Share

The Rival's Mistress
The Rival's Mistress
Author: Lady In Green

Chapter 1

Author: Lady In Green
last update Last Updated: 2025-02-26 20:09:22

Pagod na pagod at walang tigil sa pagtakbo si Alina Montenegro habang tinatakasan ang mga tauhan ng kanyang asawa. Gusto siyang ipapatay ng asawa niyang si Santino Montenegro. Gusto siya nitong pagbayarin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Nang nalaman ni Alina na may babae si Santino at matagal na pala siya nitong niloloko ay kinompronta niya ito. Pero isang divorce paper ang itinapon ni Santino niya sa harapan niya.

“Sign this divorce paper at umalis ka na! Tatlong taon na tayo mag-asawa pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak, Alina!” Iyon ang mga katagang binitawan ni Santino kaninang umaga. "Hindi ko kailangan ng isang babaeng baog!"

Sa kagustuhan ni Alina maisalba ang marriage nilang dalawa ni Santino ay nakipagkita siya sa sekretarya nitong si Donna, na siya ring kabit ni Santino. Kaya pala parating magkasama ng dalawa kahit araw ng Sabado at Linggo dahil may ginagawang milagro ang dalawa.

Gayun pa man, nakiusap pa rin si Alina kay Donna layuan nito si Santino, pero nagmatigas ang kabit at sinabing ipaglalaban nito si Santino. Nang makita ni Donna parating na ang sasakyan ni Santino ay kusa itong nagpatihulog sa hagdan para palabasin na tinulak niya ito at pinatay ang anak ni Santino sa nasa sinapupunan ng kabit.

“Nasaan na siya?” dinig ni Alina na singhal ng isang lalaki na humahabol sa kanya. “Hanapin niyo! Hindi siya pwede mawala! Kailangan natin siya dalhin kay boss Santino!”

Nagtago si Alina sa likod ng SUV at yumuko para hindi siya makita. Dumudugo ang talampakan niya dahil nasira ang sapatos niya. Tumatagaktak rin ang pawis sa kanyang noo.

Narinig niya ang mga hakbang na papalapit sa kanya. Mas lalo siyang natakot dahil wala na siyang ibang tatakbuhan.

“Silipin niyo sa likod!” muling sabi ng boses kanina.

Nanginginig ang buong katawan, hindi sinasadyang napakapit si Alina sa handle ng SUV at biglang bumukas iyon.

Gulat na napatingin sa kanya ang lalaki sa loob. “Who are you?” may bahid ng inis nitong tanong.

“P-Papatayin… nila ako!” mahina, ngunit tarantang niyang sabi at hinawakan ang kamay ng lalaki. “Tulungan mo ako! Parang awa mo na! Ayaw ko pa mamatay!”

Pinasadahan siya nito ng tingin at huminto ang mga mata sa tuhod niya na puno ng gasgas at dumudugo rin. Ilang beses siyang natumba kanina, pero pinilit pa rin niyang magpatuloy sa pagtakbo.

“Get inside.” Kumapit ito sa kamay niya at hinila siya papasok sa loob ng SUV.

Naupo siya sa sahig sa likuran. Saktong pagsarado ng pintuan ng sasakyan ay siya namang pagdating ng mga humahabol sa kanya.

Akala niya ay ligtas na siya, pero napatingin sila pareho ng lalaki nang makita na kumakatok ang mga tauhan ni Santino sa labas ng sasakyan.

“Ano bang kasalanan ang ginawa mo? Bakit ganito marami ang humahabol sayo?” iiling-iling na tanong ng lalaki sa kanya.

“W-Wala akong ginawa,” depensa niya sa sarili at kinagat ang mga kuko.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. Binuksan nito ang pintuan ng SUV at hinarap ang mga lalaki.

Sumilip si Alina ng bahagya at nakitang hawak ng isa sa tauhan ni Santino ang scarf na suot niya kanina. Nahulog siguro iyon paghila sa kanya ng lalaking may-ari nitong SUV.

“Is there any problem?” kalmado ang tanong ng lalaki sa mga tauhan ni Santino.

“May hinahanap kaming babae. Nakita namin ito sa labas ng sasakyan mo. Nakita mo ba siya rito?”

Inilagay ng lalaki ang dalawang kamay sa bulsa nito at umiling. “Hindi ko nakita ang babaeng sinasabi niyo. And who is she, by the way?”

“Siya ang asawa ng businessman na si Santino Montenegro. Nakapatay siya, nananakit ng kahit sino, at wala siya sa tamang pag-iisip kaya kailangan namin siyang makita para maibalik sa asawa niya.”

Ikinuyom ni Alina ang palad sa narinig. Walang katotohanan ang mga iyon. Hindi siya isang baliw, hindi niya magawang manakit at hindi rin siya isang mamamatay tao.

“Oh, a criminal? Looks like she's a really dangerous woman. Dapat ay mahanap na talaga siya,” pagsang-ayon ng lalaki sa mga tauhan ni Santino. "Baka tumakbo sa banda roon? O kaya naman ay nagtatago lang sa malapit."

Muling naghanap ang mga tauhan ni Santino sa paligid ng parking lot. Pero ilang sandali pa ay umalis na rin ang mga ito ng hindi siya makita. Doon lang nakahinga ng maluwag si Alina. Napahawak siya sa dibdib niya na malakas ang pagtibok ng puso.

“They’re gone, Mrs. Montenegro,” the man said sarcastically as he got back into the car. “So what am I now? Your accomplice? I can't believe na nagtago ako ng kriminal sa sasakyan ko."

Umayos ng upo si Alina at hinarap ang lalaki “Hindi ko magagawa ang mga sinasabi nila. Hindi ako masamang tao."

“Kung ganon ay bakit naman gagawa ng kwento ang asawa mo?” Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. “Sa pagkakakilala ko sa kanya ay tuso lang siya, pero hindi siya sinungaling.”

“K-Kilala… mo ang asawa ko…?” gulat niyang tanong. Muli siyang kinabahan at napakapit pa sa upuan. Baka dalhin siya ng lalaking ito kay Santino. “Sino ka? Kaibigan ka ba niya?”

Lumalakhak ng tawa ang lalaki at nilingon siya sa likod. “Kaibigan? Sa tingin ko ay mas maganda pakinggan ang kaaway?”

Kaaway?

Walang matandaaan si Alina na naging kaaway ni Santino. Maliban na lang kung tungkol iyon sa negosyo. May isang tao na matinik katunggali si Santino.

Walang iba kundi si…

“You're… Damian Velasco…” usal ni Alina at nanlaki ang mga mata.

Ngumisi ang lalaki at sinalubong ang mga tingin niya. “It’s nice to finally meet you, Mrs. Alina Montenegro.”

Kung tuso si Santino, mas kilala naman si Damian sa pagiging ganid nito. Madalas ni Alina na marinig ang pangalan ni Damian kay Santino sa tuwing uuwi ito ng bahay. Lahat daw ay kayang gawin ni Damian para lang makuha ang gusto. Sa edad na treinta y dos ay ilang kumpanya na rin ang pinabagsak nito sa tuwing binabangga ito. Walang gusto kumalaban kay Damian, maliban kay Santino.

“Kailangan ko na umalis.” She can't trust him. Sa ngayon ay sarili niya lang ang pwede niya asahan.

Tumayo siya at akmang bubuksan ang pintuan, pero mabilis iyong sinipa ni Damian para isarado.

“Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?” malademonyong bulong ng lalaki. “O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?”

Napalunok si Alina nang maramdaman ang init ng hininga ni Damian sa kanyang batok.

Dahan-dahan siyang bumalik sa kinauupuan kanina. “S-Salamat… Salamat sa pagtago mo sa akin—”

“I don't accept a simple thank you.” Mas lalo pa itong ngumisi sa kanya.

“A-Ano… bang gusto mo?” Nanginginig ang boses niya, hindi dahil sa galit kundi sa takot. “Pera? Wala akong pera! Nakita mo naman na hinahanap ako ni Santino—sa tingin mo ba magagamit ko pa ang pera niya na nasa account ko?” Sunod-sunod niyang wika, hinahabol ang hininga. Gusto niyang tumakbo, pero hindi siya makagalaw.  

“Maski maghubad pa ako sa harapan mo ngayon, wala kang makikitang pera sa akin.” Nangingilid ang luha niya, pero pilit niyang pinipigilan.

"Wow. Your suggestion sounds interesting.”

Namilog ang mga mata niya, biglang nag-init ang pisngi. "I-I... didn't mean that! It was sarcasm!" Nag-iwas siya ng tingin kay Damian.

"But I found it fascinating, Mrs. Montenegro. Your suggestion is okay with me."

Hindi nakasagot si Alina sinabi ni Damian.

Seryoso ba talaga ang lalaking ito or pinagtitripan siya nito?

"Think about it. We can put it in a contract. I'll ask my lawyer to work on the probation… You in my bed in return for your safety from your husband.”

Isang kahibangan ang gusto ni Damian. Hindi makapaniwala si Alina sa mga lumalabas sa bibig nito. Totoo nga ang balibalita na hindi mo gugustuhin makaharap ang isang Damian Velasco.

Pero sa sitwasyon niya ngayon, wala siyang pupuntahan. Wala siyang malalapitan na kahit sino. Makapangyarihan si Santino at alam niyang gagawin nito ang alam para mahuli siya. Ang kailangan niya ngayon ay isang taong makapangyarihan din na kayang tapatan ang meron si Santino.

Si Damian lang ang kilala niya na kayang gumawa ng bagay na iyon.

Napakuyom siya ng palad, pinipigilan ang panginginig ng buong katawan. Alam niyang wala na siyang ibang paraan—ito lang ang tanging paraan para mabuhay. Ang ideya ng pagsuko kay Damian ay nagpapaikot ng sikmura niya, pero mas matindi ang galit na nararamdaman niya kay Santino.  

Huminga siya nang malalim, pilit pinapanatag ang sarili bago marahang iniangat ang tingin sa kanya. Walang bahid ng emosyon ang mukha niya, pero sa loob-loob niya, naglalaban ang takot at poot.  

“Pumapayag na ako.” Mahina pero buo ang boses niya, pilit na hindi ipinapakita ang panghihina. “Pero gusto kong pakasalan mo ako at bigyan ng bagong pangalan. Palabasin mo na namatay si Alina Montenegro sa isang aksidente. Pabagsakin mo si Santino—” Tumigil siya sandali, sinusukat ang reaksyon ni Damian. “—and I can be whatever you want me to be. Your bed warmer, name it.”

Nanginginig ang puso niya sa kaba, pero sa likod ng takot, may apoy ng paghihiganti na unti-unting nagliliyab

Related chapters

  • The Rival's Mistress    Chapter 2

    Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Rival's Mistress    Chapter 3

    Kinabukasan ng araw na iyon, sinabi ng pulis na may koneksyon kay Damian na pumunta si Santino sa presinto para magpaalam na kukunin ang pekeng bangkay ni Alina. Sigurista si Santino, pero matalino si Damian. Hinayaan ng mga pulis si Santino na kunin ang pekeng bangkay para ipa-DNA test, at lumabas iyon na positive. Nabayaran ni Damian ang doktor na nagsagawa ng DNA test, kaya naman lumabas na si Alina nga ang namatay sa sasakyan at nahulog sa bangin. “Ma’am Ivana, ipinadala po ni Sir Damian,” wika ng isang kasambahay habang bitbit ang tray na may kahon ng alahas. “Ilapag mo na lang sa kama.” Sinulyapan ni Alina ang kasambahay mula sa salamin. “Parating na ba si Damian?” Nasa opisina ngayon si Damian para hanapin ang board at pakinggan ang mga bagong plano ng department team. Kadalasan ay umuuwi ito ng hatinggabi. Para lang silang mag-asawa ni Santino. Aalis si Santino ng umaga at uuwi ito kapag tulog na siya. Gano’n din si Damian, pero ang pinagkaiba nila ni Santino ay kahi

    Last Updated : 2025-02-27

Latest chapter

  • The Rival's Mistress    Chapter 3

    Kinabukasan ng araw na iyon, sinabi ng pulis na may koneksyon kay Damian na pumunta si Santino sa presinto para magpaalam na kukunin ang pekeng bangkay ni Alina. Sigurista si Santino, pero matalino si Damian. Hinayaan ng mga pulis si Santino na kunin ang pekeng bangkay para ipa-DNA test, at lumabas iyon na positive. Nabayaran ni Damian ang doktor na nagsagawa ng DNA test, kaya naman lumabas na si Alina nga ang namatay sa sasakyan at nahulog sa bangin. “Ma’am Ivana, ipinadala po ni Sir Damian,” wika ng isang kasambahay habang bitbit ang tray na may kahon ng alahas. “Ilapag mo na lang sa kama.” Sinulyapan ni Alina ang kasambahay mula sa salamin. “Parating na ba si Damian?” Nasa opisina ngayon si Damian para hanapin ang board at pakinggan ang mga bagong plano ng department team. Kadalasan ay umuuwi ito ng hatinggabi. Para lang silang mag-asawa ni Santino. Aalis si Santino ng umaga at uuwi ito kapag tulog na siya. Gano’n din si Damian, pero ang pinagkaiba nila ni Santino ay kahi

  • The Rival's Mistress    Chapter 2

    Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n

  • The Rival's Mistress    Chapter 1

    Pagod na pagod at walang tigil sa pagtakbo si Alina Montenegro habang tinatakasan ang mga tauhan ng kanyang asawa. Gusto siyang ipapatay ng asawa niyang si Santino Montenegro. Gusto siya nitong pagbayarin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.Nang nalaman ni Alina na may babae si Santino at matagal na pala siya nitong niloloko ay kinompronta niya ito. Pero isang divorce paper ang itinapon ni Santino niya sa harapan niya.“Sign this divorce paper at umalis ka na! Tatlong taon na tayo mag-asawa pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak, Alina!” Iyon ang mga katagang binitawan ni Santino kaninang umaga. "Hindi ko kailangan ng isang babaeng baog!"Sa kagustuhan ni Alina maisalba ang marriage nilang dalawa ni Santino ay nakipagkita siya sa sekretarya nitong si Donna, na siya ring kabit ni Santino. Kaya pala parating magkasama ng dalawa kahit araw ng Sabado at Linggo dahil may ginagawang milagro ang dalawa.Gayun pa man, nakiusap pa rin si Alina kay Donna layuan nito si Santino, pero nag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status