Pakiramdam ni Kelly ay kanina pa siya sinusulyapan ni Andy simula nang gumising siya. Hindi sa paraan na may pagnanasa kundi panunudyo. Pero kung lilingon naman siya ay nasa gulay na nililinis nito ang kaniyang atensyon. Ikiniling niya ang ulo at muling yumuko para hiwain ang sibuyas na gagamiyin niyang panggisa sa lulutin niyang adobo. Bigla kasi siyang nag-crave ng ganitong ulam kaya siya na ang nagpresentang magluto kahit na iginiit ni Sydney na ito ang magluluto ng agahan nila.Nang muli niyang maramdaman ang tingin ni Andy ay mabilis niya itong tinignan. Nahuli niya itong nakamasid sa kaniya na may munting ngiti sa labi.Pero bihla itong dumaing at napahawak sa ulo nang walang seremonyang itoktok ni Sydney ang spatula sa noo nito. Bumungisngis siya nang makitang namula ang noo nito."Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan at hindi iyang sayote ang balatan mo?" nakapamaywang na sita ni Sydney sa kasintahan.Napahawak ito sa baba at tumingin muli sa kaniya particular na sa kaniyang
Hindi katulad ng iniisip nila nang makarating sila ng hospital. Ang kan'yang ama na sumalubong sa kanila sa may information desk ng hospital ay parang tumwnda ng ilang taon. Hagard ang hitsura nito at magulo ang buhok. Ang suot pa nito ay pambahay lang. Hindi ito katulad noon na naka-suit pa at nasuklay patalikod ang buhok. Ang nakikita nila ngayon ay isang lalaking parang dala ang lahat ng problema ng buong mundo. Puno ng stubbles ang mukha nito at halatang hindi natulog buong gabi. Magkaganun pa man ay hindi siya nagpakita ng ano mang reaksyon. Sumunod pa rin sila ni Kelly sa kaniyang ama. Hindi rin umimik ang kan'yang ama na animo napakalalim ng iniisip at umabot na yata sa ibang planeta.Huminto ang kan'yang ama sa labas ng ICU at humarap sa kanila."Ang sabi ng doctor ay post-cardiac arrest brain injury ang nangyari sa Lolo mo. Hindi natin alam kung kailan siya magigising, maybe days, weeks or months," sabi nito. "Aasa na lang tayo na mag-recover siya.""He will recover," tipid
Nagtatakang napasunod ang tingin ni Sydney kay Kelly nang pabalyang buksan nito ang pinto at nakasimangot na dere-deretso sa kuwarto. Narinig pa niya ang malakas na pag-lock nito ng pinto. Napalingon muli siya sa may pinto nang sumunod naman na pumasok si Ryker na ang mga mata ay nakatingin sa nakasarang pinto. Umarko ang kilay niya. Kaninang umaga ay maayos pa ang dalawa pero bakit pagbalik nila ay parang nag-away sila."Nag-aaway ba kayo?" usisa niya sa kapatid. Sa halip na ang tanungin ay ang kalagayan ng Lolo nila ay ito ang tinanong niya sa kapatid. Kahit pa sabihin nilang unfilial na apo siya dahil 'di siya nakakaramdam ng simpatya sa kaniyang Lolo ay wala siyang pakialam. Hindi sila ang nakaranas sa pagmamalupit ng matanda sa kaniya kaya huwag nilang husgahan ang ginagawa niya. Subukan din nila ang marqnasan ang nangyari sa kan'ya, baka mas worst pa ang reaksyon nila.Clueless din na sumulyap si Ryker kay Sydney at napahawak sa batok. Umupo siya sa pang-isahang sofa at nagtatak
"I think this one is beautiful," giit ni Ryker kay Andy at ang kinuhang bulaklak ay ang cactus na nakatanim sa maliit na paso."But this one has many thorns! Gusto mong matusok ang kamay ni Kelly?" hindi rin patatalong bigkas ni Andy. Idiniin ni Andy ang dulo ng hintuturo niya sa tinik ng cactus at bahagyang napadaing. Pinakita niya kay Ryker ang daliri niya na may kaunting dugo. "See? Ipagdidiinan mo pa ba na cute ito? Saan ba ang cute dito? Mas cute pa itong hinlalaki ng paa ko kaysa sa murderer na bulaklak na 'to!"Hindi nila napansin na napapangiting pinanood sila ng may-ari ng shop. Patuloy pa rin silang nagtalo sa kung anong bibilhin nilang bulaklak.Naiinis na ibinalik ni Ryker ang bulaklak sa estante. Kasalukuyang nandito sila sa isang flower plant shop para bumili ng bulaklak. Kung hindi dahil sa advice ni Sydney ay sa isang flower shop sila pumunta at magpa-arrange ng bouquet.Muli sana siyang titingin ng iba nang tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya iyon sa bulsa ng suo
Sa magkatabing private room dinala sina Sydney at Kelly. Nakaupo ngayon si Ryker sa silya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ang pamilya nito o hindi. Alam niyang kailangan niyang sabihin sa kanila ang nangyari sa dalaga pero natatakot siyang aminin sa kanila kung bakit ganito ang kalagayan ngayon ng anak nila. Kung malaman nilang dahil sa kaniya kaya may nanakit kay Kelly ay baka ilayo nila si Kelly at baka tumutol pa sa relasyon nila.At ang pagdadalang tao nito? Paano niya sasabihin iyon sa magulang nito. Ang alam nila ay nandito at nagtatrabaho ang dalaga sa kompanya niya pero ang katunayan ay hindi pala. Inaasawa na pala niya ang dalaga na lingid sa kaalaman nilang lahat. Lalo na at ang alam nila ay trabaho ang dahilan ng pagpunta ni Kelly dito.Humigpit ang hawak niya sa cellphone bago huminga ng napakalalim. Nagdisisyon siyang kontakin ang kapatid nito. Ipapaalam lang niya muna na narito si Kelly sa hospital at 'pag nandito n
Groggy pa rin ang pakiramdam ni Kelly nang magmulat siya ng mata. Blangko ang tingin na naapatitig siya sa puting kesami at hindi pa nag-sink in sa kaniya kung nasaan siya. Ang naglalaro pa rin sa isipan niya ay ang nangyari sa kanilaa ni Sydney habang hinihintay na umuwi sina Ryker. Nagbibiruan pa sila noing nag-doorbell ang estrangherong laalaaking 'yun.Hindi sila nagkaroon ng suspetsa na baka masamang tao iyon at basta na lamang pinagbuksan. Pero dahil sa ginawa nito sa kaniyang paghila ng buhok niya ay nakita niya ito ng close-up. Hindi niya makakalimutan ang nunal nito sa may sentido dahil kahit nakasuot ito ng mask ay hindi naman 'nun matatakpan iyon.Ang takot niya kahapon na baka papatayin sila ng lalaki ay animo naka-engrave na sa kaniyang katawan. Kaya pagkaalala sa paghablot nito sa kaniya at iuntog siya sa pader ay nagsimula na namang mangatog ang kalamnan niya. Alertong inilibot din niya ang mata at baka na-kidnap na sila ni Sydney. Pero ang mga nakita niya ay mga kagami
Kasalukuyang kinakain ni Kelly ang orange na binalatan pa ni Rhian para kainin niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Ryker. Kanina kasi habang hinihintay niyang bumalik ito ay ang kapatid nitong si Rhian ang dumating. Nahihiya pa nga siya dahil inasikaso agad siya nito at tinanong kung ano mga kailangan niya. Kahit na tumanggi siya ay nagpumilit ito at gusto raw nitong bumawi sa pagsusungit nito sa kaniya minsan.Nagkuwentuhan din sila at nalaman niya na mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. Pero huwag na raw niya itong tawagin na ate at kinikilabutan ito sapagkat kuya nito ang kasintahan niya. Nagiging palagay na rin kapagdaka ang loob niya dahil sa mga pagbibiro nito. Hindi niya ito pinigilan nang ipagbalat pa siya nito ng orange nang sabihin niyang gusto niyang kainin ang dinala nitong prutas."Saan ka ba pumunta at iniwan mo itong si Kelly mag-isa? Kung hindi lang mahigpit ang seguridad ng hospital ay baka nag-utos na naman ang bastardong 'yun na saktan ang kasintahan… mo—"
Kanina pang paggising ni Kelly ay parang nasusuka siya at naiinis siya sa amoy ni Ryker. Kapag nasa malapit ito ng sickbed at tatama sa ilong niya ang natural na amoy nito ay naduduwal siya. Wala naman itong ibang amoy pero siguro ay sinusumpong siya ng morning sickness niya. Maamoy lang niya ito ay pakiramdam niya'y nandidiri na siya.Nang muling lumapit ito para punasan ang mukha niya ay tinabig niya ang kamay nito pagkatapos ay tinakpan ang bibig at ilong. Magkasalubong din ang kilay na tinignan niya ito. Nagulat ito sa naging kilos niya kaya napatitig ito sa kaniya. Dumaan ang sakit sa mata nito sa ginawa niya."Nagtatampo ka pa rin ba sa'kin?" usal nito. He helplessly sighed.Ang alam ba nito ay galit pa rin siya sa disisyon nila kahapon na uuwi siya ng Santa Rosa? Iba pala ang pagkakaintindi nito sa ginawa niya."A-Ang baho mo kasi," nahihiya at mauffled na saad niya. "H-Hindi ka ba naligo?"Sandali itong natigilan at tulala siyang tinitigan. Para siyang tangang nakatayo lang ro