Kinagabihan, pagkatapos na maligo ni Kelly ay naupo siya sa silya at gamit ang tuwalya ay pinunasan niya ang kaniyang buhok. Lumapit naman si Ryker sa kaniya at kinuha ang tuwalya. Nakangiting hinayaan niya ito na siyang magpunas sa kaniyang basang buhok. Pumikit pa siya para enjoy-in ang ginagawa nito. Hindi ito nag-initiate noon na gawin ito kaya kinikilig siya. Gusto niyang namnamin ang mga simpleng kilos ni Ryker katulad nito.Maya-maya ay huminto ito kaya nagmulat siya ng mata. Nakita niyang binuksan nito ang drawer at kinuha ang hair dryer. Bumungisngis siya dahil nawala sa isip niya na iyon ang gamitin para patuyuin ang kaniyang buhok. Ang nasa isip niya ay naiwan ito sa mansion. Ang mga ibang gamit kasi nila ay naroon pa rin. Ang sabi ni Ryker ay saka na nila kunin iyon 'pag lumipat na sila sa isang bahay nito. Ang townhouse daw na 'to ay ibibigay na nito kay ate Sydney. Kahit na tumanggi ang dalaga ay iginiit ito ng kaniyang kasintahan at pinalipat pa rin sa pangalan nito ang
Pakiramdam ni Kelly ay kanina pa siya sinusulyapan ni Andy simula nang gumising siya. Hindi sa paraan na may pagnanasa kundi panunudyo. Pero kung lilingon naman siya ay nasa gulay na nililinis nito ang kaniyang atensyon. Ikiniling niya ang ulo at muling yumuko para hiwain ang sibuyas na gagamiyin niyang panggisa sa lulutin niyang adobo. Bigla kasi siyang nag-crave ng ganitong ulam kaya siya na ang nagpresentang magluto kahit na iginiit ni Sydney na ito ang magluluto ng agahan nila.Nang muli niyang maramdaman ang tingin ni Andy ay mabilis niya itong tinignan. Nahuli niya itong nakamasid sa kaniya na may munting ngiti sa labi.Pero bihla itong dumaing at napahawak sa ulo nang walang seremonyang itoktok ni Sydney ang spatula sa noo nito. Bumungisngis siya nang makitang namula ang noo nito."Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan at hindi iyang sayote ang balatan mo?" nakapamaywang na sita ni Sydney sa kasintahan.Napahawak ito sa baba at tumingin muli sa kaniya particular na sa kaniyang
Hindi katulad ng iniisip nila nang makarating sila ng hospital. Ang kan'yang ama na sumalubong sa kanila sa may information desk ng hospital ay parang tumwnda ng ilang taon. Hagard ang hitsura nito at magulo ang buhok. Ang suot pa nito ay pambahay lang. Hindi ito katulad noon na naka-suit pa at nasuklay patalikod ang buhok. Ang nakikita nila ngayon ay isang lalaking parang dala ang lahat ng problema ng buong mundo. Puno ng stubbles ang mukha nito at halatang hindi natulog buong gabi. Magkaganun pa man ay hindi siya nagpakita ng ano mang reaksyon. Sumunod pa rin sila ni Kelly sa kaniyang ama. Hindi rin umimik ang kan'yang ama na animo napakalalim ng iniisip at umabot na yata sa ibang planeta.Huminto ang kan'yang ama sa labas ng ICU at humarap sa kanila."Ang sabi ng doctor ay post-cardiac arrest brain injury ang nangyari sa Lolo mo. Hindi natin alam kung kailan siya magigising, maybe days, weeks or months," sabi nito. "Aasa na lang tayo na mag-recover siya.""He will recover," tipid
Nagtatakang napasunod ang tingin ni Sydney kay Kelly nang pabalyang buksan nito ang pinto at nakasimangot na dere-deretso sa kuwarto. Narinig pa niya ang malakas na pag-lock nito ng pinto. Napalingon muli siya sa may pinto nang sumunod naman na pumasok si Ryker na ang mga mata ay nakatingin sa nakasarang pinto. Umarko ang kilay niya. Kaninang umaga ay maayos pa ang dalawa pero bakit pagbalik nila ay parang nag-away sila."Nag-aaway ba kayo?" usisa niya sa kapatid. Sa halip na ang tanungin ay ang kalagayan ng Lolo nila ay ito ang tinanong niya sa kapatid. Kahit pa sabihin nilang unfilial na apo siya dahil 'di siya nakakaramdam ng simpatya sa kaniyang Lolo ay wala siyang pakialam. Hindi sila ang nakaranas sa pagmamalupit ng matanda sa kaniya kaya huwag nilang husgahan ang ginagawa niya. Subukan din nila ang marqnasan ang nangyari sa kan'ya, baka mas worst pa ang reaksyon nila.Clueless din na sumulyap si Ryker kay Sydney at napahawak sa batok. Umupo siya sa pang-isahang sofa at nagtatak
"I think this one is beautiful," giit ni Ryker kay Andy at ang kinuhang bulaklak ay ang cactus na nakatanim sa maliit na paso."But this one has many thorns! Gusto mong matusok ang kamay ni Kelly?" hindi rin patatalong bigkas ni Andy. Idiniin ni Andy ang dulo ng hintuturo niya sa tinik ng cactus at bahagyang napadaing. Pinakita niya kay Ryker ang daliri niya na may kaunting dugo. "See? Ipagdidiinan mo pa ba na cute ito? Saan ba ang cute dito? Mas cute pa itong hinlalaki ng paa ko kaysa sa murderer na bulaklak na 'to!"Hindi nila napansin na napapangiting pinanood sila ng may-ari ng shop. Patuloy pa rin silang nagtalo sa kung anong bibilhin nilang bulaklak.Naiinis na ibinalik ni Ryker ang bulaklak sa estante. Kasalukuyang nandito sila sa isang flower plant shop para bumili ng bulaklak. Kung hindi dahil sa advice ni Sydney ay sa isang flower shop sila pumunta at magpa-arrange ng bouquet.Muli sana siyang titingin ng iba nang tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya iyon sa bulsa ng suo
Sa magkatabing private room dinala sina Sydney at Kelly. Nakaupo ngayon si Ryker sa silya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ang pamilya nito o hindi. Alam niyang kailangan niyang sabihin sa kanila ang nangyari sa dalaga pero natatakot siyang aminin sa kanila kung bakit ganito ang kalagayan ngayon ng anak nila. Kung malaman nilang dahil sa kaniya kaya may nanakit kay Kelly ay baka ilayo nila si Kelly at baka tumutol pa sa relasyon nila.At ang pagdadalang tao nito? Paano niya sasabihin iyon sa magulang nito. Ang alam nila ay nandito at nagtatrabaho ang dalaga sa kompanya niya pero ang katunayan ay hindi pala. Inaasawa na pala niya ang dalaga na lingid sa kaalaman nilang lahat. Lalo na at ang alam nila ay trabaho ang dahilan ng pagpunta ni Kelly dito.Humigpit ang hawak niya sa cellphone bago huminga ng napakalalim. Nagdisisyon siyang kontakin ang kapatid nito. Ipapaalam lang niya muna na narito si Kelly sa hospital at 'pag nandito n
Groggy pa rin ang pakiramdam ni Kelly nang magmulat siya ng mata. Blangko ang tingin na naapatitig siya sa puting kesami at hindi pa nag-sink in sa kaniya kung nasaan siya. Ang naglalaro pa rin sa isipan niya ay ang nangyari sa kanilaa ni Sydney habang hinihintay na umuwi sina Ryker. Nagbibiruan pa sila noing nag-doorbell ang estrangherong laalaaking 'yun.Hindi sila nagkaroon ng suspetsa na baka masamang tao iyon at basta na lamang pinagbuksan. Pero dahil sa ginawa nito sa kaniyang paghila ng buhok niya ay nakita niya ito ng close-up. Hindi niya makakalimutan ang nunal nito sa may sentido dahil kahit nakasuot ito ng mask ay hindi naman 'nun matatakpan iyon.Ang takot niya kahapon na baka papatayin sila ng lalaki ay animo naka-engrave na sa kaniyang katawan. Kaya pagkaalala sa paghablot nito sa kaniya at iuntog siya sa pader ay nagsimula na namang mangatog ang kalamnan niya. Alertong inilibot din niya ang mata at baka na-kidnap na sila ni Sydney. Pero ang mga nakita niya ay mga kagami
Kasalukuyang kinakain ni Kelly ang orange na binalatan pa ni Rhian para kainin niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Ryker. Kanina kasi habang hinihintay niyang bumalik ito ay ang kapatid nitong si Rhian ang dumating. Nahihiya pa nga siya dahil inasikaso agad siya nito at tinanong kung ano mga kailangan niya. Kahit na tumanggi siya ay nagpumilit ito at gusto raw nitong bumawi sa pagsusungit nito sa kaniya minsan.Nagkuwentuhan din sila at nalaman niya na mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. Pero huwag na raw niya itong tawagin na ate at kinikilabutan ito sapagkat kuya nito ang kasintahan niya. Nagiging palagay na rin kapagdaka ang loob niya dahil sa mga pagbibiro nito. Hindi niya ito pinigilan nang ipagbalat pa siya nito ng orange nang sabihin niyang gusto niyang kainin ang dinala nitong prutas."Saan ka ba pumunta at iniwan mo itong si Kelly mag-isa? Kung hindi lang mahigpit ang seguridad ng hospital ay baka nag-utos na naman ang bastardong 'yun na saktan ang kasintahan… mo—"
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin