"Sign the divorce papers, Harper. This is it. Tigilan na natin ito. I’m sorry, pero hanggang dito na lang tayo."
Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Brent. Hindi ko akalain na sa araw na ito guguho ang mundo ko. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito. Hindi ako nakasagot at nanlalaki ang mga mata na nakatitig na lamang ako sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito.
Saan ito nanggaling? Maayos naman ang pagsasama namin bilang mag-asawa, pero bakit bigla na lamang na humihingi siya ngayon ng divorce?
"A-ano ang ibig sabihin nito, Brent?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya.
"Divorce. I want a divorce." Walang ka-emo-emosyon na sagot niya sa akin.
Unti-unti na pumatak ang luha ko. Hindi pala ako nagkamali nang narinig. Divorce, tama ito ang narinig ko sa unang beses at ito pa rin ang salita na rumehistro sa utak ko sa pangalawang beses niya na pagsabi nito.
"Divorce? Bakit? May problema ba tayo, Brent? Bakit bigla-bigla naman yata ito?" Sa mga oras na ito isa lang ang tumatakbo sa isip ko: Sana isang panaginip lamang ang lahat ng ito; sana magising na ako sa bangungot na ito.
"Matagal na tayo na may problema, Harper, kaya maghiwalay na tayo. Pirmahan mo na ang mga papeles na ito para maging pinal na ang lahat sa atin."
Muli niya na inilapit sa akin ang mga dokumento, pero tinitigan ko lamang iyon sa aking harapan. Wala akong lakas na basahin ito o kahit hawakan pa. Pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay unti-unti na masisira ang natitira na sanidad na mayroon ako.
"May problema tayo? Kailan pa? Ba-bakit hindi ko ito alam? Ano ang problema? Ayusin natin ito, Brent. Hindi solusyon ang paghihiwalay at lalo na hindi solusyon ang diborsiyo." Pagmamakaawa ko pa habang patuloy ang paglagaslas ng mga luha sa aking mata.
"Matagal na tayo na may problema, Harp. Hindi mo lang hinaharap, pero ito ang katotohanan. I’m sorry, hindi ko gusto na umabot sa ganito pero hanggang dito na lang tayo. I love someone else."
Lalo ako na nagulat nang marinig ang huling bahagi nang sinabi niya. May mahal na siya na iba? Sino? Bakit? Saan ako nagkulang?
"Ano? Ma-may mahal ka na iba? Bakit? Nagkulang ba ako? May mali ba ako? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? Bakit, Brent? Bakit!?"
"I’m sorry, Harper. Hindi ko sinasadya pero nangyari. Hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa kan'ya pero ‘yon ang katotohanan, nahulog na ako sa kan'ya."
Nagkakagulo ang utak ko. Hindi ko malaman kung tama ang mga naririnig ko. Ang alam ko lang ay hindi na niya ako mahal at may iba na siya. Ito ang lubos na nagpapasakit sa puso at damdamin ko.
"How could you? I gave up everything for you. Lahat ng gusto mo ay ginawa ko. I made you my world, even my whole universe, tapos sasabihin mo lang sa akin na may iba ka nang mahal?"
"Ano ang gusto mo, Harper, patuloy tayo na maglokohan? Patuloy ko na pilitin ang sarili ko na makisama sa’yo? Patuloy ka na papaniwalain na mahal pa rin kita kahit na alam ko sa puso ko na may iba nang nagmamay-ari nito?"
"No, Brent, don’t do this. Ayusin natin ito. Let’s try to make this work. We can make this work. We love each other, Brent. Please, Brent."
"Matagal na ako na may mahal na iba, Harper. Hindi ko na kaya na dayain pa ang sarili ko. Hindi mo ba napapansin na hindi na ako ginaganahan sa’yo? Dahil ‘yan sa may iba na ako. Halos isang taon ko nang niloloko ang sarili ko at pinapapaniwala na baka sakali na isa lang itong phase ng pagloloko. Pero hindi, dahil nang papiliin niya ako ay naramdaman ko na siya ang hindi ko kaya na mawala sa akin. I can’t let her go. So, sign the divorce papers."
"No. I won’t sign it, Brent. I won’t." Pagmamatigas ko pa sa kanya.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya nang magmatigas ako na pumirma sa divorce agreement na iyon. "Ano ang gusto mo? Pera? Itong bahay? Name it, Harper, and I’ll give it to you. Parte ng kita sa kumpanya? Sige, isasama ko iyan, just sign the divorce papers."
"I can’t, Brent. I can’t do it. I can’t let you go. I love you so much, Brent. Please don’t leave me. Gagawin ko ang lahat, just please, ayusin natin ito."
"Hindi na natin ito maaayos, Harper. We can never go back to what we were before. Mahirap ba na intindihin na hindi na ikaw ang mahal ko?" Inis na turan niya sa akin habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"But why? Bigyan mo ako ng rason, Brent. Give me a reason, not an excuse, to get out of this marriage. I need a valid reason, kailangan ko maintindihan kung bakit gusto mo na talikuran ang kasal na ito. Kailangan ko ng rason kung bakit ang dali para sa'yo na itapon ang lahat-lahat. Bakit ang bilis-bilis mo na sumuko?"
"You want the truth? Fine, I’ll give you the truth. You don’t excite me anymore, Harper. I don’t feel satisfied with you anymore. Nang may matikman ako na iba ay nagsawa na ako sa’yo. You bore me. I don’t get the same stimulation I get from her from you. It’s just different." sigaw niya sa akin.
"What?" bulong ko. Hindi ko alam kung tama ang intindi ko sa sinabi niya. So this is all about sex? Just about sex, then we end up talking about divorce?
"Don’t keep asking questions, Harper. Masasaktan ka lang."
"So this is just about sex? You’re divorcing me just because of sex!?" sigaw ko rin sa kan'ya.
"Yes! You’re just too frigid. Wala pa nga tayong anak pero wala ka na rin na ka-rea-reaksyon sa kama. You don’t want to experiment; you don’t want to try new things. You’re boring me."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko mapaniwalaan na sex lamang ang dahilan kaya siya nagkakaganito. Almost three years of marriage, ngayon ay gusto niya na makipaghiwalay dahil lang may iba na nakakapagpa-excite sa kan'ya sa sex?!
"Making love is different from having sex, Brent."
"Fucking and having sex with Elise is synonymous with love for me." sigaw pa niya muli sa akin.
At doon nalaglag ang puso ko sa pangalan na binanggit niya.
"Elise?! Si Elise?"
Ang kabit niya ay si Elise, ang best friend ko.
---
"Beb, buti naman at dinalaw mo ako ngayon. Akala ko ay matatapos na naman ang bakasyon ko pero hindi mo pa ako dadalawin." Ito ang nakangiti na bungad sa akin ni Elise nang bisitahin ko siya sa condo unit niya.
"Sobra ang busy mo sa nakalipas na mga araw at hindi kita mahagilap kahit naka-break ka." Sagot ko sa kan'ya habang dumiretso ako ng upo sa sala niya.
"Aww, sorry, beb, nag-out of town ako last week. Alam mo naman, I need my beauty rest, lalo na at sasabak ulit ako sa runway." Nakangiti pa niya na kuwento sa akin.
Ngiting-ngiti siya habang nagpupuyos ako sa galit sa kan'ya. Hindi ko akalain na ang matalik na kaibigan ko pa ang mismong ahas na sisira sa pagsasama namin ng asawa ko at tutuklaw sa akin ng harap-harapan. Lalo na hindi ko maisip kung bakit si Brent pa. Sa kan'ya ako nagsasabi ng lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Brent, tapos ay aagawin niya lamang sa akin ang asawa ko.
Hindi man tuluyan na inamin ni Brent kahapon kung sino ang Elise na nabanggit niya, ngayon ay siguradong-sigurado na ako. Ang Elise na kabit ni Brent at si Elise Alano na matalik na kaibigan ko ay iisa.
Nagpaalam din si Brent noon isang linggo na may out of town business trip siya. Halos isang buong linggo rin siya na nawala at ayaw ko nang isipin ang mga pinaggagagawa nila na kahalayan sa mga panahon na magkasama sila.
"Huy, beb, ano na ang nangyari sa’yo? Sabi ko ano ang gusto mo na inumin?" Umiling na lamang ako bilang tugon.
Tumayo siya sa pagkakaupo at dumiretso sa bar. Kumuha siya ng isang baso ng alak at humarap siya sa akin upang ialok ang baso na hawak niya habang ngiting-ngiti pa. Sa mga oras na ito ay wala akong iba na gusto na gawin kung hindi ang ilampaso ang mukha niya sa sahig upang maalis ang plastik na pagkakangiti niya.
"By the way, beb, nagpaalam ka ba sa asawa mo na pupunta ka rito?" Tanong pa niya habang umiinom ng alak.
"Hindi." matipid na sagot ko.
Bigla naman siyang humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Why? Trouble in paradise again?" Pang-aasar pa niya. Hindi ako umimik at diretso na tumingin na lamang sa kawalan. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa aking tabi saka yumakap sa akin. "Huy, ano ang nangyari? May problema kayo? Ikuwento mo ‘yan, beb." Pamimilit pa niya.
