Share

Chapter 7

Samantala sa loob ng simbahan ay nanlambot ang mga tuhod ng ama ni Girly ng malaman nilang tinakasan ng dalaga ang driver at mga bantay nito.

Galit na galit si Vincent ng mabatid niya ang ginawa ni Girly. Kahit na nasa loob sila ng simbahan ay nagwala siya roon. Nagpaputok siya ng baril ng ilang beses at sinuntok ang ilan sa mga bodyguards nila. Nagtakbuhan palabas ang ilan sa mga bisita, abay at mga nakikiusyoso.

Pinatigil lang siya ng ama niyang Gobernador dahil napapahiya na sila ng sobra sa mga bisitang nasa simbahan na gustong makasaksi sa kasal, pati na rin sa pari na nag sign of the cross na ata dahil sa takot.

Umiiyak naman sa takot at kaba ang ina ni Girly. Ang kapatid naman ng dalaga na si Andrie ay parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari.

Napaupo at napayuko na lamang si Mayor Arnulfo Francisco sa nalaman at dahil wala rin siyang mukhang maiharap kina Vincent at Governor Maceda.

Tahimik na nilapitan ni Governor Maceda si Mayor Francisco at halos pabulong na kinausap ang ama ni Girly.

"Hindi ko papalagpasin ang ginawang ito ng iyong anak Mayor sa pamilya namin lalong-lalo na sa aking anak." usal ni Governor na narinig ng asawa ni Mayor dahil magkakatabi sila sa mahabang upuan.

"Governor, wala kaming alam sa planong hindi pagsipot ni Girly sa kasal." paliwanag ni Arnulfo sa Gobernador.

"Wala akong pakialam kung may kinalaman kayo o wala sa pagtakbo ng anak mo. Napahiya ako, ang anak ko, ang buong pamilya ko sa ginawa ng panganay mo, Mayor. Pasensiyahan na lang tayo!" pagbabanta ni Governor kay Mayor.

"Governor, pakiusap pag usapan natin ito ng maayos." wika ng ina ni Girly.

"Wala na tayong pag uusapan pa. Mula ngayon ay ayoko ng makita o makausap pa kayong mga Francisco." galit na saad ni Governor Maceda at naglakad na palabas ng simbahan kasunod ang asawa't mga anak pati na rin si Vincent na sinulyapan muna si Mayor habang nakakuyom pa rin ang kamay nito na para bang gustong suntukin ang ama ni Girly dahil halatang nagtitimpi lang.

Dumiretso sa reception ng kasal si Vincent at doon niya ibinuhos ang lahat ng galit na nararamdaman.

Nagwala siya uli, pinagbabasag niya ang mga platong nakaayos na sa mga lamesa. Pinagsisipa niya ang mga upuan at itinumba niya ang ilang mga lamesa. Pinagsisira niya ang mga bulaklak na naka-arranged doon at lahat ng mahawakan niyang ibang bagay ay ibinabato niya. Sinira niya rin ang wedding cake sana nila ni Girly.

Nagsusumigaw sa galit si Vincent dahil hindi niya matanggap na nagawa ni Girly na takasan siya sa mismong araw ng kanilang kasal. Pahiyang-pahiya siya sa mga tao. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya ngayon ng mga kakilala niya.

"Hindi ka makakatakas sa akin, Girly. Hahanapin kita kahit saan ka pa magtago. Kapag nakita kita, gaganti ako.., gaganti ako!!" pasigaw na banta ni Vincent na narinig ng mga taong nasa paligid lang din niya.

Nanlilisik ang matang tinignan ni Vincent ang mga bodyguards at waiter na naroon sa reception.

"Kayo, ano pang ginagawa ninyo rito? hanapin ninyo si Girly at ibalik ninyo sa akin." pagalit na utos ni Vincent sa mga tauhan nila.

"Yes boss, hahanapin po naman si Ma'am Girly." nagmamadaling wika ng isa sa mga inutusan ni Vincent.

"O ano pang tinatanga-tanga ninyo rito? kumilos na kayo. Huwag kayong magpapakita sa akin ng wala kayong hatid na magandang balita." utos ar bilin ni Vincent sa mga tao niya.

"Bakit? anong plano mo kapag nakita nila ang anak ni Mayor?" tanong ng kapatid ni Vincent na panganay sa kanilang magkakapatid.

"Hindi mo na kailangang malaman, Ate Melissa." mahinahong sagot ni Vincent.

"Huwag kang gagawa Vincent ng bagay na pagsisihan mo sa huli. Hayaan mo na lang si Girly na lumayo. Batid naman ng lahat na hindi niya gustong makasal sa iyo. Ikaw lang itong makulit at si Dad naman ay hinahayaan at kinukunsinti ka. Kasalanan mo rin kung bakit ito nangyari sa iyo ngayon. Pinipilit mo ang mga bagay na gusto mo."

"Tumahimik ka, Ate Melissa. Hindi kita pinakikialaman, kaya wag mo rin akong pakialaman!" bulyaw ni Vincent sa panganay na kapatid.

"Matigas ang ulo mo, Vincent. Bahala ka sa buhay mo. Siraulo ka!" singhal din sa kanya ng ate niya.

"Umalis ka, iwanan ninyo ako rito. Umalis kayong lahat!" sigaw ni Vincent sa inis niya sa ate Melissa niya.

"Tanga! magwala ka man ng magwala dito, ikaw lang ang mapapagod. Kung sumama ka sa paghahanap baka mas madali mong makita ang runaway bride mo." wika naman ng isa sa mga kapatid ni Vincent na si Mariel.

Pinanlisikan ng mata ni Vincent ang kapatid na mas nakababata sa kanya ng dalawang taon.

"Tara na nga ate Melissa, nakakainit lang lalo nang ulo yang paboritong anak ni Dad. Ini-spoiled kase kaya ganyan yan." aya na ni Mariel kay Melissa na tinanguan naman nito ang kapatid.

Naiwan si Vincent mag isa sa reception at nagsimula na naman siyang magwala. Nakakita siya ng bote ng alak na hindi pa nabubuksan at iyon naman ang kanyang pinagdiskitahan. Binuksan niya ang bote ng alak at tinungga ang laman hanggang sa maubos.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Girly2 De tomas
hahahah bakit ksi pilitin ang ayaw Vince yan tuloy tumakbo1 hahahaha
goodnovel comment avatar
Moonstone13
Sorry, nagkamali ako ng lagay ng chapter number dapat yan 6 hehehe.. di ko na.iedit yan pa rin ang chap. 6 mali lang ng lagay na number.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status