HINDI NAINIP SI Bethany habang nasa mansion. Inilibot siya ni Briel sa kabuohan ng mansion. Pinasok nila ang bawat silid na pati ang pag-aaring silid ng asawa ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Bethany. Hindi na niya mahintay na matutulog sila doong mag-asawa oras na maging okay na ang lahat. Magiging literal na bahagi na siya ng pamilya Dankworth ng walang inaalala. Sa kanilang ginawa ay nakalimutan niya ang mabilis na pagdaan ng mga oras. Nagpa-bake naman ang Ginang ng brownies na may cheese sa ibabaw nang tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang merienda. Halos maging hugis puso ang mga mata ni Bethany nang makita niya iyon. Kahit mainit pa ay nauna na siyang dumambot na ikinatuwa pa sa kanya ng Ginang. “Favorite mo, hija?” Mabilis na umiling si Bethany. Hindi siya mahilig sa mga ganitong pagkain pero ito ang naisip niya ngayon. “Hindi po. Cravings lang. Ginusto lang po ng dila kong kumain ng brownies na may cheese ngayon.”Makahulugang tumingin ang Ginang kay Briel na hindi
ALAS-OTSO NG GABI nang magdesisyon na si Bethany na mauna ng umuwi ng penthouse. Kumain muna siya kasama ng Ginang ngunit halata sa bawat galaw niya na wala siyang gana kahit pa masarap ang kanilang ulam at favorite niya.“Ayaw mo ba talagang samahan kita?” makailang beses na tanong ni Briel sa kanya. “Huwag na. May bisita ka pa rin eh.” lingon niya kay Albert na mukhang wala pa yatang balak na umalis. “E ‘di pauwiin ko na siya para sa’yo—”“Huwag na Briel, ayos lang ako. Isasama ko na lang iyang mga kuting.” “Sige.” ani Briel na nilingon na ang isa sa mga kasambahay upang ipalagay ang mga ito sa kulungan nila. “Hija, ayaw mo bang dito na lang muna? Baka mamaya hindi umuwi si Gavin, wala kang kasama doon.” pigil ng Ginang sa kanya pero mabilis niyang iniiling ang kanyang ulo, hindi niya dapat isipin ang bagay na magpapalungkot. “Hindi na po. Ang sabi naman niya sa akin ay uuwi siya. Panghahawakan ko na lang po iyon.”Napahinga na lang nang malalim doon ang Ginang. Kahit anong pig
HANGGANG PAG-AKYAT NI Bethany ng penthouse ay nakangiti pa rin siya. Naririnig pa rin kasi niya ang driver ng mga Dankworth na tinatawag siyang Mrs. Dankworth. Hindi pa ma-absorb ng katawan niya ang pagbabagong iyon. Pagkapasok niya sa loob ay pinakawalan niya ang mga kuting mula sa bitbit niyang maliit na cage na kinalalagyan nila. Binuhay niya ang lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa kabuohan ng tahimik na bahay. Matapos noon ay kumuha siya ng malinis na tubig para sa mga pusang nagsimula ng maglakad sa sala at amuy-amuyin ang buong paligid. Inilabas rin ni Bethany ang cat litter ng mga ito at ang lalagyan ng kanilang pagkain. Nilagyan niya muna sila doon ng ilang treats bago siya nagdesisyon magtungo ng master bedroom upang maligo at magpalit ng kanyang suot na damit. “Anong oras kaya uuwi si Gavin?” tanong niya sa kanyang sarili na sinipat na ang oras, “Baka maya-maya lang iyon.”Nilibang ni Bethany ang kanyang sarili sa pag-e-scroll ng cellphone. Nang hindi pa siya nakuntento
PAGKATAPOS NG MAINIT na tagpong iyon ay agad ng nakatulog si Gavin. Hindi naman siya kinulit ni Bethany na hinayaan na lang na magpahinga. Nang bumangon ay hindi nakatakas sa kanya ang tusok ng karayom nito sa bisig. Hindi nagsisinungaling si Albert, pero hindi dahilan iyon upang awayin niya ang asawa at pagtaasan ng boses. Habang natutulog ang asawa ay inabala ni Bethany ang kanyang sarili sa mga kuting. Nagluto na rin siya ng kanilang pagkain. Ginising niya si Gavin bandang alas-tres ng hapon. Matapos na mag-inat ay lumabas na ang lalaki upang kumain na. “Hindi na kita hinintay. Gutom na kasi ako kaya nauna na akong kumain.” Sinabi iyon ni Bethany habang kinukuhaan niya ito ng malamig na tubig sa fridge. “Siya nga pala, wala ng laman ang fridge mo. Kailan tayo pupunta ng market? Wala na tayong kakainin.” Nagsimula na si Gavin kumain. Halatang nag-iisip ng isasagot kay Bethany. “Mamaya. May night market pa naman kasi weekend. Feeling ko naman hindi rin magtatagal tayo sa mansion
