Share

The Runaway Bride's Keeper
The Runaway Bride's Keeper
Author: Moonstone13

Chapter 1

Author: Moonstone13
last update Huling Na-update: 2024-06-08 07:25:32

"Ayoko, Dad! Hindi ko pakakasalan si Vincent. Ayokong maging asawa niya. Hindi ko susundin ang gusto mo!" mariing saad ni Girly sa kanyang ama.

Binitiwan ng Daddy ni Girly ang hawak na kubyertos at seryosong binalingan ng tingin ang panganay na anak.

"Whether you like it or not, pakakasalan mo ang anak ni Governor Maceda." maawtoridad na wika ni Mayor Arnulfo Francisco sa anak niyang si Girly.

"Dad, gusto mo bang pahirapan talaga ang kalooban ko?" malungkot na tanong ng dalaga sa ama.

Makikita rin sa mga mata ni Girly ang namumuong luha dahil sa sitwasyong ipinipilit sa kanya ng ama.

Hindi siya sinagot ng Daddy niya at ipinakita lang sa kanya ang ginawa nitong pag inom ng tubig sa baso, na para bang sinasabi sa kanya na wala itong pakialam kahit magtampo pa siya.

Nasa hapagkainan sila ng oras na iyon at kumakain ng hapunan, kasabay ang Mommy niya at bunsong kapatid na lalaki na nakikinig lang sa pinag-uusapan nilang mag ama.

Napabuga ng hangin si Girly at muling sinulyapan ang ama niya.

"Mula pa noon sinusunod ko na ang mga gusto mo ng wala kayong naririnig na pag angal mula sa akin, Dad. Ikaw palagi ang nagdedesisyon para sa akin, kahit na nasa tamang edad na ako. Bata pa lang ako alam ninyo ni Mommy na pangarap kong maging Doctor, pero ayaw mo dahil ang gusto mo ang kuhanin kong kurso ay business management para may makatuwang ka sa negosyo natin. Kahit na ayoko ay sinunod kita, Dad. Ngayon lang ako makikiusap sa iyo Daddy, wag mo namang saklawan pati ang desisyon ko sa pagbuo ng sarili kong pamilya. Ayoko pang mag asawa at hindi si Vincent ang lalaking gusto kong pakasalan." paglalabas ng sama ng loob ni Girly.

"Anong masama kung sundin mo ang mga plano ko para sa iyo, Girly?! Gusto ko lang naman na maging secured ang kinabukasan mo. Kung ang anak ni Governor ang mapapangasawa mo, hindi ka makakaranas ng hirap. Mayaman ang pamilya Maceda at kilala ang angkan nila sa buong probinsya natin." singhal ni Mayor kay Girly.

Napapikit ng kanyang mata ang dalaga dahil pakiramdam niya ay useless lang ang pakiusap na sinabi niya sa ama.

"Bakit naghihirap na ba ang pamilya natin? Hindi naman ah! Ako ang nag aasikaso ng lahat ng negosyo natin, kaya alam kong hindi nalulugi ang mga business natin, Dad. Huwag ninyong ibigay sa akin ang ganyang rason para mapapayag ako sa kasal na nais ninyo. Anak mo 'ko, Dad, hindi ako robot na mapapasunod mo sa lahat ng gusto mong mangyari. May sarili akong pag iisip at kagustuhan. Alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit gusto mong makasal ako kay Vincent. Sarili mong kapakanan ang inaalala mo, yun ang totoo!" aniya sa ama.

"Pak!" malakas na sampal sa kanang pisngi ang tinamo ni Girly mula sa kanyang ama dahil da ginawa niyang pagsagot na pabalang.

Napabaling sa kaliwa ang mukha ni Girly sa sobrang lakas ng sampal sa kanya. Napahawak pa nga siya sa kanyang pisngi na nasampal dahil sa sakit na kanyang naramdaman.

"Arnulfo, tama na yan! Ayaw ng anak natin na magpakasal sa anak ni Governor Maceda. Huwag mo ng pakialaman pati ang personal na buhay ni Girly. Hayaan natin siyang mamili ng lalaking gusto niyang maging asawa balang araw." pagsabat na ni Lydia sa usapan ng mag ama at nilapitan ang panganay na anak ng magulat ito sa ginawa ng kanyang asawa.

"Okay ka lang, Iha?!" nag aalalang tanong ng Mommy ni Girly at sinuri din ang pisngi ng anak na nalapatan ng palad ng ama nito.

Tumingin si Girly sa kanyang Mommy at bahagyang tumango ng alisin na niya ang isang kamay niya sa kanyang namumulang pisngi.

