NAKANGITI SIYANG PINANOOD ni Bethany habang nakasuot pa ito ng apron. Cute na cute ang babae sa hitsura ng kanyang asawa. Masusing pinanood muna ni Gavin ang paraan kung paano magluto ng adobong pusit online. Wala kasi siyang talent doon. Para sa kanya ay hindi naman iyon naging mahirap, kaya lang nainis siya ng maluto na ito sa reaction ng kanyang asawa. Excited na pinanood niyang tikman na iyon ni Bethany. Alam niyang hindi masarap ang luto niya, pero dahil mahal naman siya ng asawa kaya baka kahit na hindi masarap iyon ay sasabihin ng asawa niyang masarap.“Hindi masarap.” tahasang pula ni Bethany ng tikman na nito ang sabaw pa lang ng adobo.Ngumiwi pa si Bethany upang ipakita ang reaction niya sa asawa. Sa pagkakataong iyon ay napawi na ang mga ngiti ni Gavin. Hindi na siya natutuwa. Wala man lang katiting na appreciation ang asawa kahit pa sabihin na totoo ngang hindi nga iyon masarap. Oo na, hindi masarap pero sana man lang kahit kaunti ay pinagtakpan man lang ito ng kanyang as
NAKAAWANG NA ANG bibig na napaatras nang bahagya si Bethany sa ginagawang tahasang pagbibintang ng asawa sa kanya. Natatandaan niya na hindi naman siya ang unang humalik noon sa kanila kundi ang asawa, kaya bakit siya ang may kasalanan? Basically, ito ang gumahasa sa kanya at hindi siya. Pero malamang ay hindi niya maaalala iyon. Mukha ngang hindi nito natandaan na nangyari ang bagay na iyon, dahil kung alam nito ang lahat noon pa lang ay nabanggit na nito ang tungkol dito. Si Gavin pa? Wala sa vocabulary niya ang salitang pagpapalampas.“Ako? Ginahasa kita? Sigurado ka ba diyan sa binibintang mo?”Umalingawngaw pa ang malakas na halakhak ni Gavin sa hitsura ng asawa na parang luging-lugi pa ito sa kanya. Namula na ang magkabilang tainga ng abogado. Pilit na hinahalungkat sa kanyang isipan ang kaganapan ng gabing iyon. Lalo pa niyang minahal ang asawa.“Ayos lang iyon, Mrs. Dankworth. Hindi ko naman ikakalat.” taas at baba pa ng kilay ni Gavin sa kanya na halatang pinagkakatuwaan na m
SA HALIP NA pumasok ang mag-asawa sa trabaho ng araw na iyon ay nagtungo silang dalawa sa OB upang ipa-check up si Bethany. Pareho kasi silang hindi naniniwala na walang dahilan ang pagpapalit ng ugali ni Bethany. Iba ang kutob nilang dalawa. Kung si Gavin ay excited, si Bethany naman ay halatang kinakabahan na makikita sa higpit ng hawak ng kamay niya sa isang kamay ng asawa. Binabagtas na nila ang maliit na hallway patungo sa clinic ng OB. Parang gusto na naman niyang umatras.“Huwag na kaya natin ituloy? Natatakot ako, Gavin.”“Bakit ka naman matatakot? Kasama mo naman ako.” Umiling si Bethany. Gaya ng unang sabi niya parang hindi pa siya ready. “Ihanda na lang natin ang ating sarili. Kung sakaling wala talaga, anong magagawa natin kung hindi ang patuloy na subukan kahit gabi-gabi pa.” Pinandilatan na naman siya ng mga mata ni Bethany. “Oh, ayan ka na naman. Nasa publiko tayong lugar ha?” warning niya sa abogado na nagbabadya na naman ang kapilyuhan, “Magagalit na talaga ako.
