Bukas ulit ha? Happy reading! Hello rin sa mga readers ko! Thank you so much! 💞 sana mag-enjoy kayo—bago masaktan HAHAHAH char!
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagkibit-balikat ako, kunwaring hindi apektado, pero sa loob-loob ko, hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa bawat titig at banat ni Enzo. Nakakainis, kasi alam kong pekeng relasyon lang ito—pero parang totoo ang lahat ng pakiramdam. Habang abala si Marco sa pag-text, si Enzo naman ay sumandal sa upuan, ang braso niya ay nakaakbay sa akin nang walang pakialam sa mga nakatingin. “May napansin ka bang ibang tao dito, Aria? O sa tingin mo ako lang ang dapat mong pagtuunan ng pansin?” biro niya, pero may halong asar sa tono niya. “Uy, huwag mo akong ipitin sa mga trick mo, Enzo.” Hinawi ko ang braso niya pero hindi siya natinag. “Ikaw kaya ang tingnan mo, parang ikaw pa yata ang insecure?” Tumingin siya sa akin, at ngumisi, para bang alam niyang nahuli na niya ako. “Insecure? Baka ikaw ang natatakot na baka isang araw, may makita akong iba.” Napatigil ako at natawa. “Ha! Malabo yata ‘yun. Alam mo bang ‘di ako tumatanggap ng replacement?” sabi
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Napatingin ako kay Enzo, at parang ang bigat ng bawat salitang sinasabi niya. Nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin, at kahit pa pilit kong iniisip na laro lang ito, hindi ko mapigilan ang kilig na gumuguhit sa puso ko. Nginitian ko siya nang mahina, pilit na pinapanatili ang pagiging kaswal, kahit ramdam ko na nababasag na ang pader na itinayo ko. “Pabayaan mo na lang kaya ’yung mga yan, Enzo. Hindi naman kailangan ng drama.” Pero ngumisi lang siya, at halatang hindi siya natitinag. “Sino bang may pakialam sa drama? Ikaw lang naman ang iniisip ko.” Napakurap ako at napaatras nang kaunti. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. “Ano bang gusto mong palabasin?” tanong ko, pilit pinapanatiling steady ang boses ko, kahit halatang halata ang panginginig nito. Lumapit siya nang kaunti, halos magdikit na ang mga mukha namin. “Simple lang naman. Gusto ko lang malaman mo na totoo ’to para sa aki
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= “Hmm, ingat—” “I’ll drop her off sa condo mamaya, okay lang?” tanong ni Marco. Naningkit ang mata ni Enzo ngunit tumango. “It’s safer that way then sure…” Nakipag-fist bump pa siya kay Marco at muli akong tinanguan bago umalis. Nang makalabas siya ay halos masapo ko ang braso sa malakas na palo ni Marco, hindi naman full force. “Kingina niyo, yari kayo kay Ate Mayi.” “Ansakit ah!” “Basta! Ayusin niyo nga buhay at relasyon niyo, mga sira… Totohanin niyo na lang, Aria.” “Oo na, ingay mo Marco. Ia-announce mo ba sa lahat,” singhal ko pa. Ngumisi siya at umiling. “Basta akin lang, Aria. Just fall for him, huwag mo na pigilan. Kaya nga hindi ako makaamin noon pa man kase I could feel na you had a crush on Enzo ever since we’re kids.” “Nagka-crush rin ako sa’yo,” pagrarason ko. “Hindi sinlalim ng nararamdaman mo sa kanya, kasi kung gusto mo talaga ako noon. We’re not gonna be friends, Aria.” Sa sinabi niya ay bahagya akong sinampal ng katotohana
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Isang linggong nakalipas ay nakatitig ako sa seryosong lalake na Japanese na nakatitig ng masama kay Enzo. “You want me to cheat inside the court?” gitil ni Enzo at seryoso. “Nag-abogado ba ako para dayain ang system?!” Napapitlag ako nang malakas na hampasin ni Enzo ang mesa niya sa harap ng Japanese na client niya. Huminga ng malalim ang kliyente niya at nanatili ako sa gilid. “Ano pang silbe ng katarungan kung ako mismong abogado ay gagaguhin yung batas?!” bulyaw ni Enzo. Hindi na mapigilan ang galit. “I’m sorry about that, Atty. Fuentabella, I’m willing to pay you millions just for this—” “I don’t fucking care, I can refurn it in billions!” singhal ni Enzo at nasapo ang noo. Napamulagat ako sa sinabi ni Enzo. Hindi ako sanay makita siyang ganito ka-init ang ulo sa harap ng kliyente, lalo na’t malaki ang perang nakataya. Pero sa bawat galit na bulyaw niya, lalo ko siyang hinangaan. Kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon at pri
