NAPATAKIP NA SA magkabila niyang tainga si Bethany. Hindi sa pagiging painosente niya, pero ibig bang sabihin iyong ungol na narinig nila kanina sa tawag ay literal na may kabalbalan itong ginagawa talaga?“Normal na iyon. Iyong iba nga, walang relasyon pero gabi-gabing may nangyayari sa kanila.” Biglang nakaramdam ng guilt si Bethany. Isa roon siya. Ginawa niya iyon noon kasama si Gavin. “Hay naku, Rina, basta umayos ka. Pwede ka namang gumanyan pero makipaghiwalay ka muna kay Zac sa legal na paraan. Huwag mo silang gayahin ni Audrey dahil iba ka. Kung seryoso naman sa’yo si Ramir.” Hindi pinansin ni Rina ang sinabi ni Bethany na isinandal na ang likod sa backrest ng upuan. “Saka ko na iyan iisipin.” Bumuntong-hininga lang si Bethany na pinaandar na ang kanyang sasakyan. Isang Linggo na nanatili ang kaibigan niya sa kanyang apartment. Umalis din ito upang umuwi na. Naging abala si Bethany sa trabaho kung kaya naman hindi na siya gaanong naging updated sa affair ng kaibigan. Naba
NAGSIMULA NA SILANG magkasabay na maglakad ngunit hindi naman gaanong magkalapit. Kapwa lumilinga ang kanilang mga mata. Naghahanap ng kanilang makakainan. Bakas na ang ilangan sa kanila. Iyong tipong iyon ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa. “May alam akong Mexican restaurant, doon banda sa harap. Gusto mong subukan na kumain doon?” Saglit na tumigil si Bethany sa paglalakad pero maya-maya ay tumuloy na ulit, mas mabagal. Nakahinga na siya ng maluwag. Kung hindi pa ito magsasalita, suggest na lang niyang sa favorite korean restaurant na lang sila kumaing dalawa ng professor.“Sige. Doon na lang.” “Pwedeng uminom doon lalo pa ngayong may importanteng okasyon. Hindi mo rin kailangang mag-alala oras na malasing ka at masobrahan ka ng alak. Tatawagan ko ang family driver namin na sunduin niya tayo mamaya. Ang mahalaga ay mag-enjoy tayong dalawa sa unang labas natin para naman maging memorable. Just be yourself. Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Ako nga, walang hiya sa'yo.”
NAKAHINGA LANG NANG maluwag si Bethany nang makapasok na sila sa loob ng restaurant. Bagama't kumalma na ang kanyang puso, hindi pa rin mapalagay ang kanyang mga mata na panay ang lingon sa labas ng naturang kainan. Kinukutuban siya na baka bigla na lang sumulpot si Gavin at gumawa ng gulo. Nakikinita niyang paniguradong lilikha ito ng gulo. O marahil imahinasyon niya lang naman iyon? Base kasi sa huling kita nila, kalmado naman ang abogado. Hindi na ito gaya ng dati. Ni hindi nga siya pinilit na ihatid noon. Pero basta, mabuti na iyong nag-iingat siya. Gusto niyang kaltukan ang sarili. Baka masyado lang din siyang naging assuming na ito nga ang sakay ng kotse. “Bethany?” untag ni River na kanina pa palihim na pinagmamasdan ang reaction ng dalaga na parang kabado at hindi mapalagay, kanina pa rin siya nagsasalita at tinatanong kung ano ang nais nitong kainin para sa dinner.Nilingon lang siya ni Bethany nang bahagya niyang tapikin ang magkadaop na palad ng dalaga. “Hmm?” “Kanina pa
HINDI PINAKINGGAN NI Gavin ang kapatid. Halos manghaba na ang kanyang leeg upang tanawin lang kung nasaan na si Bethany at ang kasama nitong lalaki. Patuloy pang sumabog sa kalawakan ang iba’t-ibang kulay ng fireworks. “Ikaw ang anong ginagawa mo dito?” Tinaasan na siya ng kilay ni Briel. “Malamang, namamasyal Kuya Gav. Nakita mo ba akong umiinom ng kape? Naglalakad kami di ba?” Nang mapansing wala na sina Bethany sa pwesto nila kanina ay mabilis na silang hinawi ni Gavin doon. “Ouch, Kuya Gav!” “Wala na. Hahara-hara pa kasi!” bulalas ni Gavin na patakbo ng nagtungo sa kinatatayuan nina Bethany at River na sa mga sandaling iyon ay pauwi na. “Damn it! Saan na sila nagpunta? Sa hotel?” ikot pa ng mga mata ni Gavin sa paligid, naghahanap kung may malapit bang hotel na marami nga na paniguradong pagod siya kapag inisa-isa niya.“Anong nangyayari sa kapatid mo?” natatawang tanong ni Albert na tinitingnan pa rin ang bulto ni Gavin.Iginalaw lang ni Briel ang magkabila niyang balikat.
MABILIS NA PININDOT ni Bethany ang end button ng tawag habang hindi na niya mapigilan ang pamamalisbis ng kanyang mga luha. Tinakpan na niya ang bibig. Damang-dama niya ang sakit sa tinig ni Gavin. Napaka-transparent. Para siyang sinasakal na ng sarili niyang mga luha ng sandaling iyon. Matapos na bitawan ang cellphone ay nanghihina na siyang tumayo. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Gusto niya itong puntahan at pagbigyan ang hiling. “G-Gavin, I’m really sorry…” nausal niyang nagkaroon na ng tunog ang mga hikbi.Bagsak ang magkabilang balikat ni Gavin na tinanggal sa kanyang tainga ng cellphone na hawak. Dire-diretso pang umagos ang kanyang mga luha pababa ng kanyang mukha. Nakatayo siya sa harapan ng glass wall ng kanyang penthouse. Tinatanaw ang masayang kaganapan sa labas ng kanyang tahanan. Nang hindi niya makita na sina Bethany kanina ay nagpasya siyang umuwi na lang. Hindi na itinuloy ang gagawin sanang pag-iisa-isa sa mga hotel na malapit. Ewan ba niya, umaasa pa rin siyang hind
NGUMITI SI BETHANY at marahang itinango ang kanyang ulo sa pag-aakalang nahimasmasan na ang abogado. Hindi na siya nakapagsalita nang biglang bumangon si Gavin at mahigpit siyang niyakap. Amoy na amoy niya ang alak sa katawan at hininga ng abogado. Gayunpaman ay hindi niya kinalas ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya, bagkus ay marahang tinapik-tapik na nito ang likod ng binata. Biglang umatungal ng iyak si Gavin na parang isang bata. Inilayo niya ang kanyang katawan sa dalaga at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. Patuloy siyang lumuha ng pananabik habang hawak ang mukha ng dalaga.“Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Ikaw ba talaga iyan, Thanie?” Marahang itinango ni Bethany ang kanyang ulo na hindi tinanggal ang mga tingin sa abogado.“Ako nga, Gavin. Bangon na diyan. Bumili ako ng pagkain kasi sabi mo gutom ka. Halika, kakain tayo.” Mariing iniiling ni Gavin ang kanyang ulo. Baka mamaya kapag tumayo siya maglaho sa paningin niya ang dalaga. Gusto n
MARAHIL NANG DAHIL sa pagiging busy ni Bethany sa music center kung kaya naman hindi na muling sumagi pa sa kanyang isipan ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Gavin ng gabing lasing ito. Ang abogado na lingid sa kanyang kaalaman, bagama’t hindi na siya nito tinatawagan ay palihim na patuloy pa rin na nakabuntot sa kanya sa ginagawa niyang paglabas kasama si River at patuloy na pakikipag-date dito. Hindi niya matanggihan ang lalaki na natatagpuan na lang niya na nasa labas na ng music center kada hapon at hinihintay siyang umuwi. Wala naman siyang ginagawa kung kaya naman hinahayaan na lang niya na samahan ito. Masaya naman itong kasamang kumain sa labas. Napakunot ang noo ni Gavin nang makitang matapos na kumain ay sumakay na ang dalawa ng sasakyan ng gabing iyon upang umuwi na rin. “Wala na silang ibang pupuntahan? Uuwi na? Napakahina niya naman!” bulong-bulong niya sa sarili. Sa buong Linggong iyon ay nagawang kalkalin ng abogado ang tungkol sa buong pagkatao ni River at
HINDI NA RIN doon nagtagal si River. Nang maubos ang kape ay agad na rin siyang nagpaalam sa dalaga na inihatid lang siya sa labas ng pintuan. Nang matanaw naman ni Gavin ang bulto ng katawan ng lalaki na papalabas na ng apartment ay mabilis siyang pumasok ng sasakyan matapos na itapon ang pang-ilang upos ng kanyang sigarilyo. Walang lingon sa likod na niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis na siyang nagmaneho pabalik ng kanyang penthouse. Pagdating niya ng bahay ay marahas niyang itinapon ang suot na coat sa sofa at dire-diretsong nagtungo sa loob ng music room ni Bethany. Nagliwanag ang buong silid nang buksan niya ang ilaw at tumambad ang mga instruments dito na ibinigay niya sa dalaga noon.“Sampung araw na ang nakakalipas na palagi silang kumakain sa labas, sigurado akong may namamagitan na sa kanila. Hindi lang iyon, nagawa niya pang papasukin ang lalaking iyon sa apartment niya? Ano ang gagawin nila? Magtititigan? Kung kagaya kong mabilis iyon, malamang natikman na niya ang k
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P