake kung saan gal
KINABUKASAN AY MAAGANG gumising si Bethany. Marahil ay dahil nasanay na ang kanyang katawan na gawin iyon araw-araw. Isang pahabang maliit na rectangle velvet box ang unang tumambad sa kanyang mga mata pagdilat nito na nakapatong sa unan malapit sa may mukha niya. Gulantang na napabangon si Bethany at kinuha na iyon upang tingnan kung ano ang laman. Nang buksan niya ito ay hindi na siya nagtaka na diamond necklace ang laman, obvious naman iyon hindi pa man niya binubuksan dahil sa sukat na pahaba. Alangan namang magkasya ang singsing sa size nito? Galing iyon sa brand na Tiffany & Co at halatang tunay, hindi peke na kung saan-saan lang binili. Nahulaan na agad ni Bethany kung kanino nanggaling iyon. Iisa lang ang pangalang sumagi sa isipan ng dalaga dahil accurate iyon sa nangyari at aksidenteng nakita niyang kababalaghan sa garden ng dumaang gabi. Hindi niyanaman din iyon ikakalat eh. Anong ikinakatakot ng lalakeng iyon kaya niya ginagawa ito sa kanya?“How ironic, akala niya ba ay m
MAINGAY NA BUMUKAS ang pintuan ng kwarto na naging dahilan upang maputol ang sasabihin pa sana ni Albert. Sabay na napalingon si Bethany at Albert doon. Hindi nila parehong inaasahan na ang bulto ni Gavin Dankworth ang iluluwa doon. Ilang segundo natigilan ang abugado nang makita silang dalawa na para bang nasa gitna ng masinsinang pag-uusap. Mabilis na nappaiwas ng tingin si Bethany sa kanya. Si Albert naman ay ngumiti na hindi sinuklian man lang ng kahit na tango ni Gavin. Basa pa ang puno ng hibla ng buhok ng abugadong napakagwapo sa kanyang suit. Iyong feeling ni Bethany na kapag kasama niya ang binata ay kayang-kaya siya nitong ipagtanggol kahit kanino. Ganun ang pakiramdam ni Bethany. Elegante itong tingnan at kagalang-galang. Plantsado at walang kahit na isang bahid ng gusot ang suot na damit. Ilang beses na napalunok ng laway si Bethany sa isipin na kung naasar siya dito kahapon at nabawasan ang paghanga niya, nabawi naman iyon ng postura nito ngayon. “Bayaw, ikaw pala iyan…”
DUMUKWANG ANG ULO ni Gavin papatungo upang abutin ang mukha ni Bethany na kausap niya ng mga sandaling iyon at bahagya noong nakayuko. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan ang biglang pagtangkaang halikan ang labi ng dalaga kahit pa nag-aanyaya iyon sa paningin ng binata. Taliwas naman iyon sa kung anong haka-haka ni Bethany na gagawin ng lalake sa kanya. Masuyong hinawakan ng abugado ang baba ng dalaga upang patingalain ito at magtama ang kanilang mga mata. Hindi naman siya binigo ni Bethany at hinayaang gawin ang bagay na 'yun. Tinitigan niya ang abogado sa kanyang mga mata. Matapos ng ilang segundo ay awtomatikong lumipat ang palad ni Gavin sa ulo ni Bethany at marahang humaplos-haplos ‘yun sa kanyang buhok na animo ay isa siya sa pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay. Bagay na ni minsan ay hindi man lang naranasan ng dalaga sa dati niyang kasintahang si Albert kung kaya naman naging bayolente ang reaction ng dalaga sa hindi inaasahang gagawin ng abogado sa kanyang ulo. Sa halip na
