Tatlong araw ang nakalipas ay sabog na sabog na ata ako dahil maraming clients at hindi lang ‘yon yung deadlines sunod sunod ‘teh. “Mayi labas ka naman!” Malakas na sigaw ni Savi sa labasan ng kwarto ko kaya ngumuso ako. “Ayokoo.” “Dalian mo na!” Malakas na sabi niya. “Eh! Ayoko sa istorbo may ginuguhit ako.” Inis na sabi ko at nagmaktol tsaka ako patuloy na gumuhit ngunit hindi ako nakukuntento sa disenyo ng gawa ko dahil feel ko masyadong common. Ngumuso ako dahil naghilamos lang ako at sipilyo kaninang umaga at anong oras na hapon na lulubog na ang araw. “Mayi! Bahala ka!” Sigaw ni Savi kaya ngumuwi ako at ng bumukas ang pinto ay napamura ako. “Pota naman hindi ako maka-focu— u-uy Eros!” Napaupo ako ng maayos ng makita siyang may hawak na paper bags at inumin na galing starbucks. Napasipol siya ng makita ang kalat sa kwarto ko, crumpled paper, crumpled tissue may mga water bottle pa sa sahig na lagayan ng mineral. How do I look?! Jeez. “B-Bakit wala kang pasabi.” Nata
Nang umabot ang alas otso ay naisipan kong umorder muna ng lutong bahay dahil wala namang laman ang ref namin dahil nagdadala at bumibili ng ulam si Savi parati. Nang dumating ang mga ‘yon ay nagbayad na muna ako, tapos ay ihinanda ko bago ako bumalik sa kwarto at sinilip si Eros. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya tapos ay tinitigan muna siya. Napatitig ako sa labi niya na bahagyang nakaawang, ang matangos niyang ilong ay hindi nagpapaawat kahit na ang mahabang pilik mata nito. Ngunit halos nanlaki ang mata ko ng makita ko ang asul niyang mata na nakatingin na sa akin. “Eros.” Sambit ko at umayos na. “Damn, your bed is comfortable.” Pigil ngiti ko siyang pinanood ng yakapin niya ang unan ko. “Tumayo ka na para maka-kain na tayo. Mamaya samahan mo ako lumabas,” nangunot ang noo niya at inaantok na bumangon. “Glad I wore something comfortable.” Sagot niya at tumayo, marahan niya naman akong itinulak habang nakahawak siya sa balikat ko. “Hmm smells good.” Naupo siya sa t
Naalimpungatan ako ng magmulat ay natatanaw ko si Eros na nagbibihis na, he’s wearing his favorites turtle neck but it’s a shirt for today and it’s red. The next thing is he grabbed his black waterproof hoodie. Tumerno naman ang itim niyang pants, bumangon ako dahilan para lingunin niya. “It’s raining today,” mahinahon niyang sabi at sumilip sa bintana kaya natanaw ko kung gaano kalakas ‘yon. Kaya pala ganoon ang kaniyang suot, “breakfast?” Kwestyon ko. “Let’s eat.” Sagot niya kaya lumabas na ako ng kwarto upang mag banyo, tapos ay naupo na ako sa table at may simpleng pagkain na tulad ng bacon at egg isama na natin ang toasted bread na mukhang siya ang may gawa. Kumain kaming dalawa, kaya naman ng matapos ay alam kong aalis na siya. “Ingat.” Kinawayan ko pa siya, he chuckled. “Lock doors, darling—“ “Yuck Eros, don’t call me that, are you my sugar daddy?” Maarteng sabi ko dahilan para matawa siya. “Daddy lang,” kinindatan niya ako at kumaway patalikod. Nang makaalis na siya ay
“It was opened ten years ago, Eros. Inabot rin ng isang taon ang kaso. Imposible na nabuksan ‘yan limang taon ang nakalipas.” Alanganin akong ngumiti nang sabihin ko ‘yon, matagal akong tinitigan ni Eros. “Isang beses lang ba nabuksan ang kaso?” Tanong niya kaya tumango ako. “It was opened four times.” Sagot niya at ibinaba sa harap ko ang isang folder. “Unang kaso, si Santiago ang abogado. Pangalawang bukas nagtagal lang ng isang buwan, 7 years ago. Pangatlo, 6 years ago, three weeks lang ang itinagal hindi pa napunta sa korte. Pang apat dalawang buwan ang itinagal ng kaso and it was five years ago.” Napalunok ako at nagtaka ng sobra. “Sinong nagbukas?” “Daddy mo.” Sagot niya dahilan para manlaki ang mata ko. “Really?” Kwestyon ko. “Yeah.” Sagot niya kaya sandali akong natulala, kung ganoon binubuksan ni dad ‘yon at hindi niya pinaalam sa akin? “Ito na ang pang lima na nabuksan ang kaso?” Tumango si Eros kaya huminga ako ng malalim. Alam kong ginahasa si mommy noon
(SPG WARNING! Might be disturbing and triggering.) M-Murder? “Just give up the case Eros, damn it why do you even have to take it? Alam ba ni Ms. Zamora ang tungkol sa kaso ng mommy niya hindi ba’t hindi nga niya alam na murder— Ms. Zamora.” Tinignan ko ang kapapasok lang ngunit nagtuluan na ang luha ko. “Mayi.” Lalapit sana sa akin si Eros pero tumayo ako at umiling. “I’m okay.” Mahinahon na sabi ko at inayos ang folder. “I’m sorry, aalis muna ako.” Hindi ko pinansin ang isang abogado na kasama niya at tsaka ko tinitigan ang sahig dahil sa sakit na nararamdaman. “Mayella, pull yourself together.” Mariin akong pumikit at nagsimulang humikbi ng humikbi. “H-Huwag mo muna akong hawakan,” nanginginig ang tinig kong pakiusap. Natataranta kong inabot ang bag ko at tsaka ako nagmamadaling naglakad papalabas pero bago pa man ay may humuli na sa akin. “Mayella, listen—“ “O-Okay lang ako, s-salamat.” Binawi ko ang braso ko at nagmamadali akong lumabas ng opisina niya, tum
“Usap muna kayo.” Iniwan nila ako kay Eros kaya naman tinitigan ko si Eros ng matagal. “I’m really sorry if you found out that way, Mayi.” Naupo siya sa gilid ng kama ng ospital at bahagyang napayuko. “I heard from your dad that you suffered depression because of your mom’s loss. Hindi ko alam na pupunta ka sa office ko kaya hindi ko naitago lahat ng ‘yon.” Lumunok ako at pinakinggan siya. “Maybe, it’s already time for me to find out what really happened. Gusto ko lang talagang magluksa kahit isang araw para mailabas ko yung nararamdaman ko at hindi ko inaasahan na may ganitong mangyayari.” Matipid akong ngumiti. “If this is murder then they really have to pay, whatever it takes.” Tumango tango si Eros. “I studied your mom’s case, and the first time I scanned it I knew it was murder. I actually wanted to interview the three attorneys who held the case before, but I found out the two were already dead.” Nanlaki ang mata ko sa narinig, seryoso? “Are they old?” “No, they’r
Sunod na araw ay nagbihis ako ng kaakit akit, pero hindi ako dumeretso sa law firm ni Eros kundi sa law firm na pag-aari ng Santiago. Nang makapasok ay dumeretso ako sa opisina ng panganay na anak ni mayor, pamilyang abogado sila ngunit nakakatawang ganoon sila magtrabaho. Pagkapasok ko ay kusang ngumisi ang labi ko ng tinignan kaagad nito ang kabuohan ko. “Attorney Santiago.” Bati ko, tinignan nito ang mukha ko bago siya tumayo. He looks professional because of his suit. “Ms.Zamora, I don’t have any appointment with you?” Kwestyon nito, sa takong kong apat na pulgada ang taas kaya ko ‘tomg ihampas sa ulo mo ngayon tch. Ang maiksing dress ko ay sanay ko namang suotin dahil pag nasa party noon ganito ang mga damitan ko. “Then can I have an appointment with you now, attorney?” Ginandahan ko ang ngiti ko, nakita ko naman ang paglunok nito bago umiwas tingin at huminga ng malalim. “Sure, sit down.” Itinuro niya ang entertainment part ng opisina niya sa kung saan may maliit na m
“Dad, don’t you guys know how to knock?” Kwestyon ni Eros na hindi man lang ba siya nahihiya na nahuli kami ng dad niya na ginagawa ang oh my goodness. Nang makita ko ang pagngisi ng dalawang kapapasok ay nasapo ko ang pisngi ko. “I’m really sorry po.” Nahihiyang sabi ko. “It’s okay, that’s normal. Gawain ko rin ‘yan ng kabataan ko—“ “Dad, be ashamed.” Seryosong sabi ni Kuya Ashanti. “As if I didn’t caught you making out with—“ “Dad.” Pigil naman ni Eros na para bang iniiwasan niyang marinig ng kapatid ang pangalan na babanggitin, baka ex ni Kuya Ashanti? “Sorry, but we need you to take care of our company for a moment, Eros. I remember you studied business even just for a year.” Ngumiwi kaagad si Eros sa narinig halatang ayaw. “Aalis po muna ako, thank you.” Nakangiting sabi ko at tsaka tinanguan lang si Eros tsaka ako nagmamadaling umalis. Huminga ako ng malalim at tsaka ko tinanong si Espi kung nasaan si Shobe ng mabisita ko naman siya, kagat kagat ko ang labi kong
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Hindi ko alam kung dahil ba sa paraan ng pagkakasabi niya o dahil sa titig niyang parang binabasa ang buong pagkatao ko, pero hindi ako mapakali sa sasakyan. Everything between us will change? Anong ibig sabihin niya roon? At bakit parang may alam siyang hindi ko alam? Huminga ako nang malalim at pilit na binalewala ang kung anong gulo sa dibdib ko. Ayoko nang bigyan ng kulay. Kung may binabalak siyang kalokohan, hindi ako papayag. “Enzo,” matigas kong sabi. “Hmm?” Hindi man lang siya nag-abala na lingunin ako, pero naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. “Hindi ako pumayag. Hindi ako sasama sa gala.” Tila ba inaasahan na niya ang sagot ko dahil napailing na lang siya at napangisi. “Oh, you will.” Nagtaas ako ng kilay. “At paano mo naman nasigurado ‘yan?” “I sent an invitation to your hospital’s board of directors.” Halos mapanganga ako. “You what?!” “Yeah. Your name’s already on the guest list, and guess what?” Binalingan niya
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Pagkatapos ng pang-aasar niyang ‘yon, nagpatuloy kaming kumain, pero hindi ko na siya halos tiningnan. Baka kasi makita niya kung gaano ko na pinipigilan ang sarili kong hindi ngumiti. Lintek na Enzo. Kahit kailan hindi ko siya natalo sa mga asaran namin. Kahit noong mga panahong mag-best friends pa lang kami, laging siya ang may huling banat, laging siya ang may pang-aalaska na hindi ko masabayan. Akala ko ba, Aria, hindi mo na siya hahayaang makaapekto sa’yo? Pero heto ako ngayon—hindi mapakali, hindi makatingin nang diretso, at parang may butteflies sa sikmura tuwing ngingisi siya. Damn it. “I feel like I deserve a reward,” biglang sabi niya habang inaayos ang manggas ng suit niya. Napasulyap ako sa kanya, pinipilit maging deadpan. “Para saan?” He smirked. “For making you smile.” Napaigtad ako. “Anong—Hindi ako nakangiti!” “Tanggi ka pa,” natatawa niyang sabi. “Kitang-kita ko kanina. Akala mo hindi ko nahuli ‘yung maliit na ngi
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Pagdating ko sa coffee shop na malapit sa ospital, halos kalahating oras na ang lumipas pero wala pa rin si Enzo. Hindi naman ako naiinip, pero bakit parang may kaunting kaba sa dibdib ko? Umorder ako ng cappuccino at umupo sa sulok kung saan hindi ako madaling mapansin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nag-aalalang makita ako ng ibang tao kasama si Enzo. Alam naman ng lahat na magkaibigan kami noon pa, hindi ba? Pero bakit parang may ibang pakiramdam ngayon? Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Enzo. Suot pa rin niya ang itim niyang suit, bahagyang magulo ang buhok, at mukhang pagod. Pero kahit pagod siya, hindi pa rin nawawala ang presensya niyang kayang punuin ang isang buong silid. Dire-diretso siyang lumapit sa akin at walang sabi-sabing umupo sa harapan ko. “Late ka,” bungad ko, sinadyang gawing impit ang tono para hindi mahalata ang pang-aabang ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkapasok namin sa opisina niya, agad akong umupo sa sofa habang siya naman ay tumayo sa harap ng mesa, niluwagan ang tie niya at bumuntong-hininga. Ngayon ko lang talaga napansin—he looked exhausted. Ang Enzo na kilala ko ay laging maayos, laging handa sa kahit anong laban, laging may pang-asar na ngiti sa mukha. Pero ngayon, para siyang may bitbit na buong mundo sa balikat niya. “You sure you’re okay?” tanong ko ulit, mas mahinahon na ngayon. “I’m fine, doc.” Iyon lang ang sagot niya, pero halatang hindi siya okay. Pinagmasdan ko siya habang dumaan siya sa gilid ng mesa, kinuha ang basong may tubig at uminom. Ang bawat galaw niya ay parang mabigat, pero hindi niya ito ipinapahalata. Napansin yata niyang hindi ako natitinag sa pagtitig sa kanya kaya napangisi siya nang bahagya. “You’re staring.” Napaayos ako ng upo. “Wala kang pakialam.” “Hmm, let me guess… you missed me?” tukso niya, pero halata sa tono niya na gusto lang niyang
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Then suddenly, for a moment, I was reminded of the fiancé he’s been hiding before. Are they married now? While we are eating, I suddenly wanted to ask him. “How are you and your wife?” malumanay ang pananalita ko ngunit napahinto siya. “Wife?” pag-uulit niya na tila ba nabingi siya sa aking inulat. Ang asul niyang mata ay nakatuon sa akin ngunit ang tingin niya ay nangengwestyon. “Y-You had a fiance before I left,” pabulong na asik ko. Napahinto siya lalo at tila naunawaan ang sinabi ko. “Oh, about that. My fiance left, so we didn’t really got married.” On his remarks, napahinto ako. Iniwan rin siya? Is it because of me? Napatingin ako sa kanya, pilit iniintindi ang sinabi niya. “Your fiancée left?” mahinahon kong ulit, pero sa totoo lang, may kung anong bigat ang bumagsak sa dibdib ko. Tumango siya at muling sumubo ng pagkain, parang kaswal lang ang usapan na ‘to para sa kanya. “Yeah. She left, just like that.” May bahagyang pait sa
