Share

Chapter 3

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2023-12-19 12:46:16

Warning Matured Content

This chapter is not suitable for the young readers. It contains physical abuse, and crime scene...

Read at your own risk.....

"Dave..., tama na yan..!! parang awa mo na iho, itigil mo na yan!. Nasasaktan ka lang sa ginagawa mo Dave.." pagmamakaawa ng ginang sa anak na si Dave dahil pinagsusuntok lang naman nito ang pader, na sa sobrang kalasingan ay naalala na naman nito ang kanyang asawa na si Almira.

"Almira.....mahal ko ..asawa ko... " sigaw ni Dave na ramdam ang pighati at pangungulila nito sa asawa.

"Almira... mga hayup sila, Mom... mga hayup sila... pinatay nila ang asawa't magiging anak ko. Mommy, bakit hindi na lang sila ang namatay? bakit kailangang idamay nila ang mag ina ko? bakit....!!? Aaaahhhh....!!. paghihinagpis na sigaw ni Dave.

Umiiyak na ang Mama ni Dave dahil sa nakikita sa anak. Awang- awa na rin siya sa kanyang panganay hindi naman niya alam paano matutulungan ang anak na tanggapin na ang pagkawala ng yumao na nitong asawa.

Anim na buwan na ang nakalipas mula ng maging biyudo si Dave dahil sa holdapan sa banko na kinasangkutan nang asawa nitong si Almira na kasalukuyang magpipitong buwan na noong pinagbubuntis ang kanilang magiging anak.

Ayon sa report ng mga imbestigador ay kasama sa mga nahostage ang asawa ni Dave ngunit naglaban ito sa mga holdaper kaya nabaril ito ng isa sa mga holdaper ng banko na lango sa ipinagbabawal na gamot. Na ayon na rin sa mga nakasaksi sa pangyayare ay natipuhan si Almira ng holdaper na bumaril rito dahil sa nagandahan raw ito kay Almira kaya nais itong pagsamantalahan. Inilayo raw ang asawa niya sa ibang hostage at sapilitang ipinasok sa opisina ng manager ng banko at naririnig raw nila ang paghingi nito ng saklolo ngunit wala silang magawa dahil natatakot din sila sa kung ano ang mangyayare sa buhay nila kung makialam sila. Takot ang naramdaman ng mga tao sa loob ng banko nang marinig na lang ng mga hostage ang putok ng baril mula sa loob ng opisina ng manager ng banko. Tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng tiyan si Almira at nakatamo rin ito ng ilang pasa sa mukha at putok ang gilid ng labi nito at pasa sa tiyan na bumangga sa matigas na bagay na naging dahilan ng pagkamatay rin ng sanggol sa sinapupunan ng asawa ni Dave.

Anim na buwan na ring walang direksyon ang buhay ni Dave. Gabi-gabi itong lasing at napabayaan na rin ang trabaho bilang CEO ng kumpanya ng pamilya nila sa Manila na isang Textile Company na nag iimport at export ng mga tela sa mga clothing line companies.

At dahil sa wala pang kakayahang bumalik sa trabaho si Dave ay pansamantalang naging Acting CEO ang kapatid nitong si Dion.

Ilang beses na rin itong sumubok na kitilin ang buhay pero hindi nagtatagumpay sa tulong na rin ng mga kaibigan nito na umalalay kay Dave kaya lumuwas na rin ng Manila ang Mommy niya upang bantayan siya ngunit matanda na rin ang ina niya hindi sa lahat ng oras ay mababantayan siya nito. Ipinagdarasal ni Mrs. Alarcon araw-araw na sana ay malagpasan na ni Dave ang pagsubok nito sa buhay.

Nakatulog si Dave sa sobrang kalasingan. Doon lamang nila nilinis ang sugat nito sa kamay. Nagpatulong na lamang ang ina niya sa mga katulong upang madala si Dave sa kwarto nito.

Awang-awa na sila sa pinagdaraanang sitwasyon sa buhay nito pero tanging si Dave lang din ang makakagamot sa nagluluksa niyang puso.

Kinabukasan ay kinausap na ni Mrs. Digna Alarcon ang panganay na anak dahil hindi niya na kayang makitang nagkakaganoon ang kanyang anak.

"Dave, gusto mo ba munang magbakasyon? bakit hindi ka na muna pumunta ng America sa mga tito Israel mo. Nagkausap kami kanina at welcome ka naman daw doon, hindi ka maiinip dun dahil nandoon din si Nathalie na kababata mo." saad ni Digna sa anak.

Ang Tito Israel na tinutukoy ng kanyang Mommy ay matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang.

"No.. Mom, dito lang ako hindi ako aalis. Ayokong lumayo." sagot ni Dave sa ina.

"Dave, kailangan ko ng bumalik sa Batangas dahil walang nag aasikaso ng negosyo natin doon. si Dion ay hinahawakan ang kumpanya na dapat ay ikaw ang nag aasikaso dahil sa iyo ipinagkatiwala ng ama mo ang kumpanya, pero ano ang ginagawa mo ngayon pinababayaan mo ang negosyo natin, pati ang sarili mo. Nilulunod mo ang sarili mo sa alak, araw araw.." saad pa ni Mrs. Alarcon.

"Mom, please... Ayokong pag usapan natin yan. Kung gusto ninyong bumalik ng Batangas, bumalik kayo. Uulitin ko, hindi ako lalayo sa mag ina ko. Palibhasa hindi kase kayo ang nawalan ng asawa't anak kaya ganyan kayo." naiiritang sagot ni Dave sa ina.

Tumayo ang mommy niya sa kinauupuan nito at mabilis na nasampal ang kanang pisngi ng anak na hindi nakailag sa palad ng ina sa kabiglaan. Natigilan si Dave dahil sa sampal ng kanyang ina.

"Dave.., bakit sa akala mo ba ikaw lang ba ang nawalan? ikaw lang ba ang namatayan ng minamahal ha?! buhay ka nga pero para din akong namatayan ng anak sa nakikita ko sa iyo. Oo, nawalan ka ng asawa at magiging anak, eh ako Dave, nawalan ng mabait na manugang at magiging apo, pero ang malala parang nawalan na din ako ng isang anak. Mas masakit sa akin ang pangyayari Dave, dahil itinuring kong tunay na anak na babae si Almira dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magkaanak ng babae." paglalabas ng sama ng loob ni Mrs. Alarcon na ikinaiyak na nito kay Dave.

"Mom?!, mommy, i'm sorry..! Sorry.., nahihirapan akong tanggapin na wala na ang mag ina ko. Patawarin mo ko, Mom, kung naiisip kong sundan na sa kabilang buhay si Almira. Alam ninyo kung gaano ko siya kamahal. Si Almira ang buhay ko, Mommy.." seryoso niyang turan sa ina. Tumayo si Dave at lumakad na itong papalayo na lalo lamang ikinaiyak ni Mrs. Digna Alarcon.

Nagpunta ng sementeryo si Dave, pagkatapos nilang mag usap na mag ina. Sa puntod ng kanyang asawa't anak ay maghapon lang siya doon na inaalala ang nakaraan nila ni Almira ng nabubuhay pa ito.

Almira is a sweet and loving person, mahinhin na dalaga at mala- anghel ang mukha. Matagal din niyang niligawan si Almira dahil nag aaral pa kase ito ng ipakilala ito sa kanya ng kapatid na babae ni Colton na kaibigan niya nung magdiwang ito ng 18th Birthday na ginanap sa isang sikat na hotel na invited din silang magkakaibigan na sina Edward at Clarence.

Una pa lang niyang makita si Almira ay nabaitan na siya rito. Nahulog ang loob niya sa dalaga at agad rin naman niyang niligawan si Almira, pero matagal siyang sinagot nito dahil ang gusto ng babae ay makapagtapos na muna ng pag aaral at nang sa araw ng graduation nito sa college na dinaluhan niya ay sinagot na rin siya ng dalaga.

Isang taon silang magkasintahan ng magpropose ng kasal si Dave kay Almira at sa mismong araw ng kasal nila inihayag ni Almira ang pagiging ama niya na ikinatuwa ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Ngunit hindi rin nagtagal ang kaligayahan na makapiling ang asawa. Namalayan na lamang ni Dave ang paglandas ng luha mula sa kanyang mga mata na hindi niya napigilan ang pagbagsak.

"Bakit mo ko iniwan mahal ko? bakit n'yo ko iniwan ng anak natin?" pagdadalamhating tanong ni Dave sa puntod ng kanyang mag ina.

Related chapters

  • The Run Away Fiancee.   Chapter 4

    Nagkumustahan at nagkwentuhan sina Leslie ng lola niya at ng pinsan niya ng makapasok na siya ng bahay. Lumapit ang kasambahay ng kanyang lola na ikinatahimik bigla ni Leslie."Lola Esme, dumating na po sina Don Menandro at ang kanyang apo. Papasukin ko na po ba?" saad ng katulong nila. Tumingin muna sa kanya ang abuela at si Danilo bago sumagot ang abuela ng nakita siya nitong tumango."Sige papasukin mo na Lena sina Don Menandro. Inaasahan rin naman namin ang pagdating nila." wika naman ng matandang babae."Okay ka lang ba iha? gusto mo na ba silang harapin? maari namang huwag na muna, kami na ang bahala at doon ka na muna sa kwarto mo at magpahinga." ang sabi pa sa kanya ng kanyang lola."La, parehas lang naman ang mangyayare kung haharapin ko sila ngayon o sa ibang araw. Huwag po kayong mag-alala bago po ako bumalik ng Cebu ay inihanda ko na ho ang sarili ko para rito." seryosong sagot niya naman sa Abuela na inaalala siya. Tahimik lang ang lolo niyang nakaupo sa wheelchair nito

    Last Updated : 2023-12-19
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 5

    Abala ang lahat ng kawaksi ng Lolo' t lola ni Leslie sa koprahan ng umagang isinama siya ng kanyang pinsan na si Danilo. Inilibot siya nito sa buong koprahan at ipinakilala na rin sa mga tauhan nila."Magandang umaga ho." Ang bati niya sa lahat."Magandang umaga rin sa iyo Leslie, natatandaan mo pa ba kami? ako nga pala si Mang Isko ang namumuno sa mga manggagawa n'yo rito." bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mas matanda lang siguro sa kanyang Mama. “Pasensiya na ho mang isko kung hindi ko na po kayo makilala pero naaalala ko po ang pag babakasyon namin nila Mama at Papa rito nung bata pa ho ako.“ paumanhin niya sa mga taong nakakakilala sa kanya ngunit siya ay wala man lang matandaan sa mga ito.“Ayos lang iyon iha, dahil bata ka pa naman noong huli kang pumunta rito.“ wika naman ni Mang isko na nauunawaan siya.“Mawalang galang na Danilo maaari mo bang liwanagin sa amin ang napapabalitang ikakasal si Maam Leslie na iyong pinsan sa apo ni Don Menandro?" tanong ni Mang isko.

    Last Updated : 2023-12-19
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 6

    Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap."Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya."Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya."Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika

    Last Updated : 2023-12-19
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 7

    Alas Tres ng madaling araw ay naihatid na ni Danilo si Leslie sa airport ng Cebu."Kuya Danilo salamat. Nag chat na ko kay manang sinabi ko na sa kanya na darating kayo nila lola sa bahay anytime kaya pinaayos ko ng lahat sa kanya ang magiging kwarto ninyo. Ito pala kuya ang susi ng kwarto ko may pera akong naitabi sa cabinet ko magagamit nyo yon kapag kailangan.” pamamaalam niya sa pinsan ng maihatid na siya nito.“Mag iingat ka Leslie ha, tawagan mo ko para makabalita kami sayo at hindi masyado mag alala sayo ang mga matatanda natin!. Sige na pumasok ka na.” habilin pa sa kanya ng pinsan na alam niyang nag aalala rin sa kanya.“Bye kuya..” kumaway pa siya sa pinsan saka tuluyang pumasok na ng airport. Nakakuha siya ng ticket ng alas singko ng madaling araw ang flight kaya naman inabala niya ang sarili sa paglalaro na muna ng games sa cellphone dahil ayaw niyang matulog nag aalala kase siya na baka makarating agad kay Don Menandro na umalis siya kaya babawi na lamang siya ng tulog s

    Last Updated : 2023-12-19
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 8

    Nang malaman ni Dave na nakaaksidente siya ay nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa kanyang kapabayaan ay muntik na siyang makapatay. Hindi niya man gusto ang nangyare pero alam niya sa sarili niya na may kasalanan din siya.At kaninang kausap niya ang mama niya ay nakaramdam siya ng awa para sa ina. Mahal niya ang mama niya at ayaw niyang makitang nalulungkot ito ng dahil sa kanya, pero nahihirapan siyang pakinggan at sundin ang sinasabi nito sa kanya palagi na mag move on na siya. Napapikit siya dahil naiisip na naman niya si Almira."May chance ng magkasama tayo pero binigyan pa rin ako ng pagkakataon na mabuhay ng nasa itaas Almira. Kailangan ko na ba talagang bumitaw at magsimula muling mamuhay ng wala ka? sign ba ito na dapat na pakawalan ko na ang mga alaala na kasama ka?" aniya na kinakausap sa isip ang namatay na asawa.Sa kabilang kwarto naman ay nagising na si Leslie. Masakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito ng maramdaman niyang may bendang nakabalot sa kanyang ulunan. I

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 9

    Naglalakad si Dave sa isang magandang lugar na ang tanawin ay maraming puno at bulaklak at lumilipad na paru-paro. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa ganoong lugar ng marinig niyang may bumubungisngis na babae. Sinundan niya kung saan niya naririnig ang pagtawa hanggang sa makakita siya ng water falls. "Dave.." narinig niya ang pagbigkas sa pangalan niya ng isang boses babae na pamilyar sa kanya. "Dave.." muli siyang tinawag nito mula sa kanyang likuran, kaya humarap siya rito at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwalang makikita niya ang namayapa niyang asawa sa kanyang harapan na nakangiti sa kanya. Saglit siyang natigilan at naluha ng masiguradong asawa niya nga ang nasa harapan niya. "Almira.. Honey!!.. " sambit niya. Lalapit na sana siya upang yakapin ang babae ngunit pinigilan siya ni Almira. "Huwag Dave, diyan ka lang, wag kang lumapit may bangin sa pagitan natin hindi pa panahon para muli tayong magkasama. Nagpakita ako sayo dahil hindi ko na kayang n

    Last Updated : 2023-12-22
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 10

    Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m

    Last Updated : 2023-12-22
  • The Run Away Fiancee.   Chapter 11

    Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann

    Last Updated : 2023-12-22

Latest chapter

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME last chapter.

    Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n

  • The Run Away Fiancee.   Back To Me C24

    Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.23

    Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.22

    Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.21

    Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.20

    Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.19

    Sa Singapore naman ay nakarating na ang magkaibigang Dailyn at Chris ginawan na lang ng paraan ng staff ng eroplanong sinakyan nila kanina na ilipat na lang ng upuan si Dailyn at ganun na rin si Chris upang mabantayan nito ang kaibigan na panay ang pagduduwal."Andito na tayo Dai, gusto mo bang dumiretso tayo ng clinic? para makasigurado tayo kung buntis ka nga." ang sabi ni Chris na hila-hila pa ang mga maletang dala nila ni Dailyn. Hindi na niya hinayaan na mag bitbit pa ng mabigat ang kaibigan dahil sa nahihilo pa rin kase ito."Pwede ba na umuwe na lang tayo sa tinitirahan mo? mas gusto kong mag pahinga Chris." saad naman ni Dailyn."Oo, sige tara, doon tayo sa may taxi stand maghintay ng masasakyan." sagot ni Chris.Tahimik lamang sila na bumiyahe hanggang sa makarating sa inuupahang bahay ni Chris kasama ang Tita nito."Kanina ka pang tahimik Dailyn, ano bang iniisip mo?" basag sa katahimikan na tanong ni Chris."Kase Chris, malaki ang posibilidad na buntis talaga ako. Isang buw

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.18

    Samantala naglakas loob na tumungo si Edward sa condo ng pinsan nitong si Rodjun. Ang lalaking sinamahan ng ate ni Dailyn nung tumakas ito sa araw ng engagement sana nila."Babe, may tao sa labas tignan mo muna kung sino yon." utos ni Aileen sa kasintahang si Rodjun."Sino kaya yan? ang aga namang mang istorbo eh!" napapakamot pa sa likod ng ulong saad ni Rodjun na inayos pa muna nito ang sarili bago lumabas ng kanilang kwarto.Dumiretso na ng pintuan ng condo si Rodjun ng hindi na sinilip sa peep hole kung sino ang tao sa labas at nang makita niya ay natigilan naman siya dahil hindi niya inaasahan na makikita roon ang pinsan."Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Edward sa kanya na seryosong tingin naman ang ipinakita niya rito."Pasok ka, anong kailangan mo? bakit gusto mo ko makausap?" turan ni Rodjun sa pinsan na seryoso lamang sa kanyang pakikipag usap rito."Papasukin mo ba ko o hindi?" pormal na tanong ni Edward sa pinsan.Pinapasok naman din siya ni Rodjun sa loob at naglakad

  • The Run Away Fiancee.   BACK TO ME C.17

    Kinabukasan ay nagtungo na sa airport ang magkaibigan. Alas diyes ng umaga ang flight nila pero ala syete pa lang ay naroon na sila."Mamaya pa tayo makakapagcheck in ng mga luggage natin, gusto mo ba munang mag coffee tayo, Dailyn? " tanong ni Chris."Sige tara, maaga pa naman eh!" aniya at naglakad na patungo sa nadaanan nila kaninang coffee shop sa loob mismo ng airport."Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chris ng makapasok at makaupo na sila sa coffee shop at iniabot sa kanya ang menu."Mocha latte na lang at ham and egg sandwich, Chris. Thanks.""Okay, lapit lang ako sa counter para makapag- order."Habang hinihintay ni Dailyn na bumalik si Chris sa pwesto nila ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nang mapansin niya ang isang babae na papasok ng coffee shop ay pinakatitigan niya iyon at sinipat ng mabuti ang itsura. Tumayo siya at naglakad palapit rito. "Leslie? Leslie, ikaw nga!" turan niya sa babaeng kaharap na niya. "Dailyn?! narito ka rin, kumusta? long time no see..,

DMCA.com Protection Status