Share

Chapter 3

Author: Lady In Green
last update Last Updated: 2025-02-27 10:53:21

Kinabukasan ng araw na iyon, sinabi ng pulis na may koneksyon kay Damian na pumunta si Santino sa presinto para magpaalam na kukunin ang pekeng bangkay ni Alina.  

Sigurista si Santino, pero matalino si Damian. Hinayaan ng mga pulis si Santino na kunin ang pekeng bangkay para ipa-DNA test, at lumabas iyon na positive. Nabayaran ni Damian ang doktor na nagsagawa ng DNA test, kaya naman lumabas na si Alina nga ang namatay sa sasakyan at nahulog sa bangin.  

“Ma’am Ivana, ipinadala po ni Sir Damian,” wika ng isang kasambahay habang bitbit ang tray na may kahon ng alahas.  

“Ilapag mo na lang sa kama.” Sinulyapan ni Alina ang kasambahay mula sa salamin. “Parating na ba si Damian?”  

Nasa opisina ngayon si Damian para hanapin ang board at pakinggan ang mga bagong plano ng department team. Kadalasan ay umuuwi ito ng hatinggabi. Para lang silang mag-asawa ni Santino.  

Aalis si Santino ng umaga at uuwi ito kapag tulog na siya. Gano’n din si Damian, pero ang pinagkaiba nila ni Santino ay kahit paano, pinapahalagahan siya ni Damian at hindi itinuturing na parang hangin.  

As for her situation, love is the least of her concerns. Si Santino pa lang ang naging lalaki sa buhay niya.  

“Pauwi na si Sir, ma’am. Tinatanong niya rin kung nakahanda na kayo.”  

“I'll be done in a minute,” sagot ni Alina at muling nagpatuloy sa pagkukulot ng buhok niya.  

Ginaya niya ang buhok ni Ivana. Naglagay rin siya ng nunal sa kaliwang pisngi. Nang matapos siya, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Hindi siya makapaniwala—para na talaga siyang si Ivana ngayon. Hindi mo aakalain na magkaibang tao silang dalawa.  

Alina was in the middle of dressing up nang bumukas ang pintuan at pumasok si Damian. Natigilan ito nang makita si Alina at napatitig. It felt like seeing Ivana Artemis again, and deep inside, he wanted to hug and kiss her. Damian composed himself and walked over to her to help zip up her dress.

Napalunok si Alina nang maramdaman ang mga kamay ni Damian na lumapat sa likod niya. May kakaibang sensasyon siyang naramdaman, pero hindi niya alam kung ano iyon.  

“Don't move,” pigil nito sa kanya nang akmang pipihit siya paharap.

Ikinabit ni Damian ang blue diamond necklace sa leeg niya, at sa tuwing tatamaan iyon ng liwanag, kumikintab ito. 

“Remember what I told you, Alina,” paalala ni Damian, seryoso ang tinig. “This is just the beginning of our game.”

“Hindi ko makakalimutan ang lahat,” mariin niyang sagot. Learning how to be Ivana Artemis took up Alina’s everyday life. She spent her days learning. How to speak like her, what her favorite food was, and even what Ivana disliked.

Today's a charity gala event na ginagawa ng mga magulang ni Ivana taon-taon. Dinadaluhan ito ng iba't ibang businessman at businesswoman para magkaroon ng koneksyon at makipagsalamuha. Pero mula nang umalis si Ivana sa pamilya Artemis at sumama kay Damian para lumayo, hindi na dumalo pa ang kanyang mga magulang.  

Santino and his secretary-slash-mistress might be there too. It's time to face them again and shake their world.

Sumakay na sila ng sasakyan at tinungo ang venue ng gala. Ipinakilala ni Damian si Alina sa mga businessman na naroon bilang fiancée—isang bagay na hindi kailanman nagawa ni Santino, kahit isang beses lang. 

Everyone knows Santino is a married man. Pero halos lahat ay hindi kilala si Alina, dahil simula nang ikasal sila, naging housewife na lang siya, naghihintay kung kailan uuwi ang asawa niya.  