SA HALIP NA pagbigyan ang hiling ni Bethany ay tuluyang itinigil ni Gavin ang kanyang ginagawa. Umayos siya ng tindig. Binitawan niya ang dalaga at inayos ang suot niyang damit. Masama niyang tiningnan ang bulto ni Bethany na confused na ang mukhang ipinapakita ngayon ng binata.“Bakit ka tumigil?”“Hindi ka pa magaling.”“Ha?” “Wala. Ang sabi ko, ayusin mo na ang sarili mo.”Litanyang lalo pang nagpahiya kay Bethany sa naging asal niya. Gusto niyang sampigahin ang sarili dahil sa katangahan niya. Masyado siyang naniwala sa kakayahan ng sarili niya. Ayaw namang mas ipahiya pa ni Gavin ang dalaga at para malipat ang atensyon nito, dumukot siya ng kaha ng sigarilyo sa bulsa at binuksan niya iyon upang kumuha sana ng stick sa loob noon. Subalit natigilan siya nang makitang titig na titig doon si Bethany. Muli niya iyong sinara at ibinalik niya ito sa bulsa.“Curious ka siguro kung bakit sa kabila ng alam ko ang ugali ni Albert ay hinayaan ko siyang ma-engaged sa aking kapatid. Kung ba
PAGKALABAS NG SILID ay hindi agad umalis si Albert sa tapat ng silid na inuukopa ni Bethany sa hospital. Kuryuso siya kung ano ang gagawin sa loob nilang dalawa ni Gavin. Ilang segundo niyang tinitigan ang pintuan ng kwartong iyon. Patuloy na tumatakbo sa isipan kung ano ang dapat niyang gawin. Hinawakan niya ang seradura nito at dahan-dahan niyang pinihit upang saglit sanang silipin lang ang dalawa sa loob ng silid. Naikuyom na ni Albert ang kamao nang mula sa maliit na siwang ng pinto ay malinaw na makita niya kung paano lapitan ni Gavin ang dating kasintahan at sunggaban ng halik. Binuhat niya ang mga paa at akmang susugod nang matigilan siya. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili kahit pa nakita niya kung paano maging mapag-paubaya ni Bethany sa mga halik ni Gavin, taliwas iyon kung ikukumpara noon kapag kahalikan niya ang dalaga. Napuno pa ng poot ang mga mata niya na parang apoy na naglalagablab. “May relasyon ba silang dalawa?!” tanong niyang malalim ang hinga.Biglang
NOON AY HINDI pa nalalaman at napagninilayan ni Bethany ang tunay na kulay ng lalakeng kanyang labis na minamahal. Isa lang siyang inosente at hangal sa pag-ibig na babae ng mga panahong iyon. Babaeng baliw na baliw sa mga matatamis na pangakong binitawan sa kanya ni Albert, isa na doon ay ang pangako na papakasalan siya nito diumano sa takdang panahon kapag naging okay na sa kanila ang lahat. Kapag muli na silang nakabangon at wala ng kahit anong problemang kinakaharap ang pamilya nila. Bagay na agad na sinang-ayunan ni Bethany, paniwalang-paniwala sa mga binitawan nitong huwad na pangako. “Bubuo tayo ng sarili nating pamilya, ilang anak ba ang gusto mo Bethany?” “Tatlo, Albert.” sagot ni Bethany na kumikinang sa saya ang mga mata na dulot ng pag-uusap nilang iyon na tungkol sa magiging future. “Okay na ako sa tatlo. Hindi na tayo doon mahihirapan na palakihin sila.”Akala niya ay mahal din siya ng lalake kagaya ng nararamdaman niya, ngunit ginagamit lang pala siya nito mula sa sim
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang
KWELANG SINAGOT AT sinakyan sila ni Gavin kahit na anong awat sa kanya ni Bethany. Halatang proud na proud ang abogadong pag-usapan nila ang bagay na iyon sa harap ng pulang-pula na sa kilig na fiancee. “Soon, i-surprise announcement na lang namin sa inyo kung kailan.”“Wow, congratulation’s na kaagad sa inyo ni Miss Guzman, Attorney Dankworth!” “Salamat, invited kayong lahat. Hindi niyo pwedeng palampasin ang pakikipag-isang dibdib ng amo niyo sa pinaka-gwapo at pinaka-matalinong abogado sa buong bansa.” Umikot na sa ere ang mga mata ni Bethany na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gavin. Talagang pumasok pa sa loob ng music center ang binata kahit na sinabi ni Bethany na sa parking na lang siya at lalabas na rin naman siya. Hindi nakinig ang binata na nakita na lang niyang nakapasok na sa pintuan. May bouquet pa itong dala kung kaya naman hindi na mapigilan ang iritan ng mga employee ng music center na ang karamihan ay mga babae. Hindi na tuloy napigilan pa ni Bethany na mamula. Ida
NANG HINDI PA rin sumagot si Bethany ay lumipat na si Gavin sa kabilang banda kung saan nakita niyang namumula na ang mga mata nito habang mariing nakatikom ang kanyang bibig. Natataranta ng napabangon ang binata at pilit na pinabangon si Bethany nang makita niyang humihikbi ito kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng kanyang mga luha. “Hey, Thanie? Bakit ka umiiyak? Para iyon lang? Dahil ba hindi pa alam ng family ko na okay na tayo?” sunod-sunod niyang tanong na hindi malaman kung matatawa ba o ano sa hitsura at ragasa ng emosyon ng kanyang kasintahan. “Baby? Ang simpleng bagay noon. Hindi mo kailangang iyakan. Damn it, Thanie! Para ka namang bata diyan…” nilakipan pa iyon ng abogado ng mahinang pagtawa upang ipakitang nakakatawa ang kanyang hitsura ngayon. “Bitawan mo ako!” palo niya sa braso ni Gavin at hinila ang kumot patakip ng buo niyang katawan, “Nakakainis ka!” “Baby? You are acting weird. Para iyon lang? Iiyakan mo? Napaka-raw naman ng buhos ng emotion mo, Thanie…”Inipit
TUMAGAL NANG HALOS ilang oras ang kanilang bakbakan kung kaya naman nang matapos ay kapwa wala silang lakas, nanlilimahid sa pawis ang buong katawan at hingal na hingal na magkatabi silang bumagsak sa ibabaw ng kamang mainit at kahindik-hindik na pinaglabanan ng walang saplot nilang mga katawan kanina. Tumagilid si Gavin kay Bethany at nakangising yumakap sa kanyang katawan. Ipinikit nito ang kanyang mga matang isa’t-isa ang hinga.“Nakakapagod magbigay ng reward.” bulong ng binatang naka-ani ng mga pinong kurot mula kay Bethany na namumula ang leeg sa dami ng mapupulang marka na inilagay ni Gavin sa kanya, “Pero sulit ang dalawang linggo.”Humarap na kay Gavin si Bethany at yumakap. Walang hiya pa nitong itinanday ang kanyang isang hita. “Ang sakit noon ah.” “Masakit ba talaga? Hindi masarap?” panunukso ni Gavin na mabilis siyang ninakaw ng halik sa labi. “Masakit na masarap, parang mahahati ang balakang ko sa dalawa.” Mahinang humagikhik lang si Gavin. “Thanie, gutom na ako. Sa
PAGKABABA NI GAVIN ng tawag ay inilang hakbang lang niya ang distansya upang tawirin ang pagitang naghihiwalay sa kanilang dalawa ng nobya. Walang pag-aalinlangan na niyang niyakap sa beywang ang dalaga gamit ang dalawa niyang palad. Malakas nang napairit sa ginawa ni Gavin si Bethany. Paano kasi, hindi lang yakap ang basta ginawa nito kundi bigla ba naman siya nitong parang bulak na binuhat! Saglit siyang inikot-ikot sa ere na parang sanggol at nang muling lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ay pinupog naman ni Gavin ng halik ang labi niya nakaawang pa rin dala ng labis na gulat. Halatang sabik na sabik siya sa nobya. Kahalintuald ni Gavin ng mga sandaling iyon ang gutom na leon at ilang araw na hindi pinapakain at nakakatikim ng laman. Hindi naman doon nagpatalo si Bethany na pinantayan din ang damdamin ng sobrang pagka-miss ni Gavin sa kanya. Nakangising idiniin niya ang katawan sa binata at pinalamlam ang mga matang parang mas nanghahalina pa siya. Hindi lang iyon, iniyakap pa ni