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nang matapos niyang sagutin ang tawag, napansin ko ang bahagyang pagbabago sa mukha niya—seryoso na naman siya, ngunit may lambing sa mga mata niya tuwing ako’y tinititigan. “Okay ka lang?” tanong ko, medyo nag-aalangan ngunit gusto ko ring malaman kung okay lang siya matapos ang pagkakasagutan nila ng kliyente kanina. Ngumiti siya, pilit na itinatago ang pagod na nadarama. “Okay lang ako, Aria,” sagot niya, at may kakaibang init sa mga mata niya. “Kaya lang… sa tuwing may kliyenteng tulad kanina, pakiramdam ko kailangan kong magpahinga kasama ang isang tao na alam kong hindi ako huhusgahan o pipilitin.” Nagbiro ako, pilit binubura ang tensyon. “Pahinga lang ba talaga ang hanap mo, Attorney Fuentabella?” Tumawa siya, at sa halakhak niyang iyon, naramdaman kong bumalik ang dati niyang kakulitan. “Depende. Kung kasama ka, baka higit pa sa pahinga ang kailangan ko.” Mapanukso siyang ngumiti, at hindi ko mapigilan ang pagpintig ng puso ko
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Dahil sa paghihintay ni Enzo sa desisyon ko na totohanin namin ang relasyon namin ay halos dalawang araw kaming hindi nagkita ngunit binabagabag ako ng isip ko. Hindi ko naman itatanggi na kagusto-gusto talaga siya. ‘Si Enzo na ‘yan eh, bukod sa pagiging youngest lawyer and a Harvard graduate, he’s also handsome and— I don’t know about his attitude… As a boyfriend but it’s not hard to like Enzo. You’ll fall for him without even noticing… That’s what I felt for him when we’re younger…’ Napatingin ako sa kawalan habang nag-iisip. Ang dami kong tanong sa sarili ko—kung bakit ako nagdadalawang-isip pa, kung bakit hindi ko kayang sumugal kahit may parte ng puso ko na matagal nang may nararamdaman kay Enzo. ‘Hindi naman niya ako pinipilit, pero bakit ang hirap tanggapin na gusto rin niya ako?’ Habang patuloy akong naglalakad pabalik sa condo ko, naisip kong baka nga ang takot ko ang humaharang. Takot na baka masaktan, takot na baka masira ang pa
=Enzo Dane’s Point Of View= Hindi ko mapigil ang ngiti sa mga labi, parang napupunit na nga ito sa sobrang saya na nararamdaman ko. “H-Hoy, para kang baliw na nakangiti diyan.” Pagpansin ni Aria kaya natakpan ko ang bibig at ngumiti ng malaki. “I’m sorry. I can’t explain how happy I am. Knowing that you are mine,” ani ko at inakbayan si Aria habang naglalakad kami sa pasilyo ng condominium namin. “I’ll just drop you by, I need to go home since dad need me on his case, I’ll be back by 10 PM.” Pagpaapaalam ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Nang makapasok siya ay ngumiti ako. “I’ll see you tonight?” pabulong na aniya ko at pinantayan ang mukha niya dahil baka nangalay na ang kanyang leeg sa kakatingala sa akin. “Mmm, ingat ka ha,” malambing na sabi niya kung kaya’t natakpan ko ang bibig. ‘Damn it, it was too sweet for my ears.’ Kumawala ang ngiti sa labi ko at dahil doon ay natawa si Aria. “You should go na, I’m sure Tito Eros is waiting for you. Babye!” “Hmm, by
=Enzo Dane’s Point Of View= Habang papalabas ako ng bahay, hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang message ni Aria. Simpleng bilin lang sa kape, pero para bang kahit anong simpleng bagay kapag galing sa kanya ay nagpapasaya sa akin. Pagdating ko sa coffee shop, sinadyang pumili ako ng espesyal na order para sa kanya—alam kong gusto niya ang may extra caramel at konting whipped cream. Dahil gabi na, naisip ko ring dagdagan ng maliit na brownie para may konting surprise siya. Pagdating ko sa condo, sinikap kong huwag gumawa ng ingay. Pagbukas ng pinto, natanaw ko si Aria na nakaupo sa sofa, nakakunot ang noo habang binabasa ang isang libro. Napatingala siya nang makita akong pumasok, at tumayo agad. “Ang tagal mo naman! Akala ko nakalimutan mo na yung bilin ko,” biro niya, ngunit may halong lambing ang boses. “Hindi ko nga nakakalimutan ang mga gusto mo, ‘no,” sagot ko at iniabot ang kape pati ang brownie. Napangiti siya nang makita ang extra sa order. “Wow, brow