“Ivana Artemis? The heiress of Artemis?” Amaze na amaze na wika ni Mr. Ang habang nakatingin kay Alina. “Iba ka talaga, Damian! Hindi ka lang magaling sa business, pati na rin sa pagpili ng babae! You've got it all!” 

Eleganteng natawa si Alina, ginaya ang paraan ng pagtawa ni Ivana. “Mr. Ang, don't flutter him. Kaya lumalaki ang ulo niya.”  

At nagtawanan naman ang lahat sa biro ni Alina.  

Nasagi ng mata niya ang kakapasok lang na dalawang tao. Nakaangkla ang kamay ng babae sa lalaki, at malawak ang ngiti nito.  

It's them. Santino and Donna.  

Palihim na hinila ni Alina ang kamay ni Damian para kunin ang atensyon nito. Sinulyapan siya ni Damian, at isininyas niya rito kung sino ang bagong pasok sa loob.

“Make Santino busy. I'll make a scene with Donna,” bulong niya kay Damian at hindi na hinintay ang sasabihin nito.  

Naglakad si Alina papunta kay Donna nang makita niyang mag-isa na lang ito. Kunwari ay may hinanap siya sa purse niya, kaya hindi niya ito nakita at aksidenteng nabangga ang balikat nito.  

“Oh! I'm sorry! I didn't see you coming!” mabilis na paghingi ni Alina ng paumanhin.  

Inis na tumingala si Donna sa kanya, pero napalitan iyon ng gulat nang makita siya.  

“A-Alina…?” Namilog ang mga mata nito. “You're… alive?”  

Kunwari ay kumunot ang noo ni Alina, tila hindi naiintindihan ang sinasabi ni Donna. “Alina? Wait, who's Alina?”  

“Sinasabi ko na nga ba at buhay ka pa! Huwag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang sinasabi ko, Alina!” sarkastikong sabi nito at hinila ang braso niya. “Kahit anong bihis mo, hindi mo maitatago na ikaw pa rin si walang-kwentang Alina!”  

“N-Nasasaktan… ako! Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!” Um acting si Alina, mistulang maiiyak.  

“Talagang masasaktan ka dahil pinatay mo ang anak ko!” Binitawan ni Donna ang kamay ni Alina at malakas siyang sinampal. 

Napahawak si Alina sa pisngi niya. Hindi pa siya nakakabawi nang muling itinaas ni Donna ang kamay para sampalin siya ulit, pero isang kamay ang humarang at sumalo rito. 

Napatingin silang dalawa sa babaeng sumalo ng kamay ni Donna. Isang babae sa mid-50s, mukhang sopistikado at mayaman. 

“Who do you think you are to hurt my daughter?” tanong ng babae kay Donna, sabay itinapon ang kamay nito. Bahagyang napaatras si Donna at muntik pang matumba.  

This woman is Ivana's mother! 

Nagbuntong-hininga ang babae at nilapitan si Alina. “Are you alright, sweety?”  

“M-Mom…” At muli siyang umarte. Niyakap niya ang ina ni Ivana, para bang miss na miss niya ito.

“Ivana, I've missed you so much, anak. Hindi mo alam kung gaano kami nasaktan ng daddy mo nang umalis ka,” dramatic na sabi ng ina ni Ivana habang yakap-yakap siya. “Hindi mo na ulit kailangang lumayo sa amin. Hindi na kami tututol sa relasyon niyo ni Damian.” 

Alina felt guilty and pity. Guilty dahil hindi naman talaga siya si Ivana at wala siyang choice kundi lokohin ang ina ni Ivana ngayon. Pity dahil hindi niya alam kung anong nararamdaman ni Damian ngayong handa na itong tanggapin ng mga magulang ni Ivana, pero wala na si Ivana.  

“I was wrong, Mom. I didn't mean to hurt you and Dad. Let's forget about the past and leave it behind.”  

Nakita ni Alina ang nakakunot at nagtatakang itsura ni Donna habang ibinabato sa kanila.  

“Ivana? She's Alina!”  

Bumitaw sa yakap ang ina ni Ivana kay Alina at hinarap muli si Donna.  

“What are you talking about?” tanong ng ginang.  

Galit na itinuro ni Donna si Alina. “Alina ang pangalan niya! Nagpapanggap pa siyang ibang tao!”

“Goodness!” Umirap ang ina ni Ivana na para bang sinasabi niyang baliw ang kaharap nila ngayon. “She's my daughter, and I'm her mother. Anong klaseng magulang ba naman ako kung sarili kong anak ay hindi ko makilala?”  

Hindi nakasagot si Donna nang marealize nito na may punto ang ina ni Ivana.  

“Hey, what's happening here?” Dumating si Damian, kasunod si Santino. Tumayo si Santino sa tabi ni Donna, at tumayo naman si Damian sa tabi ni Alina, hinawakan ang bewang nito.  

“Santino, look at her! Sabihin mo, hindi ba’t siya si Alina?!” atungal ni Donna.

Kurap-kurap na nakatingin si Santino ngayon kay Alina. Katulad ng reaksyon ni Donna kanina, gulat na gulat din ito.  

“Who the hell is Alina? Why are you people accusing my daughter Ivana of being her?” Nagpalipat-lipat ng tingin ang ina ni Ivana kina Damian, Santino, at Donna. “Damian, anong nangyayari rito? You even let my daughter get hurt by that woman!” Itinuro nito si Donna.  

“Mr. Montenegro, does your secretary have a beef with my fiancée?” malamig na tanong ni Damian, pero alam ni Alina na umaakting lang din ito. “I'm pretty sure ngayon lang sila nagkita.”  

“I… I think this is a misunderstanding, Mr. Velasco… Mrs. Artemis.” Umabante si Santino at inilagay sa likuran niya si Donna. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng secretary ko.” 

“She's just a mere secretary?” panlalait ng ina ni Ivana kay Donna.  

“Mom, it's okay. Narinig mo naman, 'di ba? Misunderstanding lang daw. Hindi naman siguro sinasadya.” 

Isa sa katangian ni Ivana Artemis ang pagiging mapagpatawad. And Alina is using it now.  

“Fine, let's enjoy the gala.” Inismiran pa ng ina ni Ivana si Donna bago ito tumalikod.  

Sumunod naman si Damian kay Alina na may proud na ngiti sa mga labi.

Ngayon ay tuluyan nang nakapasok si Alina sa mundo ni Santino. She has already shaken their world. It's time to hit them and make sure it'll be hard for him to stand up.  

Inilapit ni Damian ang mukha sa leeg ni Alina nang nakaupo na sila sa table nila. Napasinghap naman si Alina dahil akala niya ay hahalikan siya ni Damian sa harapan ng mga magulang ni Ivana.  

“They're looking at you,” bulong nito sa kanya.  

Pasimple siyang sumulyap sa table nina Santino at Donna, at pareho ngang nakatingin ang dalawa sa kanya.  

Nang matapos ang gala, naging busy naman ang lahat sa pagsasayaw. Inaasahan ni Alina na lalapitan siya ni Santino, at hindi nga siya nagkamali dahil nang mawala sa tabi niya si Damian, lumapit ito sa kanya.  

“Ms. Artemis,” bati ni Santino sa kanya at napatitig na naman sa mukha niya. “About earlier, I'm really sorry. It's just that… may kamukha ka lang kaya akala ng secretary ko ay ikaw 'yun.”  

Matamis siyang ngumiti kay Santino at umiling. “It's nothing, Mr. Montenegro. Apology accepted.”  

Ibinigay ni Santino ang baso ng alak kay Alina. Doon niya lang napansin na dalawa pala ang hawak nitong alak. “Cheers?”  

Tinanggap niya ang ibinigay ni Santino at nilagok iyon.  

“You really look like someone I know…” malagkit na sabi ni Santino.  

“Kasing ganda ko ba siya?” biro niya rito. Napahinto siya nang maramdaman niyang parang may bumara sa lalamunan niya. Hirap siyang huminga.  

“She can't compare to you, Ms. Artemis. You're beyond her.”  

Napatingin si Alina sa alak na hawak niya at nakitang Nocino iyon, isang walnut liquor kung saan may allergy siya. Tanging si Santino lang ang may alam noon.  

Does this mean… he's testing her kung siya ba si Alina?  

“I… I need to go to the restroom. Excuse me.” Pinilit niya pang nginitian si Santino at ipinakita rito na ayos lang siya, bago siya tumalikod dito.  

Napahawak si Alina sa dibdib niya, unti-unting kinakapos ng hininga. Nang makarating siya sa restroom, bigla na lamang siyang bumagsak, pero may kamay na sumalo sa kanya.  

Related chapters

  • The Rival's Mistress    Chapter 1

    Pagod na pagod at walang tigil sa pagtakbo si Alina Montenegro habang tinatakasan ang mga tauhan ng kanyang asawa. Gusto siyang ipapatay ng asawa niyang si Santino Montenegro. Gusto siya nitong pagbayarin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.Nang nalaman ni Alina na may babae si Santino at matagal na pala siya nitong niloloko ay kinompronta niya ito. Pero isang divorce paper ang itinapon ni Santino niya sa harapan niya.“Sign this divorce paper at umalis ka na! Tatlong taon na tayo mag-asawa pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak, Alina!” Iyon ang mga katagang binitawan ni Santino kaninang umaga. "Hindi ko kailangan ng isang babaeng baog!"Sa kagustuhan ni Alina maisalba ang marriage nilang dalawa ni Santino ay nakipagkita siya sa sekretarya nitong si Donna, na siya ring kabit ni Santino. Kaya pala parating magkasama ng dalawa kahit araw ng Sabado at Linggo dahil may ginagawang milagro ang dalawa.Gayun pa man, nakiusap pa rin si Alina kay Donna layuan nito si Santino, pero nag

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Rival's Mistress    Chapter 2

    Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n

    Last Updated : 2025-02-26

Latest chapter

  • The Rival's Mistress    Chapter 3

    Kinabukasan ng araw na iyon, sinabi ng pulis na may koneksyon kay Damian na pumunta si Santino sa presinto para magpaalam na kukunin ang pekeng bangkay ni Alina. Sigurista si Santino, pero matalino si Damian. Hinayaan ng mga pulis si Santino na kunin ang pekeng bangkay para ipa-DNA test, at lumabas iyon na positive. Nabayaran ni Damian ang doktor na nagsagawa ng DNA test, kaya naman lumabas na si Alina nga ang namatay sa sasakyan at nahulog sa bangin. “Ma’am Ivana, ipinadala po ni Sir Damian,” wika ng isang kasambahay habang bitbit ang tray na may kahon ng alahas. “Ilapag mo na lang sa kama.” Sinulyapan ni Alina ang kasambahay mula sa salamin. “Parating na ba si Damian?” Nasa opisina ngayon si Damian para hanapin ang board at pakinggan ang mga bagong plano ng department team. Kadalasan ay umuuwi ito ng hatinggabi. Para lang silang mag-asawa ni Santino. Aalis si Santino ng umaga at uuwi ito kapag tulog na siya. Gano’n din si Damian, pero ang pinagkaiba nila ni Santino ay kahi

  • The Rival's Mistress    Chapter 2

    Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n

  • The Rival's Mistress    Chapter 1

    Pagod na pagod at walang tigil sa pagtakbo si Alina Montenegro habang tinatakasan ang mga tauhan ng kanyang asawa. Gusto siyang ipapatay ng asawa niyang si Santino Montenegro. Gusto siya nitong pagbayarin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.Nang nalaman ni Alina na may babae si Santino at matagal na pala siya nitong niloloko ay kinompronta niya ito. Pero isang divorce paper ang itinapon ni Santino niya sa harapan niya.“Sign this divorce paper at umalis ka na! Tatlong taon na tayo mag-asawa pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak, Alina!” Iyon ang mga katagang binitawan ni Santino kaninang umaga. "Hindi ko kailangan ng isang babaeng baog!"Sa kagustuhan ni Alina maisalba ang marriage nilang dalawa ni Santino ay nakipagkita siya sa sekretarya nitong si Donna, na siya ring kabit ni Santino. Kaya pala parating magkasama ng dalawa kahit araw ng Sabado at Linggo dahil may ginagawang milagro ang dalawa.Gayun pa man, nakiusap pa rin si Alina kay Donna layuan nito si Santino, pero nag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status