Habang pauwi sila ni Ryker sa mansion ay tahimik lang na nakamasid siya sa bintana. Ang sabi ng patriarch ng pamilya nina Ryker aty matulog na sila ng main house ngunit tumanggi ang huli. Napansin niyang parang may tinatakasan ang binata dahil hinila na siya nito paalis pagkatapos ng dinner at kuwentuhan nila.Sa durasyon ng dinner na 'yon ay tanging ang matandang Mondragon ang palaging nagsasalita. Kung hindi nito pinupuri ang achievements ng mga apo nito ay pinupuna naman nito ang ibang pagkakamali ni Ryker. Isa na roon ang pagbabayad nito ng mga babae para lang makasama nito sa isang gabi na ikinaluwa ng kaniyang mata. Hindi niya inaasahang marinig iyon sa bibig ng matanda. At puno ng disgusto at pagkayamot ang tono ng matanda.Nang marinig na binanggit iyon ni Lolo Jones ay biglang naalala niya ang medical records ng mga babae na aksidenting nakita niya noon. Nahulaan niya agad na nagsinungaling si Sydney sa kaniya tungkol doon. Nanikip ang dibdib niya at mapait na napangiti nang
Walang ideya si Kelly kung anong oras nakauwi si Ryker kagabi pero nang magising siya ay kinaumagahan ay nasa tabi niya ito at mahimbing ang tulog. Ang braso at paa nito ay nalingkis sa kaniya. Kaya pala sa panaginip niya ay nakatali raw siya ay dahil doon. Ang tampo niya kagabi dahil sa natuklasan ay naibsan dahil ito ang una niyang nakita pagmulat pa lang niya ng kaniyang mata.Tinitigan niya ang mukha nito at tumutok ang mata niya sa mahahaba at malalantik na pilik mata nito. Tumaas ang kamay niya at hinawakan iyon ng kaniyang hintuturo. Nanginig ang mga pilik mata nito kaya nangingiting ipinagpatuloy niya ang ginagawa.Napaiktad siya sa gulat nang bigla nitong hulihin ang kamay niya at nagmulat ito ng mata. Humagikgik siya at pilit na binabawi ang kamay."Anong oras na? Bakit ang aga mong nagising?" sa halip ay tanong nito. Pagkatapos ay hinalikan ang likod ng kaniyang kamay."Anong maaga? Eleven o'clock na kaya," natatawang sabi niya at bumangon. Bumaba siya ng kama at nag-inat.
Napaigik si Kelly nang malakas na itulak siya ni Ryker sa kama pag-uwi nila ng mansion. Nagliliyab sa pagkapoot ang mata nito na nakatingin sa kaniya. Mababakas ang takot sa mata na bumangon siya pero napadaing siya at napaluha nang mariing pisilin nito ang baba niya.Nanginginig ang buong katawan niya na hinawakan ang kamay nito pero tinabig iyon ng malaya nitong kamay. Sa lakas ng ginawa nito ay animo mababali na ang braso niya. Mas dumiin pang lalo ang daliri nito kaya malakas na dumaing siya."Ang iyong boses, ang ngiti mo, ang luha mo, lahat ng tungkol sa iyo ay pag-aari ko, Kelly. Malungkot ka man o masaya ay ako lang dapat ang una at huling nagmamay-ari sa'yo. Nasabi ko na sa'yo na inukopa mo ang puso ko at ibig sabihin nun ay mahal kita. Kaya wala kang karapatan na ipakita ang lahat ng 'to sa mga unrelated na lalaki o kahit pa babae 'yon! Naiintindihan mo ba ako??" puno ng pagbabanta at mapanganib na angil nito sa kaniya.Napahikbi siya at pilit na umiiling para bitawan nito a
Pagkalabas nina Caspian at Gemma ng kuwarto ay nagpupuyos ang kalooban na hinablot niya ang unan at malakas na ibinato sa sulok. Gusto niyang magwala at sumigaw pero alam niyang kahit gawin niya 'to ay walang silbi sapagkat iignorahin lamang siya ng mga tao rito sa mansion. Nanggigigil na hinablot niya ang lampshade sa bedside table at ibinato sa dingding. Lumikha iyon ng malakas na ingay nang mabasag iyon. Ngunit hindi siya tumigil at hinablot naman ang isang vase na may bulaklak ng puting rosas. Pero kahit gaano kalakas ang ingay na ginagawa niya ay walang kahit na sino ang nagbukas ng pinto upang tignan siya.Puno ng pagkamuhing matalim na tinignan niya ang pinto habang nagmumura, lalo na ang demonyong 'yon. Kahit pa hindi nito itinuloy ang balak kagabi ay pakiramdam niya niruyakan pa rin nito ang pagkababae niya. Tapos ito pa at ikinukulong siya nito sa mansion. Isa siyang chauvinistic pig at napaka-inhumane.Umiiyak na sinipa niya ang unan sa kaniyang paanan. Marahas na pinunasan
Masagana ang mga pagkain na inihanda sa mesa subalit animo walang lasa iyon. Pati ang paglunok ay napakahirap sa kaniya. Kahit pa tumatawa ang mga kasalo niya ay hindi niya magawang sumali. Hindi niya magawang mag-enjoy.Ang matandang Mondragon ay hindi nakaligtaang lagyan ng pagkain ang pinggan niya. Pilit na ngumiti siya at nagpasalamat pa rin dito."Bakit hindi ka na lang magpatayo ng bookstore sa Hera Mall at ipangalan mo kay Kelly ang ownership, hijo," suhestyon ni Lolo Jones, "sa ganun ay hindi sa company siya magtatrabaho. Last time, pinag-isipan ko 'to noong sabihin ni hija na librarian ang natapos niya. Im sure mas nag-eenjoy siyang ang nasa paligid niya ay mga libro."Biglang napaangat ng ulo si Kelly at gulat na tinignan ang matanda bago sumulyap kay Ryker. Ang weakness niya ay mga libro at hindi niya alam kung paanong nalaman iyon ng matanda. Magkaganun pa man ay hindi siya masaya dahil pakiramdam niya ay itinatali siya ng Lolo ni Ryker. Ngayon niya natanong sa sarili kung
Hindi sa loob ng mansion dumeretso si Kelly kundi sa garden sa may likod. Si Ryker naman ay hindi niya alam kung saang sulok ng mansion na ito pumunta sapagkat nang bumaba ito ng sasakyan ay basta na lang siya nito iniwan.Noong pumunta siya rito ay may nakita siyang outdoor lounge chair sa may ilalim ng willow tree at doon siya nahiga. Para kasing hapong-hapo na siya kaya pinili niyang pumunta rito.Pumikit siya at pinuno ng hangin ang baga niya. Kahit man lang sa oras na 'to ay magawa niyang makahinga ng maluwag sa parte ng mansion na 'to. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha ay parang malinis na hangin na madalas niyang pinahahalagahan at minamahal sa Santa Rosa."I miss my family," naluluhang bulong niya at itinaas ang kamay na parang abot niya ang madilim na langit. Wala man lang kahit isang bituin ngayon na makita niya. "Kung pwede ko lang silang makausap kahir minsan lang," dugtong niya.Mariing naglapat ang labi niya para walang makawalang hikbi sa bibi
"Masaya ka ba?"Natigil sa paghalo si Kelly sa tinitimpla niyang banana blossom pancake nang marinig ang tanong na iyon ni Gemma. Hindi niya ito tinignan at nakatutok lamang ang kaniyang mata sa malaking bowl sa mesa.Masaya nga ba siya? Of course not! Pagkatapos ng huling dinner nila sa main house ay kinulong na siya nito sa mansion ni Ryker at nababantayan lahat ng mga kilos niya. Pati na yata pagpunta niya sa banyo ay binabantayan ni Caspian. Ramdam niya ang mga nakasunod na mata nito kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at hindi makakilos ng malaya. Idagdag pa na ganun din ang ginagawa ni Ryker sa tuwing uuwi ito galing sa office nito.Paano siya magiging masaya kung ganitong parang may makapal na kadenang bakal na nakatali sa leeg, paa at kamay niya. Ngumingiti lang naman siya kung palihim na tinatawagan niya ang magulang gamit ang cellphone ni Gemma. Pero 'pag kaharap na niya si Ryker ay ni hindi niya magawang tumawa. At sa tuwing nagkakaroon sila ng maini
"Bumisita ako sa bookstore, kuya, at napag-alaman ko na hindi si Kelly ang naroon na nagbabantay. Akala ko ba ay para sa kaniya iyon?" bungad ni Rhian kay Ryker nang dimating ito sa opisina ng binata.Gusto sana niyang makipagkuwentuhan at kamustahin ang soon to be ay hipag niya ngunit iba naman ang kaniyang nadatnan. Ni hindi raw nakilala ng saleslady ang amo nito sapagkat noong na-hire ito ay si Sydney ang nakausap nito. Sa natuklasan ay napasugod siya rito sa Mondragon building para lang sitahin at kastiguhin ang kapatid.Mula sa pinipirmihang papeless ay nag-angat ng mukha si Ryker at matiim siyang tinignan. Hindi siya natakot sa paraan ng tingin nito bagkos ay nilabanan pa niya ito."Bakit? Hindi ba at tama naman ako? Si Kelly ang dahilan kung bakit nagsuhestyon ang Lolo Jones na magpatayo ka ng business na pagkakaabalahan ng kasintahan mo para hindi siya mabagot at takasan ka," mapang-uyam na sabi niya sa huling kataga.Dumilim ang mukha ni Ryker at tuluyan na nitong hininto ang
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin