Share

Chapter 59

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2023-06-02 07:12:54

Nang pumasok si Ryker sa malawak na sala ay sumalubong sa kaniya ang malakas na halakhak ni Kelly. Sa television ay may reality show na kasalukuyang pinapalabas doon at iyon ang tinatawanan ng dalaga. Sa halip na lapitan niya ito ay sumandal siya sa hamba ng pinto at pinagmasdan ito. Malayang nakalugay ang buhok nito at nakasuot ito ng pambahay na damit. Pero hindi iyon nakabawas sa gandang taglay nito. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kariktan nito. Kung hindi niya naalala ang lahat at patuloy na sinasaktan niya ito ay siya na rin ang gumawa ng ikakasira ng dalaga.

Bumuntong hininga siya, wala pa rin siyang balak na istorbohin ang dalaga kaya nanatili siya sa kaniyang puwesto. Nakita niya itong umabot ng strawberry sa mangkok at isinubo iyon sabay kagat. Ang naiwang kalahati sa daliri nito ay tinignan nito iyon at ngumiwi.

"Bakit ang asim nito? Hindi naman ang ibang kinain ko kanina, ah!" narinig niyang usal nito at kumuha uli ng isa at isinubo iyon ng buo. Para itong hamster nang lu
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Sadist Billionaire   Chapter 60

    Mahimbing ang tulog ni Kelly ng umagang 'yun nang magising siya dahil sa makas at galit na boses. Salubong ang kilay na bumangon siya at bumaba ng kama. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang buhok niya at basta na lang niya isinuot ang tsinelas niya at lumabas.Nang muli niyang marinig ang boses na 'yun ay nagmamadali siyang naglakad. Nasa may punong hagdan na siya nang makita niya sa ibaba si Ryker at si Lolo Jones. Tuwid lang na nakatayo ang binata habang ang Lolo nito ay nakaduro ang tungkod sa una.Gusto sana niyang pumanaog pero 'di sinasadyang napasulyap si Ryker sa kaniya. Makahulugang tumingin ito sa kaniya kaya umatras siya at hindi itinuloy ang pagbaba. Ngunit napatutop siya sa bibig at nanginig ang tuhod niya nang kitang-kita niya nang itaas ng matanda ang tungkod nito at ihampas kay Ryker."You're not listening to me, Ryker! Hindi mo sineseryoso ang mga sinasabi ko. Do you look down upon me?" galit na wika nito. "Ngayon pa na matanda ka na saka mo naisipang gawin 'to? Ano

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • The Sadist Billionaire   Chapter 61

    Daphne was sentenced to prison. Kasama si Nestor na ipapa-deport sa America at harapin ang kaso nito roon. Sa araw ng hearing ay nagsisigaw si Daphne at sinabing hindi ito ang utak ng pananakot kay Kelly. Nagbanggit din ito ng pangalan kaya si Ryker ay napangisi.Tama nga ang hinala niya, si Morello Baller, dating kaklase niya noong kolehyo siya. Palagi niya itong nakakabanggaan noong nag-aaral pa sila. Isa na roon ang mga babaeng nagustuhan nito pero siya ang gusto naman ng babae. Noong sila naman ang namahala na sa kompanya ng kanilang pamilya. Lahat ng investors na balak nitong bigyan ng proposal ay sa kaniya pumirma. Dahil dito ay alam niyang sukdulan na ang galit nito sa kaniya.At alam niyang ang taong nang-hack noon sa security system ng branch ng kompanya niya abroad ay tao nito. He planted a mole inside his business. Si Sydney ang nakatuklas nito dahil nga umuwi siya rito noon. Parang plano na talaga nila ang isabay na takutin si Kelly para ibaling ang atensyon niya."Sino si

    Huling Na-update : 2023-06-04
  • The Sadist Billionaire   Chapter 62

    Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Kelly nang makita niyang natigilan si Ryker. Kagigising lang nila at hindi pa nakakapagdamit nang tumunog ang cellphone nito. Tahimik lang siyang nakahiga at nakinig sa hello nito sa taong tumawag. Pero nabahala siya nang makita ang pagdilim ng anyo nito. Ang kanyang mga mata ay mabangis at galit na galit na parang papatay ng tao.Umigting pa ang mga ugat sa leeg at sentido nito dahil sa galit. Bumangon siya at hinawakan ang malayang kamay nito. Hindi ito lumingon sa kaniya bagkos ay hinawakan lang pabalik ang palad niya. Binalot ng mapanganib na aura ang binata at pati si Kelly ay nakaramdam ng takot. Parang bumalik kasi ang Ryker na walang pusong nagkulong sa kaniya rito sa bahay."Pumunta ka sa town house at doon ka muna pansamantalang tumira. Wait for me there," kasing lamig ng yelo na sabi nito.Nang maibaba na nito ang cellphone ay huminga ito ng malalim."May problema ba sa kompanya?" usisa niya."Lolo Jones fired ate Sydney yesterday. The las

    Huling Na-update : 2023-06-05
  • The Sadist Billionaire   Chapter 63

    "Will he be okay? B-Baka gawin uli ni Lolo ang ginawa niya noong pumunta siya sa mansion!" nag-aatubli at uneasy na usal niya nang magpaalam na si Ryker na puntahan ang Lolo nila. Mamayang hapon pa naman ang meeting nila ng shareholder ng Baller kaya sa main house na muna ito pupunta. Nag-aalala siya na baka makatanggap na naman ito ng hampas sa matandang Mondragon at baka mas worst pa."Wala ka bang tiwala sa kasintahan mo?" nakaarko ang kilay na tanong ni Andy.Bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ni Sydney. Kompleto sa kagamitan ang townhouse pagkatapos na ipa-renovate ni Ryker nang mabili niya ito.Hindi naman sa wala siyang tiwala sa binata pero 'pag dumating siya at may pasa na naman ay iyon ang hindi niya kaya. Kaya lalong bumigat ang kalooban niya at lumalim ang uneasiness niya na animo nakadagan sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay hindi sa main house ang pupuntahan nito kundi sa digmaan.Ipinatong ni Sydney ang kamay nito sa likod ng palad niya. Mari

    Huling Na-update : 2023-06-06
  • The Sadist Billionaire   Chapter 64

    Nagkukumahog na tumakbo si Kelly na buksan ang pinto nang marinig ang tunog ng sasakyan. Kumakabog ang dibdib niya at hindi makapaghintay na makita ang binata. Gusto niyang makita agad kung hindi ito binugbog ng lolo nito. Kahit na matanda na kasi iyon ay matikas pa rin at parang props lang nito ang palaging hawak nitong tungkod. Akala niya noon ay mahina na ang tuhod nito pero malakas pa ito.Nang bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Ryker ay halos patalon na napayakap siya rito. Narinig niya ang pagsinghap nito kaya maagap na humiwalay siya rito at tinitigan ito sa mukha. Nang makita ang pasa sa pisngi nito at ang sugat sa gilid ng labi nito ay napahikbi siya. Napaka-cruel talaga ng matandang 'yun kahit na apo nito si Ryker.Hindi niya alam kung paanong nakaya ng magulang ni Ryker na harapin ang ugali ng matanda."Hey! Don't cry, honey. Tignan mo ako, okay lang ako, 'di ba?" nabibiglang bulalas ni Ryker at pinunasan ang luha niya. Pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling

    Huling Na-update : 2023-06-07
  • The Sadist Billionaire   Chapter 65

    Sa isang malawak na conference room ay nakaupo ang mga board of directors at shareholders ng Baller industries and corporation. Nagdedebate sila kung paanong mababawi muli ang mga investors na nag-back out at pinili ang levanter company. Hindi sila magkaintindihan kaya umaalingawngaw sa buong hall ang mga boses nila.Ngunit isa sa kanila ang biglang tumayo at hinampas ang mesa dahilan para tumahimik ang lahat. Napatingin silang lahat dito. May iba sa kanila ang tumaas ang kilay at ang iba naman ay hindi nag-react. Animo naghihintay ng isang palabas.Ang tumayo ay isang middle age na lalaki. Ito si Ramon Ayala na may shares ng ten percent. Isa rin ito sa bigatin sa kanilang bansa. Ang isang anak nito ay kilalang magaling na actor."I decided to sell my shares to someone!" deretsong anunsiyo nito. Umugong ang bulung-bulungan nang ianunsiyo ito ni Ramon. Hindi sila makapaniwala na biglang magdidisisyon ito na ibenta ang shares nito. Pero naiintindihan nila kung bakit ganito ang ginawa n

    Huling Na-update : 2023-06-08
  • The Sadist Billionaire   Chapter 66

    Kinagabihan, pagkatapos na maligo ni Kelly ay naupo siya sa silya at gamit ang tuwalya ay pinunasan niya ang kaniyang buhok. Lumapit naman si Ryker sa kaniya at kinuha ang tuwalya. Nakangiting hinayaan niya ito na siyang magpunas sa kaniyang basang buhok. Pumikit pa siya para enjoy-in ang ginagawa nito. Hindi ito nag-initiate noon na gawin ito kaya kinikilig siya. Gusto niyang namnamin ang mga simpleng kilos ni Ryker katulad nito.Maya-maya ay huminto ito kaya nagmulat siya ng mata. Nakita niyang binuksan nito ang drawer at kinuha ang hair dryer. Bumungisngis siya dahil nawala sa isip niya na iyon ang gamitin para patuyuin ang kaniyang buhok. Ang nasa isip niya ay naiwan ito sa mansion. Ang mga ibang gamit kasi nila ay naroon pa rin. Ang sabi ni Ryker ay saka na nila kunin iyon 'pag lumipat na sila sa isang bahay nito. Ang townhouse daw na 'to ay ibibigay na nito kay ate Sydney. Kahit na tumanggi ang dalaga ay iginiit ito ng kaniyang kasintahan at pinalipat pa rin sa pangalan nito ang

    Huling Na-update : 2023-06-09
  • The Sadist Billionaire   Chapter 67

    Pakiramdam ni Kelly ay kanina pa siya sinusulyapan ni Andy simula nang gumising siya. Hindi sa paraan na may pagnanasa kundi panunudyo. Pero kung lilingon naman siya ay nasa gulay na nililinis nito ang kaniyang atensyon. Ikiniling niya ang ulo at muling yumuko para hiwain ang sibuyas na gagamiyin niyang panggisa sa lulutin niyang adobo. Bigla kasi siyang nag-crave ng ganitong ulam kaya siya na ang nagpresentang magluto kahit na iginiit ni Sydney na ito ang magluluto ng agahan nila.Nang muli niyang maramdaman ang tingin ni Andy ay mabilis niya itong tinignan. Nahuli niya itong nakamasid sa kaniya na may munting ngiti sa labi.Pero bihla itong dumaing at napahawak sa ulo nang walang seremonyang itoktok ni Sydney ang spatula sa noo nito. Bumungisngis siya nang makitang namula ang noo nito."Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan at hindi iyang sayote ang balatan mo?" nakapamaywang na sita ni Sydney sa kasintahan.Napahawak ito sa baba at tumingin muli sa kaniya particular na sa kaniyang

    Huling Na-update : 2023-06-10

Pinakabagong kabanata

  • The Sadist Billionaire   Chapter 84 Finale

    Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo

  • The Sadist Billionaire   Chapter 83

    Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at

  • The Sadist Billionaire   Chapter 82

    Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag

  • The Sadist Billionaire   Chapter 81

    "K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s

  • The Sadist Billionaire   Chapter 80

    "Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom

  • The Sadist Billionaire   Chapter 79

    Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.

  • The Sadist Billionaire   Chapter 78

    Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p

  • The Sadist Billionaire   Chapter 77

    Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul

  • The Sadist Billionaire   Chapter 76

    Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status