Kabanata 3: Accusations
"Sieme dito pa sa table 3, pakipunasan nalang din!" Narinig kong sigaw kaya mas binilisan ko ang pagpunas sa table 10.Pagkatapos kong punasan ang lamesa, binalik ko sa lalagyan ang pamunas at inayos ang upuan. Kasalukuyan akong nakatrabaho rito sa isang resort sa Cebu. Maliit lang ang kita pero sapat na iyon sa akin para sa pang araw-araw. Libre naman kasi ang tirahan dito at kailangan mo lang ay ang pagkain mo sa araw-araw.300 pesos ang araw rito at ang trabaho ko ay tagaligpit ng pinagkainan at tagapunas. Lima kaming tagalinis, lahat babae. Minsan nakatoka ako sa pag s-serve pero kadalasan talaga ay tagaligpit ako.Pagkatapos kong i-arrange lahat sa table 10, pinunasan ko na ang lamesa sa table 3. Kinuha na nang mga kasamahan ko ang mga pinggan kaya pinunasan ko na lang. Madali lang naman ang trabaho, at minsan din ay matumal dahil hindi naman lahat kakain sa restaurant ng resort. Pero kahit matumal ang benta, 300 pa rin ang araw namin kaya okay lang. Minsan binibigyan kami ng tip ng manager kung mataas ang sales sa isang araw.Pagkatapos kong mag-ayos doon sa lamesa, pumunta na akong kusina para ilagay ang mga basahan. Naabutan ko roon si Aless na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan."Tapos na akong magpunas. May pinapautos pa ba ang manager?" Tanong ko sa kanya.Umiling naman siya habang binabanlawan ang mga pinggan."Tulungan na kita." Pag o-offer ko.Umiling naman siya at pinagpatuloy ang pagbabanlaw. Napailing ako at kinuha ang basahan ng mga plato at kinuha ang mga platong nabanlawan niya."Really Aless, just let me help you. Para makapag-pahinga ka na." Ani ko.Wala siyang nagawa kun'di ang hayaan ako sa gusto kong gawin. Para naman mas mapadali itong trabaho niya 'di ba? Tapos na naman ako at wala ring gagawin kaya tutulungan ko na lang siya.Pagkatapos kong punasan ng malinis na tela ang plato, ako na rin ang nagbalik nito sa loob ng lalagyan. Hindi naman ganoon karami ang hinugasan niya dahil matumal na naman ang sales ngayon at marami naman din silang tagahugas.Minsan iniisip ko nga sa trabaho namin, hindi ba nalulugi ang owner nitong resort? I mean, oo nga at marami ang pumupunta para mag-enjoy at mag check-in pero marami rin namang manpower lalo na rito sa restaurant. Kadalasan matumal pa ang benta, so parang lugi ang owner nito lalo na sa restaurant.Pagkatapos naming linisan ni Aless ang kusina, pumunta na lang kami doon sa may garden para makapag-pahinga. Maganda kasi tambayan dito dahil mahangin at presko. Nakakatanggal stress."Saan ang ibang kaibigan mo Aless?" Tanong ko sa kanya.Nakita ko namang nagkibit-balikat lang siya at sumandal sa pagkakaupo. Tumango na lang din ako sa sagot niya."Aless, may tanong lang ako ha, sana hindi ka ma-offend."Tumango naman siya kaya nagpatuloy ako. "Ilang taon na simula no'ng maganyan ka?" Tanong ko.Itinaas niya ang kaniyang kamay. "Isang taon ka nang ganyan? Hindi ba mahirap?" Tanong ko ulit.Mapait siyang ngumiti at umiling-iling. May kinuha siyang notebook sa bulsa niya at isang pen. Ipinakita niya sa akin ang sulat niya na 'nakasanayan na' at tiniklop iyon.Nakasanayan na niya na ganoon ang way of communicating niya? Sobrang hirap no'n para sa kanya. Ang laking adjustments no'n para sa pamilya niya.Hindi kasi makapag-salita si Aless kaya minsan iling lang, tango o nagsusulat siya sa notebook niyang dala ang way of communicating niya. Matagal na dito si Aless kung saan ako nagtatrabaho samantalang ako ay dito na ako nagtrabaho simula no'ng lumayas ako sa amin. Dito kasi ako napadpad at nakita kong hiring sila ng tagapunas ng table kaya nag-apply na lang din ako.Iniisip ko rin naman ang pag-aaral ko pero naisip ko rin na saan ako gagastos ng mga kakailanganin ko gayong wala na ako sa puder ng ama ko. Kaya nagpasya na lang akong tumigil at kung may pera na ako, doon na lang ako babalik sa pag-aaral.May mana naman sa akin ang ina ko at may kunting ipon naman din ako pero hindi pa 'yon sapat para sa tuition ko kaya napagpasyahan ko nalang na tumigil muna at magtrabaho.No'ng may tumawag sa aming dalawa ni Aless, sabay na lang din kaming bumalik sa kusina. May mga costumers na rin ang restaurant kaya nabusy na rin kami.Punas doon, ligpit dito ang ginagawa ko. Dinner time na rin kasi kaya marami na ring costumers ang dumadating."Salamat Sieme ha sa pagtulong mo sa akin." Ani Vivian no'ng pauwi na kami patungo sa room namin.Kami lang tatlo nila Aless ang pauwi na samantalang ang ibang kasamahan namin ay may ginagawa pa roon sa resort. Wala na rin naman kasi kaming gagawin kaya umuwi na lang din kami."Pagligpit lang 'yon Vivian, ano ka ba." Tumatawang ani ko."Kahit na. Malaking bagay na 'yon. Kung hindi mo niligpit ang mga pinggan, sisinghalan na naman ako ng manager natin." Aniya.Totoo 'yan. Kapag kasi may mga trabaho na hindi kaagad naaksyonan, madali lang magalit ang manager namin dito. Kaya kailangan talaga mabilis ka. At sa bilis mo, kailangan din ang linis nito.Pagdating namin sa tinutuluyan namin, inilagay na lang namin ang mga bag at pumunta sa sala. May tag-iisang kwarto kami pero nasa iisang bubong lang kami nakatira. Kaya siguro sa lahat ng mga nakatrabaho ko rito sa resort, si Vivian at Aless ang pinaka-close ko sa lahat."Sieme! Si Aless na lang daw magluluto since tinulungan mo raw siya kanina sa hugasin!" Sigaw ni Vivian sa labas ng kwarto ko.Napangiti ako at sumigaw pabalik. "Okay! Mas masarap naman magluto si Aless kaysa sa akin eh!" Sigaw ko.Narinig ko nalang ang pagtawa ni Vivian dahil sa sinabi ko. Hindi na sila nagsalita kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko na nagkalat sa kwarto. Pagkatapos kong magligpit, lumabas na ako roon at pumunta sa sala.Hindi pa nga ako nakakaupo no'ng nagtanong na sa akin si Vivian."Sieme, nagtataka lang ako kung bakit 'yan ang ginamit na nickname mo. Hindi ka ba na naasiwa sa nickname mo?" Tanong niya.Tumawa lang ako sa sinabi niya at humiga sa sofa. "Sienna Dominique kasi ang tunay kong pangalan. Ang weird naman diba kung Sienna Dominique ang tawag niyo sa akin, ang taas." Ani ko.Nag-isip pa siya bago sumagot. "Okay naman ang Sienna ah, pwede rin Dominique. Unique 'yon pareho."Umiling ako sa sinabi niya. "Ah basta, ayaw ko sa Sienna or Dominique, may naaalala ako." Sagot ko nalang.Ngumisi naman si Vivian at tinutukso na ako. "Ay ayon, ex mo no? Iba talaga ang epekto nang pag-ibig." Sagot niya.Hindi ko nalang siya tinama dahil ang hirap nang i-explain ang lahat. Magiging magulo na naman ang buhay ko at baka madamay pa sila.Isang buwan na rin ang nakalipas simula no'ng naglayas ako sa sarili kong pamamahay. Hanggang ngayon sa oras na ito, wala akong narinig na balita na pinapahanap ako ng ama ko. Siguro tinatakwil na niya talaga ako at si Cassidy na ang pinili niya? Or siguro nakalimutan na niya ako at mas itinuon ang pansin kay Cassidy bilang tagapagmana niya.Hindi naman ako galit sa ama ko. Siguro disappointed lang sa mga nakikita kong paraan kung paano niya i-resolba ang mga bagay-bagay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa naging desisyon niya sa akin. Na mas pinili pa niyang kampihan ang bago pa lang niyang nakilala kesa sa tunay na anak niya.Hanggang ngayon hindi na mabura at naniniwala pa rin ako na si Cassandra ang may kagagawan no'n, kung paano ako gumising sa isang kwarto katabi ang isang lalaki na n*******d. Alam ko sa sarili ko na si Cassandra talaga iyon dahil siya naman ang huli kong kasama bago nangyari ang aksidente na iyon.Pero kahit gumising ako sa tabi ng isang lalaki na n*******d, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako nagalaw ng walang kaalam-alam. Kahit sobrang devastated na ako no'n, nakuha ko pa ring kumalma dahil wala talagang nangyari."Ikaw ba Vivian, bakit wala kang nickname?" Balik na tanong ko sa kanya.Umasim ang mukha niya dahil sa tanong ko. "Eh walang pakealam ang mga magulang ko eh." Aniya.Dahil sa sinabi niya, na-curios tuloy ako kung bakit hindi ko pa nakita ang mga magulang niya kaya tinanong ko nalang siya. Si Aless kasi, ang alam ko ay namatay na ang ama niya habang ang ina naman niya ay may sarili nang pamilya. Si Vivian kasi, hindi naman niya sinabi sa akin.Mabuti pa itong si Aless kaysa kay Vivian. Si Aless na hindi makapag-salita, sinabi sa akin kung saan na ang pamilya niya. Itong si Vivian na sobrang ingay, hindi man lang niya nagawang binanggit sa amin ni Aless kung nasaan. Gusto ko pa naman makita sila kahit saglit man lang.Hmm, siguro gaya ko, ganoon din ang nangyari kay Vivian kaya hirap siyang i-kwento."Saan na ba ang mga magulang mo ngayon?" Kuryusong tanong ko kay Vivian.Parang nabilaukan pa siya sa tanong ko. "Bakit mo natanong?" Balik na tanong niya.Nagkibit-balikat ako. "Curious lang? Okay lang naman if hindi mo sabihin." Dagdag ko.Napabuntong-hininga siya at sumandal sa pagkakaupo. "'Yong ama ko ay sumakabilang-buhay samantalang ang ina ko naman ay sumakabilang-bahay." Aniya sabay tawa.Napanguso ako sa sinabi niya. "Ako rin naman. Nag-iba na nang pamilya ang ama ko no'ng namatay ang ina ko.""Bakit kaya ganoon ang ibang tao eh no? Kung mamatay ang isang pares nila, kailangan talagang mag-asawa nang bago? Hindi ba pwedeng mananatili na lang ding single hanggang sa mamatay na lang din?" Si Vivian."Hindi ko alam ang isasagot diyan." Sabi ko na lang."Aless! Kailan ka ba kasi makaka-move on diyan sa ex mo nang makapag-salita ka na? Ang hirap kausap ni Sieme! Nonsense!" Sigaw ni Vivian.Nakarinig lang kami ng kaluskos galing kay Aless na ikinabuntong-hininga ni Vivian."Grabe talaga siguro ang trauma ni Aless sa ex niya. Simula no'ng nagbreak sila ng kaibigan ko, hindi na 'yan makapag-salita." Ani Vivian.Sinabi rin sa akin iyan ni Aless, na simula no'ng umalis 'yong ex niya, hindi na siya makapag-salita. Tinanong ko naman siya kung ano ba ang nangyari pero hindi niya sinabi kaya hindi ko na lang din tinanong ulit. Nag recommend din ako sa kanya magpa-consult siya sa doctor pero sabi niya wala raw siyang panggastos.Pagkatapos magluto ni Aless ng hapunan, sabay naman kaming tatlo kumain at ganoon din sa umaga. Sabay din kaming pumasok tatlo at mas maaga iyon sa dati naming dating kaya tumambay muna kami doon sa garden."'Di ba sabi mo Sieme, galing kang Manila? Maganda ba talaga doon? Bakit ka pumunta rito sa Cebu?" Sunod-sunod na tanong ni Vivian sa akin no'ng makaupo kami rito sa bench."Oo galing akong manila pero para sa akin, mas maganda pa rin ang Cebu. Dito sa Cebu, may preskong hangin pero sa Manila talaga, minsan lang.", Ani ko."Bakit ka nga umalis?" Tanong ni Vivian ulit."'Yong kwento mo kasi dati na lumayas ka lang nang walang paliwanag, nababaliw na ako kakaisip kung bakit ka lumayas." Dagdag niya.Napataas ang kilay ko sa sagot niya. "Bakit mo ba kasi inisip? Sinabi ko ba sa 'yo na isipin mo?" Tanong ko."Pilosopo kang deputa ka." Ani Vivian na ikinatawa ko. Napangiti na rin si Aless sa aming dalawa na nakaupo sa harapan namin ni Vivian.Biglang kinuha ni Aless ang kaniyang notebook at ballpen sa kaniyang bulsa at may isinulat doon kaya nag-antay kaming dalawa ni Vivian na matapos si Aless sa pagsusulat."Itong si Aless ba, kung may ayuda lang at kailangan i-state ang pangalan, mahuhuli ito dahil magsusulat pa." Komento ni Vivian no'ng hinihintay namin ang tanong ni Aless.Kaya no'ng matapos na ang pagsusulat niya, agad din naman iyong pinakita sa amin."Hindi ka ba nagbabalak na babalik sa Manila? Sa ama mo?" Basa ni Vivian sa tanong ni Aless.Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Gustuhin ko mang bumalik pero wala na akong babalikan doon." Ani ko."Bakit naman wala? Nandoon pa naman ang ama mo." Sabi ni Vivian.Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Eh ikaw, bakit hindi ka bumalik sa Ina mo?"Napairap lang siya sa akin at hindi na sumagot. Siguro alam na rin niya ang dahilan kung bakit hindi ko gustong bumalik sa Manila.Hindi na nasundan pa ang mga tanungan namin dahil agad kaming pinatawag sa office. Akala nga namin na may nagawa kaming mali pero pinatawag lang naman pala kami dahil inutusan kaming pumunta ng bayan para bumili ng mga ingredients."'Yong kaba ko kanina no'ng pinatawag tayo, abot hanggang langit!" Reklamo ni Vivian habang patungo kaming sakayan ng taxi."Kabado ka siguro dahil may nagawa kang mali," biro ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng palo.No'ng nakakita na kami ng taxi, agad din naman kaming sumakay para makarating kaagad. Nasa front seat si Vivian habang nasa back seat naman kami ni Aless nakaupo.Habang patungo kami sa bayan, bigla akong kinalabit ni Aless kaya napatingin ako sa kanya. Pinabasa niya sa akin ang kaniyang ginawang sulat kaya bumulong ako sa kanya bilang sagot."Wala akong lakas ng loob para bumalik Aless eh." Sagot ko sa sinulat niya.Sinabihan niya kasi ako na subukang bumalik sa Manila para kamustahin ang ama ko. Gusto ko sanang bumalik para kamustahin ang ama ko kahit na tinakwil na niya ako at hindi man lang hinanap. Gusto ko pa rin siyang kamustahin dahil kahit balik-baliktarin mo man ang mundo, ama ko pa rin ang pinag-uusapan dito.Pero hindi ko mapagkaila na minsan nakakaramdam ako nang sama ng loob kapag iniisip ko na hindi man lang ako pinahanap ng ama ko. Wala man lang akong balita na hinahanap niya ako. Sa isang buwan na paglalagi ko rito sa Cebu, hindi man lang ako pinatawag o tinawagan sa cellphone para kamustahin man lang."Alam mo Aless, gusto ko talagang bumisita sa ama ko pero minsan, hindi ko mapagkaila sa sarili ko na makaramdam ng pagkadismaya sa kadahilanang hindi nila ako pinahanap." Ani ko kay Aless.Kumuha naman siya ng notebook at ballpen at may isinulat doon at ipinabasa sa akin.'Hindi mo malalaman kung hindi mo pupuntahan. Malay mo, pinapahanap ka pala pero hindi mo lang alam.'"Kung totoong hinahanap nila ako, dapat tinawagan nila ako sa cellphone ko. Kaya nga hindi ako nagpalit ng sim dahil baka tatawag sila sa akin at mangangamusta." Sagot ko.'Dapat subukan mo pa rin. Kung pagdating mo doon ay wala silang pakealam, doon mo na sila bitawan. Isang pagkakataon lang ang meron tayo, Sieme. Kung ibibigay mo 'to sa kanila at pinabayaan nila, hindi mo na kasalanan iyon.'Tumango ako sa sinabi niya. "Sige, gagawin ko iyang sinabi mo. Pag may lakas ng loob na akong harapin sila, gagawin ko ang sinasabi mo." Ani ko sa kanya.Nag thumbs up lang siya sa akin at humilig sa kanyang inuupuan habang nakapikit ang mata. Pinagmasdan ko siya hanggang sa nakuntento ako at humilig na lang din sa inuupuan ko.Maganda si Aless, hindi ko ipagdadamot iyon. Mula sa makulot niyang buhok, maputi niyang balat, matangos na ilong at cute lips, mabait din ang ugali niya at mas malalim siyang mag-isip kaysa kay Vivian. Palabiro kasi si Vivian habang si Aless naman iyong seryoso.Sa kanilang dalawa, mas una kong nakilala si Aless dahil mas nauna siyang magtrabaho doon sa resort. No'ng una akala ko hindi niya ako sinasagot o sinusungitan ako dahil hindi ko naman alam na mute pala siya. Mauunawain din siya at masipag.Pagdating namin sa wet market, si Aless ang namimili since mas marami siyang alam sa mga preskong bilihin. Si Vivian ang taga tanong at bayad samantalang ako naman ang taga bitbit.Tiningnan ko ang listahan na binigay sa amin ng manager at sinuri iyon kung ano ang hindi pa namin nabili."Wala pa ba tayong mantika? Wala pang mga gulay." Ani ko.Tumango si Aless at nauna nang maglakad kaya sumunod naman kaagad kami ni Vivian. Kinuha sa akin ni Vivian ang dalawang supot kaya tigda-dalawa kami ng bitbit."Maaasahan talaga si Aless pagdating sa mga ganito. Parang nasa kanya na ang lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa pa rin siyang saktan ng boyfriend niya noon. Mga lalaki talaga, hindi marunong makuntento." Sabi ni Vivian."Hindi naman siguro lahat," Ani ko."Anong hindi lahat? Pare-parehas lang iyan oy. Dipende na lang sa 'yo kung magpapa-uto ka." Aniya.Hindi ko na lang siya sinagot sa sinabi niya. Opinyon naman niya iyan sa mga lalaki. Kung ano ang opinyon niya, wala na akong kapit doon. Ang hirap pa naman mabago ang opinyon ng tao, lalo na kung naranasan talaga nila. Parang nasasarado ang utak nila dahil sa experience.Nang matapos naming mabili lahat ng pinapautos sa amin sa tulong ni Aless, bumili na lang din kami ng mga pangangailangan namin sa pang araw-araw. Ako ang nagbayad muna dahil walang dalang pera si Vivian. Kung maiwan talaga namin ito si Vivian, maglalakad talaga ito patungong resort.Nang makabili na kami ng mga pangangailangan namin, si Vivian ang nag-suggest na mag bus nalang kami at magpahatid ng tricycle sa resort.Ang dahilan niya..."Para matagal tayong makarating tapos pagdating natin doon, wala na masyadong tao at hugasin." Pangungumbinsi niya."At tsaka, mahal din naman ang pamasahe kapag naka-taxi kaya mag bus nalang tayo." Aniya.Tumango si Aless sa sinabi ni Vivian kaya wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa kanilang dalawa. Malapit lang naman ang bus station dito kung saan kami nakabili ng mga gamit namin sa pang araw-araw kaya nilakad na lang namin.Pagdating namin doon, nakapila pa ang mga sasakay kaya umupo muna kaming tatlo sa bench, kaharap doon ang tv."Oh diba, sabi ko sa inyo eh, matagal pa tayong makakauwi." Ani Vivian.Tahimik lang ako at nakamukmok sa gilid habang naghihintay ng available na bus na masasakyan. Rinig ko pa rin ang bulungan ng iba at ang tv nilang sobrang lakas ng volume."Castillejo Company, one of the highest company here in Asia, are now in danger of bankruptcy because of their only daughter who stole their investment money."Naagaw ang atensyon ko sa tv kaya napatingin ako roon. Hindi napansin ni Vivian ang balita pero si Aless ay nakatingin na sa tv at nagkatinginan kaming dalawa no'ng i-flinash na sa screen ng tv ang picture ko.Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa headlines ng balita at sa picture ko na may missing sa baba. Parang hindi pa nag sink-in sa akin ang mga nabalitaan ko ngayon kaya natigilan ako.Nabalik lang ako sa sarili kong pag-iisip no'ng nilagyan ni Aless ng wawai hat ang ulo ko at dinala na ni Vivian ang mga binitbit ko kanina habang inalalayan ako ni Aless na maglakad.Walang tanong o kahit reaction ang ginawa ng dalawa, basta hinila na lang nila ako papasok sa taxi at hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari dahil hanggang ngayon, parang nahuhulog ng paunti-unti ang sarili ko at hindi ko na alam kung paano pa ito pupulutin. Sa nalalaman ko, parang unti-unting nauubos ang sarili ko pati na rin ang pag-asa ko sa kanila, pag-asa na baka ay matatanggap nila ako muli.Kabanata 4:Sa buhay na puno ng pag-asa sabi nila, parang wala na yata ako no'n. Sa bawat paghinga na dapat inaalala ang mga magagandang bagay na nangyari, mukhang hindi ko na makakaya iyon. Sa mga nangyayari sa akin, wala na akong dapat asahan pa kundi sarili ko lang. Wala na dapat akong hinihiling at binibigyan ng pagkakataon kundi ang mabigyan at mapatunayan na ako mismo sa sarili ko, magiging matatag kahit anong pilit nila akong hinihila pababa. Hanggang sa makarating kami sa resort, tulala pa rin ako at hindi makapaniwala. Hindi ko inaasahan na pati ang pangalan ko ay bibigyan nila nang marka. Akala ko okay na ang sarili ko, sapat na ang sarili ko pero hindi pa pala. Ngayon, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa mga taong akala nilang mabait ako. Ang akala nilang hardworking lang ako para sa sarili ko. Ang akala nila na ang hinahangad ko'y kapayapaan lang. Nahihiya ako. Sa totoo lang. Oo at hindi ko ginawa pero malaki ang epekto nang iyon sa akin. Sa bawat paghakbang
Kabanata 5: Maayos akong nakarating sa resort kung saan ako ni-refer ng manager ko sa dating pinagtatrabahauan ko. May nag asikaso sa akin matapos nilang malaman na ako pala 'yong bagong dating na trabahante nila. Maayos ang accomodation nila rito kaya nagtataka ako kung bakit wala man lang katao-tao. Maganda rin ang resort, may hot spring, falls, at ilog kung saan dumadaloy ang tubig na galing sa falls. May mga cottages din na mukhang matibay naman at may mini hotel din sila. May nakatayong mga rooms na hindi aano kalaki pero pwede ka roon matulog kung gusto mo ng budget friendly na offer. Pagkatapos nila akong ilibot sa buong resort na im-m-manage ko, pumunta na ako sa lobby para hintayin ang may-ari ng resort para kami naman daw ang mag-usap. Staff lang kasi iyon kanina dahil wala naman silang manager kaya 'yon ang a-apply-an ko."Pakihintay na lang po si Mrs. Vasquez ma'am para kayo na mag-usap sa mga dapat pang ipaliwanag," Ani Cherry, isa rin sa trabahante rito sa resort.Tu
KABANATA 6"Miss Castillejo, This is Travis Vasquez, my son." Napatitig ako sa lalaki na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Mas lalo akong nanginig sa mga titig niyang parang ayaw akong bitawan. Kumunot ang noo niya at naniningkit ang mata sa akin pagkatapos ngumiti ng nakakaloko."Who is this beautiful lady, Ma?" Tanong niya.Napabaling ang tingin ko kay Ma'am Trisha na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Ngumiti siya bago tumingin sa gawi ng anak."Don't hit on her. Keep your distance because she is our new manager." May diing sabi ni Ma'am Trisha sa anak niya."Why would I hit on her Ma? I just said that she's beautiful, nothing else," He said before he turned his gaze on me.Ma'am Trisha chuckled, "Shut up Travis, I know you." Umiling lang si Travis sa sinabi ng kanyang ina bago ibinalik ang tingin sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang hoodie. Wala sa sariling napaatras ako kaya nakita ko kung paano siya ng
KABANATA 7"Oh, buti nandito ka na!" Salubong sa akin ni Ma'am Trisha.Niyakap niya ako at nagbeso na ikinagulat ko."Kanina ka pa namin inaantay!" Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Akala ko po kasi hindi na matutuloy. Pumunta lang po talaga ako rito para dalawin kayo," Ani ko."Ikaw naman! Oo naman ‘no! Tuloy na tuloy! Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nitong anak ko at nagpaluto nang marami!" Maligayang ani niya.Giniya niya ako patungo sa lamesa at pinaghila pa talaga ako ng upuan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya at bumati kay Sir Leonell Vasquez na ngumiti lang sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Travis na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa ginagawa ng ina niya. Bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin na ikinasama ng tingin niya. Nakita iyon ni Ma'am Trisha kaya pinagalitan siya."Ayusin mo nga iyang pagmumukha mo Travis! Nasa harap ka ng pagkain tapos busangot ka," Sabi ni Ma'am Trisha na parang balewala lang kay Travis.N
KABANATA 8"Bakit mo ba ako palaging binabantaan?" Hindi siya sumagot sa tanong ko."Ganoon na ba ako ka-threat sa 'yo?" Napailing siya sa sinabi ko. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Sino ka ba para katakutan? Alam mo, kung may dapat mang matakot, ikaw iyon," "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Wala naman akong ginawang masama para matakot sa 'yo," Sagot ko."Wala ba talaga? Bakit hindi ako kumbinsido sa sinabi mo?" Aniya."Kung hindi ka kumbinsido sa akin, hindi ko na iyon problema. Hindi naman ako nandito para kumbinsihin ka. Nandito ako para sa trabaho ko," Wika ko.Napabuntong-hininga ako at iniwas ang paningin sa kanya. Kung may dapat mang magpigil, ako dapat iyon dahil ako ang trabahante at anak siya ng boss ko. Ako dapat ang umiwas dahil ako ang nangangailangan ng trabaho. Kailangan kong kontrolin ang sarili kong emosyon dahil baka ano pa ang masabi ko. Aware ako sa sarili ko. Kung ano
KABANATA 9"Baka kapag magpatugtog ako ng gitara at kumanta sa harapan mo, hindi mo makayanan ang sarili mo't hagkan ako," Hambog na aniya.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako sa kakatawa. Nakita ko naman kung paano siya ngumisi sa reaksyon ko.Inasar na nga, ngumisi pa. Baliw."Patawa-tawa lang pero kinilig na pala," Sabi niya.Mas lalo akong humagalpak nang tawa at nakahawak na ako sa dibdib ko ngayon. Sumasakit na rin ang tiyan ko sa ginagawa ko.Tumawa muna ako. "Ang hangin mo! Hindi ka nga siguro marunong," Ani ko.Umiling-iling lang siya at nilapag ang gitara sa tabi niya. Binigay niya sa akin ang dala kong plate na wala nang laman. "Sama ako mamaya ha? Mag-aantay ako sa labas," Sabi ko.Nanatili siyang nakatayo habang nakapamewang na nakatingin sa akin."Kapag sinama kita mamaya, lalayo ka kay Syd ha? Kun'di kakaladkarin kita pauwi kahit hindi pa tapos ang gig ko," Striktong aniya.Umirap ako. "Paano ako matututong mag gitara kung pagbabawalan mo ako? At tsak
Kabanata 10"Paulit-ulit lang ito?" Tanong ko.Lumunok muna siya bago tumango at ibinalik ang tingin sa gitara. Inutusan niya akong ikasa na ang gitara habang nakaipit ang mga daliri ko sa mga frets na tinuro niya. Sinubukan ko ang tinuro niya, up and down na pagkasa at mas diniinan ang pagkakahawak sa mga strings.Mukhang natugtog ko naman iyon nang maayos dahil maganda naman ang kinalabasan kaya nakangiti akong lumingon kay Syd."Ayos ba?" Tanong ko.Natigilan siya. Napatitig muna siya sa akin bago ngumiti at sumagot. "O-Oo, maayos..." Aniya bago tumikhim.Maganda ba talaga ang tugtog ko or sadyang maganda lang talaga ang tunog ng kaniyang gitara? Nahihiya ba siyang aminin sa akin ang totoo na pangit talaga ang tugtog ko kaya nautal siya dahil sa pagsisinungaling niya?Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi na inalintana kung gaano na kalapit ang mga mukha namin."Hindi ba maganda?" Tanong ko ulit.Napabalik ang tingin niya sa akin. "M-Maganda naman, not bad for beginners..." If tha
PROLOGUEWhen they started to scream, all I want to do is to keep running until I can't hear the noises again. When life gets hard, I definitely choose to runaway than being stuck in that chaos. I want my freedom alone. I want myself alone. I prefer being alone than to hear this disgusting scream, saying that I shouldn't be selfish and try to get along with others, especially to the man that they wanted to be my husband for the damn reasons."Diba sinabi ko sa 'yo na makipag-kita ka roon? Bakit hindi mo sinipot?!"Umalingawngaw ang sigaw ng Ama ko sa buong kwarto ko. Hindi pa siya nakuntento at pinatid pa niya ang lamesa ko kaya nagkalat ang lahat ng gamit ko sa sahig.Napatingin ako sa mga gamit ko na nagkalat sa sahig. Nabasag ang pinag-ipunan kong vanity mirror dahil sa pagkakapatid niya. Nagkalat ang lahat ng makeup at nabasag pa ang lalagyan ng cream ko.Nang-iin
Kabanata 10"Paulit-ulit lang ito?" Tanong ko.Lumunok muna siya bago tumango at ibinalik ang tingin sa gitara. Inutusan niya akong ikasa na ang gitara habang nakaipit ang mga daliri ko sa mga frets na tinuro niya. Sinubukan ko ang tinuro niya, up and down na pagkasa at mas diniinan ang pagkakahawak sa mga strings.Mukhang natugtog ko naman iyon nang maayos dahil maganda naman ang kinalabasan kaya nakangiti akong lumingon kay Syd."Ayos ba?" Tanong ko.Natigilan siya. Napatitig muna siya sa akin bago ngumiti at sumagot. "O-Oo, maayos..." Aniya bago tumikhim.Maganda ba talaga ang tugtog ko or sadyang maganda lang talaga ang tunog ng kaniyang gitara? Nahihiya ba siyang aminin sa akin ang totoo na pangit talaga ang tugtog ko kaya nautal siya dahil sa pagsisinungaling niya?Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi na inalintana kung gaano na kalapit ang mga mukha namin."Hindi ba maganda?" Tanong ko ulit.Napabalik ang tingin niya sa akin. "M-Maganda naman, not bad for beginners..." If tha
KABANATA 9"Baka kapag magpatugtog ako ng gitara at kumanta sa harapan mo, hindi mo makayanan ang sarili mo't hagkan ako," Hambog na aniya.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako sa kakatawa. Nakita ko naman kung paano siya ngumisi sa reaksyon ko.Inasar na nga, ngumisi pa. Baliw."Patawa-tawa lang pero kinilig na pala," Sabi niya.Mas lalo akong humagalpak nang tawa at nakahawak na ako sa dibdib ko ngayon. Sumasakit na rin ang tiyan ko sa ginagawa ko.Tumawa muna ako. "Ang hangin mo! Hindi ka nga siguro marunong," Ani ko.Umiling-iling lang siya at nilapag ang gitara sa tabi niya. Binigay niya sa akin ang dala kong plate na wala nang laman. "Sama ako mamaya ha? Mag-aantay ako sa labas," Sabi ko.Nanatili siyang nakatayo habang nakapamewang na nakatingin sa akin."Kapag sinama kita mamaya, lalayo ka kay Syd ha? Kun'di kakaladkarin kita pauwi kahit hindi pa tapos ang gig ko," Striktong aniya.Umirap ako. "Paano ako matututong mag gitara kung pagbabawalan mo ako? At tsak
KABANATA 8"Bakit mo ba ako palaging binabantaan?" Hindi siya sumagot sa tanong ko."Ganoon na ba ako ka-threat sa 'yo?" Napailing siya sa sinabi ko. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Sino ka ba para katakutan? Alam mo, kung may dapat mang matakot, ikaw iyon," "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Wala naman akong ginawang masama para matakot sa 'yo," Sagot ko."Wala ba talaga? Bakit hindi ako kumbinsido sa sinabi mo?" Aniya."Kung hindi ka kumbinsido sa akin, hindi ko na iyon problema. Hindi naman ako nandito para kumbinsihin ka. Nandito ako para sa trabaho ko," Wika ko.Napabuntong-hininga ako at iniwas ang paningin sa kanya. Kung may dapat mang magpigil, ako dapat iyon dahil ako ang trabahante at anak siya ng boss ko. Ako dapat ang umiwas dahil ako ang nangangailangan ng trabaho. Kailangan kong kontrolin ang sarili kong emosyon dahil baka ano pa ang masabi ko. Aware ako sa sarili ko. Kung ano
KABANATA 7"Oh, buti nandito ka na!" Salubong sa akin ni Ma'am Trisha.Niyakap niya ako at nagbeso na ikinagulat ko."Kanina ka pa namin inaantay!" Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Akala ko po kasi hindi na matutuloy. Pumunta lang po talaga ako rito para dalawin kayo," Ani ko."Ikaw naman! Oo naman ‘no! Tuloy na tuloy! Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nitong anak ko at nagpaluto nang marami!" Maligayang ani niya.Giniya niya ako patungo sa lamesa at pinaghila pa talaga ako ng upuan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya at bumati kay Sir Leonell Vasquez na ngumiti lang sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Travis na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa ginagawa ng ina niya. Bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin na ikinasama ng tingin niya. Nakita iyon ni Ma'am Trisha kaya pinagalitan siya."Ayusin mo nga iyang pagmumukha mo Travis! Nasa harap ka ng pagkain tapos busangot ka," Sabi ni Ma'am Trisha na parang balewala lang kay Travis.N
KABANATA 6"Miss Castillejo, This is Travis Vasquez, my son." Napatitig ako sa lalaki na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Mas lalo akong nanginig sa mga titig niyang parang ayaw akong bitawan. Kumunot ang noo niya at naniningkit ang mata sa akin pagkatapos ngumiti ng nakakaloko."Who is this beautiful lady, Ma?" Tanong niya.Napabaling ang tingin ko kay Ma'am Trisha na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Ngumiti siya bago tumingin sa gawi ng anak."Don't hit on her. Keep your distance because she is our new manager." May diing sabi ni Ma'am Trisha sa anak niya."Why would I hit on her Ma? I just said that she's beautiful, nothing else," He said before he turned his gaze on me.Ma'am Trisha chuckled, "Shut up Travis, I know you." Umiling lang si Travis sa sinabi ng kanyang ina bago ibinalik ang tingin sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang hoodie. Wala sa sariling napaatras ako kaya nakita ko kung paano siya ng
Kabanata 5: Maayos akong nakarating sa resort kung saan ako ni-refer ng manager ko sa dating pinagtatrabahauan ko. May nag asikaso sa akin matapos nilang malaman na ako pala 'yong bagong dating na trabahante nila. Maayos ang accomodation nila rito kaya nagtataka ako kung bakit wala man lang katao-tao. Maganda rin ang resort, may hot spring, falls, at ilog kung saan dumadaloy ang tubig na galing sa falls. May mga cottages din na mukhang matibay naman at may mini hotel din sila. May nakatayong mga rooms na hindi aano kalaki pero pwede ka roon matulog kung gusto mo ng budget friendly na offer. Pagkatapos nila akong ilibot sa buong resort na im-m-manage ko, pumunta na ako sa lobby para hintayin ang may-ari ng resort para kami naman daw ang mag-usap. Staff lang kasi iyon kanina dahil wala naman silang manager kaya 'yon ang a-apply-an ko."Pakihintay na lang po si Mrs. Vasquez ma'am para kayo na mag-usap sa mga dapat pang ipaliwanag," Ani Cherry, isa rin sa trabahante rito sa resort.Tu
Kabanata 4:Sa buhay na puno ng pag-asa sabi nila, parang wala na yata ako no'n. Sa bawat paghinga na dapat inaalala ang mga magagandang bagay na nangyari, mukhang hindi ko na makakaya iyon. Sa mga nangyayari sa akin, wala na akong dapat asahan pa kundi sarili ko lang. Wala na dapat akong hinihiling at binibigyan ng pagkakataon kundi ang mabigyan at mapatunayan na ako mismo sa sarili ko, magiging matatag kahit anong pilit nila akong hinihila pababa. Hanggang sa makarating kami sa resort, tulala pa rin ako at hindi makapaniwala. Hindi ko inaasahan na pati ang pangalan ko ay bibigyan nila nang marka. Akala ko okay na ang sarili ko, sapat na ang sarili ko pero hindi pa pala. Ngayon, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa mga taong akala nilang mabait ako. Ang akala nilang hardworking lang ako para sa sarili ko. Ang akala nila na ang hinahangad ko'y kapayapaan lang. Nahihiya ako. Sa totoo lang. Oo at hindi ko ginawa pero malaki ang epekto nang iyon sa akin. Sa bawat paghakbang
Kabanata 3: Accusations"Sieme dito pa sa table 3, pakipunasan nalang din!" Narinig kong sigaw kaya mas binilisan ko ang pagpunas sa table 10.Pagkatapos kong punasan ang lamesa, binalik ko sa lalagyan ang pamunas at inayos ang upuan. Kasalukuyan akong nakatrabaho rito sa isang resort sa Cebu. Maliit lang ang kita pero sapat na iyon sa akin para sa pang araw-araw. Libre naman kasi ang tirahan dito at kailangan mo lang ay ang pagkain mo sa araw-araw.300 pesos ang araw rito at ang trabaho ko ay tagaligpit ng pinagkainan at tagapunas. Lima kaming tagalinis, lahat babae. Minsan nakatoka ako sa pag s-serve pero kadalasan talaga ay tagaligpit ako. Pagkatapos kong i-arrange lahat sa table 10, pinunasan ko na ang lamesa sa table 3. Kinuha na nang mga kasamahan ko ang mga pinggan kaya pinunasan ko na lang. Madali lang naman ang trabaho, at minsan din ay matumal dahil hindi naman lahat kakain sa restaurant ng resort. Pero kahit matumal ang benta, 300 pa rin ang araw namin kaya okay lang. Mins
Kabanata 2: Runaway"From now on, Cassidy will be going to inherit my Company. Tinatakwil na kita sa pamamahay na ito at kinakahiya kita na maging anak ko." Aniya na mas lalong ikinahina ko.Wala akong makitang emosyon kun'di ang pagkamuhi at disappointment. Wala akong nakita ni katiting na pagmamahal o pag-alala sa mukha niya. Ang emosyon niya ang nagpapa-alala sa akin na hindi ako naging mabuting anak sa kanya. Siya mismo na ama ko ay tinatakwil at kinamumuhian na ang sarili niyang anak.Napapikit ako at pinunasan ang sarili kong luha. Kung patuloy akong maging mahina, sa tingin nilay totoo ang mga pinaparatang nila sa akin. Kung patuloy akong tikom at hindi nagsasalita sa harapan ng sarili kong ama'y mas mananaig ang pag-iisip niya na ginawa ko ang bagay na iyon. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kaya ako mismo sa sarili ko, ipapaliwanag ko sa mismong paraan na alam ko.Lumikh