Pagsapit ng uwian ay pakiramdam ni Kelly na-torture ang kaniyang utak sa dami ng nabasa niya. Mas worst pa ang ginawa niya ngayong araw kaysa noong nag-aaral siya. Ni hindi pa niya natapos basahin ang lahat ng binigay ni Miss Sydney sa kaniya. Nagtatanong naman siya sa dalaga kung may hindi siya maintindihan pero karamihan ay kaya naman niyang intindihin.Marahang hinimas niya ang batok na nangangalay. Pagkatapos ay nilinga niya si Sydney na inaayos ang isang folder."Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko!" hayag niya kaya natawa ito at sumulyap sa kaniya."Ipapahinga mo mamayang gabi dahil itutuloy mo pang basahin ang mga 'yan. Pagkatapos ay bigyan kita ng gagawin mo katulad ng paggawa ng financial statements. Pagkatapos ay susubukan mong mag-handle ng memo's at draft email correspondence para ma-familiarize mo ang sarili mo sa lahat." Animo nakahinga ng maluwag na humugot pa ito ng malalim na hininga. "May kasama na ako na gagawa ng mga 'yan. Hindi mo alam ito pero araw-araw pagkatapo
Pagkarating nila ng dorm ay agarang nag-shower siya at nang lumabas siya ng kuwarto pagkatapos magpalit ay nakangiting hinila siya ni Gemma papuntang komedor. May mga pagkain nang nakahain sa mesa at hula niya ay takeout lahat. Naupo siya sa silya at naglagay ng kanin sa pinggan niya bago sinulyapan si Gemma na nakatayo sa tabi niya. Nakahanda na para gawin kung ano mang iuutos niya.Naasiwang napakurap siya at itinuro ang silya. "Huwag kang tumayo diyan. Samahan mo akong kumain. Wala naman ang Boss mo na nakakakita sa'yo," wika niya. "Hindi kita isusumbong, promise!""Kumain na ako bago kami pumarito ni kuya Caspian dito," tanggi nito pero naupo pa rin sa silya at nangalumbaba.Napatango siya at nagsimulang kumain. Hindi niya alam kung saan nila in-order itong pagkain pero nagustuhan niya ang lasa. Pagkatapos niyang kumain ay inayos ni Gemma ang pinagkainan niya. Kahit anong pilit niyang siya na ang maghuhugas ay ayaw nito at itinulak na siya pabalik sa kuwarto niya.Ito na ang unang
Dahil umalis sina Sydney at Ryker para sa meeting ay sa cafeteria ng company siya kumain ng lunch. Kasama niya ngayon si Sierra at kumakain. Nang bumaba kasi siya rito ay eksatong nagkasalubong sila kaya nagsabay na silang um-order ng pagkain nila. Ito ang pang limang araw niya mula ng magtrabaho siya rito at masasabi niyang marami siyang natutunan.Aktong susubo siya ng kanin nang may isang lalaking naupo sa bakanteng silya at nagplaster ng ngiti sa labi. Ang mata nito ay agad nakatutok sa kan'ya. Dahil likas na mabait siya ay ginantihan niya ito ng tipid ng ngiti at itinuloy na ang pagsubo. Sa una ay nakatingin lang ang lalaki sa kaniya na animo pinag-aaralan siya kaya nakaramdam siya ng pagkaasiwa.Si Sierra ang agad na pumutol sa pagtitig nito sa kaniya."Hoy! Denver, 'yang titig mo," natatawang puna ni Sierra sa lalaki na agad napahawak sa batok at nahihiyang nagbawi ng tingin."Sorry, ang ganda mo kasi," bigkas nito dahilan para lalong pumula ang pisngi niya."Kapag natuklasan n
Si Caspian ang nagmaneho ng sasakyan nila papunta sa main house. Nakaupo sila sa backseat at hawak ng binata ang kamay ni Kelly. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya dahil namamawis iyon ngunit humihigpit lang ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nahihiya siyang mag-amoy pawis ang kamay nito. Aware yata ito na kinakabahan siya kaya mahinang pinisil nito ang palad niya.Sa totoo lang, gusto niyang kikiligin at ma-e-excite na makilala ang magulang nito. Pero hindi niya magawa ang bagay na 'to sapagkat mas nangingibabaw ang halo-halong pakiramdam niya. Sa kaba, takot, hiya at panliliit sa sarili na humarap sa buong pamilya nito. Lalo na at nasabi ni Sydney na ang patriarch ng pamilya ng binata ay mapagmatyag at matalas ang dila nito. Kung mahina ang puso mo ay maiiyak ka na lamang sa harapan ng nasabing Lolo ng binata.Sa Blue Vile subdivision nakalokasyon ang main house. Tahimik ang community ng subdivision at makikita ang ilang security na naglalakad para mag-patrol. May dalawang metro a
Agad natutok ang mata ni Kelly sa aristokratong lalaki sa hapag. Sa unang tingin pa lang ay agad mong masasabi na strikto ito. Sa tingin niya ay hindi mo magagawang kalabanin ito sa matiim at mapangkilatis pa lang na tingin nito. Lihim siyang napalunok at nanalangin na sana ay hindi ito sumabog sa galit dahil dinala siya ni Ryker dito. May tiwala naman siya sa binata na ipagtatanggol siya nito dahil malakas ang loob nitong isama siya pero 'di pa rin niya maiwasang matakot at manliit. Paano kung sabihin nilang isa lang siyang lintang nakakapit sa apo nila. O 'di kaya ay isa lamang siyang langgam sa mata nila at hindi kayang pantayan ang kung ano mang meron ang pamilya nila?Ngunit animo naipako siya sa kinatatayuan dahil bigla itong tumayo at naniningkit ang matang dinuro si Ryker. Hindi maitatago ang galit sa mata nito. "Anong karapatan mo para walang pakundangan mong dalhin ang babaeng walang kaugnayan sa pamilyang 'to?" Halos manginig ang daliri nitong nakaduro sa binata.Napigilan
Habang pauwi sila ni Ryker sa mansion ay tahimik lang na nakamasid siya sa bintana. Ang sabi ng patriarch ng pamilya nina Ryker aty matulog na sila ng main house ngunit tumanggi ang huli. Napansin niyang parang may tinatakasan ang binata dahil hinila na siya nito paalis pagkatapos ng dinner at kuwentuhan nila.Sa durasyon ng dinner na 'yon ay tanging ang matandang Mondragon ang palaging nagsasalita. Kung hindi nito pinupuri ang achievements ng mga apo nito ay pinupuna naman nito ang ibang pagkakamali ni Ryker. Isa na roon ang pagbabayad nito ng mga babae para lang makasama nito sa isang gabi na ikinaluwa ng kaniyang mata. Hindi niya inaasahang marinig iyon sa bibig ng matanda. At puno ng disgusto at pagkayamot ang tono ng matanda.Nang marinig na binanggit iyon ni Lolo Jones ay biglang naalala niya ang medical records ng mga babae na aksidenting nakita niya noon. Nahulaan niya agad na nagsinungaling si Sydney sa kaniya tungkol doon. Nanikip ang dibdib niya at mapait na napangiti nang
Walang ideya si Kelly kung anong oras nakauwi si Ryker kagabi pero nang magising siya ay kinaumagahan ay nasa tabi niya ito at mahimbing ang tulog. Ang braso at paa nito ay nalingkis sa kaniya. Kaya pala sa panaginip niya ay nakatali raw siya ay dahil doon. Ang tampo niya kagabi dahil sa natuklasan ay naibsan dahil ito ang una niyang nakita pagmulat pa lang niya ng kaniyang mata.Tinitigan niya ang mukha nito at tumutok ang mata niya sa mahahaba at malalantik na pilik mata nito. Tumaas ang kamay niya at hinawakan iyon ng kaniyang hintuturo. Nanginig ang mga pilik mata nito kaya nangingiting ipinagpatuloy niya ang ginagawa.Napaiktad siya sa gulat nang bigla nitong hulihin ang kamay niya at nagmulat ito ng mata. Humagikgik siya at pilit na binabawi ang kamay."Anong oras na? Bakit ang aga mong nagising?" sa halip ay tanong nito. Pagkatapos ay hinalikan ang likod ng kaniyang kamay."Anong maaga? Eleven o'clock na kaya," natatawang sabi niya at bumangon. Bumaba siya ng kama at nag-inat.
Napaigik si Kelly nang malakas na itulak siya ni Ryker sa kama pag-uwi nila ng mansion. Nagliliyab sa pagkapoot ang mata nito na nakatingin sa kaniya. Mababakas ang takot sa mata na bumangon siya pero napadaing siya at napaluha nang mariing pisilin nito ang baba niya.Nanginginig ang buong katawan niya na hinawakan ang kamay nito pero tinabig iyon ng malaya nitong kamay. Sa lakas ng ginawa nito ay animo mababali na ang braso niya. Mas dumiin pang lalo ang daliri nito kaya malakas na dumaing siya."Ang iyong boses, ang ngiti mo, ang luha mo, lahat ng tungkol sa iyo ay pag-aari ko, Kelly. Malungkot ka man o masaya ay ako lang dapat ang una at huling nagmamay-ari sa'yo. Nasabi ko na sa'yo na inukopa mo ang puso ko at ibig sabihin nun ay mahal kita. Kaya wala kang karapatan na ipakita ang lahat ng 'to sa mga unrelated na lalaki o kahit pa babae 'yon! Naiintindihan mo ba ako??" puno ng pagbabanta at mapanganib na angil nito sa kaniya.Napahikbi siya at pilit na umiiling para bitawan nito a
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin