Share

Kabanata 0004

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-16 10:30:38

“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki.

Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin.

“Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko.

Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!”

“Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?” nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak nito.

“Ayoko ng naiisahan ako! Walang dapat manlamang sa akin. Kaya pagbabayaran mo ang lahat ng ito, habang buhay!” saka siya iniwan nito at pabalibag na isinarado ang pintuan.

Naupo siya sa kama at hindi makapaniwala sa narinig buhat sa lalaki. Siya ang nais nitong pagbayarin sa ginawa dito ng kanyang ama. At pagbabayaran niya iyon habang siya ay nabubuhay!

KINABUKASAN..

Nagising si Maureen sa maliwanag na sikat ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang kwarto. Kung gaano kaliwanag ang sinag na iyon, ganun naman kadilim ang kanyang nararamdaman. Biglang sumakit ang kanyang tiyan.

“Aaah..” napahawak pa siya dito, “kailangan ko ng bumangon at kumain para makainom ako ng gamot.”

Bumaba siya upang makapag almusal. Agad siyang sinalubong ni Aling Layda.

“Mam, gumawa ako ng soup para sa iyong tiyan. Maganda ito upang mainitan ang iyong sikmura,” nakangiti nitong bati sa kanya.

“Salamat,” naupo siya at tinikman ang ibinigay nito sa kanya.

Masaya siyang pinapanood ng matanda. Nakakakain na kasi siya ng maayos ngayon. Hinawakan pa nito ang kanyang noo, “mukhang okay ka na ah.”

Maya maya pa, napatingin sila sa pinto ng marinig nila ang mga boses na nagtatawanan at nagkukwentuhan. Si Zeus, kasama ang babae nitong si Shane!

Napatigil siya sa pagkain at pinanood ang mga ito, ‘bwesit na lalaki ito, ayaw makipaghiwalay pero iniuwi dito ang kabit niya! Napakawalanghiya talaga!’

“Aling Layda, maghain na kayo,” malambing nitong utos sa matanda. Wala namang nagawa ang katulong kundi ang sumunod.

Parang wala siya doon, matapos maghain ng matanda. Parang ang dalawang ito lang ang nasa lugar na iyon.

“Kumain ka ng isada, maganda ito sa baby,” binigyan nito ng pagkain si Shane.

“Salamat,” sagot ni Shane. Nahihiya pa itong tumingin sa kanya, “nakakahiya naman, nandiyan ang asawa mo..”

“Okay lang yan sa kanya,” malambing na sagot nito sa babae.

Naninikip ang kanyang dibdib sa nakikita niya. Sa bagay, dapat, tinatanggap na niya ang mga ganitong bagay dahil kabayaran ito sa mga kasalanan nila sa kanyang asawa.

“Mrs. Acosta, pasensiya ka na ha. Ganito talaga kalambing si Zeus sakin noon pa mang mga bata pa kami, lalo na noong malaman niyang nagdadalang tao na ako,” mlambing na sabi sa kanya ni Shane.

“Wag mo akong tawaging Mrs. Acosta,” saway niya dito. Hindi na siya natutuwang mabansagang asawa ni Zeus.

“Bakit naman?” tumigil ito pagkain, “hindi ba kayo oaky na dalawa?”

At may gana pa talagang magtanong ang babaeng ito sa kanya kung hindi sila okay.

Hindi nagsalita si Zeus. Hindi niya rin naman alam kung ano ang isasagot sa babaeng ito.

“Hindi naman talaga kami okay,” tugon na lamang niya, “basta na lang kami nagpakasal kahit hindi namin mahal ang isa’t isa.”

Biglang napatingin sa kanya si Zeus. Inirapan lang niya ito. Wari namang nababasa ni Shane na may issue sa pagitan nilang mag asawa.

“Ahm.. pakiabot na lang sakin ng gulay, Maureen” sabi nito sa kanya, “hindi kasi kumakain ng gulay si Zeus, gusto ko lang matikman niya yan, para kung sakali man, at magustuhan niya, makakakain na siya ng masustansiyang pagkain.”

“Bakit hindi ikaw ang kumuha? May yaya ka bang katabi kapag kumakain ka?” panunuya niya dito, “wala ka bang kamay para abutin yan?”

“Ah- eh-, ikaw kasi ang mas malapit. Saka sa America, sanay akong sa mga hotel kumakain. May mga waiter doon na nagsisilbi.”

“Pwes, hindi mo ako waiter,” nakasimangot niyang sagot dito.

Si Zeus na lang ang tumayo at kinuha ang pagkain na nais ni Shane.

