Pinakatitigan ko nang mabuti ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Bahagyang namumula ang kanyang mukha. In born siyang mestizo kaya naman sigurado akong nakainom siya bago pumunta rito.
"Faller? Oh? What are you doing here?" takang tanong ko pa.Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero nakakagulat lang dahil konting minuto na lang at 1:00 a.m na rin naman. Nagtataka lang din ako kung bakit napadpad siya rito eh halata namang allergy siya sa presensiya ko."U-Uhm, pwede a-akong pumasok?" usisa niya pa. Palihim akong natawa ako dahil sa pagkautal niya.Cute."Why not? Ikaw pa ba? Come in," nakangiti kong sabi at bahagyang tumabi para makapasok siya.Sinuyod ko pa ng tingin ang labas para suriin kong may agent pa bang pagala-gala pero mukhang wala naman na. Malamang dahil umaga na. Tulog na ang lahat sa ganitong oras. Ang iba naman ay gising pa dahil sa school works pero nasa flat lang din kagaya ko.Isinara ko na uli ang pinto. "Lasing ka ba?" kaswal kong tanong. Nakaupo na siya sa couch kaya napatingala siya sa akin bago sumagot."Mukha ba akong lasing?" walang emosyon niyang tanong.'Mali yata ang tanong mo, Kenshane. Nakainom nga lang naman talaga siya at hindi lasing. That's quite different, girl.'"Ah, hindi naman. Namumula kasi ang pisngi mo kaya naitanong ko lang kung lasing ka ba," paliwanag ko pa."You're honest as ever," he continued. I didn't speak because I wasn't sure if it was a compliment or an insult. "Oh, that was definitely a compliment. Don't overthink it, we're just dealing with the current situation," he said meaningfully.Yeah, right. We're in the present now, but why am I so bothered by the things that happened in the past?'Dahil guilty ka, Kenshane.'Gusto kong sumimangot dahil sa sariling udyok ng aking isipan. Pati sarili kong point of view ay hindi sang-ayon sa akin."Ah, hindi naman ako nag-o-overthink. Iniisip ko lang kung ano bang gagawin ko dapat bago ka pa nag-door bell," palusot ko pa."You're doing these things, aren't you?" aniya sabay turo ng mga kalat ko sa center table ko.Napakamot naman ako sa aking ulo at pinigilang mapabuntonghininga. Bigla kong naalala na magtitimpla pala ako ng kape."Ah, right! Magtitimpla pala ako ng kape," saad ko. "Maiwan muna kita rito...""Ako na," aniya pa sabay tayo."Hmmm? Ikaw na ang magtitimpla ng kape?" paninigurado ko pa.Tumango naman siya. "Yeah, marunong naman ako, don't worry," deklara niya at naglakad papunta sa aking kitchen na para bang kabisadong-kabisado niya rito.Hindi ko naman mapigilang mapangiti at impit na napatili. Aaminin kong kinikilig ako sa pagiging mabait niya sa akin.Well, mabait naman talaga siya. Ganito naman talaga siya... Nevermind.Bago pa uli lamunin ng konsensiya ang aking sistema ay umupo na lang uli ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.Maya-maya pa ay bumalik na siya at may bitbit ng tasa."Here," saad niya at inilapag na ito sa mesa. Dinampot niya rin ang mga nagkalat ng papers sa sahig at isinalansan ito sa isang folder.Anong nakain ng isang ito ngayon? Akala ko ba ay matutulog siya nang maaga dahil magkikita sila ni Eliza bukas?"Aish, shit!" Hindi ko napigilang magmura dahil sa ideyang may date sila ng babaeng ka-chat niya. "Akala ko ay matutulog ka nang maaga dahil may training ka pa bukas?" tanong ko na lang para itaboy sa aking isipan ang tungkol sa babaeng nagngangalang Eliza.Nakaukit na yata sa utak ko ang pangalan na iyon kahit hindi ko pa man nakikita ang tao mismo."Hapon pa ang training ko.""Si Eliza ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong maging mission partner?" usisa ko na talaga sabay simsim ng kape."Walang kinalaman si Eliza. Ikaw mismo ang dahilan at alam mo kung bakit."Natameme naman ako. Marahan akong napatango at pilit na ibinaling ang aking pokus sa ginagawa ko kahit na naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib dahil sa sinabi niyang iyon."It should be a Hypothesis, not Hypethesis," pamumuna niya pa sa itina-type ko."Ay, shit!" usal ko na lang at ininda ang hiyang bumalatay sa aking sistema."Matagal ka pa bang matapos niyan?""Yeah. Baka abutin pa ako ng 4:00 a.m," sagot ko naman."Eh, may pasok ka pa bukas, hindi ba?""Yeah, pero kaya ko naman. Sanay na ako 'tsaka need kong i-submit na ito bukas.""Bukas na ba ang deadline?""Sa friday pa naman. Gusto ko lang makapagpasa na...""Sa friday mo na i-submit. Huwag mong madaliin. I-proofread mo rin nang maayos. I can help you with the proofreading if you want...''"Ah, no, thanks!" kaagad kong tanggi.Nakakahiya kaya. Hindi ako gano'n ka confident sa thesis ko na ito, 'no? Baka mamaya ay 99% pa pala ang error nito. Mas okay na iyong professor ko at ang panel of judges lang ang magki-critique nito. Sa totoo lang kasi ay ginawa ko lang naman ito dahil required, eh. Tsk."Why?""Just.""Bakit nga?"Ang kulit din."Dahil... Nakakahiya sa'yo. Hindi ako matalino. Ang daming flaws ng paper ko na ito...""No, you're good tho. Ang detailed ng paragraph mo. Ang ganda rin ng topic na napili mo. Nababasa ko ngayon ang tina-type mo diyan...""Hey," nakanguso kong sabi. "Huwag mong basahin," reklamo ko sa kanya.Natawa naman siya. Napatulala ako dahil ngayon ko lang uli narinig ang tawag niyang iyon. Naitikom niya naman kaagad ang kanyang bibig at sumeryoso uli."Pero ikaw, kung hindi ka komportable. Okay lang," bawi niya naman kaagad."Sino muna si Eliza?""Bakit ba interesado ka kay Eliza?""Dahil babae siya at lalaki ka. Nararamdaman kong may something kayo, eh," nagmamaktol kong sabi.Wala na, hindi ko na rin yata matatapos itong ginagawa ko ngayon. Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa ang tumipa ng mga nakaka-nosebleed na salita sa laptop ko."Ano naman kung babae siya at lalaki ako? At saka ano naman din kung may something kami?" kaswal niyang tanong. Para namang nalunok ko ang aking dila at may invisible na kamay na sumampal sa akin.'Oo nga naman, Shane. Ano naman kung sila na? Ano ba sa'yo iyon? Wala naman, 'di ba? Bakit? Ano mo ba siya?'"Ah, wala. Nevermind," saad ko na lang at alanganing ngumiti. Naramdaman ko na naman tuloy ang paninikip ng aking dibdib.'Ano ba itong nararamdaman ko?'Noong kami ni Hance ay wala naman akong nararamdamang ganito kapag may pagkakataong may pinag-uusapan kaming babae? Kahit nga noong nahuli ko sila ni Jelai ay wala naman akong naramdamang ganitong emosyon? Galit lang ang nangibabaw sa'kin kaya nga rin ginantihan ko talaga sila. Hindi ko lang matanggap na trinaydor nila ako.So weird. I am weird."What I know is that you're not really a field agent, so you don't often engage in missions. You're more into invention and experiments, which aren't my strong suit either. I'm not good with those, and I can't be exposed to chemicals or anything related to the laboratory for too long."Nilingon ko naman siya. "Ah, I see." Nakahinga uli ako nang maluwag dahil sa paliwanag niyang iyon. Sadyang inakala ko na naman na ang nangyari sa NY ang kanyang tinutukoy kanina.'Pero gano'n naman talaga, Shane. Huwag kang tanga at manhid. Sinasabi niya lang ito para huwag kang ma-offend. It feels like he's playing push and pull, huh? O baka praning lang talaga ako?'"That's why I didn't choose you as my partner. We wouldn't be a good fit in the same department. We would both struggle to match and adjust.""Tama ka naman," nakangiti kong sabi at ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.Hinihintay ko siyang magpaalam na para bumalik sa kanyang flat pero mukhang wala pa siyang balak. Pasado 2:00 a.m na pero nandito pa rin siya at nakahiga sa sofa.Saglit akong huminto sa pag-e-encode at nilingon siya. "Hey, gusto mo ba ng ramen?" tanong ko pa."Hmmm?""Ramen," sabi ko. Mukhang nakatulog na rin siya. Nadisturbo ko pa yata."Magluluto ako?"Hindi naman ako marunong magluto pero alam ko ay may stocks akong gano'n. Si Kuya Ashmer ang nagbigay sa'kin ng gano'n kaya hindi ko pa nagagalaw."Kung gusto mo lang. You know... H-Hindi ako marunong magluto.""Ng ramen?" pangungumpirma niya pa.Nahihiya naman akong tumango. "Y-Yeah but maybe I can learn...""Of course, you can. You should know how to cook, at least."Nakagat ko naman ang aking dila. Isa talaga ito sa kahinaan ko, eh. Bakit kasi lumaki akong walang alam sa pagluluto?"Magluto tayo kung gusto mong kumain muna. Anong oras na rin naman, hindi ka pa rin tapos diyan," aniya pa at tumayo na. Wala namang salitang sumunod ako sa kanya.Nag-init siya ng tubig habang ibinigay ko naman sa kanya ang noodles at seasonings."Gusto mo bang haluan ng itlog?" tanong niya pa. Tumango naman ako. "Half cooked or well cooked?""Uhm, well cooked, please? I don't like half cooked foods," sagot ko pa.Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong chineck ang text na kakatanggap ko pa lang. Ang isa sa classmates ko pala ang nag-text. Paniguradong hindi lang ako ang gising pa sa mga oras na ito kundi ang buong 4th year college sa Pilipinas.["Hi, Shane. Send me some copies of Ma'am Hera's lectures. I'm just too confused about something here. I lost my copy too. I couldn't find it in my drive. Please, send help. Sana gising ka pa o gising ka na."]"Oh," tanging nasambit ko nang mabasa ko ang chat ni Mia.Kaagad ko namang hinahanap sa drive ko ang tinutukoy nitong lectures. Ang alam ko rin ay nai-save ko rin iyon at ginawang guide sa paggawa ng thesis paper ko last year."Akala ko ay gusto mong matutong magluto? You should watch and learn here," puna niya pa sa akin na para bang isa siyang professional chief."Maybe, next time? Sorry, may kailangan lang akong hanapin na file. My classmate needs it as soon as possible." Sinabi ko iyon habang nakatutok lang sa cellphone ko."You're so hard to tame, aren't you?" Ang komento niyang iyon ang nagpatigil sa akin sa ginagawa ko."What do you mean by that?" nakakunot-noo kong tanong. Naaamoy ko na ang bango ng kanyang niluluto kaya napalapit na rin ako sa kanya."You're so difficult to deal with," he said. "You always insist on having things your way. You appear detached, but you're not. I can't seem to figure you out.""I am not a book for you to read," I joked."You're like a book, but in a language I can't comprehend at all."Hindi ko alam kung magandang ideya o hindi ba iyong sinabi niya."Kaya ba nandito ka ngayon? Para obserbahan ang pagkatao ko?" biglang seryoso kong tanong. Saglit siyang napatigil sa kanyang ginagawa."No, nandito ako para samahan ka lang. Boss Ashmer asked me to... Uhm, luto na pala ito."Lihim akong sarkastikong natawa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nandito siya. Dahil pala kay Kuya Ashmer. Baka nag-aalala sa'kin ang pinsan ko dahil sa natamo kong tama kay Marciella.Kaya rin siguro nakainom siya bago pumunta rito para kahit papaano ay masikmura niyang samahan ako rito. Umaakto siyang bukal sa kalooban niyang samahan ako pero ang totoo ay napipilitan lang talaga siya."What are you doing? Have a seat and let's eat," untag niya sa akin. Huli na nang namalayan kong naihain niya na rin pala ang ramen. Kakain na lang ako.Walang ganang naupo ako at pinilit ang sariling kumain. Napansin niya rin naman sigurong napipilitan lang ako."Bakit? Anong problema? Akala ko ba ay gusto mong kumain nito?""Ah, yeah. Iniisip ko pa rin kasi kung sino si Eliza," pabiro kong sabi. Ayaw ko namang sabihing sumasama ang loob ko dahil napipilitan lang siyang samahan ako rito.Siyempre ay common sense na lang na ayaw niya talaga kasi... Well, dahil sa ginawa kong panggagamit sa kanya sa NY."She's my childhood best friend," sabi niya pa. Napatigil naman ako sa paghigop ng sabaw. "And perhaps my first love..."("...my first love...")("...my first love...")("...my first love...")Nagpaulit-ulit iyon sa aking kukuti. Kasabay niyon ay ang mabilis na tibok ng aking puso. Sa sobrang bilis at lakas ay nararamdaman ko ang sakit.What the heck is this?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?"Ah, I s-see," tanging nasambit ko. Hindi ko rin alam kung bakit para bang nalunok ko na rin ang aking dila at wala ng ibang salitang masabi pa."She's nice ever since.""Sure she is," kaswal kong sabi. "You like nice women, don't you?""Why would I hate a nice things and people?" balik-tanong niya naman sa akin."That's why you hate me and I like you. I am a bad woman and you're the nice guy in town," direktang sabi ko pa. "But you know, opposite poles attract each other, right? Maybe, well, just maybe we're meant for each other. Who knows?" dagdag biro ko pa."We are not," malamig niyang sabi sabay tayo na. Tapos na pala siyang kumain. "You should sleep. Mukhang hindi ka naman na lalagnatin pa. I'll head to my flat now. Thanks for the food."Napanganga naman ako habang inihatid siya ng tingin.Lagnatin? At talagang hinihintay niya lang talaga kung lalagnatin ako o hindi? Aish, that little... Nakakainis ha!"Are you okay? How are you feeling?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Marciella nang magpang-abot kami sa counter ng DH. "Yeah, fortunately ay hindi naman ako nilagnat," matamlay kong sagot. "Sana nga ay nilagnat na lang ako para nag-stay siya," dagdag na bulong ko pa."Ha?" pangugumpirma naman ng kausap ko dahil paniguradong hindi niya iyon naintindihan."Wala," tipid kong sagot."Bakit parang ang tamlay mo? Sure ka bang okay ka lang?" pangungulit pa nito sa akin. Marahil ay nakokonsensya na rin ito sa ginawa niya kahapon sa akin."I'm fine, Marci. Don't worry. Medyo kulang lang ako sa tulog dahil sa punyetang thesis paper ko.""Same here," sabay-sabay pa na sagot nina Jeannie, Crystal at Gabriella na nasa hulihan ko nakapila. "Hindi na yata ako aabot sa graduation," himutok ko pa sabay hikab."Ayaw ko magpa-cremate kaya arang kailangan ko na ring bumili ng kabaong ko at mag-secure ng slot sa private cemetery," dagdag ni Crystal."Mag-a-apply na ako mamaya ng insurance," segunda na
Nakangiti ako habang nagpi-print out ng hard copy ng thesis paper ko. Sa wakas ay natapos ko rin itong gawin. Ito lang talaga ang ginawa ko kahapon at ngayon. Bukas na ang last day ng pasahan. "At last! Finally!" saad ko nang matapos na rin akong mag-print. Excited at maingat na inilagay ko ito sa isang folder at ipinatong na muna sa kama ko."Makaka-graduate na talaga ako! Ay, may final defense pa pala at final exam,," bawi ko nang maalala ang bagay na iyon. Napapitlag pa ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinuri kung sino sa PA ang nag-text. Alam ko na kaagad na isa sa PA dahil sa ring tone. [FROM GABRIELLA 'SILANG' PERRER:Guess what?! May ka-date ngayon sa Faller! Nasa GC Mall kami, nasa GaMa CS sila ngayon. Bilis! Tatambay din kami doon.]Para bang lumipad sa ere ang aking kaluluwa dahil sa text na iyon ni Gabriella. Napalunok ako ay saglit na naging blangko ang aking isipan."Si Eliza na kayo 'yon?!" tanong ko pa sa aking sarili. Hindi ko lubos na maintindihan ang
Hindi ko na alintana kung ilang minuto o oras na ba akong nakatayo habang nakaabang sa mga bituwin na punuin ang kalawakan. Nangangawit na nga rin ang batok ko dahil sa ginagawa ko, eh.I love gazing at the stars, it brings me comfort and the peace of mind I need.Nagpakawala ako ng isang matunog na buntonghininga at ipinukol sa baba ng GC Building ang aking tingin. Nakita kong papasok ng building sina Kenya at Marciella. Paniguradong hindi naman sila magagawi dito sa rooftop."Good evening, Kenshane Guieco.""Ay, butete!" usal ko naman dahil sa gulat. Marahas kong nilingon ang lalaking may-ari ng boses na iyon. "Hindi ba uso sa'yong ipaalam mo muna ang presensiya mo bago magsalita, Faller Coleman? Palagi na lang akong nagugulat sa'yo. Baka kung buntis ako ay nakunan na ako," mahabang sermon ko sa kanya. "Hindi ka naman buntis," kaswal niyang sabi. "Hindi nga pero nagugulat ako palagi sa'yo.""Kahit nga sa sarili mo ay nagugulat ka, eh. Sino bang magsusuot ng cycling shorts sa mall?
"What did you say?" panlilinaw ko pa at nakahalukipkip na lumapit sa kanya. "I'm Kenshane Guieco, and of course I'm born this way, Faller. I was born wicked," pabiro kong sabi para hindi maging awkward at lumala ang tensiyon sa pagitan namin.Narinig ko ang kanyang marahas na buntonghininga. Napailing na lang ako at tumabi sa kanya. Naramdaman ko ang paglapat ng aming mga braso. "Ang ganda ng mga bituin, hindi ba?" sabi ko pa. "You know, I like beautiful things and..." Tinapunan ko siya ng tingin. Nasa kalawakan lang din ang kanyang titig. "And a handsome guy," dagdag ko. Nagbaba siya ng tingin para lang magkasalubong ang aming mga mata. "I like you, Faller Coleman and I know that you know that," direktang sabi ko."You like me? I doubt it. Stop pretending that you like me because I know that you didn't and still don't," sagot niya naman. "Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong maniwala at hindi rin kita pipiliting maniwala, Faller," kaagad kong tugon at panlilinaw sa sinabi ko."Ba
"Oh my goodness! Finally! Bukas na ang graduation natin!" tili ni Jeannie nang makapasok kami sa DH. Nandito ang lahat ng Prime Agents at maliban kay Kuya Ashmer at Faller ay sabay-sabay ang graduation namin bukas. "Congratulations," tipid na bati sa amin ni Kuya Ashmer."Guys, sinong sasama sa GC Bar bukas ng gabi?" usisa pa ni Gabriella. Noong isang araw pa talaga ito nangungumbinsi na magkaroon kami ng after party."Ako!" sabay-sabay naming sagot maliban kay Marciella na tanging pagtaas lang ng kamay ang ginawa."Ayos! Payapa! Bukas, ha?! Ang hindi pumunta ay may penalty.""Pauso mo talaga, Silang! Ang pumunta pa nga lang sa party na ikaw ang host ay penalty na, eh!"Nagsitawanan kami dahil sa bweltang iyon ni Jinro. Kaagad naman tuloy itong nabatukan ng isa. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay pumunta na ako sa pwesto nina Faller at Shines. Dahil pareho silang newbie at magkakilala na rin bago napunta rito ay sila ang madalas na nagkakasama."Shines," untag ko sa babae. Napati
Naging mabagal lang ang pagmamanehong ginawa ko pabalik ng GC Camp. Naramdaman ko rin ang pagod dahil sa graduation ceremony at pagsundo at hatid ko sa mga magulang ko sa airport. "Aish! Bakit ba sobrang traffic pa?" himutok ko dahil sa halos hindi na makausad pa ang aking sasakyan. Bahagya kong binuksan ang bintana pero kaagad ko ring naisara dahil sa usok ng mga sasakyan."Badtrip!" asik ko sabay pukpok ng steering wheel. Napapitlag ako dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Nakakonek din kasi ito sa speaker ng sasakyan ko. Napairap ako dahil si Gabriella Perrer ang nasa caller ID.Hinayaan ko na lang muna. Dalawang missed calls pa muna bago ko sinagot."What?" kaagad kong sagot kahit alam ko naman talaga kung ano ang itinawag nito."Where are you, darling?" Kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha nito ay alam kong nakangisi ito."On the way home, why?""Pauwi ka pa lang? Talaga ba?" puno ng pagdududa nitong sabi."Oo, bakit? Nakita mo na ba ako diyan sa GC Camp? Use your
|•~YEARS LATER~•|Nakasimangot ako habang pinagmamasdan na naman nang palihim si Faller at Eliza na nakatambay sa benches ng Mhinn International School. Halatang may masaya na naman silang pinag-uusapan. Sa kabutihang palad ay nakapasa naman ako kaagad sa LET at kagaya nila ay natanggap din ako sa paaralang ito. Well, walong na rin naman ang nakakalipas pero wala pa ring pagbabago. Nakikipaglaro pa rin ako sa apoy. Napabuntonghininga at iling na lang ako at umiwas na ng tingin. Wala na talaga yata akong pag-asa. Pero kahit naman wala ay hindi ko pa rin alam kung paano ang sumuko kasi merong parte ng puso ko na nagsasabing may gusto rin siya sa akin, eh.O baka bukod sa malandi ay assuming queen lang din talaga ako."Huwag mo ng tingnan kung ayaw mong masaktan."Napakagat ako sa labi dahil sa sinabing iyon ni Crystal. Kahit pakialamera talaga ito ay palagi namang may punto. "Hindi naman silang dalawa ang tinitingnan ko, ha? Sa mga batang naglalaro ako nakatingin. Baka ka'ko matisod
Hindi ako ang ipinunta niya rito. Nanlumo naman ako sa ideyang iyon. Malinaw din naman na hindi siya nandito para mag-CR din dahil nasa kabilang panig ang Male CR."Uhm... My love..." Napakuyom ako dahil sa hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko na magawang sambitin pa lahat ng endearments ko sa kanya. Nahihiya ako at baka marinig pa ni Eliza. Sa camp ko lang naman nagagawa iyon o kaya naman ay kapag kaming dalawa lang talaga."Fall, nandito rin si Eli?" baling na tanong ko na lang sa kanya. Seryoso naman ang mukha niya na nakatingin sa akin. Tila ba bagot o ano.Tama si Lovimer, ma-attitude nga siya. I can see and say it now. Dati naman siyang masungit sa... akin. Yeah, mas masungit siya sa akin at tila ba allergy sa presensiya ko.Napabuntong-hininga na naman ako.Nakakahiya ka pala, Shane."Ang tagal mo, akala ko ay nakatulog ka na sa loob," asik niya pa. Nagpalinga-linga naman ako para hanapin si Eliza pero bukod sa aming dalawa ay wala naman ng ibang tao pa. Sini
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.