Home / Romance / The Seeds of the Billionaire's Mistake / TSBM Chapter 1 - Inabandong Mag-Ina

Share

The Seeds of the Billionaire's Mistake
The Seeds of the Billionaire's Mistake
Author: SKYPHOENIX

TSBM Chapter 1 - Inabandong Mag-Ina

Author: SKYPHOENIX
last update Huling Na-update: 2023-08-04 17:20:47

Donna Point of View

"I'm Pregnant."

"Then, Abort that child."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Para akong napako sa aking kinatatayuan habang ang mga mata ko'y nanginginig na nakatitig sa pagmumukha niyang walang kahit anong bahid na emosyon ang lumabas.

"A-Anong sinabi mo?" utal na tanong ko.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ipalaglag mo," kalmado niyang sabi na wari'y wala itong kahit anong balak para sa aming anak. Nakaupo ito ngayon sa swyft sofa, nakasandal at nagbabasa ng magazine. Naka-cross ang kaniyang mga paa. Ang buong atensyon ay nasa kaniyang binabasa.

Hinablot ko ang binabasa nito at itinapon sa sahig.

Napatayo ito nang galit na galit. "Are you insane?! Hugh!" Dinakot niya ang braso ko. Umarko ang mga kilay at bumilis ang paghinga't pandidilat ng mga mata nito laban sa akin. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko sanhi ng pagtutulak ko sa emosyon niya na sumabog. Ramdam ko ang mga bumabaon nitong kuko sa aking laman. Dinig na dinig ko rin ang malalakas na kalabog ng puso nito na halos kumawala sa harap ko.

"Buntis ako Val! Anak mo ito!"

"So what!? I said, abort that child!"

Napalunok ako at napasinghap.

"What?" Hindi ako makapaniwala na ang lalaking minahal ko sa loob ng tatlong taon ay magagawang patayin ang bata sa sinapupunan ko.

"Hindi! Hindi ko kayang ipalaglag ang bata. Maawa ka Val, kahit sa bata na lang." Nagmamakaawa kong wika sa kanya. Nanginginig na ang buong kalamnan ko sa pakikiusap ko sa kanya pero kahit ano pa ang takot at sakit na nararamdam ko dito sa puso ko ay hindi ko ito hinayaan na manalo at ipakita sa harapan nito na literal ang pagiging mahina ko.

Imbis na maawa sa akin ay nginisian niya lang ako pabalik. Pahiwatig na wala nga siyang pakialam sa akin mas lalo sa bata.

"I'm done with you." Walang preno niyang saad na siyang pumigil sa paghinga ko at mas lalong yumanig ang mundo ko sa sumunod nitong ginawa at binitawang mga salita. Pag-a-alab niyang tinuro ang tiyan ko at bilang Ina ng batang sinusuka nito, ang mga salita niya't kilos ay naging matulis na bagay na humihiwa sa puso ko. "That child is not mine, anak mo 'yan sa lalaki mo. Abort it or I'll kill that fetus in your womb?"

Umawang ang labi ko dahil sa mga salitang naririnig sa kanya at nagdilim ang paningin.

SLAP!

Hindi ako pumayag sa kaniyang matalim na tingin sa akin kaya't para maging patas ay pinasadahan ko rin ito nang panlilisik, mata sa mata. Ipinangako ko sa sarili ko na wala ni isang patak ng luha muli ang tutulo sa mata ko dahil sa lalaki.

Tumigas ang panga nito sa pagkakasampal ko sa kanya. Sinalo ang namumula niyang pisngi at umawang ang kanyang labi sa lakas na pagkakasampal ko.

'He deserves it. He f-cking deserves it.'

Imbis na magalit siya sa ginawa ko ay gumuhit lang ang linya sa labi nito habang mayabang na tumatango. Binitawan niya ang braso ko. Ipinagkrus ang mga kamay, at hindi mapakaling hinilamos ang panga at bibig. Nagpalakad-lakad nang paulit-ulit at pabalik-balik. Tumigil ito sa paglalakad. Ngayon ay nakaharap naman siya sa glass high window ng building sa loob ng condo unit nito. Ipinantay ang mga paang humarap sa akin. Simula noon magpahanggang ngayon wala na siyang pinagbago, siya pa rin ang kilala kong Valentine Huang, ang lalaking pinanganak sa mundo para magpaiyak ng mga babae. Pero sa kabila ng lahat ng masamang ugali nito at masasamang impresyon at sinasabi ng mga tao sa kanya ay nagawa ko pa rin siyang mahalin at tanggapin kung sino man siya at kung ano man ang tunay na pagkatao niya. Sa loob ng tatlong taon bilang sekretarya niya hindi naging madali ang trabaho ko sa kanya, kahit hating gabi ay tinatawagan ako nito at pinapapunta kung nasaan siya naroroon. Kapag palpak ang trabaho ko ipapaulit nang ipapaulit niya ang mga ito at pinagbabawalan akong umuwi kahit dis-oras na ng gabi. Basta maipasa o magawa ko lang ang nais niya o mga pinag-u-utos bago pa mag-umaga. At dapat ang lahat ay na-a-ayon sa kanyang panlasa na perpekto at polido katulad ng mga matataas niyang pamantayan sa lahat ng mga ginagawa nito maging sa pagiging CEO niya sa family business ng pamilya Huang. Sa kabila ng lahat ng mga araw na lumipas, sa mga panahong kasama ko siya ay hindi ko inaasahang nabihag niya ang puso ko. Ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang lalaki na kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ang mga pangako niya na pinanghahawakan ko, panghabambuhay na pagmamahal at walang iwanan hanggang dulo. Pero napakalaki ko palang tanga na nagpauto ako sa lalaking akala ko kaya niyang tuparin ang lahat ng mga binitawan niyang pangako at pangarap para sa aming pamilyang bubuuin.

'So nasaan ako ngayon? Saan ako dinala ng pag-ibig ko sa kanya? Sa Basurahan. Tinapon niya lang ako, kami ng anak n'ya, at siya ang unang bumitaw sa aming sinumpaang pagmamahalan sa isa't isa.'

"Leave, bago ka pa maabutan ng fiance ko."

Bumuga ako ng hangin at itinaas ang baba upang pigilan ang pagluha. "F-Fiance m-mo?"

'Para akong tinaga nang pinong-pino hanggang sa magpirapiraso ako.'

Suminghap ito at inilagay ang kanyang mga palad sa bulsa. "Oo. And she's three weeks pregnant, with my own child."

"Three weeks pregnant, with my own child!"

"With my own child."

"With my own child."

"With my own child."

Bumagsak ang luha ko sa 'king narinig at paulit-ulit pa itong nag-echo sa aking isip. Pilit niyang idinidikdik sa maliit kong kokote ang pagiging ganap na ama nito sa babaeng papakasalan niya, samantalang ang anak n'ya sa akin ay nais na niyang mawala at patayin? Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, pakiramdam ko para akong nilamon nang buong-buo ng lupa at hindi na makaahon sa pagkakabaon.

Kahit anong paghagulhol ko at halos magwala ako sa buong unit ay wala itong naging tugon. Tanging blankong mata, nakanoo't ang noo, magkasalubong na kilay at pantay na linya sa mga labi lang niya ang tanging namumutawi.

"Buntis din ako. Buntis ako at anak mo rin ito. P-Paano ako? Sige nga, paano kami ng anak mo!?"

Huminto ito sa paulit-ulit na paglalakad ng pabalik-balik sa kanyang direksyon pansamantala. Tatlong metro ang layo sa pagitan naming dalawa at tinitigan ako mula ulo hanggang talampakan.

Tumaas ang mata nito sa aking mukha. "Hindi mo ako maloloko! Malay ko bang magaling kang magsabay-sabay ng mga lalaki sa kama sa loob palang ng isang araw." Gumuhit ang isang manyak na linya sa dalawang mata niya at labing mapanukso habang titig na titig sa aking katawan.

Napaawang ang labi ko at nanginginig na napalunok. Bumilog at mas lalong lumaki ang reaksyon ng aking mga mata sa labis na pagkamuhi ko sa kanya. Hindi ko akalain na gano'n lang pala ang tingin n'ya sa akin simula't una. Mababaw at pumapatol kung kani-kanino, ni-hindi nga ako nagsusuot ng kahit anong kolorete sa mukha at nakikipagdate o nageentertain ng mga lalaki.

Ngayon ay nakawala na ako sa pagkakaestatwa at naigalaw ang aking mga buto. Humakbang ng paabante, tatlong metro papunta sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo, Val! Ikaw nga itong nagkaroon ng anak sa babae mo, tapos ako ngayon ang binabaliktad mo?" Buong lakas kong idinuro-duro siya sa dibdib nito pero sa bawat pagduro ko sa kanya ay hindi man lang siya tinatablan o natitinag man lang. "Bakit mo ginagawa ito sa akin huh? Deserve ko bang saktan mo, sa kabila ng lahat na binigay ko ang buong ako sa 'yo?" nakapanlulumo kong pag-iyak habang wala siyang magawa kun'di panoorin lang akong nahihirapan at nasasaktan sa harap nito.