“Mag isa lang din kasi akong kumakain lagi, dahil sa trabaho, kaya hindi ako sanay ng may ganitong hain sa hapag,” malungkot pa nitong sabi, na parang nagpapaawa sa kanyang asawa.

“Shane, ang galing mo kaya. Napaka hard working mo,” pagkocomfort dito ni Zeus.

“Salamat,” nginitian pa nito si Zeus, “tikman mo ito oh, masarap yan. Enseladang labanos. Maganda ito sa katawan.”

“Sige nga, masubukan nga yan,” pinanood pa niya ito habang kinakain ang gulay na inialok dito ni Shane.

Inubos na niya ang kanyang soup. Tiningnan niya ng may pang uuyam si Zeus. Natatandaan pa niya noon, nang igawa niya ito ng rice ball na may kasamang gulay. Inalok niya itong kainin iyon habang mainit pa.

“Kuya, tikman mo itong ginawa ko. Masarap kainin ito tuwing umaga.” alok niya dito. Ibiaabot pa niya ang isang canister na may lamang pagkain.

“Hindi ako kumakain ng pagkaing hinawakan na ng iba,” saka niya ako iniwan ng walang kaabog abog.

Ang alaalang iyon ang isa sa nagpapasikip ng kanyang dibdib, lalo pa at nakikita niya kung paano kainin ng lalaking ito ang pagkaing ibinigay ni Shane.

Para na lang siyang palamuti doon, habang pinapanood ang dalawa sa kabilang bahagi ng lamesa.

“Masarap hindi ba?” tanong ni Shane kay Zeus, na marahang kinakain ang gulay na iyon.

“Hmmm.. masarap nga,” malambing na sagot nito kay Shane.

“Sabi ko sayo eh. Noong mga bata pa tayo, hindi ka talaga kumakain ng gulay. Kaya pinipilit pa kita hindi ba?” nangalumbaba pa ito sa harapan ni Zeus.

“Oh? Ang tagal na noon ah, natatandaan mo pa rin? Ang talas talaga ng memorya mo ha,” pinisil pa ni Zeus ang pisngi ng babaeng kaharap.

“Siyempre naman! Natatandaan ko pa ang lahat. Naaalala mo pa ba, noong nakakatanggap ka ng mga award? Madaming tao, lalo na ang mga kaklase nating babae ang gustong magcongratulate sayo. Sikat na sikat ka sa school natin,” nakangiting kwento ni Shane.

“Sobra naman yan, hindi ba masyadong exaggerated naman niyan,” natatawa pang sabi ng lalaki. Ang mga ngiting iyon ay hindi pa niya nakikita magmula noong maging mag asawa sila. Lalo lang siyang nakakaramdam ng inis dito.

“Oo kaya.. Sabi nga ng mama ko, may taste daw talaga ako sa lalaki, dahil ikaw ang nagustuhan ko,” parang kinikilig pa ito.

‘Yun ba ang hindi kabit? Harap harapang umaamin?’ inis niyang sabi sa sarili. Nawawalan na siya ng ganang kumain.

Napatingin pa sa kanya si Zeus habang humihigop ng kape. Waring tinitingnan nito ang kanyang reaction. Malamig lang siyang tumingin sa lalaki, saka niya ito inirapan. Napansin naman iyon ni Shane.

“Pasensiya ka na Maureen. Bata pa lang kasi kami, magkasama na kami ni Zeus. Hindi ko lang mapigilang alalahanin ang aming nakaraan,” napapahiyang sabi nito sa kanya.

Hindi na niya ito tinugon. Pinilit na lang niyang tapusin ang kanyang pagkain at baka masuka pa siya sa kanyang mga naririnig. Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang kwento ni Shane.

Ikinuwento pa nito ang kanilang romance noong kabataan nila. At nalaman niya, na hinadlangan pala ng lolo ni Zeus ang kanilang relasyon kaya sila naghiwalay. Wala naman siyang pakialam sa ikinukwento nito. Tiningnan niya ng masama si Zeus, baka makakaramdam ito na ayaw na niyang makinig sa ikinukwento ng kabit nito, at maiisipan nitong patigilin na sa pagsasalita si Shane.

Subalit parang walang plano ang lalaki. Inienjoy pa nito ang pakikinig sa kwento ng ex nito na ngayon ay ginawa pa nitong kabit.

Naiinis siya. Parang gusto pa ata nitong maikwento ni Shane pati ang ginagawa nilang dalawa sa kama. Gusto na lang niya itong batuhin ng plato upang manahimik na lamang. Timping timpi na siya.

“Ikaw, Maureen? May gusto ka ba kay Zeus?” tanong sa kanya ni Shane.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Alma Balboadelasanta
continue po
goodnovel comment avatar
Ma Christ Aicrag
super ganda
goodnovel comment avatar
Khristine Peras Cabrera
love it continue plss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0005

    “Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”w

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-16
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0006

    “Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0007

    May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack.

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0008

    Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa k

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0009

    Tiningnan niya lang ito. Gwapo nga ito, pero napakatabil naman ng bibig. Walang preno kung magsalita! “Anong ginagawa mo dito?” bahagya itong lumayo sa kanya, “binabalikan mo ba ako?” “Hindi no! hihiwalayan talaga kita!” inayos niya ang kanyang palda, “bakit naman kita babalikan? ano ako? baliw?

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0010

    “Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naam

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-22
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0011

    “Brix, Shane!” sagot dito ni Brix.“Magkakilala kayo?” nangunot ang kanyang noo, ng mapansing mukhang close ang dalawa. Bago matawag sa mismong apelido ang isang tao ng ganoon kadali, dapat, may bond ng closeness.“Oo naman! magkaklase kami sa America noon,” tiningnan pa ni Shane si Brix, “kumusta k

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-22
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 0012

    Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-22

Bab terbaru

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1607

    "Hmm? Naalala mo na ba?" patuloy pa rin si Shawn na nagtatanong. Nais niyang marinig mismo sa bibig ni Ruby ang kasagutan. Naasar na si Ruby sa ingay niya at matamlay na sumagot, "Oo, naalala ko." "Na-touch ka ba?Naisip mo bang ako ang iyong tagapagligtas? nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?"

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1606

    Matagal tinitigan ni Shawn si Ruby. Napansin niyang iba ang reaksyon nito ngayon kumpara kahapon. Ibinaba niya ang tingin at nakita ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang baywang, bahagyang nakayuko ang mga daliri, tila may balak itong bawiin ang mga brasong nakayakap sa kanya. Mukhang ilalayo na

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1605

    Umupo siya sa tabi nito, hinawakan ang malamig nitong kamay, at nakita sa kanyang mga mata ang labis na habag. Awang awa siya dito. Napakakinis ng balat ni Ruby noon, ngunit dahil sa frostbite ngayong gabi, mukhang namumula ito at may bahagyang pamumuo ng dugo. Ang mukha nito ay halatang dumaan sa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1604

    Gustong pumasok ni Zander sa emergency room.. Ngunit ayaw ni Shawn na pumasok ito at magpakita ng kabutihang-loob kay Ruby, kaya hinawakan niya ang braso nito at marahan siyang nagsalita, "Isa kang doktor ng cardiothoracic, hindi isang doktor ng pang-emergency, kaya hindi mo kailangang pumasok. Haya

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1603

    Pagpasok ni Shawn sa madilim na bahagi ng kweba, wala siyang makita kahit kaunting liwanag. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight. Gamit ang matatalim niyang mata, tumingin siya sa loob—at doon niya nakita ang isang babaeng nasa magulong ayos. Nakatali ang kanyang mga kamay a

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1602

    Sinabi ni Ericka sa kanya, "Ito ang tolda at mga gamit namin. Plano naming magkamping rito ngayong gabi para manood ng mga bulalakaw. May inihanda pa kaming teleskopyo. Ano'ng ginagawa mo rito? May hinahanap ka? Narinig kong binanggit mo si Ruby? Nawawala ba ang kapatid ko?" Malamig ang tingin ni S

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1601

    "Oo," sagot ng kaibigan ni Ericka habang inilapag sa sahig ang isang itim na bag. Tumingin si Ruby at nakita ang laman nito—mga gamit para sa pagpapahirap, gaya ng mga latigo at makukulay na hindi matukoy na mga tableta. Napuno ng takot si Ruby. Umatras siya at sinabi, "Ericka, lumalabag ka na sa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1600

    "Kalaunan, sa wakas ay natagpuan ko si Lex. Inilaan siya ni Lord para sa akin. Itinadhana kaming magtagpo at magmahalan, pero gusto mo siyang agawin sa akin. Ruby, dati ay pinili kong huwag magtanim ng galit kaninuman at mamuhay nang maayos. Ma ninais kong magkaroon ng payapang pamumuhay, pero ikaw—

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1599

    Walang nakarinig kung ano ang sinabi sa kabilang linya, pero agad niyang ibinaba ang tawag at tumakbo palabas. Isinasaayos na ng shareholder ang dokumento ng kanyang paghirang bilang tagapagmana. Nang makita nilang bigla siyang umalis, nagtataka silang sumigaw... "Shawn, saan ka pupunta? Kakaumpis

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status