author-banner
ladyingreen.goodnovel
Author

Nobela ni ladyingreen.goodnovel

The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Basahin
Chapter: Chapter 3
Kinabukasan ng araw na iyon, sinabi ng pulis na may koneksyon kay Damian na pumunta si Santino sa presinto para magpaalam na kukunin ang pekeng bangkay ni Alina. Sigurista si Santino, pero matalino si Damian. Hinayaan ng mga pulis si Santino na kunin ang pekeng bangkay para ipa-DNA test, at lumabas iyon na positive. Nabayaran ni Damian ang doktor na nagsagawa ng DNA test, kaya naman lumabas na si Alina nga ang namatay sa sasakyan at nahulog sa bangin. “Ma’am Ivana, ipinadala po ni Sir Damian,” wika ng isang kasambahay habang bitbit ang tray na may kahon ng alahas. “Ilapag mo na lang sa kama.” Sinulyapan ni Alina ang kasambahay mula sa salamin. “Parating na ba si Damian?” Nasa opisina ngayon si Damian para hanapin ang board at pakinggan ang mga bagong plano ng department team. Kadalasan ay umuuwi ito ng hatinggabi. Para lang silang mag-asawa ni Santino. Aalis si Santino ng umaga at uuwi ito kapag tulog na siya. Gano’n din si Damian, pero ang pinagkaiba nila ni Santino ay kahi
Huling Na-update: 2025-02-27
Chapter: Chapter 2
Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n
Huling Na-update: 2025-02-26
Chapter: Chapter 1
Pagod na pagod at walang tigil sa pagtakbo si Alina Montenegro habang tinatakasan ang mga tauhan ng kanyang asawa. Gusto siyang ipapatay ng asawa niyang si Santino Montenegro. Gusto siya nitong pagbayarin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.Nang nalaman ni Alina na may babae si Santino at matagal na pala siya nitong niloloko ay kinompronta niya ito. Pero isang divorce paper ang itinapon ni Santino niya sa harapan niya.“Sign this divorce paper at umalis ka na! Tatlong taon na tayo mag-asawa pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak, Alina!” Iyon ang mga katagang binitawan ni Santino kaninang umaga. "Hindi ko kailangan ng isang babaeng baog!"Sa kagustuhan ni Alina maisalba ang marriage nilang dalawa ni Santino ay nakipagkita siya sa sekretarya nitong si Donna, na siya ring kabit ni Santino. Kaya pala parating magkasama ng dalawa kahit araw ng Sabado at Linggo dahil may ginagawang milagro ang dalawa.Gayun pa man, nakiusap pa rin si Alina kay Donna layuan nito si Santino, pero nag
Huling Na-update: 2025-02-26
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status