Inayos ko ang sarili bago lumabas sa apat na sulok ng malaking silid na ito. Inipit ang buhok. Bumuga ng hangin at suminghap. Inihanda ang sarili pagkalabas ng unit na ito. Magpanggap na natural lang ang lahat at empleyado lang ako ni Val. Sumunod kong pinunasan ang aking luha sa pisngi. Mahinang kinurap ang dalawang talukap ko sa mata para maibsan ang pamamaga nito. Inunat at pinatunog ang leeg. Shinake ang mga kamay para mawala ang pangangatog sa buong katawan ko. Muling huminga ng malalim at ibinuga ang mainit na hangin sa loob na naipon at inulit ito ng tatlong beses nang kumalma ako.

I tried to walk out full of confidence and fiercely but someone ruined it immediately.

"Huwag ka ng magpapakita pa sa akin."

Napahinto ako sa paghakbang at binitawan ang doorknob ng pinto. Pagkapoot na damdamin na muli siyang hinarap pagkatapos bumuga ng hangin.

"Huwag kang mag-alala, simula sa araw na 'to patay ka na sa amin ng anak mo." Pagkabitaw ko sa mga salitang ito ay agad na akong tumalikod. Pero bago ko siya iniwan, nakita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi siya makapaniwala na sinabi ko iyon; isang hagupit ng sampal sa lahat ng kasalanan at pagtataksil niya sa akin.

_ _ _ _

"B-Baby," yapos ko sa aking tiyan sa malungkot na tono. Pinipigilan ang pag-iyak at magdrama dahil wala naman ito sa bokabularyo ko ang maging iyakin o magpakita ng kahinaan. Huli na ito, at wala ng kasunod. Suminghap ako at ngumiti para sa anak ko. "Kahit wala ang Daddy mo, nandito naman si Mama. Palalakihin kitang busog sa pagmamahal tulad ng pagpapalaki sa akin at pagkalinga ng aking ina, ang 'yong lola. Gusto mo ba 'yon baby ko?"

Kahit anong sakit ang dulot sa akin ng ama ng anak ko ay hindi ko magagawang kamuhian ito ng sukdulan dahil kahit papaano may magandang naiwan naman siya sa akin, at ito ang anak ko. At kahit ano mang galit ang mayroon ako sa ama niya ay hindi kailanman madadamay ang anak ko dito.

Pagbukas ko ng pintuan palabas ng cubicle ay tumambad sa akin ang maumbok na pisngi na tinurukan ng botox at ang retokada nitong dibdib at pwet. "Here you are, women! Look at yourself disgrasyada katulad ng ina niya."

Akala niya ba madadala ako sa pangiinsulto niya?

"Wala kang karapatang insultuhin ang nanay ko at kahit na ako, dahil wala ka sa kalingkinan ko, Lea stick!"

Mukang nabuhayan ang dugo niya sa mga sinabi ko dito.

"How dare you to call me that nickname!?"

Akmang lalapad na ang magaspang nitong palad sa pisngi ko ng maunahan ko na siyang sampalin.

SLAP!

Umawang ang labi niyang sinapol ang pisngi. Lumuwa ang mga mata nito habang naghahabulan ang bilis na paghinga niya at pagwawala na makaganti nang dahil sa ginawa kong pagsampal ng malupit sa retokada niyang pagmumukha.

Napailing ako at napabuga ng hangin 'saka siya pinasadahan ng matatapang at mapangutyang tingin na tiyak akong hindi niya malilimutan.

"O? Asan na ang tapang mo? Nasa pwet mo?" anas ko sa mapangbwesit na mukha. Kitang kita ko ang pagbabaga at pagngingitngit na kanyang tugon.

Sa kanto namin walang sino man ang kayang tumabla sa akin. Ni-kahit tenga ko ay hindi nila kayang hawakan. Kapag narinig lang ang 'Donna ang binansagang siga ng bayan' ay tatakbo na sila palayo sa akin.

Napabalikwas ito ng tayo mula sa pagkakasandal at kinuyom ang kamao. Nagsimula ng maningkit pa lalo ang maliliit niyang mga mata sa pagpupuyos.

"Ang kapal mo talaga, Donna! Kaya hindi ka mahal ni Dad," sinabi niya ito habang umiiyak.

Pero imbis na mahabag at maawa dahil sa pag-iyak nito ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko dahil sa pagbanggit niya sa taong kinasusuklaman ko. Siya si Lea Sofia Lee ang kapatid ko sa aking ama.

"Tsk! Ang pangit mong umiyak, Lea! Baka pumutok ulit 'yang nasa pisngi mo. Lumabas na naman ang kemikal diyan at maging waterfalls pa." Pagtikhim ko't paghalukiphip. Halos ngumuwa siya na parang sanggol sa loob ng C.R. habang muling idinampi nito ang kaliwang palad niya sa nasampal na bahagi at iniinda ang hapdi at sakit na bumaon kong kamay sa kanyang pisngi. At ang pagreal talk ko sa kanya ay tagos hanggang buto ang sakit.

Napababa ako ng tingin at napatingin sa kanyang retokadang dibdib. "Sakto babagsak diyan sa bulubundukin mong pekeng hinaharap, stick na babae."

***

Natigil lang ang away namin nang mag-vibrate ang kanyang telepono.

Inayos niya ang sarili bago inikot ang mata sa akin nang siya'y tumagilid sa harap ko. Pinahid ang mga luha sa pisngi nito bago niya sagutin ang tawag.

"A minute to go sweetie. Papunta na 'ko."

 

 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jeckk
Ayyyy palaban c Donna
goodnovel comment avatar
AKHIRAH MIAMOR
gigil mo kong val ka sipain kita! laban dona lumayo ka to make hime realize your worth. tas ipokritang retokada ang ipapalit sa natural na maganda awit tange tange lang val?? bagay kayo ng retokadang sweetie mo!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 2 - Kapit sa Patalim

    Donna Point of View Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Val dati, nagpasya akong umuwi para magbago ang buhay ko. Ngunit sa paglipas ng araw ay natuklasan kong may sakit ang aking ina. Sabi ng doktor, may leukemia si Nanay at may malaking butas sa puso. Kaya nang dahil do'n ay hindi na magkaaligaga ang katawan ko na makahanap ng bagong trabaho, para kitain ang malaking halaga na kakailanganin para sa pagpapagamot niya. "Dalian mo na magbihis ka na at hinihintay ka na sa stage! Bilis!"Napahigpit ang hawak ko sa kapipirasong damit na iniabot sa akin ng bakla."P-Pero ang inaaplyan ko po ay waitress, hindi po ganito!" Paglalaban ko sa kanya. "Hindi ba gusto mong maipagamot ang nanay mo? Kaya inilagay kita dito. Mas mabilis itong ipapagawa ko sa 'yo at mas malaki pa ang kikitain mo lalo na at kapag naitable o tinake home ka pa! Kaysa sa pagwawaitress, Hoy! Huwag ka ng pa arte diyan, hindi na uso ang pabebe sa panahon ngayon dahil mamamatay kang dilat kung hindi ka kikilos! Apakaarte nit

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 3 - My Boy Bestfriend VS. My Ex-Boyfriend

    Donna Point of View"P-Po? Anong trabaho, bukod sa ginawa ko pong pagsasayaw kanina?" Napakunot ang noo ko.Napailing siya at nainis. "Tignan mo 'to, e ano? Maganda lang e pero tatanga-tanga!" Sinara niya ang kanyang pamaypay at tinaasan ulit ako ng kilay. Ibinagsak ang pamaypay sa lamesa at tumayo. "Hoy, ikaw, hindi ba sinabi kona sa 'yo na pokpok ang trabaho mo dito?! Kasama na 'yan sa trabaho mo. Pagkatapos mong gumiling sa maraming customers ay kailangan mo silang ientertain mo or better yet sumama sa kanila sa labas or magpa-vip! Sakto at kahit na buntis kapa at baguhan sa club ko ay bumenta ka! Maraming nagkakandarapa diyan sa katawan mo! Buti ka pa, e yung iba dito matagal na pero ikaw isang giling mo lang madami ka ng nabingwit na mga isda."Napailing ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Padabog kong ibinaba sa mesa ang cheke. "Hindi ko 'yan matatanggap!"Napakrus ang mga kamay ng bakla at mahinang napatawa. "Ikaw, napakaarte mo! Ikakakama ka lang naman." Pi

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 4 - Unfolding Love

    Donna Point of View Nung una naguluhan ako kung bakit sila nandito pareho pero hindi ko na kailangan pang magtaka o mag-isip pa dahil kitang-kita naman sa plastic na mukha ni Lea ngayon na tiyak akong siya na naman ang may pakana na i-set ang eksenang ito at mahuli kami ni Anthony. Ako naman na si tanga ang buong akala ko pumunta dito si Val para kumustahin ang kalagayan ko, pero nandito pala siya para ipamukha sa akin ang pagkakamali na wala namang katotohanan. Mainsulto na naman ako na mayroon akong kalaguyo at nahuli niya pa ako sa mismo nitong mga mata. At mapatunayan ang mga kasinungalingan ni Lea sa kanya na marumi akong babae. Hindi nagpapigil si Anthony dahil dito kaya heto kami ngayon. Nagpang-abutan ang dalawa at nagsalubungan ang init ng ulo sa isa't isa at pasiklaban ng kanya-kanyang mga kamao. Naiwang nakabukas ang pinto at ang mga tao ay nabulabog nang makarinig ng suntukan at sigawan sa room no. ko. PACK! BOMB! PLUG! BOG! "Tumigil na kayo! A-Awat na!" Hindi nagpapi

    Huling Na-update : 2023-08-10
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 5 - Napuno nasi Donna!

    Donna Point of ViewKailangan mapuntahan ko na agad si Nanay dahil kung baka ano pang gawin ko kay Mrs. Esmerald Lee kung sakaling may gawin siyang masama sa Inay ko. Hindi ko siya mapapatawad. Katulad lang din siya ng tatay ko at ni Lea na masama. kahit hindi ko pa lubos na kilala ito alam kong sakanya nagmana ang ama ko. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kaya kahit anong hussle ang nangyayari sa akin ay tinakbo ko na ang St. Jhone Hospital na ito kasi ayaw akong isakay ng mga taxi kanina."N-Nanay!!!!" Kapos hininga akong umakyat sa hagdanan papanik sa thirteenth floor kung saan nakaconfined si nanay. Halos bumigay na ang bukbok kong lumang sapatos para marating lang ang kinaroroonan niya. Sira pa naman kasi ang Elevator. Tan-ina, Private Hospital sira ang mga Elevator!"Apo," mainit na pagsalubong sa akin ng matandang babae sa tabi ni nanay. "Anak, nandito ka na pala." Hindi ko mabasa ang mga mata ni nanay, walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Nakatayo ako ngayon sa hara

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 6 - Ang Bata

    Anthony Point of View Nagdridrive ako patungong bahay nila Donna para makausap ko siya. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa aming dalawa. Kung bakit ako nawala sa anong dahilan? At kung bakit ko siya iniwan ng walang paalam? Nalaman ng mga parents ko ang tungkol sa akin at kay Donna, na patuloy pa rin akong nakikipagkaibigan at nakikipaglapit dito. Mas malala ay nalaman nilang mahal ko na ito sa edad na labing tatlong taong gulang. Hindi sila sumang-ayon sa pagmamahal ko para sa kanya dahil masyado pa kaming bata at isa pa ayaw na ayaw nila sa linya ng pamilyang Lee kahit na anak naman sa labas si Donna. Pero sabi ni Dad isa pa rin siyang Lee dahil si Mr. Jefferson Lee ang tatay nito at hindi puwede pa rin na magsama kaming dalawa. Is it because she is a Lee kaya ayaw na sa kanya ng parents ko? Ano ba ang mer'on sa dalawang pamilyang ito at bakit sukdulan ang hindi pagkakaintindihan at away nila? Kahit lumaban na ako sa mga magulang ko na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan. A

    Huling Na-update : 2023-08-12
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 7 - Ano nga ba ang Lihim na tinatago ni Anthony?

    TSBM Chapter 7Donna Point of View"Bakit mo sinabi 'yon?"Diretso akong tumingin sa kanya na nasa harapan ko at nakaupo sa sofa sa tabi ng stretcher bed ko. Napasinghap siya at tumayo. "Ang alin?"Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at sinaklaw ang kawalan. "Huwag ka ng madaming paligoy-ligoy. 'Yung sinabi mo na asawa at anak mo itong dinadala ko?"Natigilan siya at napansin ko ang kakaiba sa kanyang mukha at galaw. "Sinabi ko lang 'yon para iuna ka nila. Mrs. Benitez is my Mom's Best Friend and siya lang ang nag-iisang pinakamagaling na obstetrician sa hospital na ito. And Mr. Jhonas Alvarez, the owner of this Hospital, is my Ninong. Kaya kaya kong patalsikin ang mga nagtratrabaho dito sa isang tawag lang."Mahina akong napailing at tumalikod sa kanya. Ipinatong ang aking kanang braso sa aking uluhan. Hindi ako komportable tuwing kausap ko siya. Pakiramdam ko may tinatago siya sa akin. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. End of someone's Point of ViewAnthony Point of ViewI know

    Huling Na-update : 2023-08-13
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 8: Anthony's Cheating Affair With Her Ex?

    Donna Point of View "Oh, Sorry." Ibinaba nito ang kubyertos sa kanyang plates at inayos ang table napkin sa kanyang hita. "Ang ibig kong sabihin ay matagal na ba kayong magkaibigan?" Nakahinga ako ng maluwag at napatingin kay Anthony na ngayon ay kalma rin ito. "Oo. Magkababata kami." Napataas ang noo ni Mr. Wang ang father ni Jachel at uminom ng wine. "Ah so ikaw pala hija ang naikwekwento sa amin nitong si Anthony sa States." Talaga? Hanggang sa States naikwekwento niya ako? "Wala nga siyang bukang bibig kun'di ikaw." Napahalakhak ang lalaki at sumubo ng kaunting cake. "Kahit na malapit na siyang ikasal sa anak kong si Jachel ay nagback-out siya dahil may gusto siyang balikan dito... and ikaw pala 'yon." Pagbulyaw niya ng katotohanan sa likod ng lahat. Napakuyom ang kamao ni Anthony at pigil hininga ang sunod na eksena. Biglang may karayom na tumusok sa puso ko at naramdamam ko ang labis na pangingirot nito. Mas lalong yumanig ang kamay ko at ilang beses akong napapakurap. H

    Huling Na-update : 2023-08-14
  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 9 - Nakidnapped si Donna

    Donna Point of View"Bumalik ka na doon. Hinahanap ka na nila. At sa malamang hinahanap ka na rin niya."Umabot na kami sa labas ng garden ng Mansyon ng mga Wang. Aalis na ako dito pero nakadikit pa rin sa akin si Anthony."Please... Kausapin mo ako." pagsusumamo nito. "Para saan pa? Wala ka naman dapat pang iexplain!" pagbitaw ko sa kanya. Tinanggal ko na ang kamay nitong nakahawak sa aking palapulsuhan. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.'Wala naman talaga akong karapatan masaktan at magselos kasi sa una palang alam kong hindi kami at hindi ko s'ya mahal. Ayoko na siyang paasahin. Ayoko na ring magkamali.'"Bridgette and I are just friends!" pagpapaliwanag nito. " 'Yung nakita mo kanina sa kwarto, I just thanked her." Gumuhit sa kanyang mga mata ang sinsiridad. "P-Pleasee, Donna. I...love you with all my heart."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "But she was your fiance," sagot ko sa nakapanlulumong boses. Umiling siya at madiing lumunok. Na

    Huling Na-update : 2023-08-15

Pinakabagong kabanata

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 17: Blood Plate

    Donna's Point of View Sumilong ako at nagtago sa pader. Sa ilalim ng punong santol. Tinatanaw ngayon si Akirah ang anak ko sa plauground ng eskwelahan na kanyang pinapasukan. I do a background check of her, includng the deep informations. Hindi ko maalis sa aking mga labi ang labis na tuwa at galak na nararamdaman ng isa ina sa kanyang anak na matagal ng nawalay. Pero ang mga ngiting ito'y mabilis ding naglaho nang makita ko ang pagdating ni Lea. "Mommy, where have you been. I'm looking for you since earlier!" Bumusangot ang batang babae at napahalukipkip. Nirolyo pa nito ang kanyang mga mata. Hinawi ni Lea ng kaunti at bahagya ang kanyang maninipis na hibla ng buhok at inilagay ang palad sa ulo ni Akirah sabay ang pagguhit ng kanyang mga labi. "I'm sorry anak. Tara, where you want to go, baby?" Nagbago ang timpa ng mood ng bata at medyo gumaan ang mukha nito. "Odd ones." Nagpakawal ako ng malalim na hangin at sinundan ng mga tingin ko sa kanila. Since I last speak to Anthon

