Lumipas ang dalawang araw mula nang maging magkarelasyon sina Dave at Leslie.At sa loob ng dalawang araw na yon ay palagi na silang magkasama. Na kahit na sa trabaho ni Leslie ay naroroon din si Dave sa bar ng magdamagan para masamahan ang nobya at bantayan na rin. Na hindi nalingid sa mga kaibigan ni Dave dahil naiparating na ni Edward kina Colton at Clarence ang tungkol sa relasyon na nila ni Leslie. At sa dalawang gabi na pananatili niya sa bar ay hindi siya tinatantanan ni Edward ng pang aasar na mabuti na lang at si Edward lang ang naroon at wala ang dalawang mas pasaway sa kanilang magkakaibigan.Ihahatid ni Dave si Leslie sa work at maghihintay sa dalaga hanggang sa magsara ang restobar at ihahatid niyang muli pauwi sa bahay ng ina nila Dailyn kung saan nag i stay ang kanyang nobya..Nang unang gabi na sinamahan ni Dave sa work si Leslie ay naisip niyang patigilin na si Leslie sa bar dahil sa nakikita niyang hindi bagay para kay Leslie ang trabaho nito. Ayaw niyang napupuyat a
Nagdaan ang ilang linggo at naging normal ang buhay ni Leslie sa batangas.Maayos at masaya ang relasyon nila ni Dave.Kahit na nasa maynila si Dave at magkalayo sila, Dave make sure na nababantayan pa rin nya ang nobya na hindi nalalaman ni Leslie.May dalawa siyang kinuhang secret agent na nagpapalitan ng bantay para kay Leslie para masigurado niyang ligtas ito at para din sa kapanatagan ng loob niya.Every friday after office hour ay umuuwe si Dave sa batangas upang makita at makasama si Leslie hanggang monday ng umaga.Happy and contented naman si Leslie sa ginagawang effort ni Dave para sa kanya kahit na pagod sa trabaho ang lalaki ay nagagawa pa siyang puntahan kahit na malayo ang maynila sa batangas. Ilang araw na lang malapit na ang pag alis niya sa restobar nila Edward. May nakuha na rin daw na kapalit niya sa trabaho. Kaya excited na si Dave na makasama na palagi ang nobya dahil pumayag ito na bumalik ng mansion nila sa maynila dahil kinuntsaba niya ang ina para mapapayag
Nang mag walk out si Leslie saka lang na realize ni Dave ang nagawa niya. Napasandal na lang siya sa pagkakaupo sa mahabang sofa at ipinikit ang mga mata at nag ilang beses na naghingang malalim.Ilang minuto na ay hindi pa siya binabalikan ng nobya. Gusto man niyang sundan ang dalaga ay nahihirapan siyang kumilos dahil masakit ang kanyang katawan lalo na sa parteng tagiliran.Naisipan niyang tawagan sa cellphone si Leslie pero ng ilang ring pa lang ay dinecline nito ang pagtawag nya. Napabuntong hininga siya at muling tinawagan ang nobya pero nakapatay na ang phone nito."Naman Leslie please answer the phone!" naiirita na niyang sambit dahil sa hindi niya makausap ang nobya na alam niyang galit sa kanya. Na pu frustrate na sya sa nangyayare sa kanilang dalawa ni Leslie.Naalala niya si de Guzman na isa sa dalawang inutusan niyang bantayan si Leslie.Mabilis niyang kinontak ang lalaki."Nasaan ka, de Guzman?" seryosong nyang tanong sa kausap ng sagutin na nito ang call nya."Narito pa
Sa binyag ng anak nila Dailyn at Edward ay dumalo pa sina Leslie at Dave bilang isa sa mga ninong at ninang ni Adrian.Dumating rin sina Clarence at Colton na kasa kasama na naman ang exclusively dating niyang si Lalaine Fernandez na isang free lancer na model pero branch owner din ng isang kilalang pizza house sa bansa.Saglit na nagkapagkamustuhan sila sa simbahan pero pagkatapos ng binyag ay nagpaalam na rin ang magkasintahan na mauuna nang bumiyahe pa manila.Nasa hi way na sila ng makatanggap ng tawag si Dave. Tinignan ni Leslie ang caller dahil sa nagmamaneho si Dave. "Dixon Montelibano ang tumatawag Love." aniya kay Dave na mabilis na napasulyap sa kanya.Itinabi agad ni Dave ang sasakyan sa gilid ng kalsada."Sagutin ko lang ang tawag, importante kase ito."Saad ni Dave na nag muwestra pa na lalabas siya ng sasakyan. Tumango naman ang dalaga.Lumayo pa si Dave ng bahagya sa kotse nila na inisip na lang ni Leslie na baka Confidential ang pinag uusapan nila Dave kaya hindi nya
"Mamala.., kuya Danilo..." pagtawag ni Leslie mula sa labas ng bahay.Agad naman nagbukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Danilo."Leslie, anong ginagawa mo rito!? Pumasok kayo bilisan mo." natatarantang sambit ni Danilo sa kanila na ipinalinga- linga pa ang paningin sa labas ng bahay."Kuya Danilo bakit!? Anong nangyayare? bakit parang takot na takot ka?" nagtataka niyang tanong sa pinsan."Bakit hindi ka muna tumawag bago ka nagpunta rito? nakalimutan mo na ba ang tungkol kay Maynard?" ani ni Danilo sa kanya na patagong nagmamasid sa may bintana."Mamala.., Lo.. " bati niya sa dalawang matanda ng mapansin niya ang mga ito na nasa sala."Leslie, apo..!" tawag sa kanya ng kanyang lola Esmeralda na nilapitan na niya at nagmano sa mga matatanda."Maupo na muna kayo, sino yang kasama mo iha?" tanong ng lola niya."La, si Dave po, boyfriend ko." pakilala niya kay Dave na nagmano rin sa dalawang matanda at nakipagtanguan naman kay Danilo."Kuya, ano bang nangyayare at di ka mapakali d
"A-anong nangyare kuya Danilo? P-paanong kinuha sina Lolo at lola!?" natutulirong sambit na tanong ni Leslie.Sa nakikita ni Dave kay Leslie alam niyang malaki ang problema nito dahil sa sinabi ng kausap nito sa phone na si Danilo at sa pagkakaintindi niya ay may kumuha sa dalawang matanda.Inagaw ni Dave ang cellphone kay Leslie at ini loudspeaker ang phone upang marinig niya rin ang sasabihin ng pinsan ni Leslie.( Pagkarating ko sa bahay nakita kong giba na ang pintuan mula sa labas. Kinabahan ako kaya pagpasok ko hinanap ko sina lola at lolo pero wala sila sa loob ng bahay at nakita ko ang isang puting papel sa ibabaw ng lamesa.) pagsasalaysay ni Danilo.( Gusto ni Maynard na makipagkita ka sa kanya. Palagay ko rin hindi ka nila nakita kanina ng narito kayo. Pero may nakapagsabi na kapit bahay na napagtanungan raw sila tungkol sa iyo at nasabi nga nila na nandirito ka kanina sa bahay. Nagkasalisi kayo ng mga tauhan ni Maynard sa tingin ko. Kaya para ikaw mismo ang lumapit kay Mayn
Samantala sa hide out kung saan dinala ng mga tauhan ni Maynard ang matandang mag asawa ay kakarating lang din ni Maynard roon. Nauna lang ng ilang oras ang mga tauhan niya na makarating sa lugar na iniutos niyang pagdalhan sa mga matatandang ipinabihag nya.Galing pa siya ng Cebu. Agad siyang napaluwas ng Manila nang i report ng tauhan na nagpapakita na si Leslie kina Danilo.Mabilis na nakaisip ng paraan si Maynard upang makita at makaharap na ang ilang buwan na nilang pinaghahanap. Alam niyang may contact na si Danilo sa pinsan nitong si Leslie kaya iniutos niyang dalhin sa kanya ang lalaki, pero wala sa bahay si Danilo nang pwersahang pasukin ng mga tauhan niya ang bahay ni Leslie. Kaya ang dalawang matanda na lamang ang pinakuha niya at inutusan ang tauhan na mag iwan ng sulat na idinikta na lamang niya ang isusulat ng tauhan upang makarating kina Leslie at Danilo ang mensahe niya.Sinalubong si Maynard ng isa sa mga tao niya at ang iba ay mataman na binabantayan ang babaeng ma
"Sir, nandito na po sina Mr. Dixon Montelibano. Papasukin na po ba?" tanong ng secretary ni Dave na ginamit ang intercom para ma inform ang kanyang boss."Sige, papasukin mo na." sagot nqman ni Dave."Nandito na sila." pahayag ni Dave sa mag pinsan. Tumango si Danilo at si Leslie at umayos ng pagkakaupo dahil kanina bago tumunog ang intercom ay nakahiga siya sa mahabang couch ni Dave habang ang ulo niya ay nasa hita naman ng nobyo na hinahaplos ang kanyang buhok. Nakaidlip siya sa kakaiyak kanina na hinayaan naman ng nobyo at pinsan.Kumatok sa pinto ng opisina ang secretary ni Dave at si Danilo na ang nagbukas ng pintuan.Unang pumasok ang secretary at kasunod si Dixon at tatlo pang lalaki na kasama nito."Ms. Perez, pakigawan kaming lahat ng coffee please." utos ni Dave pagkatapos niyang makipag man hug kay Dixon at paupuin ang mga kasama nito."Okay sir!" sabi ng secretary nya at tumalikod na para magtungo na sa pantry ng hindi na tinanong pa kung ano ang gusto sa kape ng mga bisit