Share

Kabanata 5

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-08-16 10:31:12

“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya.

“May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?”

Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda.

“Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito.

“Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’

“Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito.

Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan ni Zeus upang sunduin siya at iuwi sa bahay. Kaya noon, naiisip niyang may pag asa talaga ang pagsasama nila ni Zeus. Dahil alam niyang concern ito sa kanya.

“Ah, ganun pala yun,” sabi ni Shane, so, Zeus, binibiro ka lang pala ni Maureen noon. Akala mo ba, totoong may pagtingin siya sayo?”

“Hindi no, ano ako, tanga?” sagot ni Zeus na nakasimangot na naman.

Nagulat siya sa isinagot ni Zeus. Magmula ng makulong ang kanyang ama, at ang tito na niya ang namahala ng kanilang kompanya, madalas nitong sabihin na dapat maging mabuti siyang asawa kay Zeus. Pero ngayon, parang naniniwala na si Zeus na sinungaling siya at nagpakasal lang siya dito ng dahil sa pera. Mali na naman ang move na ginawa niya.

‘Tanga ka talagang mag isip Maureen!’ sigaw ng kanyang isipan.

“Enjoy na lang kayo pagkain, busog na ko,” tumayo na siya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito, ngunit hindi inaasahan ni Maureen ang pagsunod sa kanya ni Shane.

Binuksan na niya ang kanilang kwarto, ng mapansing kasunod na niya si Shane, “ may kailangan ka ba, Shane?”

“Ito ba ang kwarto niyo ni Zeus?” bahagya pa itong sumilip sa loob, “ang ganda.”

“Shane, may itatanong ako,” naglakas na siya ng loob na itanong ang nais niya.

“Ano yun?” iginagala pa rin nito ang mata sa loob ng kwarto nila.

“Yang ipinagbubuntis mo ba ay– ay anak niyo ni Zeus?” nagkabikig ang kanyang lalamunan sa tanong na iyon.

“Ha?” napatingin ito sa kanya, saka tumayo ng maayos at hinimas ang titan,”o-oo..”

“Bakit hindi na lang kayo magsama? Isang mahusay at gwapong negosyante, saka isang talented at magandang babae. Perfect match kayo.”

“Ha? Pa-paano ka? Kasal kayo, hindi ba?” nag- aalala ang boses ni Shane.

“Maghihiwalay na naman kami,” mapait niyang sagot dito,”isa pa, wala naman kaming pagmamahal sa isa’t- isa eh.”

“Talaga?” nagliwanag ang mukha ni Shane sa sinabi niya.

“Oo, hindi mo na ako kailangang intindihin pa. Wala naman kaming special connection ni Zeus.” Isa pa, sinabi naman sa kanya ni Zeus na kahit kailan, hindi siya matututunang mahalin ng kanyang asawa.

Tinalikuran na niya si Shane. Pumasok na siya sa kanilang kwarto, at uminom ng gamot. Tinawagan na niya si Ruby, para ipagpagawa siya ng annulment papers.

Pagbaba niya, wala na doon si Shane, ngunit naroroon si Zeus, may kausap sa telepono. Mababatid sa hitsura nito ang ma- otoridad na nilalang! Nagkunwari siyang hindi niya ito nakita at dire diretso siyang lumabas ng bahay.

“Sandali!” pigil nito sa kanya.

Tumigil siya saglit para lingunin ito, “bakit?”

“At saan mo balak pumunta? May sakit ka hindi ba?”

“Papasok na ko sa trabaho!”

“Hindi ka maaaring umalis!”

“Wag mo na nga akong pakialaman! Hindi nga ako nakikialam sayo!” inis niyang sagot dito. “Simula ngayon, hindi na ako makikinig sayo. Gagawin ko kung ano ang gusto ko! Aalis na ako sa bahay na ito!”

Noon pa man, pasaway na talaga siya. Ngunit nung maikasal siya kay Zeus, na akala niyang mamahalin siya, naging masunurin na lang siyang asawa. Pero iba na ngayon, gusto na niyang magpakatotoo.

“Bago ka makaalis dito, dapat, may malilipatan ka ng bahay. Sino namang magpapaupa sayo, kapag sinabi ko sa mga tao na wag ka nilang tatanggapin?” pananakot nito sa kanya.

“Pinipigilan mo ba ako? Gusto mo akong ikulong sa bahay mo?” naniningkit ang kanyang mga mata pagtingin dito.

“Next week, isara mo na yang walang kwenta niyong studio, at pumunta ka sa opisina ko. Ikaw ang kukunin kong personal secretary ko!” utos nito sa kanya.

“Nag aral ako ng arts and design. Kita mo ba? Hayaan mong magamit ko ang pinag aralan ko! Ano namang nalalaman ko sa pagiging secretary no!” inirapan niya ito ng matindi.

Matagal ng alam ni Zeus ang gusto niyang gawin. At napag usapan nila ni Ruby na mag invest ng tig isang milyon para sa business na itatayo nila. Wala siyang ganoon kalaking pera, kaya nanghingi siya sa kanyang asawa. Akala nito ay bibili lang siya ng alahas, ngunit nagulat ito at nainis ng malamang nagtayo sila ng kaibigan ng studio. Tapos ngayon, sa kabila ng kanyang paghihirap, nais nitong ipasara agad agad ang kanyang business?

“Hindi bagay sayo ang maging designer, kaya isarado mo na ang studio mo agad. Nag aaksaya ka lang ng panahon diyan!” asik nito sa kanya.

“Hindi bagay sakin? Nakita mo na ba ang mga designs na ginagawa ko? Hindi naman, di ba?” umaahon ang inis sa kanyang dibdib.

“Hindi ko naman kailangang tingnan ang mga ginagawa mo,” malamig ang tono nito,” ngayon, kung gusto mo ng trabaho, sa akin ka pumunta, at maging personal kitang sekretarya. Walang ibang bagay na trabaho sayo, maliban diyan.”

“So, para sayo, wala akong karapatang mangarap? At hanggang pagiging sekretarya mo lang ang maaari kong gawin, ganon ba?” naiirita niyang sagot dito, “wag mo akong diktahan sa mga gusto kong gawin. Gawin mo na lang din kung ano ang gusto mo!”

Matagal niya iyong pinangarap. Pinagpupuyatan pa niya ang lahat, tapos sasabihan lang siya ng lalaking ito na hindi iyon bagay sa kanya? Ang ikinakainis pa niya, sinisira nito ang kanyang diskarte! Hindi siya papayag. Tinalikuran na niya ito at nagtungo na siya sa garahe.

“At aalis ka talaga?” sita sa kanya ni Zeus. Sinusundan siya nito, ngunit hindi na niya pinapansin ang lalaki.

“Saan kayo pupunta, Mam?” hinarangan siya ni Mr. Jack, ang assistant ni Zeus, “ihahatid ko kayo.”

“Wag na! Kaya kong mag isa!” inis niyang sabi dito.

“Mam, ayaw pumayag ni sir na umalis kayo, makakaalis lang kayo, kung ako ang maghahatid sa inyo kung saan kayo pupunta,” sagot sa kanya ni Mr. Jack.

“Oh, sige, sa studio tayo,” sagot niya dito.

Ipinagbukas siya ng pinto ni Mr. Jack. Hindi na niya muli pang tiningnan ang kanyang asawa.Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Ruby.

“Nasaan ka bes?” tanong niya dito.

“Nasa studio ako.”

“Papunta na ako diyan. Yung ipinapakuha ko sayong documents, nakuha mo ba?’

“Oo, narito sa akin. Sasalubungin kita kapag malapit ka na dito.”

“Sige, salamat.”

Agad niyang natanawan sa labas ang kaibigan, hawak ang isang brown envelope. Agad niya itong nilapitan pagkababa niya ng sasakyan.

“Ito na ba yun?” tanong niya dito.

“Oo. Pirmahan mo na diyan sa mga may pangalan mo,” inabutan siya ni Ruby ng ballpen.

Matapos pirmahan, ibinalik niya kiyon sa envelope, at ibinigay niya kay Mr. Jack.

“Pakidala nito sa boss mo,” sabi niya dito.

“Pero mam, hindi ako maaaring umalis dito, babantayan ko kayo,” tanggi nito.

“Ano namang mangyayari sa akin dito sa studio ko? Importante yan. Dalahin mo na agad sa kanya.” utos niya dito.

“Pero mam..” ayaw nitong umalis sa harapan nila.

“Bingi ka ba?” tanong dito ni Ruby, “dadalhin mo yan doon, o ipopost ko sa internet na mag asawa sila?”

Nagulat pa ito sa sinabi ni Ruby, at mabibigat ang mga paang humakbang palayo. Sinunod na lang nito ang kanyang kagustuhan.

PAGDATING ni Mr. Jack sa studio, abala si Zeus sa mga pinipirmahang dokumento. Agad siyang napatingin sa kanyang assistant.

“Nasaan na ang asawa ko?” hindi na siya nag abalang mag angat ng paningin.

“Nasa studio na siya sir,” sagot sa kanya ni Mr. Jack.

“Okay na ba ang kanyang tiyan?” tanong niya dito.

“Mukhang okay na naman. Maayos naman siya nong maihatid ko,” tugon nito. “Siyanga pala sir, may ipinapabigay sa inyo si Mam,” iniabot nito sa kanya ang isang envelope.

Nangunot ang kanyang noo, pagkakita doon, “basahin mo nga kung ano yan.”

“Yes sir!” binuksan nito ang envelope, at nawindang sa malalaking letra na naroroon. Annulment papers!

“Oh, ano? Bakit hindi mo pa basahin yan? Naghihintay ako,” nakayuko siya at hindi nakita ang ekpresyon ng mukha ng kanyang kaharap.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Joan Uy
next Po please
goodnovel comment avatar
Dessie Pelicano
exciting.....
goodnovel comment avatar
Rochell Dizon
nxt please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 6

    “Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa

    Last Updated : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 7

    May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack.

    Last Updated : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 8

    Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa k

    Last Updated : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 9

    Tiningnan niya lang ito. Gwapo nga ito, pero napakatabil naman ng bibig. Walang preno kung magsalita! “Anong ginagawa mo dito?” bahagya itong lumayo sa kanya, “binabalikan mo ba ako?” “Hindi no! hihiwalayan talaga kita!” inayos niya ang kanyang palda, “bakit naman kita babalikan? ano ako? baliw?

    Last Updated : 2024-08-21
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 10

    “Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naam

    Last Updated : 2024-08-22
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 11

    “Brix, Shane!” sagot dito ni Brix.“Magkakilala kayo?” nangunot ang kanyang noo, ng mapansing mukhang close ang dalawa. Bago matawag sa mismong apelido ang isang tao ng ganoon kadali, dapat, may bond ng closeness.“Oo naman! magkaklase kami sa America noon,” tiningnan pa ni Shane si Brix, “kumusta k

    Last Updated : 2024-08-22
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 12

    Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae

    Last Updated : 2024-08-22
  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 13

    Ngunit hindi nakatakas kay Maureen, ang hitsurang iyon ng babae. Kilala niya iyon. Pinsan ito ni Zeus. Anak ito ng isa sa mga kapatid ng kanyang biyenan. Si Roselle.Narinig niya noon sa usap usapan ng mga ito, na sa ibang kumpanya ito magtatrabaho, bilang modelo. At iyon ay sa kumpanya ng pinakamam

    Last Updated : 2024-08-22

Latest chapter

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1697

    Naliwanagan ng liwanag ang nakatulala na mukha ni Raymond. Tila ba hindi nito mapaniwalaan ang kayang mga sinabi, "Aimee, huwag kang gagawa ng anumang bagay na ikakasakit mo dahil lang sa pagkabigo mo sa akin o gusto mong maghiganti sa akin. Alam kong galit ka.. Kung ganito na lang.. babalikan na la

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1696

    Nagtanong siya kay Raymond, "di ba, nobya mo si Aimee Ilustre? bakit kay Rex siya magpapakasal ngayon? anong nangyari?" "Naghiwalay na kami," tugon ni Raymond sa kanya. Sa totoo lang, mahal talaga ni Raymond si Aimee. Sa dami ng naitulong nito sa kanya, unti unti niyang natutunang mahalin ang baba

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1695

    "Kahit wala ako, naniniwala akong ikaw mismo ang makakalutas nito, pero bilang asawa mo, gusto ko lang maibsan ang mga alalahanin mo sa sandaling ito." Pagkatapos noon, hinawakan ni Rex ang kanyang kamay. Pakiramdam ni Aimee, may kaligayahang bumalot sa kanyang puso. Isang taos pusong kalaigayahan

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1694

    Sa Ikalawang Araw.... Hiniling ni Rex sa kanyang assistant na dalahin ang mga alak na inorder niya sa ina ni Aimee upang makapamili ang mga ito. Dahil hindi makakainom ng wine si Aurora, kay Aldrin niya ipinatikim ang alak at pagkatapos ng kaunting diskusyon ng magkapatid, napili nila ang isang F

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1693

    "Kaya nga, tama ka diyan," tumango si Aimee bilang pag sang ayon. Tahimik na tumingin sa kanya si Rex. Magsasalita pa sana siya, subalit lumabas na ang may-ari ng winery at bumati, "Welcome, Mr. Lindon." Lumingon si Rex at bahagyang tumango. Kaya't isinama sila ng may ari upang bisitahin an

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1692

    Gaya ng nais niyang mailihis ang usapan, si Rex ay hindi na rin naisipang ituloy pa ang paksa. Dahil alam niya kung ano ang iniisip ni Aimee, hindi niya nais na mapahiya pa ito."Pumunta tayo sa winery.." Dinala niya ang babae sa pagawaan ng alak. Nagtaka si Aimee kung bakit sila nagtungo doon

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1691

    Marahil ay naantig siya sa mga sinabi nito, ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat nito at iniangat ang kanyang mapuputi at malambot na mga paa mula sa kanyang mataas na takong. Nakasuot siya ng isang pares ng transparent na foot sock sa kanyang mga paa, at dahil siguro sa sobrang lakad niya

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1690

    Ibinaba niya ang kanyang mga mata, bahagyang nanginginig ang kanyang mga pilikmata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot "Ayos lang, maganda naman." "Kung gayon, bilhin natin ito, okay?" may pakiusap sa tono ni Rex. "Bibilhin?" Napansin ito ni Aimee na kakaiba at tumingala sa kanya, "Hindi ba

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1689

    Wala pang isang linggo simula ng opisyal silang mag usap ni Rex tungkol sa kanilang pagpapakasal, ngunit ang damit ay mabilisan na agad naihanda.. paano iyon nangyari? Sandaling nag isip si Aimee.. Napakaimposible kasing ang isang ganitong kagarbong damit pangkasal ay mayayari lamang sa loob ng i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status