"Nakita mo ang ginawa mo sa anak mo, Arnulfo?!" galit na galit na wika ni Lydia sa asawa.

"Manahimik ka, Lydia! Nakapagbitiw na ako ng salita kay Governor. Nakipag-kompromiso na ko sa kanilang mag ama at napag-usapan na namin ang ilang detalye ng magiging kasal nila Girly at Vincent. Matutuloy ang kasal kahit ayaw ng anak mo." pahayag ni Mayor Francisco sa asawa.

"Dad, i can't believe you! You doing this to me, para makasigurado ka na mananalo kang Congressman sa next election. Dahil iniisip mong malaki ang maitutulong ng pamilya nila Vincent sa pangangampanya mo. Akala mo, hindi ko alam ang mga pinaplano mo, pati ako gusto mong idamay matupad lang ang panga--,"

Malakas na hampas sa lamesa ang nagpatigil sa pagsasalita ni Girly.

Iniharang naman agad ni Lydia ang katawan niya sa anak dahil inakala nito na muling sasaktan ng asawa niya ang panganay nila.

"Iha, doon ka na muna sa silid mo. Mag-uusap lang muna kami ng Daddy mo. Ikaw din Andrei, pumasok ka na sa kwarto mo." utos ni Lydia sa dalawang anak.

"S-Sige po," aning sagot ni Andrei sa mommy nila at naglakad na itong palayo sa kanila.

Hindi naman nagpatinag si Girly sa galit ng ama. Imbes na sumunod sa kapatid sa pag alis sa dining room ay nanatili ang dalaga sa kinauupuan.

"Girly, sige na iha, iwanan mo na muna kami ng Daddy mo rito," utos pang muli ni Lydia sa panganay na anak.

"Ayoko, Mommy. Gusto kong marinig ang pag-uusapan ninyong dalawa ni Dad." pagtanggi ni Girly.

Napaupo na lang uli ang mommy niya na wala rin nagawa.

"Kahit ano pa ang sabihin ninyong mag ina buo na ang aking pasya. Ipapakasal pa rin kita Girly kay Vincent," saad ni Mayor sa mag ina niya.

"Arnulfo, maawa ka sa anak natin. Hindi niya gusto ang lalaking nais mong maging asawa niya. Gagawin mo lang miserable ang buhay ng anak mo." pakiusap ng mommy ni Girly.

"Kapag mag asawa na sila, matututunan din niyang mahalin si Vincent." ang sagot naman ng ama ng dalaga.

"Nilamon na talaga ng politika ang pagkatao mo, pati ang anak natin ay nadadamay na. Puro sarili mong kagustuhan ang dapat na masunod, sumusobra ka na, Arnulfo!" galit na turan ni Lydia sa asawa.

"Huwag ninyo akong dramahang mag ina. Final na ang desisyon ko at hindi na mababago pa."

"Ang sama mo! Mabuti ka sa harap ng ibang tao, pero sa aming pamilya mo ay kabaligtaran. Napakawala mong kwentang ama, sa mga anak mo!" pagbulalas ng sama ng loob ng mommy ni Girly.

Nagpanting ang tainga ni Mayor Francisco, kaya mabilis na nahawakan nito sa leeg ang asawa at sinakal.

"Dad.., bitiwan mo si Mommy! Dad, ano ba..?! bitiwan mo ang Mommy ko!!" pag awat ni Girly sa kanyang ama na pilit inaalis ang kamay nito sa leeg ng mommy niya.

"Hayup ka! papatayin mo ba 'ko?!" galit at pasigaw na sambit ni Lydia sa asawa ng matanggal ang kamay ni Arnulfo sa leeg niya at bahagyang umatras sa kanilang mag ina.

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin Lydia, kapag kumontra ka pa sa gusto ko. Ikaw Girly, wag kang magtatangka na tumakas kung ayaw mong saktan ko uli ang mommy mo." wika ni Mayor na pinagbantaan pa ang mag ina niya.

Masamang tingin lang ang ipinakita ni Girly sa ama, na binalewala lang naman.

"This coming saturday, mamanhikan na ang pamilya ni Vincent dito sa bahay. Ang gusto ko ay maghanda kayo, lalong-lalo ka na Girly. From now on, hindi ka na makakalabas ng bahay ng wala kang kasamang body guard. Bahay at sa trabaho lang iikot ang buhay mo ngayon hanggang sa maikasal kayong dalawa ni Vincent." aning turan ni Mayor sa anak na mahahalata sa facial reaction ni Girly na tuluyan ng sumama ang loob sa Daddy niya.

Tinalikuran ni Girly ang Daddy at Mommy niya at iniwan ang dalawa sa hapagkainan. Hindi na kase mapigilan ng dalaga ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
bakit ksi pipilitin nyo ayaw ngah hahahha ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 2

    Kinaumagahan, bago umalis ng bahay ang Daddy ni Girly, ay ipinaalala muna nito sa kanya na hindi siya pwedeng lumabas ng walang kasamang bodyguard. Nagkibit balikat lang si Girly sa sinabi ng Daddy niya. Sinadya niya rin na hindi kausapin ang ama dahil gusto niyang ipakita at ipadama ang sama ng loob niya. Dahil sa bad mood ang dalaga, hindi na siya nag almusal pa sa bahay nila at maaga siyang nagpunta sa main office nila na may nakabuntot na mga bantay. Si Girly ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya nila. Mula ng maupong Mayor ng bayan nila ang kanyang ama ay sa kanya na ipinagkatiwala ang pagpapatakbo ng negosyo. Ang Mommy naman nila ay may sariling dental clinic. Dentista kase ang kanyang ina. Habang ang bunso niyang kapatid na si Andrei ay nag aaral pa rin sa university. Oras na ng lunch break, nasa loob pa rin si Girly ng opisina niya. Tumaas ang isang kilay ng dalaga ng makita niyang pumasok si Vincent sa loob ng opisina niya na may bitbit na mga bulaklak. "Hi, f

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 3

    Gabi na ng umuwi si Girly sa bahay nila at sinadya niyang magpagabi, upang hindi niya makita ang kanyang ama. "Ginabi ka ng uwi?" bungad na tanong ni Lydia sa anak. "Mom, bakit gising ka pa?" nagulat na tanong ni Girly dahil hindi niya napansin kanina ang kanyang ina na naghihintay sa kanya sa sala. "Gusto kong makausap ka. Alam kong ayaw mong pag usapan ang tungkol sa kasunduang kasal, kaya ka umiiwas sa amin ng iyong ama." "Mommy, pagod ako." "Galit ka sa Daddy mo at nauunawaan kita. Ako rin naman ay hindi sang ayon sa gustong mangyari ng ama mo. Kausapin mo siyang muli at pakinggan. Baka sakaling maunawaan mo siya." payo ni Lydia sa anak. "Anong gusto mong gawin ko Mommy, magmakaawa kay Dad? makikinig ba siya sa akin? hindi naman di ba?! mag aaksaya lang ako ng laway at luha, dahil kahit na mag iiyak ako sa harapan niya ay hindi niya pa rin babaguhin ang desisyon niya." may hinanakit na wika ni Girly. "Nag usap kami ng Dad mo kanina at gusto niyang ipaintindi sa iyo na kail

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 4

    Araw ng sabado, natuloy ang pamamanhikan ni Vincent sa bahay ng mga Francisco. Kasama niya ang buo niyang pamilya, upang opisyal na hingin ang kamay ni Girly sa mga magulang ng dalaga. "Good evening, Governor, Mrs. Maceda." bating pagsalubong ni Girly sa mga magulang ni Vincent. Maayos na pinakiharapan ni Girly ang pamilya ng binata dahil nangako siya sa kanyang Mommy na hindi siya gagawa ng eksena para masira ang gabi ng pamamanhikan nila Vincent. Dahil batid ng ama ni Girly na labag pa rin sa loob ng anak ang pagpapakasal kay Vincent ay hindi nito hinayaan na magsalita ng matagal si Girly. Inililihis ng ama ng dalaga ang usapan kapag panay ang tanong ng ina ni Vincent kay Girly na napapansin naman ni Governor Maceda kaya pinatahimik na ang asawa nito. Naitakda ang kasal ni Girly kay Vincent, isang buwan matapos ang pamamanhikan. Nagtataka man ang dalaga kung bakit nagmamadali ang pamilya Maceda ay hindi na niya iyon itinanong pa. Nang makaalis na ang pamilya ni Vincent sa bahay

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 5

    "Mang Greg, itigil mo saglit ang kotse." utos ni Girly sa driver. "Bakit po Ma'am?!" nagtatakang tanong ng driver pero sinunod din ang sinabi ni Girly. Mabilis na kumilos ang dalaga at nagawa niyang ipaamoy ang gamot na pampatulog kay Mang Greg. Nang mawalan ng malay ang driver ay inalis niya ang mahabang skirt ng wedding dress, ang suot niyang belo at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya palayo sa bridal car habang hindi pa niya natatanaw ang mga sasakyang nakasunod sa kanila na naharangan ng maraming baka na ipinapastol. Walang nagawa ang mga tauhan ni Mayor dahil mabagal maglakad ang mga baka na nakaharang sa gitna ng kalsada. Lakad takbo ang ginawa ni Girly sa tabi ng daan. Hanggang sa makita niya ang nakahintong sasakyan na sa tingin niya ay nasiraan. Pasikretong pumasok si Girly sa loob ng sasakyang nakabukas. Pumwesto siya sa bandang likuran upang doon siya makapagtago. Ilang minuto lang ang hinintay ni Girly ng sumakay na sa driver seat ang lalaking nakita niya

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 7

    Samantala sa loob ng simbahan ay nanlambot ang mga tuhod ng ama ni Girly ng malaman nilang tinakasan ng dalaga ang driver at mga bantay nito. Galit na galit si Vincent ng mabatid niya ang ginawa ni Girly. Kahit na nasa loob sila ng simbahan ay nagwala siya roon. Nagpaputok siya ng baril ng ilang beses at sinuntok ang ilan sa mga bodyguards nila. Nagtakbuhan palabas ang ilan sa mga bisita, abay at mga nakikiusyoso. Pinatigil lang siya ng ama niyang Gobernador dahil napapahiya na sila ng sobra sa mga bisitang nasa simbahan na gustong makasaksi sa kasal, pati na rin sa pari na nag sign of the cross na ata dahil sa takot. Umiiyak naman sa takot at kaba ang ina ni Girly. Ang kapatid naman ng dalaga na si Andrie ay parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari. Napaupo at napayuko na lamang si Mayor Arnulfo Francisco sa nalaman at dahil wala rin siyang mukhang maiharap kina Vincent at Governor Maceda. Tahimik na nilapitan ni Governor Maceda si Mayor Francisco at halos pabulong na k

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 7

    "Girly.., gising na. Narito na tayo sa bahay." pang iistorbo ni Enrico sa natutulog na dalaga. "Uhmm..," mahinang ungol naman ang isinagot ni Girly kaya napailing ang ulo ni Enrico. "Tulog mantika," usal ng binata. "Narinig ko 'yon! Gising ako, tinatamad lang akong magdilat ng mata." wika ni Girly na nakapikit pa rin at nais makalusot. "Talaga lang ha!" nakangising komento ng binata na halata namang hindi pinaniniwalaan ang sinabi ng dalaga dahil kanina ay sinubukan nito na gisingin ito pero hindi naman nagising. "Oo na, tulog mantika na ko." aminadong wika ni Girly na nagmulat na ng kanyang mga mata. "Halata namang puyat ka at naiintindihan ko rin na napagod ka sa pagtakbo mo kanina. Hindi mo kailangang magpanggap sa akin." wika ni Enrico na inaalis na ang seatbelt sa katawan niya. "Pasensiya ka na, napuyat talaga ako kagabi sa kakaisip sa gagawin kong pagtakas. Malakas ba ang hilik ko?" aning saad ng dalaga. "Hindi naman sobrang lakas, medyo lang." sagot ni Enrico at lumabas

    Huling Na-update : 2024-06-20
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 8

    Pagkaakyat ni Girly ay nanatili pa si Enrico sa sala. Hindi pa rin maalis sa kanyang mga labi ang ngiti. "Bebe Labs! in fairness ang cute ng naisip niyang itawag sa akin." mahinang sambit niya ng maalala na naman ang huli nilang pag uusap ni Girly. "May lahi kayang mangkukulam ang babaeng iyon? Paano nangyaring napapayag niya akong tulungan siya?" usal ni Enrico na hindi maunawaan ang naging desisyon niya. Naalala ni Enrico na may nakausap na siyang magpapanggap na girlfriend niya sa plano niyang alamin kung talaga ba na hindi na siya mahal ng dati niyang nobya. Ang usapan ay mauuna lang siya ng tatlong araw at susunod sa kanya si Lynette sa probinsya. Si Lynette ay isang escort girl na baguhan pa lang sa trabaho ng ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Nick. Naging regular costumer siya ng babae kaya nakapalagayan na niya ito ng loob. Nakapagbigay na nga siya ng paunang bayad sa kanilang usapan. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakipag-deal kay Girly at ito

    Huling Na-update : 2024-06-22
  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 9

    "Nakasabayan ko nga palang mamili si Caroline at ang Mommy niya sa supermarket. Sinabi kong parating ka na at kasama mong darating ang girlfriend mo. Itinanong sa akin ni Caroline kung kailan ang balik mo dito, kaya ko naman nasabi." pagpapabatid sa kanya ni Aling Myrna na isa sa nakakaalam ng dating relasyon nila ni Caroline. "Anong sabi ng malaman niya na may kasama ako?" curious niyang tanong. "Wala naman, tipid lang siyang ngumiti. Ikakasal na siya sa pinsan mong si Kelvin next month kaya dapat lang na okay lang sa kanya na may iba ka na rin." komento ni Aling Myrna na biglang nagpaalam sa kanya na pupunta na ng kusina para makapagluto na ng hapunan dahil biglang siyang nanahimik kaya nakaramdam siguro ang ginang na napasobra na ng kadaldalan. Tinanguan lang ni Enrico si Aling Myrna at naiwan na naman siyang mag isa sa sala. Naisip niya na tama naman ang sinabi ng ginang na ikakasal na si Caroline kay Kelvin at wala na dapat na maramdaman pang pagseselos ang dati niyang nobya

    Huling Na-update : 2024-06-22

Pinakabagong kabanata

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 124- Finale.

    Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 123

    "Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 122

    "Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 121

    Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 120

    Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 119

    Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 118

    "Ilabas n'yo ko rito.., Palabasin n'yo ko!" sigaw ng isang lalaking pakay ni Enrico sa underground ng bahay niya. "Buksan mo," utos ni Rolly sa isang lalaking nakabantay sa labas ng parang selda kung saan naroon sa loob si Vincent. "Nice place ah! Matagal na ba itong secret underground ninyo?" naa-amaze na turan ni Henry ng makita ang ilalim ng bahay nila Enrico sa Baguio. "Si Lolo ang nagpagawa nitong secret underground at nalaman ko lang ito bago ako pag-aralin sa Amerika. Sina Rolly at ang ibang tauhan ang madalas na narito. Actually, this is my third time na tumapak sa bahay na ito." saad ni Enrico na seryosong-seryoso. "Sino ang lalaking nasa loob?" tanong ni Henry. "Hulaan mo," nakangising wika ni Enrico. "Don't tell me Briones, na ang nag iisang anak na lalaki ni Governor Maceda ang nariyan?!" hula naman ni Torres. "Ano naman kung siya nga, Torres?" pagkumpirma ni Enrico sa hinala ni Henry. Napaawang ang bibig ng abogado. "What?! Alam mo ba na malakas si Governor Maceda

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 117

    "Tama na! Parang awa n'yo na!" mahinang usal ni Caroline na nakatingin sa dalawang lalaking nagbaba ng suot na brief matapos ipakita sa kanya na may pinainom na alak sa dalawang lalaki na hinaluan ng sex drugs ang inumin. Habang nagpapakaligaya ang dalawang lalaki sa katawan ni Caroline ang iba naman ay nakuha pang magsugal ng baraha na panaka-nakang tumitingin sa pwesto ni Caroline. Hindi pa nakakabawi ng lakas si Caroline sa kakatapos lang na pagpapasasa sa kanya nung dalawa ay muli na namang binuhusan ng tubig ang katawan niya. Napapikit na lang si Caroline sa masaklap na sinapit niya. Ubos na ang lakas niya para magsusumigaw pa siya at magmakaawa. Nang ipakita sa kanya uli na may pinainum na naman na alak na may sex drugs na halo sa iba namang dalawang lalaki ay hiniling niya na patayìn na siya ng mga ito. "Patayìn na ninyo ako, ayoko na!" mahinang usal ni Caroline. "Huwag kang mag-alala, pagbibigyan namin ang hiling mo. Lima pa kaming hindi tapos sa iyo. Ano, sila lang ang n

  • The Runaway Bride's Keeper   Chapter 116

    "Boss, gising na ang bihag." aning wika ng lalaking nagngangalang Rolly na tauhan ni Enrico. "Maaari na ninyong simulan ang palabas." maawtoridad na utos niya kay Rolly. Ini-on ni Enrico ang malaking screen monitor pagkatapos nai-off ang lahat ng ilaw sa silid na kinalalagyan niya. Kasama niya sa silid na iyon ang kanang kamay niya at ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang abogado na miyembro rin ng kanilang organisasyon. "Ang akala ko ay iba ka sa Lolo mo, Briones. Ngayon ka lang mananakit ng isang babae." saad ng abogadong nasa tabi ni Enrico na hawak ang baso na may lamang alak. "Pinahamak niya ang aking mag ina. Muntik na akong mawalan ng minamahal ng dahil sa kanya, Torres. Hindi ko papalagpasin ang mga ginawa niya sa amin pati na rin kay Kelvin na pinaasa niya at ginawa niyang miserable ang buhay." aniyang may pagngingitngit. "Hindi ba't first love mo ang babaeng 'yan. Wala ka bang nadaramang awa para sa kanya? Minsan mo rin naman siyang minahal di ba?" komento nang a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status