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 16 - 2nd Match

    Anthony's POINT OF VIEW I further do investigations sa mga Lee kahit na wala kami sa Pilipinas ng asawa ko. I also know na may bata sa pamilya nila, but not Lady Esmerald child but her Granddaughter. The child's name is Akirah and she's seven years old just my daughter anna. This little girl was the daughter of Lea and Val so it is impossible to be sured na siya nga ang batang sinasabi na anak na nawawala ni Donna. It is hard for me to do this, pero nung mga oras na dumating si Donna at ibalita na nahanap na niya ang isa sa mga anak nito ay sobra ang saya niya, pero I don't want to give her a false hope. I do a business trip sa Thailand at Saudi for twelve days, naiwan si Donna dito para sa negosyo niya and to look out for mine too. But kahit na nasa businesses trip ako ay palagi ko siyang pinapasundan sa hired spy ko. Nalaman ko na nagpupursige siya na makuha ang bata na hindi naman niya anak. Hangg

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 15 - Taguan ng Anak

    Donna Point of View "Are you sure this is the new residence of Lady Lee?" Binaba ko ang passenger side window ng kotse ko. At tinanggal ang seatbelt. Sinuot ko ang black shades ko para hindi makilala kung sino ako. "Yes, Mrs. Montenegro, iyan na po ang bagong tinutuluyan ni Lady Esmerald Lee pagkauwi niya po galing sa Switzerland last two years." sagot ng private investigator na hinired ko to look out for informations of Lady Lee. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago binaba ang cell phone. "Okay. Thanks." I wet my lips and flip my hair. Pagkauwi ko sa Pilipinas wala na kaming inatupag ng asawa ko na hanapin at pagbayaran ang mga Lee, lalong lalo na ang matandang kinakatakutan nilang lahat. Habang abala ako sa pagsasabotage at paninira sa Negosyo ni Lea ay nagpapaimbestiga pa ako sa buhay nila ngayon after kong mawala ng pitong

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 14 - Dark Life

    Third Point of View"Fucking Shit!" Halos kumawala na ang puso nito sa pagpupuyos sa galit.Hinawi pa nito ng malakas ang kanyng buhok at pinagdadabog ang kamay sa lababo ng CR sa Mall. "Tan-inang babae na 'yon! Who the bitch is she?!"Nagtipa siya ng numero sa kanyang cell phone."Hello?""Irene!" Nanatiling nakakuyom ang mga kamao ni Lea."Ma'am Lea, bakit po?" bakas sa boses ng matada ang takot sa kanyang amo."Ihanda mo ang pampakamla ko! Ngayon na!" Binaba na nito ang cell phone at sinilid sa kanyang bag na nasa tabi nito.Pinasadahan niya ng nanlilisik na mga mata ang sarili at lahat ng mga babaeng nagbabanyo ay natatakot sakanyang presensya kaya mas pinili nilang lumabas na lang.Grabe ang pagkayamot ni Lea ngayong araw na ito. Biruin mo nasira ang LA fashion desig

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 13 - Ang Simula

    Donna Point of View"Congratulations, Mrs. Montenegro!"Bumungad ang Confetti sa aking dinaadanan at ang pagpapalakpakan ng mga tao.Isang maaliwalas na mukha at ngiti ang aking iginawad sa kanila.Ngayong araw kasi na ito ang pagwelcome sa akin ng Donntrix Beauty Company Teams and Employees bilang new CEO ng sarili kong kumpanya.Lumapit sa akin ang Executive board member at inilahad nito ang kanyang kamay na siyang kinamayan ko naman pabalik. "Look at you now, Mrs. Donna. You've come so far to your success and that's because of your perseverance and dedication to your works. I'm so happy for you, my dear.""It's my pleasure to be. I don't expect this all. Pero sabi nga nila expect the unexpected." Mahina akong tumawa at inilibot ang paningin sa paligid. Pagpapakita sa kanya kung ano na ang narating ko ngayon. "Tignan mo nga

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 12 - Giving Birth

    Donna Point of View "Sige ire pa!" Mahigpit kong pinisil ang kamay ni Mamita at tumutulo ang pawis sa aking leeg. Nandito kami ngayon sa isang malapit na private resthouse ni Lady Esmerald. Dito na niya ako naidala sa sobrang pagmamadali dahil nasa kotse palang kami ay kita na ang ulo ng bata. "H-Hmmppp!!!" "Push! Push it hard, Donna!" singhal ni Lady Esmerald sa akin. "Ahhhhh!!!!" "Sige pa!!!!" "Malapit na po, isa pang mariin at malakas na ire, hija," utos ng manghihilot habang nakasuporta at hinihila nito ang matres ng tiyan ko pababa. "Sige! Ire!" "Ahhhhhh!!!!" sabay kaming sumigaw at umuri ni Lady Esmerald. Umiyak ang sanggol. "Malusog ang bata at napakaganda nito." Gumuhit ang isang linya sa mga labi ng manghihilot at labis din ang tuwa ng masilayan ni Lady Lee ang anak ko. Hinang-hina at hilong-hilo akong napahiga sa unan ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. "Anak ko... gusto kong makita ang anak ko." Hindi matatant'ya at mapapantayan ang saya na nararamdaman ko bil

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 11 - Ambush!

    Donna Point of View Nang nalaman ko ang buong katotohanan tungkol sa tunay kong pagkatao na hindi ako Madrigal at Lee ay biglang tumigil ang takbo ng mundo ko. Kaya pala simula't sapol hindi ako tanggap ni Cassie bilang kapatid nito, at alam na rin pala niya ang totoo pero hindi niya kaagad sinabi sa akin at piniling isekreto. Si nanay na akala ko tapat at totoo ay nagawa niyang maglihim sa akin. Nagawa niyang nakawin ako sa tunay kong mga magulang. Buong buhay ko peke pati ang pagkatao ko ay huwad. Sa labis na hinanaing at pagdurusa na nararansan ko buong buhay ko ay pinili kong sumama nalang kay Anthony kahit saan niya pa ako dalhin. Kahit saang lupalop malayo sa sakit at kamalasan na nangyayari sa buhay ko. Pero nang nasa kalagitnaan na kami ng daan ni Anthony ay bigla kaming hinarangan ng isang itim na kotse kasunod nito ang puting Van. "Mamita?" Napaawang ang mga labi ko sa kadarating nasi Lady Esmerald. "Donna!" nanlisik ang mga mata niya nang abutan kami nito sa gitna ng

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 10 - Pinagkaitan ng Pamilya (Kagimbalgimbal na Rebelasyon)

    Donna Point of View"Salamat, Val. Pero kailangan ko ng umuwi."Bumuga ako ng malalim na hangin at yumukong lalabas na sa sasakyan nito."Stop!" Napatutop ang bibig kong nilingon siya. Diretso siyang nakatingin sa daan kung saan kami nagpark. Walang emosyon ang mababasa dito."V-Val?""I'm sorry."Napakunot ang noo ko sa mga sinabi nito. Kung kanina siya ang nagligtas sa akin sa kamay ni Lea tapos ngayon ay nag so-sorry siya? Tama ba ang narinig ko? Pero for what reasons? Sa panggagago niya? O sa pag-abando sa sarili nitong anak?"I'm sorry sa ginawa sa 'yo ni Lea." malalim nitong paghingi ng dispensa. Inilapat n'ya ang mga mata nito sa 'kin. "Don't worry ako na ang bahala sa kanya. I will make sure na magbabayad siya sa ginawa n'ya sa 'yo."Sinasaniban ba s'ya?"Ano nga ang sinabi mo?" Para akong narindi sa nasabi nito. "Sumama kana ulit sa akin. Magsimula tayo ulit. Ako at ikaw." Dinampi nito ang kanyang palad sa aking pisngi. "So ibig sabihin..Tanggap mo na ang anak mo?" Hinawak

  • The Seeds of the Billionaire's Mistake   TSBM Chapter 9 - Nakidnapped si Donna

    Donna Point of View"Bumalik ka na doon. Hinahanap ka na nila. At sa malamang hinahanap ka na rin niya."Umabot na kami sa labas ng garden ng Mansyon ng mga Wang. Aalis na ako dito pero nakadikit pa rin sa akin si Anthony."Please... Kausapin mo ako." pagsusumamo nito. "Para saan pa? Wala ka naman dapat pang iexplain!" pagbitaw ko sa kanya. Tinanggal ko na ang kamay nitong nakahawak sa aking palapulsuhan. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.'Wala naman talaga akong karapatan masaktan at magselos kasi sa una palang alam kong hindi kami at hindi ko s'ya mahal. Ayoko na siyang paasahin. Ayoko na ring magkamali.'"Bridgette and I are just friends!" pagpapaliwanag nito. " 'Yung nakita mo kanina sa kwarto, I just thanked her." Gumuhit sa kanyang mga mata ang sinsiridad. "P-Pleasee, Donna. I...love you with all my heart."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "But she was your fiance," sagot ko sa nakapanlulumong boses. Umiling siya at madiing lumunok. Na

DMCA.com Protection Status