Kinabukasan ay maagang gumayak si Laica. Pag gising niya ay wala na sa tabi niya si Austin, alam naman niya na maaga itong umaalis dahil pumapasok ito sa opisina. Anya, nagkaroon ng problema daw umano ang binata sa kompanya nito. Mabilis siyang natapos maligo at excited na umalis ng bahay. Samantalang si Flynn ay isang oras na yata nag do-doorbell sa labas ng pinto ng condo unit ni Laica ngunit wala man lang kahit na anino ang nagbubukas ng pinto. “Hello kuya, mukhang walang tao sa bahay ni ate. Kanina pa ako dito sa labas pero walang nagbubukas ng pinto.” Pagbabalita nito kay Austin.“Sure ka ba na walang tao? halos kaka alis ko lang at tulog pa siya kaninang pag alis ko.” Nagtataka naman na saad ni Austin. Nang maputol ang tawag ni Flynn ay agad niyang edinial ang numero ng kasintahan ngunit naka ilang tawag na siya pero hindi ito makontak. Kuma-kamot sa ulo si Austin at hindi maipinta ang mukha na nag-madali siyang lumabas sa kanyang opisina. Samantala si Laica ay dumating sa
Nagising si Laica sa isang kwarto na hindi familiar sa kanyang paningin. Inikot niya ang kanyang paningin at nahagip niya ang lalaki na nakayuko sa tabi ng kanyang higaan at ginawang unan ang braso nito, sa tingin niya ay mahimbing itong natutulog. “Excuse me,” sambit niya habang marahang niyuyogyog sa balikat ang lalaki. “Hmmm…” nagising naman si Austin at bahagya pang kinusot ang mata. Ngunit ng mapansin niya na gising na ang babaeng halos dalawang linggo ng nakaratay sa hospital ay agad siyang tumayo at pinindot ang alarm upang malaman ng doctor na gising na ang pasyente. “Laica, salamat sa diyos at gising ka na…” mahigpit niyang niyakap ang babae. “Teka, lumayo ka nga! Tinawag mo akong Laica? Si-sino ka ba?” Nagtataka na itinulak nito ang lalaki. “You mean, hindi mo ako kilala? Shit!” Napalayo si Austin habang napapahaplos sa batok. ‘Anong nangyayari? Paanong hindi ako kilala ni Laica? Wala naman binanggit sa ‘kin ang doctor na magkaka amnesia siya.’ Ito ang mga tanong sa kan
“Dad?” Napalingon si Lucas sa anak ng tawagin siya nito. “Tama ba ang narinig ko anak? Tinawag mo akong Dad…?” Napakasaya ng puso ni Lucas dahil, nitong nagdaang araw ay hindi sila halos kausapin ni Laica, ngunit ngayon ay narinig niya itong tinawag siyang Dad. “Opo,” tumatango ito.“Naalala mo na ba ako princess?” “Opo,” tumango siya ulit. “Konti lang po,” yumuko ito. “Eh ako anak?” Sambit naman ni Lea na tinuro pa ang sarili. Nasa tabi siya ng asawa.Umiling lang si Laica na nakayuko. “‘Nak, patawarin mo ako ha? Napasa sayo ang kapalaran ko? Nagkaroon din ako ng amnesia noon…. Alam mo yun diba, nai-kwento ko sayo, pero magkaiba tayo…. Ang pagkakaroon ko ng amnesia noon ay ang naging tulay para maging okey kami ulit ng Daddy mo. Ikaw. . .” “Kaya nga kailangan natin mag-tulungan para maibalik ang ala-ala niya nang sa ganun ay makilala niya na ulit ang kanyang asawa.” Nakangiting tumingin si Lucas sa anak nito at pinisil ang kamay ng anak.“Kailan po ba kami ikinasal?” “Before t
“Hi miss Salazar, kumusta na ang iyong pakiramdam?” Nakangiting pumasok ang Doctor ni Laica sa kwarto niya kasama ang isang nurse. “Mabuti naman ako Doc, salamat po.” Bumangon ito mula sa pagkakahiga. “Kakausapin ko ang asawa mo at pauuwiin na kita ha,” saad pa ng Doctor na nakangiti pa rin. “S-sige po.” Maraming oras ang lumipas at dumating ang araw ng paglabas ni Laica sa hospital. Kahit hindi pa siya lubos na nakaka-alala. “Welcome home Princess!” Sabay na sambit ni mommy at daddy. “Welcome home ate,” wika naman ng limang mga lalaki na hindi ko nakikilala. Ang isa ay nakita ko nang dumalaw sa akin sa hospital pero hindi ko siya malala. “Ate, na mimiss ka na namin.” Isang binatilyo ang lumapit sa akin. Siguro ay nasa kense ang edad nito. “Siya ang bunsong kapatid mo, anak,” nakangiting sambit ni mommy at hinaplos ang aking likod. Ngumiti siya sa kanila. Kahit hindi niya maalala ang mga ito pero magaan ang pakiramdam niya sa kanila. Inikot niya ang kanyang paningin sa kabuua
