"Are you okay? How are you feeling?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Marciella nang magpang-abot kami sa counter ng DH.
"Yeah, fortunately ay hindi naman ako nilagnat," matamlay kong sagot. "Sana nga ay nilagnat na lang ako para nag-stay siya," dagdag na bulong ko pa."Ha?" pangugumpirma naman ng kausap ko dahil paniguradong hindi niya iyon naintindihan."Wala," tipid kong sagot."Bakit parang ang tamlay mo? Sure ka bang okay ka lang?" pangungulit pa nito sa akin. Marahil ay nakokonsensya na rin ito sa ginawa niya kahapon sa akin."I'm fine, Marci. Don't worry. Medyo kulang lang ako sa tulog dahil sa punyetang thesis paper ko.""Same here," sabay-sabay pa na sagot nina Jeannie, Crystal at Gabriella na nasa hulihan ko nakapila."Hindi na yata ako aabot sa graduation," himutok ko pa sabay hikab."Ayaw ko magpa-cremate kaya arang kailangan ko na ring bumili ng kabaong ko at mag-secure ng slot sa private cemetery," dagdag ni Crystal."Mag-a-apply na ako mamaya ng insurance," segunda naman Jeannie."Sila mommy na lang ang bahala sa bangkay ko. Masyado na akong pagod at puyat para paghandaan pa ang kamatayan ko, 'no?" matamlay ding sabi ni Gabriella.Nagkatinginan pa kami at sabay-sabay na napahagalpak ng tawa. Napatingin pa sa amin ang mga agent na kumain din ngayon. Tama nga ang sabi nila na 4th year college is both a blessing and a curse."In fairness naman sa'yo, Kenshane, ha? Marunong ka ng tumawa at makipagsabayan sa amin," puna pa sa akin ni Crystal."Napansin ko nga rin," sang-ayon naman ni Marciella.Naitikom ko naman ang bibig at ipinukos na lang ang aking atensiyon sa unahan. Ako na rin kasi ang susunod. Matatapos na si Marciella sa order niya."Set B, please?" nakangiti kong sabi sa kay Agent Nextar na siya isa sa naka-duty ngayon."See? Kahit pagod at puyat ay blooming pa rin ang Ate Kenshane mo," panunudyo na naman sa'kin ni Crystal.Kung bakit kasi sila palagi ang nakakasabayan ko? Mga daot. Iiyak ang araw kung magiging tahimik sa isang tabi ang mga ito."Iyan ang epekto ni Faller Coleman," bulong pa ni Gab na narinig ko naman."Omo!" tili ni Jeannie na pare-pareho naming ikinagulat. "For real?" kalmado na nitong dagdag.Ngumiti naman ako at hinarap sila. "Ngayon lang ako natuwa sa chismisan ninyo. Keep it up," saad ko pa at kinuha na ang order kung pagkain.Naghanap ako ng bakanteng mesa at sa pwesto ko kahapon pa rin ako napunta."Silly life," usal ko at sabay singhal.Dahil sigurado naman akong wala akong makakasabay sa pagkain ay hindi na ako nag-abalang tanggalin isa-isa sa tray ang pagkain. Kaagad na lang akong kumain."Kamusta ang bio natin?" tanong ko kay Kenya na malapit lang din sa pwesto ko.Kasabay niya ngayon si Xandria na tahimik lang ding kumakain. Naka-uniform na rin sila pareho samantalang ako ay ni hindi pa nakaligo. Kung sabagay ay iba-iba naman ang oras ng pasok namin."Pinabago ko na dahil baka iyon pa rin ang gamitin nila sa susunod na orientation.""Bakit? May bago na naman?" tanong ko naman."Yeah. Si Shines Walter."Napakurap-kurap naman ako at saglit na napahinto sa pagnguya. Parang familiar sa akin ang pangalan. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ba narinig iyon."Ohh. I know her. She's attending the same school as you, and she's one of the youngest and best hackers in our country," bigay-alam sa akin ni Xandria."Ah, I see.""Oh, Faller is here," rinig kong anunsiyo ni Gabriella. Hindi ako nag-abalang tapunan ng tingin ang tinutukoy nito. Naiinis pa rin ako sa huli niyang sinabi sa akin kaninang madaling araw.["But you know, opposite poles attract each other, right? Maybe, well, just maybe we're meant for each other. Who knows?""We are not. You should sleep. Mukhang hindi ka naman na lalagnatin pa. I'll head to my flat now."]I shouldn't have joked with him about that. Tsk. Ang pangit niya ka-bonding."Ikaw lang ang kumakain na nasa tray," saad ng pamilyar na boses sa aking pandinig. Kahit siguro sobrang layo niya at maingay ang paligid ay makikilala ko pa rin ang kanyang boses."Oh, good morning," kaswal kong bati. "Nakatulog ka ba nang maayos?" segundang tanong ko."Yeah, how about you?""What do you think?" pabulong kong sagot sabay nguya.Napatingin sa akin si Xandria at nagtama pa ang aming paningin. Tinawanan lang ako nito. Baka iniisip na naman nitong gigil na gigil na naman ako sa aking kinakain."Pardon me?" usisa naman ni Faller. Ngumiti ako sa kanya kahit na may laman pa ang bunganga ko sabay iling."Nothing," tipid kong sagot."Don't smile and talk when your mouth is full.""You're talking to me though," sagot ko sabay inom ng tubig. "Pupunta ako sa training mo mamaya...""You mean, right after my training?" pamumutol niya sa sasabihin ko pa."Ah, sorry kahapon. Wala kasi akong dalang sasakyan kaya...""I don't take a ton of excuses, especially when they come from you."Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi dahil baka tuluyang maubos ang pasensiya ko sa ganito kaaga. Inaantok pa ako at may pasok pa.Tumayo na ako kaya kaagad siyang napatingin sa akin. "Tapos ka na? Parang walang bawas ang pagkain mo...""I'm done, and it doesn't matter if I've touched my food or not." kaswal kong sabi at lumabas na ng DH.'Excuses?! Duh?! Eh, totoo naman talagang wala akong sasakyang dala, psss! Nakita niya naman kung paano ko inayos ang kotse ko kagabi. Aish, men are too complicated to make things easier to understand. Tsk.'Pagkapasok ko nang aking flat ay kaagad kong naamoy ang para bang bagay na nasusunog.Wait, wha?! Nasusunog..."Holy shit!" sigaw ko at patakbong nilapitan ang electric flat iron na nakalimutan ko pa lang i-off.Nang mabunot ko na ay nakanganga lang ako habang nakatingin sa sunog kong school uniform. Nang mahimasmasan din ako ay napakamot na lang ako sa aking noo."Buhay is life!" himutok ko at pasalampak na nahiga sa couch. Para bang bigla na lang akong nawalan ng ganang mabuhay pa.'Lord, mahaba pa ba ang kandila ko? Hindi ba pwedeng bilis-bilisan na ang pagkaupos nito?'"Nakakainis!" maktol ko pa at pumadyak-padyak sa hangin. Kung may invisible creatures man akong matamaan ay hindi ko na kasalanan iyon."I need to create an iron that automatically switches off when it doesn't detect any human presence nearby, and I'll name it the 'Decision Iron' because it autonomously makes choices in its operation."Marahas akong napabangon dahil sa ideyang iyon."Wow, you're pretty genius, Kenshane. Great job. Plus 10 ka sa mga ninuno mong inventor," puri ko pa sa aking sarili.Imbes na pagluksaan ang aking nasunog na uniform dahil sa sarili kong katangahan ay tumayo ako at binuksan ang music player ko at kaagad na sinabayan ng indak ang beat ng kanta ni Taylor Swift na Shake it off."I stay out too late. Got nothin' in my brain. That's what people say, mm-mm!" sabay ko pa sa kanta habang sumasayaw din. Napangiti pa ako nang makita ang reflection ko sa salamin ng glass cabinet ko.Yeah, wala nga talaga sigurong kalaman-laman ang utak ko ngayon pero ang mahalaga ay maganda ako."I go on too many dates but I can't make 'em stay... No, I don't! These lines aren't suitable for me," react ko pa.Tama, kailangan ko lang din i-shake it off ang kamalasan ko sa buhay.'Life must go on no matter how hard it is, Kenshane!'"Heartbreakers gonna break, break, break, break, break. And the fakers gonna fake, fake, fake, fake, fake. Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake. I shake it off, I shake it off!" Feel na feel ko pang kumanta at sumayaw. Mas malakas pa yata ang boses ko kaysa sa volume ng speaker ko."You're good.""Ay butete!" pulahaw ko dahil sa gulat. "Fall?! Paano ka nakapasok?""Bukas ang pinto mo, kumatok ako pero hindi mo narinig. Ang lakas ng sound trip mo pati na ang...""Bakit? Is there's something else you need?" pamumutol ko pa sa kanyang sasabihin para isalba ang aking sarili sa kahihiyan.'Lord naman! Bakit ang difficult mo sa akin ngayon?!'Now that I remember that I was shaking my butt as if my life depended on it, it feels like I just need to be buried where I am standing right now."Kenya asked me to check on you because she said she just received a notification that something is burning up in your flat."Right, there's a tool all over this camp to ensure our safety, especially when it comes to fire. Our flats are connected, so if one catches fire, it affects everyone. They also know that I can be forgetful about these things."I'm fine," nakangiti kong sabi. "You can leave. I need to take a shower and go to school.""Ano ba iyong nasunog?" usisa niya pa.Iniwasan ko namang mapatingin sa kinalalagyan ng flat iron na nakapatong pa sa sunog kong uniform."Ah, baka nag-malfunction lang ang Fire Detector ni Kenya. Okay naman ako at ang buong flat ko. Sige na, mamaya na lang tayo uli mag-usap dahil baka hindi pa ako makapasok, eh. You know, I really love talking to you.""That's why you left me at the DH, right?" sarkastikong sabi niya.Napalunok naman ako. "Well, you know that I have to.""Yeah, it's always 'you just have to'.""Inaaway mo ba ako?" patanong kong sabi."Hindi," tipid niya namang sabi."It sounds like that to me, Faller Coleman." Natigilan naman siya dahil sa pagbanggit ko sa buong pangalan niya. "I'm still a student and you're not. Can't you just understand me?" may halong pakiusap kong sabi.Wait... Bakit nga ba ako nagpapaliwanag at nakikiusap sa kanya? Tsk. This is not a good sign."Anyway, labas ka na lang. Kailangan ko ng maligo. Lock the door as you leave," paalala ko pa sa kanya at pumasok na ng kwarto ko.Inihanda ko muna ang uniform ko bago pumasok ng CR. Mahigit 30 minutes din bago ako natapos. Binilisan ko na ang aking kilos nang mapagtantong malapit na rin palang mag 8:00 a.m. May mahigit isang oras pa naman ako pero paniguradong traffic kaya hindi ako pwedeng makampante lang.Isinukbit ko na ang bag ko. Hindi rin kinalimutang dalhin ang laptop ko at lumabas na ng kwarto.Napakunot-noo ako nang madatnan kong nakaupo pa rin si Faller sa couch. Mukhang hinihintay talaga ako nito."What's wrong with you? Why are you still here? I thought you had already left." I bombarded him with questions."Uhm, do you need a driver? I can drive you to school. I can also pick you up if you want. I have my own car as well.""Oh, I would love that, but... What's going on? You need something from me, right?" I inquired, suspicious and curious. Faller was behaving strangely. "Tell me, what is it?""Uhm, I'm probably being too obvious...""Yes, you are, Faller Coleman. What do you really need from me? I know you wouldn't come and wait at my flat without a reason. I'm aware you're a busy person."'Especially considering that I know you have a meeting today. You'll be meeting Eliza, won't you?'I wondered what time they would meet. I hoped it would be at a time when I'm not here. I suppressed any irritation. I didn't want him to think I was moody, it's not a cool comment to hear from him.Faller scratched his neck and stood up, giving me an intense look."You look pale; you could use a light makeup on your face at least."I paused and stared at him. His approach was quite different. While my older brother Ashmer doesn't allow Kenya to wear even light makeup, especially when going to school, Faller seemed to recommend it."I will, my lip tint and powder are in my car. So, what do you need from me? Please, tell me. I need to go.""I need to invent at least one GC tool to pass the training, right?""Uhm, do you need to? I don't know, maybe that's one of the new rules they've added. We used to focus only on the skills required for our chosen department. But yes, I've heard there are new rules for newcomers this year. I'm not one of the ones in charge of making trainee rules."And I don't really care about that either. I'm past that stage, so I'm exclusively focusing on my job now."Can you help me? Or at least assist me in creating a tool. You can be my teacher too. I used to be one of the responsible students back then. You know that.""I know? No, I don't," I replied, echoing his previous denials of our acquaintance."Ah, right. My bad, but...""Yes, of course, I'll help you. Let's discuss it after school, baby," I whispered to him with a smile and then left.Faller Coleman, you still need my help. You know I'm the only one you know here whom you can ask for help. Don't worry, I'll always be there for you.So, can you forgive me for what I did to you last year? My conscience is killing me, you know.Nakangiti ako habang nagpi-print out ng hard copy ng thesis paper ko. Sa wakas ay natapos ko rin itong gawin. Ito lang talaga ang ginawa ko kahapon at ngayon. Bukas na ang last day ng pasahan. "At last! Finally!" saad ko nang matapos na rin akong mag-print. Excited at maingat na inilagay ko ito sa isang folder at ipinatong na muna sa kama ko."Makaka-graduate na talaga ako! Ay, may final defense pa pala at final exam,," bawi ko nang maalala ang bagay na iyon. Napapitlag pa ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinuri kung sino sa PA ang nag-text. Alam ko na kaagad na isa sa PA dahil sa ring tone. [FROM GABRIELLA 'SILANG' PERRER:Guess what?! May ka-date ngayon sa Faller! Nasa GC Mall kami, nasa GaMa CS sila ngayon. Bilis! Tatambay din kami doon.]Para bang lumipad sa ere ang aking kaluluwa dahil sa text na iyon ni Gabriella. Napalunok ako ay saglit na naging blangko ang aking isipan."Si Eliza na kayo 'yon?!" tanong ko pa sa aking sarili. Hindi ko lubos na maintindihan ang
Hindi ko na alintana kung ilang minuto o oras na ba akong nakatayo habang nakaabang sa mga bituwin na punuin ang kalawakan. Nangangawit na nga rin ang batok ko dahil sa ginagawa ko, eh.I love gazing at the stars, it brings me comfort and the peace of mind I need.Nagpakawala ako ng isang matunog na buntonghininga at ipinukol sa baba ng GC Building ang aking tingin. Nakita kong papasok ng building sina Kenya at Marciella. Paniguradong hindi naman sila magagawi dito sa rooftop."Good evening, Kenshane Guieco.""Ay, butete!" usal ko naman dahil sa gulat. Marahas kong nilingon ang lalaking may-ari ng boses na iyon. "Hindi ba uso sa'yong ipaalam mo muna ang presensiya mo bago magsalita, Faller Coleman? Palagi na lang akong nagugulat sa'yo. Baka kung buntis ako ay nakunan na ako," mahabang sermon ko sa kanya. "Hindi ka naman buntis," kaswal niyang sabi. "Hindi nga pero nagugulat ako palagi sa'yo.""Kahit nga sa sarili mo ay nagugulat ka, eh. Sino bang magsusuot ng cycling shorts sa mall?
"What did you say?" panlilinaw ko pa at nakahalukipkip na lumapit sa kanya. "I'm Kenshane Guieco, and of course I'm born this way, Faller. I was born wicked," pabiro kong sabi para hindi maging awkward at lumala ang tensiyon sa pagitan namin.Narinig ko ang kanyang marahas na buntonghininga. Napailing na lang ako at tumabi sa kanya. Naramdaman ko ang paglapat ng aming mga braso. "Ang ganda ng mga bituin, hindi ba?" sabi ko pa. "You know, I like beautiful things and..." Tinapunan ko siya ng tingin. Nasa kalawakan lang din ang kanyang titig. "And a handsome guy," dagdag ko. Nagbaba siya ng tingin para lang magkasalubong ang aming mga mata. "I like you, Faller Coleman and I know that you know that," direktang sabi ko."You like me? I doubt it. Stop pretending that you like me because I know that you didn't and still don't," sagot niya naman. "Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong maniwala at hindi rin kita pipiliting maniwala, Faller," kaagad kong tugon at panlilinaw sa sinabi ko."Ba
"Oh my goodness! Finally! Bukas na ang graduation natin!" tili ni Jeannie nang makapasok kami sa DH. Nandito ang lahat ng Prime Agents at maliban kay Kuya Ashmer at Faller ay sabay-sabay ang graduation namin bukas. "Congratulations," tipid na bati sa amin ni Kuya Ashmer."Guys, sinong sasama sa GC Bar bukas ng gabi?" usisa pa ni Gabriella. Noong isang araw pa talaga ito nangungumbinsi na magkaroon kami ng after party."Ako!" sabay-sabay naming sagot maliban kay Marciella na tanging pagtaas lang ng kamay ang ginawa."Ayos! Payapa! Bukas, ha?! Ang hindi pumunta ay may penalty.""Pauso mo talaga, Silang! Ang pumunta pa nga lang sa party na ikaw ang host ay penalty na, eh!"Nagsitawanan kami dahil sa bweltang iyon ni Jinro. Kaagad naman tuloy itong nabatukan ng isa. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay pumunta na ako sa pwesto nina Faller at Shines. Dahil pareho silang newbie at magkakilala na rin bago napunta rito ay sila ang madalas na nagkakasama."Shines," untag ko sa babae. Napati
Naging mabagal lang ang pagmamanehong ginawa ko pabalik ng GC Camp. Naramdaman ko rin ang pagod dahil sa graduation ceremony at pagsundo at hatid ko sa mga magulang ko sa airport. "Aish! Bakit ba sobrang traffic pa?" himutok ko dahil sa halos hindi na makausad pa ang aking sasakyan. Bahagya kong binuksan ang bintana pero kaagad ko ring naisara dahil sa usok ng mga sasakyan."Badtrip!" asik ko sabay pukpok ng steering wheel. Napapitlag ako dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Nakakonek din kasi ito sa speaker ng sasakyan ko. Napairap ako dahil si Gabriella Perrer ang nasa caller ID.Hinayaan ko na lang muna. Dalawang missed calls pa muna bago ko sinagot."What?" kaagad kong sagot kahit alam ko naman talaga kung ano ang itinawag nito."Where are you, darling?" Kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha nito ay alam kong nakangisi ito."On the way home, why?""Pauwi ka pa lang? Talaga ba?" puno ng pagdududa nitong sabi."Oo, bakit? Nakita mo na ba ako diyan sa GC Camp? Use your
|•~YEARS LATER~•|Nakasimangot ako habang pinagmamasdan na naman nang palihim si Faller at Eliza na nakatambay sa benches ng Mhinn International School. Halatang may masaya na naman silang pinag-uusapan. Sa kabutihang palad ay nakapasa naman ako kaagad sa LET at kagaya nila ay natanggap din ako sa paaralang ito. Well, walong na rin naman ang nakakalipas pero wala pa ring pagbabago. Nakikipaglaro pa rin ako sa apoy. Napabuntonghininga at iling na lang ako at umiwas na ng tingin. Wala na talaga yata akong pag-asa. Pero kahit naman wala ay hindi ko pa rin alam kung paano ang sumuko kasi merong parte ng puso ko na nagsasabing may gusto rin siya sa akin, eh.O baka bukod sa malandi ay assuming queen lang din talaga ako."Huwag mo ng tingnan kung ayaw mong masaktan."Napakagat ako sa labi dahil sa sinabing iyon ni Crystal. Kahit pakialamera talaga ito ay palagi namang may punto. "Hindi naman silang dalawa ang tinitingnan ko, ha? Sa mga batang naglalaro ako nakatingin. Baka ka'ko matisod
Hindi ako ang ipinunta niya rito. Nanlumo naman ako sa ideyang iyon. Malinaw din naman na hindi siya nandito para mag-CR din dahil nasa kabilang panig ang Male CR."Uhm... My love..." Napakuyom ako dahil sa hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko na magawang sambitin pa lahat ng endearments ko sa kanya. Nahihiya ako at baka marinig pa ni Eliza. Sa camp ko lang naman nagagawa iyon o kaya naman ay kapag kaming dalawa lang talaga."Fall, nandito rin si Eli?" baling na tanong ko na lang sa kanya. Seryoso naman ang mukha niya na nakatingin sa akin. Tila ba bagot o ano.Tama si Lovimer, ma-attitude nga siya. I can see and say it now. Dati naman siyang masungit sa... akin. Yeah, mas masungit siya sa akin at tila ba allergy sa presensiya ko.Napabuntong-hininga na naman ako.Nakakahiya ka pala, Shane."Ang tagal mo, akala ko ay nakatulog ka na sa loob," asik niya pa. Nagpalinga-linga naman ako para hanapin si Eliza pero bukod sa aming dalawa ay wala naman ng ibang tao pa. Sini
Ipinarada ko na nga ang aking kotse sa GC Camp parking lot. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nanatiling nakapikit pa rin. Mukhang nakatulog na yata siya. "Faller Coleman," panggigising ko sa kanya sabay yugyog ng kanyang balikat. "What?!" asik niya na ikinangiwi ko. Suplado talaga! Sarap ipalapa sa mga butete, eh. Pasalamat lang talaga siya at gusto ko siya dahil kung hindi ay kanina pa siya nawalan ng hininga dahil sa napaka-antipatiko niya!"Nasa camp na tayo, Sir. Bumaba ka na. Ang kotse mo nasa MHIS pa," paalala ko pa. Napakamot naman siya sa noo. "Ibalik mo ako sa MHIS," utos niya pa sa akin. Napaawang na naman ang bunganga ko dahil sa sinabi niya."Butete ka naman my loves, my babe, my honey bunch, sweet cake. Ayoko ng bumalik, 'no? Ikaw na lang. Mag-commute o maglakad ka papunta doon. Kung hindi man kaya ay ipakuha mo na lang sa available na agent diyan," suhestiyon ko pa pero naisip ko rin na lahat ng agent ay may trabaho rin naman. Hindi na nila responsibilidad na kuni
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.