Samantala sa hide out kung saan dinala ng mga tauhan ni Maynard ang matandang mag asawa ay kakarating lang din ni Maynard roon. Nauna lang ng ilang oras ang mga tauhan niya na makarating sa lugar na iniutos niyang pagdalhan sa mga matatandang ipinabihag nya.Galing pa siya ng Cebu. Agad siyang napaluwas ng Manila nang i report ng tauhan na nagpapakita na si Leslie kina Danilo.Mabilis na nakaisip ng paraan si Maynard upang makita at makaharap na ang ilang buwan na nilang pinaghahanap. Alam niyang may contact na si Danilo sa pinsan nitong si Leslie kaya iniutos niyang dalhin sa kanya ang lalaki, pero wala sa bahay si Danilo nang pwersahang pasukin ng mga tauhan niya ang bahay ni Leslie. Kaya ang dalawang matanda na lamang ang pinakuha niya at inutusan ang tauhan na mag iwan ng sulat na idinikta na lamang niya ang isusulat ng tauhan upang makarating kina Leslie at Danilo ang mensahe niya.Sinalubong si Maynard ng isa sa mga tao niya at ang iba ay mataman na binabantayan ang babaeng ma
"Sir, nandito na po sina Mr. Dixon Montelibano. Papasukin na po ba?" tanong ng secretary ni Dave na ginamit ang intercom para ma inform ang kanyang boss."Sige, papasukin mo na." sagot nqman ni Dave."Nandito na sila." pahayag ni Dave sa mag pinsan. Tumango si Danilo at si Leslie at umayos ng pagkakaupo dahil kanina bago tumunog ang intercom ay nakahiga siya sa mahabang couch ni Dave habang ang ulo niya ay nasa hita naman ng nobyo na hinahaplos ang kanyang buhok. Nakaidlip siya sa kakaiyak kanina na hinayaan naman ng nobyo at pinsan.Kumatok sa pinto ng opisina ang secretary ni Dave at si Danilo na ang nagbukas ng pintuan.Unang pumasok ang secretary at kasunod si Dixon at tatlo pang lalaki na kasama nito."Ms. Perez, pakigawan kaming lahat ng coffee please." utos ni Dave pagkatapos niyang makipag man hug kay Dixon at paupuin ang mga kasama nito."Okay sir!" sabi ng secretary nya at tumalikod na para magtungo na sa pantry ng hindi na tinanong pa kung ano ang gusto sa kape ng mga bisit
Alas tres pa lang ng madaling araw ay nasa terminal na ng bus sa Baclaran sina Danilo at Leslie. Pareho man na kinakabahan ay parehas nilang nilalabanan ang takot sa maaring mangyare sa kanila."Danilo, narito lang kami sa paligid nyo. Tandaan mo ang bilin namin sayo wag kang papayag na ihiwalay ka ng mga tao ni Maynard sa pinsan mo." paalala ni Dixon kay Danilo na naririnig ng binata sa earpiece na suot na isinuot sa kanyang tenga na nagmistulang hikaw."Relax ka lang Leslie, wag kang papahalata na may iba kayong kasama. Nakamasid lang kami ni Dave sa inyo." ani naman nito sa dalaga na katulad kay Danilo ay may suot din itong earpiece na parang hikaw."Bago pa man tayo nakarating ay may mga nauna na sa atin dito na kabaro namin. Mga nakadisguise lang din sila. Ang iba nagpanggap na driver ang iba ay kunware ay pasahero lang din. " ani ni SPO4 de Dios."Nagmamatyag pa rin ang team nila Lizarte sa bahay ni Don Menandro sa Cavite. Hindi pa sila sure kung naroon nga ang dalawang matanda.
Nang marinig nila Dixon at Dave ang putok ng baril sa loob ng bahay nila Don Menandro ay nagsunud sunod na ang palitan ng putok ng baril. Mabilis na lumabas ng sasakyan sina Dixon na nag back up na rin sa mga kasamahang pulis na nasa loob na ng bakuran at ang ilan ay nasa loob ng bahay. Naririnig pa nila Dave ang pag iyak ni Leslie at pagpupumiglas nito kay Maynard."Bitiwan mo ko..Walang hiya ka..!! Pati ang lola ko pinatay mo. Demonyo ka, bitiwan mo ko!" Pa asik na ani ni Leslie kay Maynard. Napikon ang lalaki sa kanya at sinampal siya nito sa kanang pisngi kaya napabaling sa leff side ang ulo nj Leslie sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Maynard. Saglit siyang napapikit at pagmulat niya ng mga mata niya ay tinitigan niya ng masama ang lalaki."Manahimik ka! Kapag hindi ako nakapagtimpi isusunod kita sa lola mong tanga. Kaya manahimik ka!" ani naman ni Maynard sa kanya na itinapat ang baril sa mukha ng dalaga."Wag mo kong titigan ng ganyan, Leslie. Wala ka namang magagawa kund
Dahil sa mga nangyare sa Cavite ay nanatili na muna sina Dave, Leslie at Danilo sa lugar upang ayusin ang bangkay ng kanilang lolo at lola.Isa sa mga tauhan ni Maynard na nahuli ang nakapagturo kung saang kakahuyan ibinaon ang bangkay ni Lolo Arturo sa takot na matorture pa siya.Si Danilo na lang ang sumama sa mga pulis at hindi na pinasama pa sina Leslie at Dave at naiwan na lang sa Morgue kung saan dinala ng kapulisan ang katawan ni Lola Esmeralda.Tumawag naman si Digna sa anak ng mabalitaan sa news ang pagkakasangkot nila Dave at Leslie sa isang kidnapping incident.Sinabi na lang ni Dave na sasabihin na lang sa ina ang buong kwento kapag nakabalik na sila ni Leslie sa manila. Matapos niyang kumpirmahin sa ina ang nabalitaan nito. Ini assure din ni Dave na okay silang magkasintahan kaya sinabi niyang wag ng mag alala pa sa kanila ang ina. Pero malungkot niyang ipinahayag kay Digna na hindi nga nila nailigtas sina lolo Arturo at lola Esmeralda at totoong wala ng buhay ang dalawa
Tatlong buwan ang matulin na lumipas mula ng mahuli si Maynard Atienza sa salang kidnapping at murder at attempted murder. Naidagdag din sa kaso ang pagbebenta ng mariwana na inihain ni Dixon sa korte.Pati na rin ang kaso sa pagkamatay ni Don Menandro ay idinagdag sa mga kasong kakaharapin ni Maynard sa batas. Dahil napag- alamanan sa imbestigasyon na patay na pala ang matandang Atienza. Nagsumbong ang mga kasambahay sa mansyon ng mga Atienza sa mga pulis, Ikinuwento ng mga ito ang tunay na pangyayare at itinuro kung saan ipinalagay ni Maynard ang bangkay ni Don Menandro.Nagkapatong-patong ang naging kaso ni Maynard kaya habang buhay na pagkakakulong ang naging hatol sa kanya ng korte na hindi na pinatagal pa ng judge ang paglilitis dahil maraming pagpapatunay at witness ang iniharap nila Dixon sa korte.Bumalik na sa dati ang buhay ni Leslie, nakakapagturo na siyang muli sa dating eskwelahan na pinapasukan niya kasama si Melody at ang mga co-teacher din niya noon.Hindi na natuloy
Gabi na at kasalukuyang gumagawa pa ng lesson plan niya si Leslie ng tawagan siya ni Dave.( Hindi ka pa ba natutulog?) tanong agad ni Dave pagkasagot ni Leslie ng tawag niya."Gumagawa pa ko ng lesson plan. Ikaw, bakit gising ka pa?" sagot at balik tanong ni Leslie sa nobyo.( Kakauwi ko lang ng bahay, Love..) saad ni Dave."Nakipag inuman ka pa dun sa Mike na kaibigan mo?" pang uusisang tanong ng dalaga.( Napilitan eh!) walang pagdideny na sagot ni Dave."Nakainom ka lang? hindi ka laseng?" muling tanong ni Leslie na nakangiti kahit hindi naman siya nakikita ni Dave.( Nakainom lang, Love.. ayokong magpakalasing, mahirap na at baka may hindi magandang mangyari na pagsisihan ko kinabukasan pagwala na ang kalasingan ko. Ayokong mangyari yon.) saad ni Dave na ikinatuwa naman ni Leslie ang sinabi ng nobyo."Nice, buti at naiisip mo yun noh! Takot kang hiwalayan kita?" pabirong tanong pa ni Leslie na sinagot din agad ni Dave.( Tinatanong pa ba yan?! I love you so much, Leslie.. Tandaan
Nang gabi ring iyon matapos nilang tatlong maghapunan ay tinawagan ni Dave si Mike para ipaalam na hindi na niya itutuloy ang planong island wedding. Sinabi ni Dave kay Mike ang tunay na rason kung bakit at naintindihan siya ng kaibigan kahit nanghihinayang daw ito."Nasabi mo na sa kaibigan mo na hindi na natin itutuloy ang planong kasal sa isla nila?" tanong agad ni Leslie ng puntahan na siya ni Dave sa silid nito.Nauna na kase si Leslie na pumasok ng kwarto ni Dave para tingnan ang mga bagong movie na pwede nilang panoorin ni Dave.Tumango si Dave at niyakap si Leslie."Anong sabi niya sa'yo?" muling tanong ni Leslie na ipinatong ang mga braso niya sa magkabilang balikat ni Dave."Nauunawaan naman daw niya. Sabi niya may punto naman si mommy, tag ulan nga raw ang buwan ng kasal natin. Gusto niyang umattend sa kasal natin, umoo naman ako, okay lang naman sayo di ba?" sagot ni Dave na hinagkan ang tungki ng ilong ni Leslie.Napangiti naman ang dalaga. "Okay lang sa akin.""May napil
Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n
Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad
Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal
Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement
Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t
Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali
Sa Singapore naman ay nakarating na ang magkaibigang Dailyn at Chris ginawan na lang ng paraan ng staff ng eroplanong sinakyan nila kanina na ilipat na lang ng upuan si Dailyn at ganun na rin si Chris upang mabantayan nito ang kaibigan na panay ang pagduduwal."Andito na tayo Dai, gusto mo bang dumiretso tayo ng clinic? para makasigurado tayo kung buntis ka nga." ang sabi ni Chris na hila-hila pa ang mga maletang dala nila ni Dailyn. Hindi na niya hinayaan na mag bitbit pa ng mabigat ang kaibigan dahil sa nahihilo pa rin kase ito."Pwede ba na umuwe na lang tayo sa tinitirahan mo? mas gusto kong mag pahinga Chris." saad naman ni Dailyn."Oo, sige tara, doon tayo sa may taxi stand maghintay ng masasakyan." sagot ni Chris.Tahimik lamang sila na bumiyahe hanggang sa makarating sa inuupahang bahay ni Chris kasama ang Tita nito."Kanina ka pang tahimik Dailyn, ano bang iniisip mo?" basag sa katahimikan na tanong ni Chris."Kase Chris, malaki ang posibilidad na buntis talaga ako. Isang buw
Samantala naglakas loob na tumungo si Edward sa condo ng pinsan nitong si Rodjun. Ang lalaking sinamahan ng ate ni Dailyn nung tumakas ito sa araw ng engagement sana nila."Babe, may tao sa labas tignan mo muna kung sino yon." utos ni Aileen sa kasintahang si Rodjun."Sino kaya yan? ang aga namang mang istorbo eh!" napapakamot pa sa likod ng ulong saad ni Rodjun na inayos pa muna nito ang sarili bago lumabas ng kanilang kwarto.Dumiretso na ng pintuan ng condo si Rodjun ng hindi na sinilip sa peep hole kung sino ang tao sa labas at nang makita niya ay natigilan naman siya dahil hindi niya inaasahan na makikita roon ang pinsan."Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Edward sa kanya na seryosong tingin naman ang ipinakita niya rito."Pasok ka, anong kailangan mo? bakit gusto mo ko makausap?" turan ni Rodjun sa pinsan na seryoso lamang sa kanyang pakikipag usap rito."Papasukin mo ba ko o hindi?" pormal na tanong ni Edward sa pinsan.Pinapasok naman din siya ni Rodjun sa loob at naglakad
Kinabukasan ay nagtungo na sa airport ang magkaibigan. Alas diyes ng umaga ang flight nila pero ala syete pa lang ay naroon na sila."Mamaya pa tayo makakapagcheck in ng mga luggage natin, gusto mo ba munang mag coffee tayo, Dailyn? " tanong ni Chris."Sige tara, maaga pa naman eh!" aniya at naglakad na patungo sa nadaanan nila kaninang coffee shop sa loob mismo ng airport."Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chris ng makapasok at makaupo na sila sa coffee shop at iniabot sa kanya ang menu."Mocha latte na lang at ham and egg sandwich, Chris. Thanks.""Okay, lapit lang ako sa counter para makapag- order."Habang hinihintay ni Dailyn na bumalik si Chris sa pwesto nila ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nang mapansin niya ang isang babae na papasok ng coffee shop ay pinakatitigan niya iyon at sinipat ng mabuti ang itsura. Tumayo siya at naglakad palapit rito. "Leslie? Leslie, ikaw nga!" turan niya sa babaeng kaharap na niya. "Dailyn?! narito ka rin, kumusta? long time no see..,