ILANG ARAW ANG lumipas at nagulantang ang mga Dankworth at Bianchi ng makarating ang balitang naka-confine sa hospital ang anak nina Bethany at Gavin, si Gabe. Kinakailangan daw nito umanong salinan ng dugo kung kaya naman taranta na ang pamilya sa paghahanap ng dugong kinakailangan ng bata. Nagkataon pa na ang blood type ng dugo ni Gabe ay kagaya ng blood type ng kanyang ama na mahalaga. Kinakailangan niyang salinan na agad namang nakahanap. Maging si Mr. Conley na nasa ibang bansa ay napauwi nang wala sa oras dahil sa balitang iyon. Nais niyang manatili sa tabi ng anak ni Bethany kahit na hindi naman kinakailangan. Hindi rin naman nagtagal at sinabi ng mag-asawa na okay na ang anak. Kinakailangan na lang nilang manatili doon ng ilang araw para sa pagbawi ng lakas na nawala ni Gabe. Araw-araw na bumibisita doon si Briel, after ng kanyang trabaho ay hindi pwedeng hindi siya dumadaan doon upang kumustahin ang pamangkin. Parang naging everyday routine niya na ang bagay na ito.“I’m oka
DALAWANG ARAW MATAPOS na makalabas ng hospital ni Gabe ay nagpahanda sina Mr. and Mrs. Dankworth ng family dinner sa mansion sa galak na nakalabas na ang apo. Dahil napag-alaman din nila na nasa Manila pa ng mga sandaling iyon si Giovanni ay personal itong inimbitahan ni Mr. Dankworth na pumunta sa inihandang dinner ng pamilya. Pumunta naman si Giovanni doon. Kung tutuusin ay nasa plano na talaga niya ang pumunta sa mansion para makita ang kanyang anak. Maaga pa siya nang dumating. Ganun na lang ang gulat ng mag-asawang Dankworth na may dala ang Gobernador ng iba’t-ibang mga prutas na paborito ng kanilang apong si Brian. Makahulugan na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit hindi naman sila doon nagkomento na pinaharap lang ang kanilang apong si Brian na padilat-dilat na naman ang mga matang nakatingin sa ama. Hawak nito ang favorite toy car na bigay din ng Gobernador sa kanya. Napangiti na doon si Giovanni. Ibig sabihin ay pinapahalagahan ng anak ang mga bigay niya. “Bless sa Daddy, Bri
MATAMAN NA PINAGMASDAN nina Briel at Giovanni ang kanilang anak na para bang isa itong mamahalin na bagay o magandang tanawin na hindi nila pwedeng palagpasin. Napangiti pa silang dalawa ng unti-unting maging madungis ang hitsura ng mukha ni Brian. Tumulo pa kasi ang laway nito na ang iba sa laman at balat ng ubas ay sumamang lumabas. Maya-maya ay lumapit na ang bata kay Briel at sinubuan ang ina ng hawak niyang ubas na hindi naman tinanggihan ng babae na niyakap pa at hinalikan ang pisngi ng anak matapos na tanggapin iyon at magpasalamat sa anak. Kitang-kita ang inggit sa mga mata ni Giovanni na hindi naman nakaligtas sa matalas na gilid na paningin ni Briel. Dahil sa marami naman itong pasalubong sa kanila, naisip ni Briel na deserve din ng Gobernador na malambing ng anak niyang si Brian. “Brian, bigyan mo rin ang Daddy, please?” malambing na utos ni Briel sa anak. Natigil sa marahang pagnguya sa kinakain niyang ubas si Brian na halatang naintindihan ang sinabi ng ina. Nilingon na
