"Hey, hey, pretty babe," Harvey called out to me. I wanted to roll my eyes and give him a swift kick to get him away so I could head home right away.
"I'm not in the mood right now, Mr. Piamonte," I replied, quickening my pace as I made my way out of our school. The exit gate was still crowded with students, even though the dismissal had been a while ago. This school had an incredibly large student population.Oh no! Am I going to make it to Faller's training on time? I even promised I would attend."Shane!""Shut up, H. Piamonte!"We finally made it out of the gate. I sighed in relief, only to remember that I didn't bring my car today because of the flat tire in the morning. I didn't have time to get it fixed either, or I'd be late for my classes.Napatingin ako sa nakabuntot ko pa ring manliligaw. Galing ito sa mayamang pamilya kaya sigurado akong mapapakinabangan ko ito ngayon."May sasakyan kang dala?" usisa ko pa."Ah, yes. Nandiyan na ang family driver namin."Wow, may family driver pa ang isang ito. Kung sabagay ay isa siyang Francisco kaya hindi na rin ako nagtaka pa nang sinabi niyang may undercover agent na nagbabantay sa kanya 24/7. Ang ikinagulat ko pa ay galing iyon sa Guieco Clan."Puwede bang makisabay? One way lang naman tayo, kahit hanggang GC Mall lang...""Let's go!" excited pa nitong sabi at hinila na ako papunta sa van nila.Nagkagulatan pa kami ni Kenya nang magkita kami sa loob. Kasama niya rin ang gwapong lalaki na kamukha ni Harvey. Ayon sa nameplate ng lalaki ay Erique Francisco ang pangalan nito. Magkakaibang school din ang pinapasukan namin.Hindi kami nagkibuan ni Kenya at umaktong hindi namin kilala ang isa't-isa. Ang problema namin ay kung paano bababa nang sabay dahil paniguradong iisa lang naman ang destinasyon namin. "Ah, sa GC Mall lang ako," sabay pa naming sabi."Oh, anong meron sa GC Mall ngayon? May event ba?" inosenteng usisa ni Harvey."Ah, yeah! Concert ng isang boy band," kaagad kong palusot."Really? Puwedeng sumama?""Bawal," sabay pa naming tugon ni Kenya."Kailangan ay may ticket ka, meron ka ba?" dagdag usisa ko."Wala, eh.""Eh, hindi ka makakasama niyan," tipid na sabi ko.Maya-maya ay pasimple kaming nagkatinginan ni Kenya at nagsenyasang malapit na kami.Makalipas ang halos 45 minutes ay narating na namin ang aming destinasyon. Hindi naman din talaga kalayuan ang GC sa school namin pero sobrang traffic lang."Manong, dito na lang po kami," sabi ko pa at diretsong pumulos palabas. Hindi na rin ako nag-abalang magpasalamat dahil nagmamadali na ako.Mabuti na lang at hindi traffic sa harap mismo ng GC Mall kaya hindi na nakatambay pa ang van nila Harvey. Hinintay muna naming tuluyan silang mawala sa aming paningin bago pumasok ng GC Camp.Ni hindi na ako nag-abala pang tanungin si Kenya kung bakit kasama niya ang Erique Francisco na 'yon at kung kaano-ano ba iyon ni Harvey. Mamaya na lang ako makikipagchismisan sa bruha kong pinsan.Kaagad na dumiretso ako sa aking flat at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tumakbo na ako papunta training area."Time is up!" Iyon ang anunsiyong narinig ko. Nakita ko kung paano halos na gumapang si Faller habang si Marciella ay wala man lang kagalos-galos.Kaagad akong tumakbo sa lalaki at tinulungan siyang tumayo. Nang makapagbalanse na siya ay tinapik niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso."Get lost," mahina niyang sabi. Bahagyang napaawang ang aking bibig pero sinunod na lang ang kanyang gustong mangyari.Nilapitan ko si Marciella habang nakasimangot ang mukha. "Anyare? Bakit parang dinumog ng sampung tigre si Faller?" tanong ko habang masama ng tingin sa PA leader namin.Walang emosyon naman ang titig na ibinigay nito sa akin. Pinigilan kong mapalunok at nilabanan iyon."Galing siya sa penalty room pagkatapos ng training niya. Bakit? May mali ba akong ginawa?" balik-tanong din nito sa akin. Saglit akong natigilan at umiling."Wala," tipid kong sabi at tinapunan ng tingin si Faller na nagpupunas ng kanyang pawis.Kahit na pawisan at halatang pagod na pagod ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya."Hindi mo tatanungin kung bakit nagka-penalty siya sa Day 1 ng kanyang training?"Napatingin naman akong muli kay Marciella. Ang lupit talaga ng babaeng ito pagdating sa training, eh. Palibhasa ay siya ang pinakanahirapan noong trainees days namin dahil siya lang ang kaisa-isang umabot sa finish line dahil sumuko kaming lahat bago pa namin maabot ang final round.Gumaganti siguro siya o baka paraan niya na rin para mas maging magaling at matatag ang isang baguhang agent. Alinman sa dalawa ay hindi ako sigurado. Ang hirap kasing kalkulahin ng pagkatao ng isang ito."Dahil sa'yo.""What?!" malakas kong asik. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong napalingon pa saglit sa gawi namin si Fall. "Sa akin? Bakit?" halos pabulong kong tanong."In-assign ko siyang maging permanent partner mo pero tumanggi siya kahit na malinaw sa kanya na may penalty kapag umayaw siya. Ayaw ka niyang maging ka-partner in crime, Kenshane Guieco," sabi pa nito sa nang-aasar na tono.Inirapan ko nga ito kahit na PA Leader pa namin siya. "Bakit ako, aber?""Dahil baka ikaw lang ang PA na walang ka partner sa mga misyon?""Si Kenya...""Na lalaki."Sa inis ko ay itinulak ko siya dahilan para mawalan siya ng balanse at sumalampak sa lupa."What the hell?!" asik niya.Mabilis pa sa hangin na nakatayo siya at hinampas ako ng hawak niyang baston. Mabuti na lang din at mabilis akong nakaiwas. Ang pangalawa niyang atake ay hindi na ako nakaligtas pa. Tinamaan ako sa likod. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at impit na napatili dahil sa sakit niyon."Huwag mo akong hahamonin, Kenshane. Alam ko ang lakas at kahinaan mo," puno ng kumpiyansang saad nito.Yeah, right. Hindi siya naging PA leader para sa wala. Natalo niya kaming lahat na PA sa lakas, liksi at maging sa talas ng utak.Walang lingong-likod na iniwan niya kami ni Faller sa loob ng training ground. Napabusangot na lang ako at pilit na hinimas-himas ang aking likuran. Paniguradong magpapasa ito."Alam mong hindi mo kaya pero kinanti mo pa," rinig kong saad niya."Ayaw mong maging mission partner ako kaya mas pinili mong tanggapin ang penalty?" pangugumpirma ko. Ginawa ko ang abot sa aking makakaya para huwag iyon haluan ng sama ng loob na tono."Yeah.""Why?""Just.""Sorry," mahinang sambit ko."For?" kaswal niyang tanong."For everything," tugon ko sabay yuko. Natatakot akong makasalubong ang kanyang tingin.Narinig ko ang kanyang sarkastikong tawa. "Sorry lang? Marunong ka pa palang humingi ng gano'n? Akala ko ay magaling ka lang tumakas sa kasalanang ginawa mo."Hindi naman ako kaagad na nakaimik at bago pa ako nakasagot ay nauna na siyang lumabas.'Aish! Kenshane naman! Chance mo ng lumuhod sa harap niya para humingi ng tawad pero bakit hindi mo ginawa?! Duwag ka talaga! Gagawa ka ng katarantaduhan tapos duwag ka naman pala! Duwag!'Nasambunutan ko ang aking sarili at napaupo na lang. Para akong batang napagtulungan. Pisikal na sakit ang inabot ko kay Marciella samantalang emotional damage naman ang kay Faller.'Ano ba namang buhay ito?!'Bigla akong tumayo kaya napahiyaw ako sa sakit ng likuran ko. Hindi talaga biro ang pagkahampas sa akin ni Marciella. Well, deserve ko namang saktan nila pero sana naman ay hindi naman nila sinagad nang gano'n. Hindi man ako makatayo nang tuwid ay pinili kong mag-ikot sa training ground. Napakalawak ng open field dito at meron ding mga room para sa mga set-up mission at iba pang training levels. May mga room din para sa mga trap kung saan pinagapang kaming lahat sa hirap noon. Akala ko ay mamamatay na ako sa training noon, eh.Mukhang sa aming lahat ay ako ang walang special physical skill. Kaya nga rin pinipilit ko lang na sumabak sa field mission para mag-improve pa ako. Pero kahit gano'n ay hindi naman nila ako matatalo kapag nasa loob kami ng experiment room. Hindi pa man ako lubusang PA noon ay may mga naimbento na akong GC tools at weapons na hanggang ngayon ay nagagamit ng lahat ng GC Agents.Dahil sa pagod na aking nararamdaman ay nahiga muna ako sa pinakagitnang bahagi ng field. May carabao grass naman din na maayos ding na-trim kaya okay lang kahit walang sapin."Hays. Buhay is life," usal ko bago ipinikit ang aking mga mata. Nanatili akong gano'n hanggang sa tuluyan akong nakatulog.**********"Kenshane Guieco!"Napabalikwas ako nang bangon dahil sa malakas na boses na iyon. Kamuntik pa akong mahulog sa couch.Wait, what?! Couch? Seriously?!Biglang napatayo ako para lang matumba uli dahil sa sakit ng likuran ko. Tsaka ko pa lang naalalang nakatulog nga pala ako sa gitna ng training ground namin.Eh? So, paano ako nakarating sa flat ko?Inilibot ko ang aking paningin at kaagad na tumama sa kay Kenya ang mga mata ko. Nakahalukipkip pa ito."Ahh, Kenya, bakit nandito ka sa loob ng flat ko?""Dahil naglakad siya papunta rito," sabat naman ng boses babae mula sa aking likuran. Napakurap-kurap ako nang makita si Gabriella na sa tingin ko ay galing din sa kitchen ko.'Anong meron? Bakit nandito ang dalawang ito sa lungga ko? Alam naman nilang ayaw na ayaw kong may pumapasok na lang nang basta dito, ha?'"Anong ginagawa ninyo rito?" nakabusangot kong tanong. "Nagpaalam ba kayong papasok?""Hindi kasi tulog ka," sabay na sagot nila."Anong kailangan mo?" kaswal kong tanong kay Gabriella."Inihatid ko lang naman ang sampung jar ng stick-o dito. Inilagay ko sa mesa ng kitchen mo."Napakunot-noo naman ako. Bakit naman ako nito bibigyan ng gano'n karami?"Hindi galing sa'kin, ha? Delivery girl lang ako," panlilinaw nito. "Anong nangyari? Anong atraso si Marciella Del Pilar sa'yo para bigyan ka niya ng gano'n karaming bisyo mo?"Natawa naman si Kenya. "Bisyo talaga, Gabriella?""Eh, ano pa nga ba, Kenya? Hindi na normal 'yang kaadikan niya sa stick-o 'no?""May konsensiya naman pala ang buteteng kambal mong iyon?" asik ko sabay irap sa kawalan. "Hinampas niya lang naman ako ng baston! Paniguradong mamamaga ang likuran ko. Ang sakit," naiirita kong sabi. Napanganga naman sila pareho.Kaagad na lumapit sa akin si Kenya at hinawi pataas ang damit ko. "OMG," usal nito. "Bakat nga sa likuran mo. Ano bang ginawa mo at ginanyan ka ni Marciella? Hindi nananaket ang isang iyon ng walang dahilan.""Itinulak ko siya sa training field," tapat kong sagot. "Nawalan siya ng balanse kaya ginantihan niya ako.""Ah, medyo deserve," komento ni Gab sabay abot kay Kenya ng ointment na hindi ko alam kung saan niya nakuha. "Ngayon alam ko na kung para saan itong ointment na ito na ibinigay ni Marci," dagdag pa ng haduf."Bakit mo naman itinulak? Gusto mo ba talagang mabaon sa lupa ng buhay? Sabi ko naman sa'yo ay kantiin mo na ang lahat, huwag lang si Marciella, hindi ba?" paalala pa ni Kenya habang nilalagyan ng ointment ang likuran ko."Eh, nang-aasar siya! Pinapili niya si Faller kung penalty ba o maging mission partner ko.""Tapos?""Anong pinili ni Faller?"Napairap naman ako dahil sa tanong na iyon ni Silang. Mukha talagang interesado siya kay Faller, ha?"Penalty," nakabusangot kong sagot.Humagalpak naman ng tawa si Gabriella. "I see. Sabi na, eh. Pero okay lang na hindi ka pinili. At least, binuhat ka naman niya papunta rito, 'di ba? Yiiee, kekelegen ne yen, enebe," pang-aasar pa nito sa akin.Saglit naman akong natigilan at pagkuwa'y nanlaki ang aking mga mata. "Ay, weh?! Hindi kayo ang nagbuhat sa akin papunta rito?" paninigurado ko pa."Ano ka? Siniswerte?" sabay nilang sabi."Hay, naku. Aminin mo nga, nagtulog-tulogan ka lang 'no?" pang-aasar pa ng Silang sa akin."Hindi ko kinaya ang sakit ng hampas ng buteteng kakambal mo kaya gano'n, 'no? Aftershock yata iyon.""Ay, gano'n pala? Pasensiya ka na sa kambal ko, ha? Sadyang hindi mo iyon mabiro-biro ng pisikalan dahil ilalampaso ka talaga ng isang iyon. Anyways, alis na ako at marami pa akong projects na tatapusin! Bye!"Pakembot-kembot pang lumabas ang buteteng Gabriella. Pareho na lang kaming nailing ni Kenya."Jowa mo ba si Piamonte?" direktang tanong pa nito sa akin. Tinaasan ko nga ito ng kilay. Marahil ay ito ang kanyang dahilan para mapadpad dito sa flat ko."Jowa mo ba si... Sino nga ba iyon? Erique Francisco?" balik-tanong ko naman."Jowa agad? Hindi ba pwedeng nakisabay lang ako dahil wala akong dalang sasakyan kaninang umaga," asik niya pa sabay irap.Umirap din ako. "Exactly my point. Gano'n din naman ako, ha? Tsaka nagmamadali talaga ako kaya sumabay ako kay Harvey.""Bakit? Flat rin ba ang gulong ng sasakyan mo?" tanong nito."Yeah... Wait? Sa'yo rin?""Yeah, pati kay Kuya Ashmer at Jinro... Teka, teka!" biglang sigaw pa nito na may halong inis at para bang may napagtantong bagay. "Haduf! Ano bang isyu ng babaeng iyon sa ating mga Guieco, ha?" dagdag asik nito at nagmamadaling lumabas ng flat ko.Si Gabriella kaya ang may pakana? Nag-away na naman kaya sila ni Jinro kay nadamay na naman kaming magpipinsan? Gano'n na gano'n din ang ugali ng isang iyon, eh. Childish, tsk.Nailing na lang ako at marahang tumayo. Para akong galing lang sa hazing ceremony, ha? Masyado talagang agresibo ang Marciella na 'yon! Ang mas nakakainis pa ay hindi ko siya kayang gantihan.Naligo lang ako dahil sa kati na aking nararamdaman. Damo nga lang pala hinigaan ko kanina.Hindi na ako nag-abalang i-dryer ang buhok ko dahil kusa lang namang matutuyo ito. Wala rin naman akong lakad.Lumabas ako ng flat nang makaramdam ako ng gutom. Saktong pagkalabas ko ay nakita ko si Faller na mukhang papuntang DH din."Fall!" tawag ko at patakbong lumapit sa kanya. Napatid pa ako sa bato, mabuti na lang at nagawa kong bumalanse dahil kung hindi ay tiyak lupa ang bagsak ko na naman. Napahiya na naman sana ako."Hindi ba uso sa'yo ang maging mahinhin? Ang ligalig mo," asik niya na kaagad habang sa paa ko ang tingin."Ah, I'm fine...""Hindi ko naman sinabing hindi.""Thank you sa... sa, uhm, sa pagbuhat...""Kay Marciella ka magpasalamat. Nakisuyo lang siya sa akin na buhatin ka. Na konsensiya siguro dahil sa ginawa niya sa'yo kanina."Napakagat-labi naman ako at pinigilang mapabusangot. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya."Sa susunod ay umuwi ka ng flat mo kapag inaantok ka, hindi iyon natutulog ka sa kung saan-saan. Nakakaabala ka ng mga tao."Aaminin kong medyo na offend ako sa huling sinabi niya pero hindi na lang ako nag-react pa."Kumain ka na ba?" tanong ko na lang. Hindi naman niya ako sinagot at nagpatiuna na.I quietly followed him from a distance while trying to conceal the frustration I was feeling. The thing I despise the most is the feeling of rejection, and I must admit I'm affected by what he's doing. I regret using him to seek revenge on Jelai and Hance.'Karma na yata ito, Kenshane.'Pagkapasok namin sa Dinning Hall ay nakipila na kami sa counter. Napansin kong nandito na lahat ng PA at nararamdaman ko rin ang titig nang iba sa akin o kaya ay kay Faller.'O baka paranoid lang ako kaya feeling ko ay nasa amin ang atensiyon nila? Ewan.'"Ouch!" hiyaw ko nang madiinan ni Crystal ang likod ko dahil nagtutulakan sila ng kanyang best friend na si Gabriella.Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanilang dalawa. Nag-peace sign naman kaagad si Gabriella samantalang si Crystal na walang alam ay inirapan ako."OA," asik pa ng butete. Mas sumama pa ang mukha ko at bumigat ang aking pakiramdam."It hurts," mahinang reklamo ko. Hindi ko na iyon nilakasan dahil paniguradong sasagot na naman si Crystal. Normal na sa amin ang pagiging m*****a sa isa't-isa.Nasiko na naman ako ng bruha. Sa inis ko ay itinulak ko ang dalawa at kamuntik silang parehong mawalan ng balanse. Akmang gagantihan ako ni Crystal pero napigilan siya ni Silang at may ibinulong pa sa isa. Ang naiinis na expression ng mukha nito ay napalitan ng pagpapaumanhin.Haduf talaga ang mga tao rito! Pahirap sa buhay ko. Bakit ba ang dalawang maligalig pa na ito ang nakasunod sa akin?Mariing napapikit ako para indahin ang sakit. Alam kong hindi na maipinta ang aking mukha. Marahan lang din ang pagmulat ko at nag-angat ng tingin.Nagkasalubong pa ang tingin namin ni Faller kaya pilit akong ngumiti at umaktong walang nangyayaring bardagulan sa pagitan naming tatlo nina Crystal at Silang."Ano bang sa'yo?" tanong niya bigla sa akin. Saglit naman akong natigilan."Sa akin?" paninigurado ko pa sabay turo sa aking sarili. Baka mamaya ay nag-assume lang ako at mapahiya na naman, eh."Yeah. Ako na mag-o-order. Maghanap ka na lang pwesto.""Set B," nakangiti kong sabi. "Salamat," dagdag ko at naghanap na nga ng pwesto.Pinili ko ang bakanteng mesa na katabi ng pwesto ni Jinro. May pagkain na ang pinsan kong butete pero hindi niya pa iyon ginagalaw. Halatang hinihintay pa si Gab na nakikipagharutan pa rin sa pila.Maya-maya lang din ay papunta na sa aking kinaroroonan si Faller na may dalang tray. Maingat niyang inilapag isa-isa ang mga pagkain."Here," tipid niyang sabi at bumalik na uli sa counter para kunin naman ang sa kanya. Napangiti na lang ako habang pinagmasdan ang kanyang bawat galaw at hinihintay siyang makabalik.Nagkamali ako ng akala na sasabayan niya ako dahil dumiretso siya sa pwesto nila Jinro.Napangiwi na lang ako at napailing para muling itago ang lungkot at pagkadismayang aking nararamdaman.Bakit nga ba ako nag-assume na sasabayan niya akong kumain? Sino ang baliw na sasabayan ang taong nangtraydor at nanggamit sa'yo, 'di ba?'Crazy, Kenshane. Gising-gising din.'Tahimik na nagsimula na rin akong kumain kahit mag-isa lang ako sa mesa. Well, hindi naman ito bago sa akin. Nakasanayan ko naman talagang kumaing mag-isa. Kung minsan pa nga ay pinapatapos ko pa ang lahat ng PA na kumain bago pumanhik dito. Hindi ako komportable na kasabay silang lahat dahil palagi akong out of place kahit hindi man iyon ang intensiyon nila.'It's me. I'm the problem, it's me.'Mabagal akong kumain at hindi ko ugaling madaliin ang pagkain dahil ito lang din ang oras kong mag-relax at isantabi ang lahat ng hinaing ko sa mundo.Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa pero wala. Baka naiwan ko sa bed ko. Nilingon ko si Gabriella. Nagtama pa ang paningin namin ni Faller. Ngumiti ako sa kanya at ibinaling sa kay Silang ang aking atensiyon."Gab," tawag ko sa haduf."Hmmm?" tanong naman nito."Can I borrow your phone? Naiwan ko ang cellphone ko, eh.""Anong gagawin mo?""Order," tipid kong sabi. Alam na nito kung anong o-order-in ko."Bakit? Wala bang spicy friend chicken sa menu ngayon?" segundang tanong pa nito. Napanguso ako sabay iling."Wala," tipid kong sagot."Ay! Naiwan din pala sa flat ko ang cellphone ko. Kay Jinro ka manghiram."Napairap naman ako. Sa dami ng naging tanong niya ay hindi niya rin naman pala ako mapapahiram. Dumapo ang tingin ko sa haduf kong pinsan."Hindi ko rin dala, sorry," agad nitong paumanhin sa akin. Napabuntonghininga na lang ako.'Ang malas ko talaga sa araw na ito!:"How about mine?" suhestiyon ni Faller. Agad namang nagliwanag ang aking mukha sabay tango. Iniabot niya sa akin ang kanyang cellphone. Nakangiti ko namang tinanggap iyon.Saktong paghawak ko ay nag-vibrate ito. May chat head na biglang nag-pop up at babae ang display profile. Nabasa ko rin sa notification ang limang magkasunod-sunod na chat nito.[FROM ELIZA:'Mabuti naman at ayos ka lang.''Matulog ka nang maaga, ha?''Kita-kits bukas!''I'm soooo excited to see you again!''Goodnight! I love you! Mwaaps.' ]Kamuntik ko nang mabitiwan ang kanyang cellphone dahil sa nabasa ko. Marahan kong inilapag ito at napakuyom sa ilalim ng mesa.I love you?! What the fuck?! May girlfriend ba siya dito sa Pilipinas?[FROM ELIZA:'Mabuti naman at ayos ka lang.''Matulog ka nang maaga, ha?''Kita-kits bukas!' 'I'm soooo excited to see you again!''Goodnight! I love you! Mwaaps.']I'm no longer bothered by the spiciness of the fried chicken I'm currently eating, thanks to the messages I just read. I ordered fifteen pieces, all extra hot flavored, yet I can hardly taste it due to the intense curiosity I'm experiencing at the moment. I'm certain this won't let me sleep later.Sino si Eliza?! Girlfriend niya kaya 'yon? Bakit may pa I love pa?! "Ay? Bakit parang gigil na gigil ka naman gurl sa kinakain mo diyan?" puna sa akin ni Xandria na kakarating lang. "Hindi halatang bad trip ka," dagdag nito. It's clear that she recently came from school as her nameplate is still attached. She's also often the last one to return home due to her pursuit of a medical degree. Once she becomes a fully qualified doctor, we'll establish an Agents Hospital within the camp to tend to injured agents during missions. It
Pinakatitigan ko nang mabuti ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Bahagyang namumula ang kanyang mukha. In born siyang mestizo kaya naman sigurado akong nakainom siya bago pumunta rito."Faller? Oh? What are you doing here?" takang tanong ko pa. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero nakakagulat lang dahil konting minuto na lang at 1:00 a.m na rin naman. Nagtataka lang din ako kung bakit napadpad siya rito eh halata namang allergy siya sa presensiya ko."U-Uhm, pwede a-akong pumasok?" usisa niya pa. Palihim akong natawa ako dahil sa pagkautal niya.Cute. "Why not? Ikaw pa ba? Come in," nakangiti kong sabi at bahagyang tumabi para makapasok siya. Sinuyod ko pa ng tingin ang labas para suriin kong may agent pa bang pagala-gala pero mukhang wala naman na. Malamang dahil umaga na. Tulog na ang lahat sa ganitong oras. Ang iba naman ay gising pa dahil sa school works pero nasa flat lang din kagaya ko. Isinara ko na uli ang pinto. "Lasing ka ba?" kaswal kong tanong. Nakaupo na siya sa
"Are you okay? How are you feeling?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Marciella nang magpang-abot kami sa counter ng DH. "Yeah, fortunately ay hindi naman ako nilagnat," matamlay kong sagot. "Sana nga ay nilagnat na lang ako para nag-stay siya," dagdag na bulong ko pa."Ha?" pangugumpirma naman ng kausap ko dahil paniguradong hindi niya iyon naintindihan."Wala," tipid kong sagot."Bakit parang ang tamlay mo? Sure ka bang okay ka lang?" pangungulit pa nito sa akin. Marahil ay nakokonsensya na rin ito sa ginawa niya kahapon sa akin."I'm fine, Marci. Don't worry. Medyo kulang lang ako sa tulog dahil sa punyetang thesis paper ko.""Same here," sabay-sabay pa na sagot nina Jeannie, Crystal at Gabriella na nasa hulihan ko nakapila. "Hindi na yata ako aabot sa graduation," himutok ko pa sabay hikab."Ayaw ko magpa-cremate kaya arang kailangan ko na ring bumili ng kabaong ko at mag-secure ng slot sa private cemetery," dagdag ni Crystal."Mag-a-apply na ako mamaya ng insurance," segunda na
Nakangiti ako habang nagpi-print out ng hard copy ng thesis paper ko. Sa wakas ay natapos ko rin itong gawin. Ito lang talaga ang ginawa ko kahapon at ngayon. Bukas na ang last day ng pasahan. "At last! Finally!" saad ko nang matapos na rin akong mag-print. Excited at maingat na inilagay ko ito sa isang folder at ipinatong na muna sa kama ko."Makaka-graduate na talaga ako! Ay, may final defense pa pala at final exam,," bawi ko nang maalala ang bagay na iyon. Napapitlag pa ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinuri kung sino sa PA ang nag-text. Alam ko na kaagad na isa sa PA dahil sa ring tone. [FROM GABRIELLA 'SILANG' PERRER:Guess what?! May ka-date ngayon sa Faller! Nasa GC Mall kami, nasa GaMa CS sila ngayon. Bilis! Tatambay din kami doon.]Para bang lumipad sa ere ang aking kaluluwa dahil sa text na iyon ni Gabriella. Napalunok ako ay saglit na naging blangko ang aking isipan."Si Eliza na kayo 'yon?!" tanong ko pa sa aking sarili. Hindi ko lubos na maintindihan ang
Hindi ko na alintana kung ilang minuto o oras na ba akong nakatayo habang nakaabang sa mga bituwin na punuin ang kalawakan. Nangangawit na nga rin ang batok ko dahil sa ginagawa ko, eh.I love gazing at the stars, it brings me comfort and the peace of mind I need.Nagpakawala ako ng isang matunog na buntonghininga at ipinukol sa baba ng GC Building ang aking tingin. Nakita kong papasok ng building sina Kenya at Marciella. Paniguradong hindi naman sila magagawi dito sa rooftop."Good evening, Kenshane Guieco.""Ay, butete!" usal ko naman dahil sa gulat. Marahas kong nilingon ang lalaking may-ari ng boses na iyon. "Hindi ba uso sa'yong ipaalam mo muna ang presensiya mo bago magsalita, Faller Coleman? Palagi na lang akong nagugulat sa'yo. Baka kung buntis ako ay nakunan na ako," mahabang sermon ko sa kanya. "Hindi ka naman buntis," kaswal niyang sabi. "Hindi nga pero nagugulat ako palagi sa'yo.""Kahit nga sa sarili mo ay nagugulat ka, eh. Sino bang magsusuot ng cycling shorts sa mall?
"What did you say?" panlilinaw ko pa at nakahalukipkip na lumapit sa kanya. "I'm Kenshane Guieco, and of course I'm born this way, Faller. I was born wicked," pabiro kong sabi para hindi maging awkward at lumala ang tensiyon sa pagitan namin.Narinig ko ang kanyang marahas na buntonghininga. Napailing na lang ako at tumabi sa kanya. Naramdaman ko ang paglapat ng aming mga braso. "Ang ganda ng mga bituin, hindi ba?" sabi ko pa. "You know, I like beautiful things and..." Tinapunan ko siya ng tingin. Nasa kalawakan lang din ang kanyang titig. "And a handsome guy," dagdag ko. Nagbaba siya ng tingin para lang magkasalubong ang aming mga mata. "I like you, Faller Coleman and I know that you know that," direktang sabi ko."You like me? I doubt it. Stop pretending that you like me because I know that you didn't and still don't," sagot niya naman. "Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong maniwala at hindi rin kita pipiliting maniwala, Faller," kaagad kong tugon at panlilinaw sa sinabi ko."Ba
"Oh my goodness! Finally! Bukas na ang graduation natin!" tili ni Jeannie nang makapasok kami sa DH. Nandito ang lahat ng Prime Agents at maliban kay Kuya Ashmer at Faller ay sabay-sabay ang graduation namin bukas. "Congratulations," tipid na bati sa amin ni Kuya Ashmer."Guys, sinong sasama sa GC Bar bukas ng gabi?" usisa pa ni Gabriella. Noong isang araw pa talaga ito nangungumbinsi na magkaroon kami ng after party."Ako!" sabay-sabay naming sagot maliban kay Marciella na tanging pagtaas lang ng kamay ang ginawa."Ayos! Payapa! Bukas, ha?! Ang hindi pumunta ay may penalty.""Pauso mo talaga, Silang! Ang pumunta pa nga lang sa party na ikaw ang host ay penalty na, eh!"Nagsitawanan kami dahil sa bweltang iyon ni Jinro. Kaagad naman tuloy itong nabatukan ng isa. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay pumunta na ako sa pwesto nina Faller at Shines. Dahil pareho silang newbie at magkakilala na rin bago napunta rito ay sila ang madalas na nagkakasama."Shines," untag ko sa babae. Napati
Naging mabagal lang ang pagmamanehong ginawa ko pabalik ng GC Camp. Naramdaman ko rin ang pagod dahil sa graduation ceremony at pagsundo at hatid ko sa mga magulang ko sa airport. "Aish! Bakit ba sobrang traffic pa?" himutok ko dahil sa halos hindi na makausad pa ang aking sasakyan. Bahagya kong binuksan ang bintana pero kaagad ko ring naisara dahil sa usok ng mga sasakyan."Badtrip!" asik ko sabay pukpok ng steering wheel. Napapitlag ako dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Nakakonek din kasi ito sa speaker ng sasakyan ko. Napairap ako dahil si Gabriella Perrer ang nasa caller ID.Hinayaan ko na lang muna. Dalawang missed calls pa muna bago ko sinagot."What?" kaagad kong sagot kahit alam ko naman talaga kung ano ang itinawag nito."Where are you, darling?" Kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha nito ay alam kong nakangisi ito."On the way home, why?""Pauwi ka pa lang? Talaga ba?" puno ng pagdududa nitong sabi."Oo, bakit? Nakita mo na ba ako diyan sa GC Camp? Use your
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.