Share

Kabanata 0003

Dahan dahan niyang nilapitan si Maureen. Nakapikit ito. Para itong bata na basta humiga na lang sa gilid. Pero hindi maitatanggi, na maganda talaga ito, lalo na ang kulay rosas nitong labi, na sa tuwing hinahalikan niya, ay para siyang nakakatikim ng prutas na matamis gaya ng peaches.

Yumuko siya upang buhatin ito at dalahin sa kama. Sumiksik pa itong mabuti sa kanyang mga braso na parang nilalamig. Tiningnan niya si Maureen. Ang amo ng mukha ng kanyang asawa.

Inilapag niya ito sa kama. Aalis na sana siya ng bigla itong magsalita.

“Siraulo ang asawa ko!”

Binalikan niya ito, at tinitigan. Mukhang tulog na tulog pa ito. Nagsasalita habang nananaginip. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kamay nito at tinapik tapik ang pisngi ng kanyang asawa.

“Maureen?” tawag pa niya dito. Ngunit sadyang malalim na ang tulog nito. Natukso siyang halikan ito sa labi.

Bigla itong nagising, at nagulat nong makita siya, “Anong ginagawa mo?” galit nitong sabi sa kanya, “matapos mong makipagdate sa kabit mo, katawan ko naman ang gusto mo? Mandiri ka nga!” singhal nito sa kanya.

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Tiningnan niya lang ito ng diretso, “Hindi ko siya kabit. Wag ka ngang mag imbento ng kwento!”

“Buntis na siya, tapos, sasabihin mo, hindi mo siya kabit? Ano mo siya, tropa?”

“Wag mo siyang sasaktan. Nananahimik lang siya.” sabi niya dito.

“Ano namang palagay mo sa akin? Maraming galamay at kayang manakit? Sa payat kong ito, palagay mo kaya kong manakit ng tao?” tanong nito sa kanya. Halata ang galit sa kanyang boses.

Hindi na lang niya ito sinagot, lalo lang hahaba ang usapan. “Kumusta ang tiyan mo?”

“Kumusta ang tiyan ko? Wag kang umarte na concern ka! Nakuha mo nga akong iwanan noong mga panahong kailangang kailangan kita! Tapos ngayon, kukumustahin mo ako na parang napakabuti mong asawa? Woow, Zeus! Wow!” pinalakpakan pa siya ni Maureen.

Bigla ang buhos ng luha ni Maureen, “Maghiwalay na tayo ,Zeus!” hindi na niya makayanan ang ginagawa sa kanya ni Zeus, kaya dumating na siya ng point ng buhay niya para sumuko.

Nagulat si Zeus sa sinabi ni Maureen. Sa unang pagkakataon, tinawag siya nito sa totoo niyang pangalan. Matanda siya dito ng walong taon, at nakasanayan na ni Maureen na tawagin siyang kuya. At noong maging mag-asawa na sila, honey na ang tawag nito sa kanya.

“Anong itinawag mo sakin?” tanong niya dito.

“Zeus! At simula ngayon, tatawagin na kita sa pangalan mong iyan. Kaya Zeus, uulitin ko, maghiwalay na tayo!” matigas ang tinig nito, mukhang desidido nga na iwan siya.

Simula noong magising si Maureen mula sa hospital na wala si Zeus sa tabi niya, napagdisisyunan na niyang palayain na talaga ito. Ni hindi man lang siya nito binantayan habang nakaconfine. Hinihintay na lang ata ng asawa niya ang kanyang pagkamatay.

“Ano ulit sinabi mo, Maureen?’ waring hindi talaga makapaniwala si Zeus sa kanyang sinasabi.

“Zeus, maghiwalay na tayo!” ang walang pusong lalaking ito ay dapat hindi minamahal at pinaglalaanan ng panahon. Tutal sinabi din naman nito sa kanya na kahit kailan hindi siya kayang mahalin ng kanyang asawa.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” hindi ito makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. “Kung sinasabi mo lang yan, dahil iniisip mong hahabulin kita, nagkakamali ka Maureen, hindi ko iyon gagawin!”

“Hindi ko iniisip na hahabulin mo ako or whatsoever! Hindi ko dapat inaaksaya ang kabataan ko sayo. Marami pa diyang iba, na maaaring mahalin ako sa paraang gusto ko, at hindi ako balewalain, gaya ng pambabalewala mo sa akin! Kaya ko namang magparaya.”

“Baka nakakalimutan mo, Maureen, 2 years ago, ang iyong ama ang nagpapunta sayo sa aking kama upang pikutin ako! Tinatakot niya pa akong magtatawag siya ng mga reporter kapag hindi kita pinanagutan!” tugon nito sa kanya.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon. Madami ng nakakaaway sa negosyo ang kanyang ama, dahil bumabagsak na iyon. Para maprotektahan siya nito, dapat mapunta siya sa pamilya nina Zeus, ang maging isang Acosta! At dahil natatakot ang kanyang ama na madamay siya sa mga nais magpabagsak dito, pinatulog siya nito ng hindi niya namamalayan, at pag gising niya, nasa tabi na siya ng lalaki, walang saplot. Bakas sa mantsang nasa kama na ginalaw siya nito. Dahil may lihim naman siyang pagmamahal sa lalaki, hindi niya hinadlangan ang kanyang tatay ng ipilit nitong pakasalan siya ng asawa.

Pumayag naman ito sa kondisyon na hindi ipapaalam sa ibang tao ang kanilang pagsasama at pag iisang dibdib.

Twenty years old lang siya ng mga panahong iyon, at bagong graduate. Naalala pa niya ang sinabi sa kanya ni Zeus noong unang gabi ng kanilang pagsasama bilang mag asawa.

“Maureen, ibinigay ka na sa akin ng tatay mo, kaya dapat, lahat ng gusto ko, ay susundin mo, naiintindihan mo ba?” sabi nito sa kanya.

“Masusunod po kuya,” nakatungo niyang sagot dito.

“Anong kuya? Tanga ka ba?” sigaw nito sa kanya, “asawa mo ako, kaya hindi mo dapat ako tatawaging kuya, naiintindihan mo?”

“So-sorry.. Tatandaan ko yan,” tanging naisagot na lamang niya dito.

Sa pag- alala ng nakaraan, bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi siya galit sa tatay niya, ng pilitin nitong ipakasal siya kay Zeus, dahil sa simula pa lang, alam na niya na nais lang ng kanyang ama, na maprotektahan siya.

At ngayon, nakakulong na ang kanyang ama.

“Alam kong nagagalit ka at hindi mo gustong pakasalan ako, kaya ngayon, pinapalaya na kita,” sabi niya dito.

“Sige nga Maureen, paano mo masusuportahan ang sarili mo? Kung yung negosyong itinayo ninyo ng kaibigan mo ay hindi man lang kumikita ng salapi?” panunuya nito sa kanya.

“Nag uumpisa pa lang kami. May negosyo bang kumita agad ng malaki kung nag uumpisa pa lang? Alam ko na ang mga gagawin ko, hindi mo na ako kailangan pang proteksiyunan! Kaya ko na ang sarili ko!” naiirita niyang sagot dito.

“Ah, kaya pala gusto mo ng makipaghiwalay sakin, dahil hindi mo na ako kailangan, samantalang noong kailangan ako ng pamilya mo, hindi mo ako iniwan, at ngayong kaya mo na ang sarili mo, iiwanan mo na ako, ganun ba ang nais mong ipahiwatig sa akin, ha Maureen?”

“Alam ko namang malaki ang kasalanan ni papa sayo. Pinagbabayaran na nga niya ang lahat. Saka sa loob ng mga panahong nagsasama tayo, naging sunod sunuran ako sayo! Isa pa, ayaw mo bang maging malaya?Ayaw mo bang panagutan ang babaeng iyon? Ayaw mo bang bigyan ng kumpletong pamilya ang batang dinadala niya?”

“Wag mong pakialaman ang mga ginagawa ko,” malamig ang tinig na sabi nito sa kanya.

Kahit kailan, hindi siya nagtanong tungkol sa mga ginagawa nito, dahil ayaw nito ng pinapakialaman. Napabuntung hininga na lang siya. Tatalikuran na sana niya ito, subalit hinila siya ng kanyang asawa pabalik sa kama. Bigla itong dumagan sa kanya at mariing hinawakan ang kanyang mga braso malapit sa kanyang mga tenga.

“A-anong ginagawa mo?” bigla siyang nagpanic sa ikinilos nito.

“Paulit ulit mong sinasabi at ipinaparamdam sa akin na mahal mo ako. Tapos ngayon, hahayaan mo lang akong mapunta sa iba? Talaga bang okay lang sayo na may iba akong babae? Tanggap mo ba yun, Maureen?” galit na tanong nito sa kanya.

Magsisinungaling siya kapag sinabi niyang tanggap niya iyon, kaya sumagot siya ng naaayon sa kanyang puso, “Hindi.” Saka marahas siyang tumingin dito, “pero ngayon, tatanggapin ko na.”
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Ronalyn Ariza
Nice story
goodnovel comment avatar
Ronalyn Ariza
More please
goodnovel comment avatar
Estabillo Annielyn
grabe ung kwento mapanakit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status