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Putangina. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. “As if,” masungit kong sagot habang ibinaba ang folder sa mesa niya nang may diin. “Nandito lang ako kasi baka kailangan mo ‘to sa kaso mo. Period.” Tumango-tango siya, pero halata sa ngisi niya na hindi siya naniniwala. “Right. And you just happened to pass by my law firm with those records in hand?” Nagtaas ako ng kilay. “Exactly.” “And that totally doesn’t sound like an excuse?” Huminga ako nang malalim at tumingala, pilit pinipigilan ang sarili ko na sipain ang lamesa niya. “Enzo, putangina ka talaga. If you don’t need the records, I’ll leave.” “Woah, woah.” Pinatong niya ang siko niya sa mesa, nakangisi pa rin. “Don’t be so defensive, doc. You’re starting to sound guilty.” “Guilty saan?” “Missing me.” Binigyan ko siya ng deadly glare, pero mukhang mas lalo lang siyang na-eentertain. “Alam mo, attorney, gusto talaga kitang suntukin minsan.” “Go ahead. Pero baka lalo kan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan namin ni Enzo, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiwas sa paraan ng pagtitig niya—masyadong sigurado, masyadong kampante na kaya ko ang lahat, kahit ako mismo kanina lang ay muntik nang matalo ng kaba. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa lounge. Pagod na pagod ako, pero alam kong hindi pa tapos ang araw ko. Saktong pag-upo ko pa lang sa couch ay naramdaman ko ang presensya ni Enzo sa tabi ko. Hindi ko na rin nagawang magulat. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta, parang may radar siya pagdating sa akin. “Stress reliever?” tanong niya sabay abot ng isang boteng tubig. Tinanggap ko iyon nang hindi siya tinitingnan. “Hindi mo ba ako bibigyan ng energy drink? Alam mo namang hindi ko kailangan ng tubig lang.” “You’re a doctor. Alam mong hindi maganda ang sobrang caffeine.” Napanguso ako at uminom ng tubig bago siya sinulyapan. Nakasa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Ilang araw ang lumipas, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, pero parang sinadya ni Enzo na guluhin ang sistema ko. Tuwing may meeting kami tungkol sa kaso, hindi ko alam kung paano niya nagagawang balansehin ang pagiging seryosong abogado at pagiging panggulo sa isipan ko. Katulad ngayon. Nakaupo kami sa isang pribadong restaurant kung saan niya ako dinala para pag-usapan ang magiging approach namin sa deposition. Ang kaso? Hindi ako makapag-focus dahil sa paraan niyang tumitig sa akin—parang may ibang agenda maliban sa kaso. “Can you stop looking at me like that?” iritable kong sabi habang binubuklat ang folder sa harap ko. Nag-angat siya ng tingin mula sa baso ng whiskey niya at ngumiti. “Like what?” Napairap ako. “Like you’re thinking of something other than work.” “Hmm, guilty,” walang kahirap-hirap niyang inamin. “Pero sino bang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong maadik sa presensya mo, doc.” Napaat
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagtagal pa kami sa opisina niya, hindi nagmamadaling tapusin ang usapan, hindi rin nagmamadaling umalis. Parang kahit wala kaming sinasabi, may sariling paraan ang hangin sa pagitan naming dalawa para magkaintindihan. “So,” basag niya ulit sa katahimikan. “What now, doc?” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” Umayos siya ng upo, ini-cross ang isang paa sa ibabaw ng tuhod niya, all casual and confident—Enzo Fuentabella in his natural state. “You’re cleared from the case. Wala ka nang dapat ipag-alala. Pwede ka nang bumalik sa dati mong routine, wala nang istorbo na kagaya ko.” Nagkibit-balikat ako, nag-aalangan kung dapat ko ba siyang seryosohin. “That’s good, right?” Ngumiti siya, pero hindi ito ‘yong usual na mapang-asar niyang ngiti. “Right.” Tumingin siya sa akin nang matagal, as if waiting for something. Nang hindi ako nagsalita, siya na ulit ang nagpatuloy. “Pero tell me honestly, doc… did you really want me gone?” Napalunok a