Humahangos si Lucas na halos magkabangga-bangga na dumating sa hospital dahil nabalitaan niya ang nangyaring aksidente, nabangga kasi ang kotsing sinasakyan ni Leah at ang asawa nito na si Noel sa isang ten weeler truck na basta na lamang sumulpot sa harapan ng kotse ng magkatipan. "Miss saan dinala ang mag asawa na naaksidinte? Car accident" Hingal na hingal itong nag tanong sa nurse na nakita niya. "Duon po sir," agad naman tinuro ng nurse kung nasaan ang hinahanap. Patakbong lumapit ang binata dito at agad na hinawi ang kurtina, nakita niya agad si Leah na inaasikaso ng doctor at nurse, duguan ito at marami ang natamong sugat sa mukha sanhi ng bubog ng sasakyan. "Doc kumusta po siya?" Tanong nito sa Doctor na halata ang pag-aalala sa boses at mukha. "Sa ngayon kailangan pa namin siyang obserbahan. Ngunit, maaaring magka Traumatic brain injury, ang pasyente," saad ng doctor habang hindi siya nililingon dahil nasa pasyente ang atensiyin nito. "Ano po ba mangyayari sa kanya d
"Lucas, bakit ngayon kalang dumating?" Nagtataka itong nagtanong sa binata habang may inaayos sa kaha niya. Sila ay parehong nagtatrabaho bilang kahera sa isang convenience store. "10 minutes palang akong late Leah" angal nito habang nagkakamot sa ulo na tela nangati. "Dapat sumabay kana kasi sakin sa motor kanina, nagiinarte kapa kasi," ang tinutukoy ni Leah ay ang kanyang segunda manong motor. "Sus gusto mo lang tyansingan ako kaya gusto mo na palagi ako aangkas sa motor mo," yamot itong sumagot. "Eh ano naman, ayaw mo pa nun? ikakasal din naman tayo eh dami mong arte." Tumahimik na lamang si Lucas saka dumiritso nalang sa staff room. Kailangan nilang mag working student para makapag tapos sila pareho ng pag aaral. Si Leah ay nag-aaral bilang nurse. Mahirap lang ang pamilya nila kaya kailangan niyang kumayod para sa mga pangarap niya, gusto niyang iangat sa kahirapan ang magulang niya. Kahit na nagiisa lang siyang anak. Samantalang si Lucas ay pinag aaral ang sarili sa kurso
"Lucas! Hintayin mo ako!" Hinihingal na lumapit si Leah sa binata. "Bakit ba?" Inis na tanong ng binata sa dalaga. "Uuwi kana ba? Ang usapan natin ha? Magkita nalang tayo mamaya, dun parin sa paborito nating park." nakaharap ito sa binata habang naglalakad ng paatras. "Oo na!" Nakasimangot ito, dahil napipilitan lamang siya sa gusto ng dalaga. Ayaw niya sana sa pinaplano ng dalaga pero makulit ito. "Ayaw mong sumabay sakin? Ikaw mag drive." sambit ulit ng dalaga na naka ngisi pa at tela nagpapa cute. "May dadaanan pa ako, mauna kana." Nilagpasan niya si Leah at tumakbo. "Nakaka inis talaga yun." Ngumuso nalang ito habang tinatanaw papalayo ang binata. Hindi mapakali si Leah sa kanyang kinatatayuan, nauna na siya dumating dito sa park at bente minutos na siya nag hihintay sa binata pero hindi parin ito dumadating, medyo naiinis na siya sa binata halata ito sa mukha niyang hindi maipinta. Habang si Lucas ay natatawang nakatanaw lang sa di kalayuan kay Leah, panay ang pabalik-bali
"Pre, lunch tayo." Tawag ni Lucas sa ka office mate nito na si Sammy at bestfriend niya. "Sige wait mo ako tapusin ko lang ito." Tumayo si Lucas at sumilip sa ginagawa ng kaibigan sa harap ng computer. Maya maya lang ay tumayo na ang kaibigan. "Let's go. Saan tayo pre?" Sambit ni Sammy habang papalabas na sila ng opisina. "Mr.Salazar." Agaw pansin ng isang lalake na medyo may edad. "Mr.Garcia" Lumapit siya sa lalake at kinamayan ito. Si Mr.Wiliam Garcia ay isang attorney ng may ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Hindi niya kilala ng personal ang may ari ng kompanya pero ayon sa attorney ay kilala daw siya nito. "Are you going out for lunch?" Tanong ng attorney. "Yes, do you want to come with us, but we will only have lunch at a fast food chain." "Yeah of course, i really admire you even though your work is good, you still save yourself." Tinapik ang balikat niya ng attorney. "Kailangan kasi sir, kailangan mag ipon para sa gamot ng nanay, at may regular check up siya." W