KAGAYA NG KANILANG napagkasunduan inilihim muna ng mag-asawa ang good news sa kanilang mga pamilya. Maging sa ama ni Gavin na alam ang tungkol sa kanilang kasal ay hindi nila nabanggit ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Bethany. Naging maayos, normal at peaceful ang unang dalawang Linggong pagsasama ng mag-asawa sa loob ng penthouse. Unang dalawang Linggo na puno ng pag-ibig at pang-unawa para sa bawat isa. Noong una ay naiinis pa si Gavin kapag ginigising siya ni Bethany sa kasarapan ng gabi nang dahil sa kanyang mga cravings ngunit paunti-unti ay nasanay na ang abogado hanggang sa magbalik na silang pareho sa kanilang mga trabaho. Noong una ay pinapagtalunan pa nilang dalawa ang tungkol sa pagma-manage ni Bethany sa music center. Ang gusto kasi ni Gavin ay manatili na lang ang asawa sa bahay at hintayin ang hapon sa pag-uwi niya. Bagay na mariing tinutulan ni Bethany.“Hindi pwede ang gusto mo, Gavin. Kailangan ko rin na may career. Doon ako magaling. Naroon na ako bago mo pa ako mag
NATAWA NA DOON si Bethany. Hindi iyon magiging bugnutin kung hindi rin siya nito patuloy na aasarin. Ibig sabihin silang mag-asawa ang salarin kung mangyari man iyon. Hindi lang siya. Hindi lang din si Gavin. Unti-unti na siyang kumalma. Baka nga makuha ng anak nila ang magaspang na pag-uugali niya ngayon. “Hija, ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo? Kumain ka ba bago umalis ng bahay?” sunod-sunod na tanong ng Ginang nang makita ang babae na bumaba ng kotse, mukhang lantang gulay ito at wala sa mood. Tipong tamad na tamad ang kanyang hitsura at napipilitan lang na pumunta upang makipagkita sa kanila. “Diyos ko, pinagpapawisan ka ng malagkit.” puna pa nitong sinalat na ang noo ni Bethany na nakangiti.Masama ang pakiramdam noon ni Bethany subalit hindi naman niya pwedeng i-cancel ang fitting ng mga damit at ang pamimili niya ng designs. Bukod sa naroon na ang hipag at biyenan niyang babae ay nakapangako na siya sa kanilang pupunta. Hindi na niya sinabi pa kay Gavin ang kanyang nararamd
HALOS PALIPARIN NA ni Gavin ang kanyang sasakyan patungo ng boutique kung nasaan ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam kung may masabitan man ang kanyang sasakyan. Ang mahalaga ay makarating siya doon agad at makita ang asawa. Panay ang mura ni Gavin habang nasa biyahe. Nakailang palo pa siya sa mahigpit na hawak niyang manibela. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hinayaan niya itong mag-isa. Dapat talaga ay pinilit niyang samahan ito kanina kahit na nagmamatigas siya. Hindi niya ipinagkatiwala na kaya ni Bethany ang lahat.“Come on, kung kailan ako nagmamadali saka pa magkaka-traffic! Fucking shit!”Gusto niyang tawagan ang ina at kumustahin ang asawa pero baka lalo lang siyang ma-distract kapag may narinig siyang wala pa ‘ring malay ang asawa. Baka mapano rin siya.Marahang tinapik-tapik ni Mrs. Dankworth ang isang pisngi ni Bethany habang si Briel naman ay hindi na alam ang gagawin. Panay ang silip niya sa labas ng pintuan. Hinihintay niya ang kapatid na dumating. Napalibutan na
SA LOOB NG sasakyan ay nanatiling tahimik pa rin si Bethany. Hindi niya pinansin ang panaka-nakang sulyap ng asawa sa kanya kahit nakikita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Natatamad siyang magsalita. Nasa labas lang ng sasakyan ang kanyang paningin. Sa malabong lugar na kanilang binabagtas. Iniisip na sana pala ay inamin na lang nila ang tunay niyang kalagayan kanina sa ina at kapatid ng asawa. Pagkakataon na nila iyon. Maiintindihan naman siguro ng mga ito kung malalaman nila ang tunay niyang kalagayan. Hindi na rin niya kailangan pang magtago. Kaso, ayon nalusutan pa rin nilang mag-asawa sila.“Mrs. Dankworth, ano ang iniisip mo? Mukhang ang lalim naman yata niyan?” gagap ni Gavin sa isa niyang kamay na malamig pa, naninibago siya sa pananahimik ng asawa. “Kanina ka pa diyan tahimik. Iniisip mo ba iyong nangyari kanina? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital para magpa-check up? Just to make sure lang na ayos ang baby natin?” malambing na tanong pa ng abogado na pinisil-pisil
