Nakikita ni Leslie sa mukha ni Dave na galit ito. Hindi naman sya nakakaramdam ng takot dito kaya nanatili pa rin siya sa loob ng sasakyan at hindi na siya bumaba pa ng pigilan siya ni Dave."Alam kong galit ka sa ginawa ko, humingi na ko ng tawad at kung hindi mo matanggap ang sorry ko wala naman akong magagawa! May naitatabi pa naman akong ipon babayaran ko na lang ang nagastos nyo sa akin sa ospital at sa pagpapatira nyo sa akin sa bahay nyo." basag ni Leslie sa katahimikan na bumabalot sa kanila ni Dave."That's bull shit! Hindi kita sinisingil Leslie!." paasik na wika ni Dave na ikinayuko ng ulo ng dalaga."Hindi ako galit sayo, okay! nagagalit ako sa lalaking gusto kang paghigantihan dahil lang sa kahihiyan na naibigay mo sa pamilya nila. Oo aaminin ko na medyo disappointed ako sa pagsisinungaling na ginawa mo sa amin nila mommy pero maniwala ka Leslie nauunawaan ko ang mga naging aksyon mo. Naiintindihan ko na kinailangan mong gawin yon para protektahan ang sarili mo." mahinaho
Masayang tinitignan ng bagong magkasintahan ang photo album na nakita ni Leslie na nasa library room.Nagpaalam si Leslie kanina na kung maaari niyang tignan ang mga picture na nasa album na ikinatango ni Dave na indikasyong pumapayag ang nobyo. Masayang ipinakita pa sa kanya ni Dave ang iba pang mga lumang photos nila ni Dion.Kanina ay inilibot ni Dave si Leslie sa buong bahay nila pagkatapos nilang mag meryenda ng ginataang bilo bilo na madalas daw i request nila Dave at Dion kapag nauwi sa bahay sa batangas na sabi ng mayordoma nila Dave na nagluto ng meryenda nila.Ipinakilala sya ni Dave sa mga kasambahay ng mga ito bilang girlfriend nito at napansin nya ang saya sa mukha ng mga kasambahay ng malaman na magkasintahan sila ni Dave." Tignan mo tong picture na to love, Mas kamukha pala talaga ni Dad si Dion nung kabataan nya. And this one, ito yung panahon na bago pa lang kami natututo ni Dion na mag scuba diving. Ang payat pa namin dalawa dito oh! " natutuwang ani ni Dave sa kan
Lumipas ang dalawang araw mula nang maging magkarelasyon sina Dave at Leslie.At sa loob ng dalawang araw na yon ay palagi na silang magkasama. Na kahit na sa trabaho ni Leslie ay naroroon din si Dave sa bar ng magdamagan para masamahan ang nobya at bantayan na rin. Na hindi nalingid sa mga kaibigan ni Dave dahil naiparating na ni Edward kina Colton at Clarence ang tungkol sa relasyon na nila ni Leslie. At sa dalawang gabi na pananatili niya sa bar ay hindi siya tinatantanan ni Edward ng pang aasar na mabuti na lang at si Edward lang ang naroon at wala ang dalawang mas pasaway sa kanilang magkakaibigan.Ihahatid ni Dave si Leslie sa work at maghihintay sa dalaga hanggang sa magsara ang restobar at ihahatid niyang muli pauwi sa bahay ng ina nila Dailyn kung saan nag i stay ang kanyang nobya..Nang unang gabi na sinamahan ni Dave sa work si Leslie ay naisip niyang patigilin na si Leslie sa bar dahil sa nakikita niyang hindi bagay para kay Leslie ang trabaho nito. Ayaw niyang napupuyat a
Nagdaan ang ilang linggo at naging normal ang buhay ni Leslie sa batangas.Maayos at masaya ang relasyon nila ni Dave.Kahit na nasa maynila si Dave at magkalayo sila, Dave make sure na nababantayan pa rin nya ang nobya na hindi nalalaman ni Leslie.May dalawa siyang kinuhang secret agent na nagpapalitan ng bantay para kay Leslie para masigurado niyang ligtas ito at para din sa kapanatagan ng loob niya.Every friday after office hour ay umuuwe si Dave sa batangas upang makita at makasama si Leslie hanggang monday ng umaga.Happy and contented naman si Leslie sa ginagawang effort ni Dave para sa kanya kahit na pagod sa trabaho ang lalaki ay nagagawa pa siyang puntahan kahit na malayo ang maynila sa batangas. Ilang araw na lang malapit na ang pag alis niya sa restobar nila Edward. May nakuha na rin daw na kapalit niya sa trabaho. Kaya excited na si Dave na makasama na palagi ang nobya dahil pumayag ito na bumalik ng mansion nila sa maynila dahil kinuntsaba niya ang ina para mapapayag
Nang mag walk out si Leslie saka lang na realize ni Dave ang nagawa niya. Napasandal na lang siya sa pagkakaupo sa mahabang sofa at ipinikit ang mga mata at nag ilang beses na naghingang malalim.Ilang minuto na ay hindi pa siya binabalikan ng nobya. Gusto man niyang sundan ang dalaga ay nahihirapan siyang kumilos dahil masakit ang kanyang katawan lalo na sa parteng tagiliran.Naisipan niyang tawagan sa cellphone si Leslie pero ng ilang ring pa lang ay dinecline nito ang pagtawag nya. Napabuntong hininga siya at muling tinawagan ang nobya pero nakapatay na ang phone nito."Naman Leslie please answer the phone!" naiirita na niyang sambit dahil sa hindi niya makausap ang nobya na alam niyang galit sa kanya. Na pu frustrate na sya sa nangyayare sa kanilang dalawa ni Leslie.Naalala niya si de Guzman na isa sa dalawang inutusan niyang bantayan si Leslie.Mabilis niyang kinontak ang lalaki."Nasaan ka, de Guzman?" seryosong nyang tanong sa kausap ng sagutin na nito ang call nya."Narito pa
Sa binyag ng anak nila Dailyn at Edward ay dumalo pa sina Leslie at Dave bilang isa sa mga ninong at ninang ni Adrian.Dumating rin sina Clarence at Colton na kasa kasama na naman ang exclusively dating niyang si Lalaine Fernandez na isang free lancer na model pero branch owner din ng isang kilalang pizza house sa bansa.Saglit na nagkapagkamustuhan sila sa simbahan pero pagkatapos ng binyag ay nagpaalam na rin ang magkasintahan na mauuna nang bumiyahe pa manila.Nasa hi way na sila ng makatanggap ng tawag si Dave. Tinignan ni Leslie ang caller dahil sa nagmamaneho si Dave. "Dixon Montelibano ang tumatawag Love." aniya kay Dave na mabilis na napasulyap sa kanya.Itinabi agad ni Dave ang sasakyan sa gilid ng kalsada."Sagutin ko lang ang tawag, importante kase ito."Saad ni Dave na nag muwestra pa na lalabas siya ng sasakyan. Tumango naman ang dalaga.Lumayo pa si Dave ng bahagya sa kotse nila na inisip na lang ni Leslie na baka Confidential ang pinag uusapan nila Dave kaya hindi nya
"Mamala.., kuya Danilo..." pagtawag ni Leslie mula sa labas ng bahay.Agad naman nagbukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Danilo."Leslie, anong ginagawa mo rito!? Pumasok kayo bilisan mo." natatarantang sambit ni Danilo sa kanila na ipinalinga- linga pa ang paningin sa labas ng bahay."Kuya Danilo bakit!? Anong nangyayare? bakit parang takot na takot ka?" nagtataka niyang tanong sa pinsan."Bakit hindi ka muna tumawag bago ka nagpunta rito? nakalimutan mo na ba ang tungkol kay Maynard?" ani ni Danilo sa kanya na patagong nagmamasid sa may bintana."Mamala.., Lo.. " bati niya sa dalawang matanda ng mapansin niya ang mga ito na nasa sala."Leslie, apo..!" tawag sa kanya ng kanyang lola Esmeralda na nilapitan na niya at nagmano sa mga matatanda."Maupo na muna kayo, sino yang kasama mo iha?" tanong ng lola niya."La, si Dave po, boyfriend ko." pakilala niya kay Dave na nagmano rin sa dalawang matanda at nakipagtanguan naman kay Danilo."Kuya, ano bang nangyayare at di ka mapakali d
"A-anong nangyare kuya Danilo? P-paanong kinuha sina Lolo at lola!?" natutulirong sambit na tanong ni Leslie.Sa nakikita ni Dave kay Leslie alam niyang malaki ang problema nito dahil sa sinabi ng kausap nito sa phone na si Danilo at sa pagkakaintindi niya ay may kumuha sa dalawang matanda.Inagaw ni Dave ang cellphone kay Leslie at ini loudspeaker ang phone upang marinig niya rin ang sasabihin ng pinsan ni Leslie.( Pagkarating ko sa bahay nakita kong giba na ang pintuan mula sa labas. Kinabahan ako kaya pagpasok ko hinanap ko sina lola at lolo pero wala sila sa loob ng bahay at nakita ko ang isang puting papel sa ibabaw ng lamesa.) pagsasalaysay ni Danilo.( Gusto ni Maynard na makipagkita ka sa kanya. Palagay ko rin hindi ka nila nakita kanina ng narito kayo. Pero may nakapagsabi na kapit bahay na napagtanungan raw sila tungkol sa iyo at nasabi nga nila na nandirito ka kanina sa bahay. Nagkasalisi kayo ng mga tauhan ni Maynard sa tingin ko. Kaya para ikaw mismo ang lumapit kay Mayn