PINANLISIKAN NG MGA mata ni Briel ang kapatid na halatang hindi na nagustuhan ang mga sinabi nito. Hindi lasing ang Kuya Gav niya kaya paniguradong malinaw ang isipan nito habang nagmumungkahi noon. Labag man sa loob iyon ni Briel ay tumayo pa rin siya nang matapos na ang topic nilang iyon. Kahit na makipagtalo siya., sa huli ay mapipilitan pa rin naman siyang gawin ang bagay na iyon dahil ipipilit nila. Dalawa sa mga bodyguard ng Gobernador ang pumasok ng mansion upang akayin si Giovanni na halatang mas nalasing pa at animo ay natutulog na sa kanyang inuupuan. Naisip ni Briel na ito kaya ang utusan niya na bihisan si Giovanni, kaso nga lang baka kapag nalaman iyon ng Gobernador ay mawalan ng trabaho ang dalawa. Naging kasangkapan pa siya upang matanggalan sila ng kabuhayan. Pero kung siya naman ang gagawa noon ay paniguradong walang magiging problema. Baka nga ipagdiwang pa iyon ng kumag. “Oo na. Heto na. Gagawin ko na. Masaya na ba ang lahat?” asar niya pang turan sa kanyang pamily
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Briel nang magawa niyang matapos na palitan ng damit si Giovanni nang hindi ito nagigising. Gusto niyang magtatalon na doon sa galak, magdiwang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib kahit na panay ang tagaktak ng kanyang pawis sa buong katawan, lalo na sa mukha. Daig niya pa ang nag-sauna o kung hindi naman ay ang tumakbo ng ilang milya para lang magpapawis at magbawas ng taba. Gamit ang nangangatog na mga tuhod ay tumayo na siya nang maayos na niya ang kumot sa katawan ng Gobernador na kasalukuyang pa rin na nahihimbing bunga ng matinding pagod. Nakatulong ang alak na ininom ni Giovanni upang ibigay nito ang tulog at pahingang inaasam ng katawan.“Thank you, Lord…” usal niya habang hawak na ang pants at polo shirt nitong papalabhan niya mamaya. “Pinakinggan mo ang panalangin ko. Akala ko ay mabubulilyaso pa ako sa aking malinis na intensyon.” Sa halip na tumalikod na upang lumabas ng silid at balikan ang kanyang pamilya na naghihintay ay nanatili pa doo
MALAYO ANG ISIP at walang imik na tinalikuran na ni Briel ang kama kung saan natutulog si Giovanni. Lalabas na siya ng silid bago pa magbago ang isip at halayin ang walang malay na katawan ng Gobernador nang hindi nito nalalaman. Subalit nang akma na siyang hahakbang patungo ng pintuan ay natigilan na siya nang may mainit na palad na humawak sa kanyang isang braso. Hindi naman iyon mahigpit o masakit, normal lang na tila ba pinipigilan siyang umalis. Agaran ang naging paglingon niya kay Giovanni na sa mga sandaling iyon ay nakapikit pa rin naman ang mga mata. Bumaba ang tingin ni Briel sa palad nitong nakahawak nga sa kanyang isang braso. ‘Nagising ko na siya?!’ may panic na ang hitsura ni Briel, iyon na nga ba ang iniiwasan niya kanina pa.Mula sa palad nitong nasa braso niya ay ibinalik ni Briel ang paningin sa mukha ni Giovanni na unti-unti ng dumidilat ang mapungay at mapula niya pa ‘ring mga mata. Nagawa ng Gobernador na maliit na idilat iyon na agad din naman niyang isinara na
PARANG ALIPIN NA sinunod iyon ni Giovanni na para bang nawala na ang epekto ng alak sa katawan niya. Bigla na siyang nahimasmasan. Parang may nagawang mali na nagmamadali na niyang kinumutan ang sarili na kagustuhan ni Briel na gawin niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang idagdag iyon sa kanyang pagpapanggap. Lihim na rin siyang napamura sa kanyang isipan. Dapat hinayaan niya na mapaos ang apo at itinuloy lang nila ang ginagawa ni Briel. Nagpanggap na bingi at wala silang naririnig. Kung walang sasagot sa kanila at magbubukas ng pintuan, malamang ay titigil din si Gabe na paniguradong ang amang si Gavin nito ang salarin sa pananabotahe sa kanila ni Briel.Naroon na eh, nag-iinit na sila uli ng dating nobya!Tapos biglang mauudlot. Para namang hindi naranasan ni Gavin iyon. Bakit hinayaan nila ang anak na maglaboy sa mansion at mahanap ang silid? Intensyon niya talaga iyon. Hindi rin siya naniniwala na walang nagturo sa apo ng mga gagawin.Hinawakan niya ang maselang parte sa
NATATARANTA NA BUMABA ng kama si Giovanni upang tulungan ang nakasalampak na si Briel na makatayo. Iginiya niya ito at maingat na pinaupo sa gilid ng kama habang hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ng dating nobya. Putlang-putla ang mukha ni Briel dala ng takot na baka mapahamak si Gabe. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Giovanni na ganun na rin ang nararamdaman. Nanatiling yakap pa rin ni Briel ang pamangkin na kapansin-pansin ang pananahimik na ginagawa. Salit-salitan ang naging mga tingin nito sa kanila ni Giovanni. Iyong tipong binabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Tita Briel at Lolo Governor. Bata pa siya pero magaling siyang makabasa ng emosyon ng mga taong nasa paligid niya. Nahuhulaan niya kung galit o takot.“Are you okay, G-Gabe?” masuyong haplos ni Giovanni sa ulo at mukha ng bata na pa-squat ng naupo sa harapan nila habang pigil ang hinga, iyong alak sa katawan niya ay tuluyan nang nilipad ng kaganapang iyon. “Sabihin mo kay Lolo, ayos ka lang b
HUMALAY SA PALIGID ang matinis na hagikhik ni Brian na nakiliti sa matalas na stubbles ng ama na dumikit sa balat niya nang halikan siya nito. Nagawa pa siyang sabunutan ni Brian sa sobrang kiliti na kanyang nararamdaman, bagay na hindi pinansin ni Giovanni. Itinigil lang niya ang paghalik sa anak nang makitang nakalapit na ang mga magulang ni Briel na bagama’t nakangiti sa kanya ay alam niyang may mga sentemyento at hinaing sa pagiging napakabagal niya. Aminado naman siya doon, subalit may mga bagay lang din naman siyang isinasaalang-alang na tanging ang panganay lang nilang anak na si Gavin ang siyang nakakaalam. Kung siya ang masusunod, matagal na niya sanang nauwi sa bansa ang kanyang mag-ina. Kung gagawin naman niya iyon, ang abogadong si Gavin naman ang tiyak kalaban niya.“Uuwi si Briel ng New Year.” anunsyo ng Ginang na inilahad pa sa kanya ang sofa, ikinatango lang iyon ni Giovanni kahit na mayroon sana siyang reaction kagaya ng bakit sa New Year pa kung pwede namang sa Pask
MALAKAS NA TUMAWA lang si Briel, halata sa kanyang mukha na ayaw pa rin niyang magkuwento ng tungkol sa bagay na iyon ngayon kahit na sa matalik niyang kaibigan. Wala lang, parang nasanay na siyang hindi na ito binabalikan. Pakiramdam niya rin ay parang kahapon lang siya umalis ng Pilipinas. Ni wala na nga siyang balita ngayon kay Giovanni. Ni hindi na rin naman ito nagparamdam pa sa kanya kung kaya bakit pag-aaksayahan niya pa ito ng panahon? Anong gagawin niya? Siya na naman ang mauuna at gagawa ng hakbang? No way! Never na niyang gagawin ang bagay na iyon. Natuto na siyang pahalagahan ang kanyang sarili. Isa pa, kung mahalaga sila ni Brian kay Giovanni, hindi nito patatagalin na hindi sila makitang mag-ina. Ibang-iba talaga ang ugali ni Giovanni sa kapatid niya. Malayo.“Paano ba nakakabuo ng anak ang dalawang tao? Syempre nag-sex kaming dalawa!” irap ni Briel na pumaparada na. Nakaani na siya agad ng isang kurot sa tagiliran mula kay Farrah na pulang-pula ang buong mukha. Nang-aa
NOONG UNA AY naninirahan sina Briel sa tahanan ng ama ng kanyang hipag na sina Mr. Conley, ngunit hindi nagtagal matapos ang isang buwan niyang pagtra-trabaho ay pinayagan na rin siya ng mag-asawa na bumukod ngunit malapit lang din naman iyon sa kanilang bahay. Laking pasasalamat ni Briel na hindi siya itinuturing na iba ng mag-asawa bagkus ay parang naging anak na siya ng mga ito dahil sa paraan ng kanilang pag-aasikaso sa kanilang mag-ina.“Sigurado ka ba talagang kaya mo na, Briel?” tanong ni Estellita na asawa ni Alejandrino sa araw na sinabi niyang may nahanap na siyang kanilang titirhan na mag-ina, “Tandaan mo na palaging bukas ang pintuan ng tahanang ito sa inyong mag-ina. Para ko na ‘ring apo itong si Brian…at para ka na rin naming anak ni Drino.” malambing nitong litanya. “Opo, Tita. Kaya na namin ni Brian na bumukod. Papasyal-pasyal na lang po kami dito kapag wala akong trabaho o kung gusto niyo po ay pwede rin naman po kayong magtungo sa tahanan namin. Ilang blocks lang an
NAG-APPLY SA ISANG sikat na kumpanya ng clothing line si Briel bilang isang designer, isang Linggo matapos nilang makarating ng Canada. Hindi naman siya doon nabigo dahil sa mga credentials niya at talento ay agad siyang tinanggap kahit pa inamin niya sa kanila na mayroon siyang anak. Umano ay hindi naman magiging sagabal o balakid sa kanyang trabaho ang kanyang kasamang anak. At dahil sa naging matunog na pangalan niya online na nadadawit sa Gobernador na hindi nakaligtas sa kanyang kaalaman na kumalat online ay inasahan na ni Briel na mahihirapan siya at mabu-bully kahit nasa ibang bansa siya, ngunit kabaliktaran naman noon ang nangyari. Dalawang palad siyang tinanggap ng kompanya na malaking bagay na pinagpapasalamat niya. Tahimik na pinanood niya rin ang naging press conference ni Giovanni pagkaraan ng ilang araw na aaminin niyang sobrang nasaktan siya. Nakikita niya na hindi pa talaga handa ang Gobernador na manindigan sa kanilang mag-ina, kung kaya naman hindi niya na iyon ipip
NANG MARINIG IYON ay napaahon na si Gavin sa kanyang inuupuan. Kakarating pa lang niya ng mansion at kasalukuyang nagtatanggal pa lang siya ng suot niyang medyas. Mukhang nagising na sa pagkakatulog sa kahibangan ang Gobernador kung kailan mas lumaki pa ang problema niya. Ganunpaman ay willing naman si Gavin na tulungan pa rin ito dahil batid niyang para rin iyon sa kapakanan ng kanyang kapatid na si Briel at hindi kung para rin kanino iyon.“Okay? Buo na ba ang desisyon mo, Governor Bianchi? Ipapakulong ko ang babaeng iyon. Makukulong siya. Kaya mo?”Napabuga ng usok ng sigarilyo si Giovanni na sa mga sandaling iyon ay halos wala pang maayos na tulog. Sinubukan niyang tawagan ang pamangkin ngunit hindi nito sinasagot. Na-lowbat na lang ang cellphone niya, walang nangyari. Ni hindi ito tumawag pabalik upang mag-reached out kung ano ang kanyang kailangan. At dahil bagong anak pa lang ito ay hindi na rin niya naman kinulit pa. Doon siya mas lalong napaisip lalo na pagbalik niya ng kanil
MULI PANG NAPAHILOT ng kanyang sentido si Giovanni habang ang mga mata niya ay nananatili pa rin kay Margie. Hangga’t maaari ayaw na niyang palawigin pa ang kanilang problema. Tama na sa kanya ang nasabi niya na ang lahat. Hindi na kailangan pang kung saan-saan sila mapunta habang inaayos ang kanilang naging problema.“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Tito. Just file the case, ako na ang bahala sa iba pang mga kailangan. Kung kinakailangan ay hahalungkatin ko ang buong pagkatao niya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.” dagdag pa ni Gavin na nababasa na ang pagdadalawa ng isip ni Giovanni ng dahil sa pananahimik nito.Bagama’t narinig naman ito nang malinaw ni Giovanni ay hindi pa rin siya nagsalita. Tinitimbang niya ang sitwasyon. Hindi nila kailangang umabot doon. Kapag ginawa nila iyon mas lalo lang lalala ang lahat at mas sasama pa si Margie. Kawawa rin naman iyong babae. May pinagsamahan sila kung kaya parang ayaw niyang umabot sila doon. Sa p