PANAY ANG HALIK ni Bethany habang lulan ng sasakyan sa leeg ni Gavin habang nagda-drive ang abogado patungo ng kanilang bahay. Panibagong ugali na naman iyon ng kanyang asawa na kanyang nakita ngayong araw. Syempre, nang dahil sa ginagawa nito ay hindi niya mapigilang tigasan. Ikaw ba naman ang simpleng romansahin ng iyong asawa, hindi magre-react ang iyong katawan? Ilang beses na siyang napabuntong-hininga. Pilit kinakalamay ang sarili niya. “Mrs. Dankworth, hindi mo ba nakikitang nagmamaneho ako?” patanong na saway niya na dahil di na niya kinakaya.“Eh kasi naman, kulang na kulang iyong time. Magdamag kang nasa labas kagabi. Hinintay kaya kitang umuwi!”Ang buong akala ni Gavin ay nagkaintindihan na silang dalawa tungkol doon, tapos ngayon may pa-throwback ito?“Mrs. Dankworth—” “Kung umuwi ka agad kagabi, e ‘di malamang na-satisfy na ako!” pagputol nito sa kanya sa seryoso pang tono.Napakurap na ng kanyang mga mata si Gavin. Nakikipag-away ba sa kanya ang asawa? Akala niya tala
WALANG GATOL NA SUMANG-AYON ang kanilang mga magulang sa naging pahayag ni Bethany kung kailan niya gustong makasal kay Gavin. Hindi na rin sila nag-ilang usap pa dahil nasa hustong edad na rin naman ang mga anak. Gumawa ng group chat si Mrs. Dankworth at isinali doon ang dalawang pamilya just in case na may kailangan siyang itanong sa kanila. Inako ng mga Dankworth na sila na ang bahala sa lahat. Tradisyon iyon ng kulturang Pilipino na paunti-unting nawawala sa paglipas ng panahon, na kahit alta ang kanilang pamilya at parte na ng makabagong henerasyon ay gusto pa rin nilang sundin. Hindi na kailangan pang mag-effort na gumastos pa ng pamilya ni Bethany. Hindi sa minamaliit nila ang pamilya nila, gustong iparanas ng mga Dankworth na napakaswerte nila sa magiging manugang. Ang padre de pamilya ng kanilang pamilya ang nag-suggest noon na siyang gusto rin ni Mrs. Dankworth gawin. Hindi na makapaghintay pa ang Ginang na mamili ng kanilang magiging souvenir sa mga pupunta ng kasal. Ultimo
NANDILAT NA ANG mga mata ni Bethany sa konklusyon na narinig mula sa panig ni Gavin. Ano? Buntis? Siya? Imposible ang bagay na iyon. Kung buntis siya, malamang ay nagsusuka na siya. Hindi naman siya nagsusuka. Lamon nga siya nang lamon. Sa pagkakaalam niya, walang ganang kumain kapag buntis. Umaarte lang talaga siya. Walang ibang ibig sabihin ang bagay na ‘yun. Sa puntong iyon ay nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang kanyang mukha. Pinaypayan na niya iyon gamit ang kanyang isang palad kahit pa nakatutok naman sa kanya ang aircon ng sasakyan ni Gavin feeling niya ay ang init ng buong pakiramdam niya. Lihim na natawa si Gavin sa reaction ng kanyang asawa. Malamang niloloko lang naman niya ito. Tinitingnan niya kung matataranta ba.“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Attorney! Hindi ka na nakakatuwa!” “Bakit? May asawa ka naman. Anong ikinakatakot mo? Sa tingin mo hindi kita mabubuntis? Hindi iyon maaari. Hindi ako baog—aray ko naman, Mrs. Dankworth!”
NAKANGITI SIYANG PINANOOD ni Bethany habang nakasuot pa ito ng apron. Cute na cute ang babae sa hitsura ng kanyang asawa. Masusing pinanood muna ni Gavin ang paraan kung paano magluto ng adobong pusit online. Wala kasi siyang talent doon. Para sa kanya ay hindi naman iyon naging mahirap, kaya lang nainis siya ng maluto na ito sa reaction ng kanyang asawa. Excited na pinanood niyang tikman na iyon ni Bethany. Alam niyang hindi masarap ang luto niya, pero dahil mahal naman siya ng asawa kaya baka kahit na hindi masarap iyon ay sasabihin ng asawa niyang masarap.“Hindi masarap.” tahasang pula ni Bethany ng tikman na nito ang sabaw pa lang ng adobo.Ngumiwi pa si Bethany upang ipakita ang reaction niya sa asawa. Sa pagkakataong iyon ay napawi na ang mga ngiti ni Gavin. Hindi na siya natutuwa. Wala man lang katiting na appreciation ang asawa kahit pa sabihin na totoo ngang hindi nga iyon masarap. Oo na, hindi masarap pero sana man lang kahit kaunti ay pinagtakpan man lang ito ng kanyang as
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang