Tatlong buwan ang matulin na lumipas mula ng mahuli si Maynard Atienza sa salang kidnapping at murder at attempted murder. Naidagdag din sa kaso ang pagbebenta ng mariwana na inihain ni Dixon sa korte.Pati na rin ang kaso sa pagkamatay ni Don Menandro ay idinagdag sa mga kasong kakaharapin ni Maynard sa batas. Dahil napag- alamanan sa imbestigasyon na patay na pala ang matandang Atienza. Nagsumbong ang mga kasambahay sa mansyon ng mga Atienza sa mga pulis, Ikinuwento ng mga ito ang tunay na pangyayare at itinuro kung saan ipinalagay ni Maynard ang bangkay ni Don Menandro.Nagkapatong-patong ang naging kaso ni Maynard kaya habang buhay na pagkakakulong ang naging hatol sa kanya ng korte na hindi na pinatagal pa ng judge ang paglilitis dahil maraming pagpapatunay at witness ang iniharap nila Dixon sa korte.Bumalik na sa dati ang buhay ni Leslie, nakakapagturo na siyang muli sa dating eskwelahan na pinapasukan niya kasama si Melody at ang mga co-teacher din niya noon.Hindi na natuloy
Gabi na at kasalukuyang gumagawa pa ng lesson plan niya si Leslie ng tawagan siya ni Dave.( Hindi ka pa ba natutulog?) tanong agad ni Dave pagkasagot ni Leslie ng tawag niya."Gumagawa pa ko ng lesson plan. Ikaw, bakit gising ka pa?" sagot at balik tanong ni Leslie sa nobyo.( Kakauwi ko lang ng bahay, Love..) saad ni Dave."Nakipag inuman ka pa dun sa Mike na kaibigan mo?" pang uusisang tanong ng dalaga.( Napilitan eh!) walang pagdideny na sagot ni Dave."Nakainom ka lang? hindi ka laseng?" muling tanong ni Leslie na nakangiti kahit hindi naman siya nakikita ni Dave.( Nakainom lang, Love.. ayokong magpakalasing, mahirap na at baka may hindi magandang mangyari na pagsisihan ko kinabukasan pagwala na ang kalasingan ko. Ayokong mangyari yon.) saad ni Dave na ikinatuwa naman ni Leslie ang sinabi ng nobyo."Nice, buti at naiisip mo yun noh! Takot kang hiwalayan kita?" pabirong tanong pa ni Leslie na sinagot din agad ni Dave.( Tinatanong pa ba yan?! I love you so much, Leslie.. Tandaan
Nang gabi ring iyon matapos nilang tatlong maghapunan ay tinawagan ni Dave si Mike para ipaalam na hindi na niya itutuloy ang planong island wedding. Sinabi ni Dave kay Mike ang tunay na rason kung bakit at naintindihan siya ng kaibigan kahit nanghihinayang daw ito."Nasabi mo na sa kaibigan mo na hindi na natin itutuloy ang planong kasal sa isla nila?" tanong agad ni Leslie ng puntahan na siya ni Dave sa silid nito.Nauna na kase si Leslie na pumasok ng kwarto ni Dave para tingnan ang mga bagong movie na pwede nilang panoorin ni Dave.Tumango si Dave at niyakap si Leslie."Anong sabi niya sa'yo?" muling tanong ni Leslie na ipinatong ang mga braso niya sa magkabilang balikat ni Dave."Nauunawaan naman daw niya. Sabi niya may punto naman si mommy, tag ulan nga raw ang buwan ng kasal natin. Gusto niyang umattend sa kasal natin, umoo naman ako, okay lang naman sayo di ba?" sagot ni Dave na hinagkan ang tungki ng ilong ni Leslie.Napangiti naman ang dalaga. "Okay lang sa akin.""May napil
Isang araw bago ang kasal. Nagbigay ng pasurprise stag party sina Edward, Clarence at Colton para kay Dave kasama ang iba pang kaibigan nila sa Condominium mismo ni Dave. Ayaw man ni Dave na mag stag party ay wala na siyang nagawa dahil naroon na sa labas ng pinto ng condo niya ang mga kaibigan na dala ang mga pagkain at iinumin nila at may kasama na ring mga babae sina Colton at Clarence kaya pinapasok na niya at pinagbigyan na ang mga pasaway niyang kaibigan.The usual stag party ang naganap sa condo ni Dave. Inuman, kwentuhan at hindi mawawala ang live show dahil sina Colton at Clarence ang namahala ng party niya.Nang magsimula ang show ay nag sexy strip dance sa harapan nila ang tatlong babaeng isinama nila Colton. Nagkakatuwaan na sila ng marinig nilang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan silang lahat dahil wala silang inaasahan na may darating pa.Nagtanong si Dave. "May inaasahan pa ba kayo na darating?" walang sumagot at mga nagsiilingan ng ulo.Lumapit si Edward sa pinto at
Wedding Day..Marami ng tao sa loob ng simbahan kung saan manunumpa sina Dave at Leslie sa harap ng diyos at sa mga sasaksi sa kanilang pag iibigan.Naroon na ang mga kaibigan ni Dave at Leslie pati ang mga mahal nila sa buhay.Kinuha nilang abay sa kasal ang mga single nilang kaibigan. Kasama sa entourage ng kasal sina Dion bilang bestman ng groom, si Dixon, Clarence, Colton at ang kuya Danilo ni Leslie.Ginawa naman ni Leslie na maid of honor si Melody at abay naman sina Grace at Jocelyn.Masaya ang mommy ni Dave dahil magiging manugang na rin niya sa wakas si Leslie.Ang mama naman ni Leslie ay masaya para sa anak na ngayon ay magiging asawa na ni Dave na alam niyang pakaiingatan nito ang kanyang panganay.Nasa harapan na si Dave ng altar at hinihintay na lang ang pagdating ng kanyang bride. Kahit na ikalawang beses na niyang maikasal ay hindi pa rin siya makampante. Kinakabahan pa rin siya kahit na alam naman niyang hindi naman magrarun away bride si Leslie."Relax kuya, nangingi
FIRST NIGHT AFTER THE WEDDING.Gabi na nang matapos sila sa reception ng kasal. Marami kaseng games idea na pinagawa ang naging host na kinuha nila para sa mga bisita na ikinaenjoy naman ng lahat nang naroon pati na rin nilang dalawang bagong kasal dahil hindi naging boring ang wedding nila para sa mga taong dumalo at nakisaya sa araw ng kanilang kasal.Inihanda man ni Leslie ang sarili para sa unang gabi nila ni Dave ay kinakabahan pa rin siya sa gagawin niyang pagpapaubaya ng sarili sa asawa."Love, hindi ka pa ba magpapalit, need mo ba ng tulong?" tanong ni Dave ng paglabas nito mula sa banyo ay nakaupo pa rin siya sa ibabaw ng kama.Napabilis naman ang pintig ng kanyang puso ng sa paglabas ng lalaki ay nakatapis na lang ito ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito."Ah, eh, kase hindi ko maabot yung zipper sa likod ng gown ko." Sabi na lang niya na totoo naman din.Walang pasubali ay nilapitan sya ni Dave at binuksan ang zipper ng gown nya sa kanyang likuran. Napapikit si Lesli
MAKALIPAS ANG HIGIT ISANG TAON."Congratulations Mr and Mrs. Alarcon. It's a baby boy!!." masayang bati ng doktora na nag ultrasound ng tiyan ni Leslie.Masayang masaya na napahawak sa isang kamay ni Leslie si Dave at hin*gkan pa ang noo ng asawa."Thank you, Doc." sabay pang turan ng mag asawa kay doktora Gomez na sa monitor pa rin nakatuon ang mga mata kaya tumango lang ito sa kanila."Healthy naman si baby sa loob ng tummy mo misis.Tuloy mo pa rin ang pag inom ng vitamins para kay baby at dapat healthy food pa rin ang kakainin mo. Iwasan mo na ang pag inom ng malamig na inumin Mrs. Alarcon para hindi ka mahirapan sa panganganak." saad at bilin pa ng ob-gyne ni Leslie."Sige po doktora." aning sagot ni Leslie na nakangiti pa."Um, done. Pwede ka ng tumayo Mrs. Alarcon. Pakiaalalayan mo, Mr. Alarcon si misis." ani pa ng doctor sa kanila."Balik ka rito after a month Mrs. Alarcon, para sa Maternal whooping cough vaccination mo." bilin ng doktora kay Leslie bago sila palabasin nito sa
Pitong buwan na mahigit ang ipinagbubuntis ni Leslie at medyo nahihirapan na nga rin siyang kumilos dahil sa laki ng kanyang tiyan."Love, siguro kailangan ko na ngang magpaalam sa principal namin. Kukuha na ako ng maternity leave, pwede na rin naman dahil ilang weeks na lang ay manganaganak na ko." pagbubukas ng usapan ni Leslie ng gabing matutulog na sila ni Dave.Napatigil sa pagbabasa ng books niya si Dave ng marinig ang sinabi ng asawa. "Talaga?!" at binitiwan ang binabasang libro."Medyo nahihirapan na kase akong gumalaw o kumilos. Inaantok rin ako sa loob ng classroom. Lately kase nahihirapan akong makatulog sa gabi kaya pagdating ng tanghali sobrang inaantok na ko, gusto ko ng hilain ang oras para makauwi agad ako ng bahay." paliwanag ni Leslie kay Dave."Hay salamat naman at nakapagdesisyon ka na! Alam kong mahal mo ang pagtuturo, pero para sa anak natin ay isasantabi mo ang gusto mong gawin. Thank you, Love at mapapanatag na rin ako. Hindi na ko mag aalala na baka mapaano ka