HINDI PA MAN iyon kinukumpirma ni Giovanni na siya nga ay marahas ng napatayo si Margie mula sa kanyang kinauupuan. Ang mga mata ng babae ay nakabaling na kay Giovanni na para bang hinihingan niya ito ng paliwanag. Hindi siya makapaniwala nang makita niyang bahagyang mamula ang pisngi ni Giovanni na para bang kinikilig ito sa tanong kahit pa masyado na iyong personal. Kung hindi iyon totoo, malamang ay itinanggi na niya ang katanungan. Mali pa pala siya na ang buong akala niya in laws lang ang relasyon na mayroon si Giovanni at ang spoiled brat na kapatid ng asawa naman ng pamangkin ng Gobernador na si Bethany Guzman; si Gavin Dankworth na isang abogado. Naisip ni Margie na kaya marahil inilihim iyon ni Giovanni at ayaw pang ipaalam ay dahil nga naman isang malaking eskandalo at kahihiyan iyon ng kani-kanilang pamilya, kahit pa walang mali kung magmamahalan sila. Bukod sa agwat din ng kanilang edad, ang relasyon din na mayroon at namamagitan sa kanilang dalawa ng asawa nitong pamangki
NAGKASALUBONG NA ANG mga kilay ni Giovanni dahil awtomatiko ng napaharap sa banda niya ang mga camera ng mga journalist na kanina lang ay naka-focus pa ang buong atensyon kay Margie. Kulang na lang ay mapakamot sa kanyang ulo ang Gobernador nang dahil sa panibagong usok ng isyu na muli pang sinindihan ni Margie. Bingyan pa nitong panibagong cravings ang ang mga media na naroroon. Ngumisi pa ang babae dahil napagtagumpayan nitong pagtakpan ang kasamaang ginawa niya kay Giovanni. Ganun kabilis na naibaling ni Margie ang atensyon ng lahat mula sa babae patungong muli kay Giovanni na ang buong akala ay matatapos na doon ang lahat. Lihim na naikuyom na ng Gobernador ang kanyang mga kamay. Sobrang pagtitimpi na ang kanyang ginagawa huwag lang siyang sumabog dito.“Bakit ba ayaw mong ilabas ang tungkol sa mag-ina mo? Nagsisinungaling lang ba ako? Patunayan mo. Hindi ba at ito ang totoo? Patunayan mo, Governor Bianchi. Sige, itanggi mo pa sila…” lantarang hamon pa rin sa kanya ni Margie.Kumi
MAKAILANG BESES NG NAPAHILOT na sa kanyang sentido si Giovanni nang makitang nakarehistro ang pangalan ng kanyang pamangkin sa screen ng cellphone niya. Sumasabay pa talaga ito sa problema niya. Sa halip na sagutin ay pinatay niya na ang tawag dahil hindi rin naman sila magkakaintindihan ni Bethany sa ginagawang malakas na pagngawa ni Margie na akala mo ay kinakatay na baboy. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang kasalanan at marapat lang na hayaan niya. Hindi na natapos ang babae doon kahit pa namamalat na ang boses ng dahil dito.“Pinatayan ako ni Tito ng tawag,” hindi makapaniwalang turan ni Bethany na hinarap na ang asawa na kakarating lang ng mansion ng sandaling iyon. Ipinahaba pa niya ang kanyang mga nguso dito.Hilaw na natawa na si Gavin. Ilang beses na umiling. Hindi na rin malaman pa kung ano pa ang gusto nito.“Hayaan mo na siya. Huwag mong sabihin ang tungkol kay Briel. Hayaan natin siyang maghanap sa mag-ina kung saang lupalop na ng mundo naroon.” “Baka kasi busy ri