NAPATITIG NA SA mukha ng babae si Bethany nang kunin nito ang kanyang kamay na nakapatong sa table. Ilang beses na kumibot-kibot ang bibig nito na tila ba may nais sabihin. Napakunot na ang noo ni Bethany nang bitawan ni Miss Gen ang kamay niya at iiwas ang mga mata na parang may itinatago siya. “Miss Gen?” muling untag niya sa kanya na sumasama pa ang kutob, “May sasabihin ka ba?” Maliit na ngumiti lang ang babae. Hinarap na ang baso ng kanyang juice. Dinampot na iyon at uminom. “Ayos lang ako, Miss Guzman. Huwag mo akong alalahanin.” Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa kanya. Higit pang naging kuryuso sa itinatago nito. “Handa akong makinig, Miss Gen. Mahaba-haba pa ang breaktime natin.” sipat niya sa relo. Muli siyang hinarap ng babae. Namumuo na ang luha nito sa kanyang mata na nagpabahala pa kay Bethany. Kinakabahan na siya sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya na ito maintindihan.“Spill it. Gaya ng sabi ko, handa akong makinig.” sambit ni Bethany na nakatingin pa rin
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm
NATATARANTA NA BUMABA ng kama si Giovanni upang tulungan ang nakasalampak na si Briel na makatayo. Iginiya niya ito at maingat na pinaupo sa gilid ng kama habang hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ng dating nobya. Putlang-putla ang mukha ni Briel dala ng takot na baka mapahamak si Gabe. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Giovanni na ganun na rin ang nararamdaman. Nanatiling yakap pa rin ni Briel ang pamangkin na kapansin-pansin ang pananahimik na ginagawa. Salit-salitan ang naging mga tingin nito sa kanila ni Giovanni. Iyong tipong binabasa nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Tita Briel at Lolo Governor. Bata pa siya pero magaling siyang makabasa ng emosyon ng mga taong nasa paligid niya. Nahuhulaan niya kung galit o takot.“Are you okay, G-Gabe?” masuyong haplos ni Giovanni sa ulo at mukha ng bata na pa-squat ng naupo sa harapan nila habang pigil ang hinga, iyong alak sa katawan niya ay tuluyan nang nilipad ng kaganapang iyon. “Sabihin mo kay Lolo, ayos ka lang b
PARANG ALIPIN NA sinunod iyon ni Giovanni na para bang nawala na ang epekto ng alak sa katawan niya. Bigla na siyang nahimasmasan. Parang may nagawang mali na nagmamadali na niyang kinumutan ang sarili na kagustuhan ni Briel na gawin niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang idagdag iyon sa kanyang pagpapanggap. Lihim na rin siyang napamura sa kanyang isipan. Dapat hinayaan niya na mapaos ang apo at itinuloy lang nila ang ginagawa ni Briel. Nagpanggap na bingi at wala silang naririnig. Kung walang sasagot sa kanila at magbubukas ng pintuan, malamang ay titigil din si Gabe na paniguradong ang amang si Gavin nito ang salarin sa pananabotahe sa kanila ni Briel.Naroon na eh, nag-iinit na sila uli ng dating nobya!Tapos biglang mauudlot. Para namang hindi naranasan ni Gavin iyon. Bakit hinayaan nila ang anak na maglaboy sa mansion at mahanap ang silid? Intensyon niya talaga iyon. Hindi rin siya naniniwala na walang nagturo sa apo ng mga gagawin.Hinawakan niya ang maselang parte sa
MALAYO ANG ISIP at walang imik na tinalikuran na ni Briel ang kama kung saan natutulog si Giovanni. Lalabas na siya ng silid bago pa magbago ang isip at halayin ang walang malay na katawan ng Gobernador nang hindi nito nalalaman. Subalit nang akma na siyang hahakbang patungo ng pintuan ay natigilan na siya nang may mainit na palad na humawak sa kanyang isang braso. Hindi naman iyon mahigpit o masakit, normal lang na tila ba pinipigilan siyang umalis. Agaran ang naging paglingon niya kay Giovanni na sa mga sandaling iyon ay nakapikit pa rin naman ang mga mata. Bumaba ang tingin ni Briel sa palad nitong nakahawak nga sa kanyang isang braso. ‘Nagising ko na siya?!’ may panic na ang hitsura ni Briel, iyon na nga ba ang iniiwasan niya kanina pa.Mula sa palad nitong nasa braso niya ay ibinalik ni Briel ang paningin sa mukha ni Giovanni na unti-unti ng dumidilat ang mapungay at mapula niya pa ‘ring mga mata. Nagawa ng Gobernador na maliit na idilat iyon na agad din naman niyang isinara na