Lalo nang nag-iinit ang ulo ko kay Elise. Napakagaling niya na magpanggap, at akala mo ay totoo na nag-aalala siya para sa amin, pero sa kaloob-looban niya ay nagdiriwang siya sa saya. "Hindi na. Ok lang ako. Maaayos din namin ito. Kami pa ba?" sagot ko na lamang.
"Ano ba kasi ang nangyari? Hay, beb, bakit hindi mo na lang hiwalayan iyang asawa mo?" Mabilis ako na napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Marahil nahalata niya ang aking naging reaksyon.
"Bakit naman hiwalay agad, beb? Puwede naman na mag-usap muna kami, diba? Alam mo naman kami ni Brent, ganito lang talaga kapag nami-miss namin ang isa’t-isa." sagot ko sa kan'ya.
Napansin ko ang pag-ismid niya sa akin, pero agad niya na binago ang ekspresyon ng kan'yang mukha. "Beb, kung halimbawa na malaman mo na nambababae ang asawa mo, ano ang gagawin mo?" Makahulugan na tanong niya sa akin.
Agad naman ako na humarap sa kan'ya at tinitigan siya sa mata. "Hindi ko alam. Pero ang alam ko hindi ako papayag na mawala sa akin ang asawa ko. Ako ang asawa kaya ako ang may higit na karapatan. At isa pa, ang mga kabit ay pampalipas oras lamang. Ang inuuwian ay ang tunay na asawa pa rin." Sagot ko sa kan'ya na agad na nagpadilim ng pagtingin niya sa akin.
"Beb, maaari na sa asawa nga nauwi, pero ang puso, isip at ang katawan ay nasa ibang babae na. Gugustuhin mo ba 'yon? Ikaw nga ang kasama pero ang buong pagkatao niya ay hindi ikaw ang iniisip at inaalala?"
Alam ko na sa mga oras na iyon ay nagkakaintindihan na kami. Alam ko na alam na niya na alam ko na ang sikreto niya. Ang sikreto nila ng asawa ko.
"Atleast nasa akin pa rin siya. Wala akong pakialam kung ang puso o isipan niya ay nasa iba na. Ang sigurado ako ay init lang ng katawan ang dahilan kaya naliligaw ng landas ang mga lalaki."
"Pathetic!" angas niya sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay saka matapang na sumagot. "Hindi ba at mas pathetic ang mang-agaw ng asawa ng may asawa? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga babae na naaatim na agawin ang hindi sa kanila? Ang dami naman diyan, pero ano ba ang mayro'n sa may-asawa at mayroon nang nagmamay-ari at bakit iyon pa ang gustong-gusto na agawin?"
"Well, hindi mo sila masisisi. Everyone likes challenges; mas patago ay mas nakaka-excite." Sagot pa niya na halata na pinipigil ang galit.
"Baka nga na mas may excitement kapag alam na may inaagaw. Well, sana huwag karmahin ang mga mang-aagaw." Pagkasabi ko no'n ay agad ako na tumayo at nagpaalam. "I’ll get going. See you around, beb."
Nilingon ko siya ng saglit saka ako naglakad papunta sa pintuan, ngunit napahinto ako ng muli siya na magsalita. "Divorce him, Harper!" Matapang na utos niya sa akin.
Nang harapin ko siya ay kita ko ang paniningkit ng mata niya sa akin. "Why would I? Para maging masaya ka?"
"Hindi ka na niya mahal!"
"At sino ang mahal niya, ikaw? Gaano mo nasisiguro na ikaw ang mahal niya?"
"Sign the divorce papers, Harper. Let us be happy. Huwag ka maging selfish at huwag mo ipagkait sa amin ang kaligayahan namin."
"Look who’s talking? Kung pagiging makasarili lang ang pag-uusapan, ikaw na ikaw lang iyon. Sa sobrang makasarili mo nga kahit asawa na ng matalik na kaibigan mo ay nagagawa mo pa na akitin at agawin."
Tumayo siya at lumakad papalapit sa akin. Kitang-kita sa nanlilisik na mga mata niya ang galit sa akin. Matapang ko rin siya na hinarap at tinitigan. "Sign the fucking divorce papers! Ano ba ang kailangan mo para pirmahan mo ang pesteng dokumento na iyon?"
"Pirmahan ko para ano? Para lubusan ka na maging masaya? Isa kang ahas, Elise. Tinuring kita na halos parang kapatid ko na tapos ay ito lang ang igaganti mo sa akin. Marami naman iba riyan, bakit si Brent pa? Maganda ka, sikat, makukuha mo ang lahat ng gustuhin mo pero bakit ang asawa ko pa, Elise, bakit?"
"Dahil asawa mo siya! Gusto ko lahat nang sa’yo ay maging sa akin. Kaya pirmahan mo ang pesteng divorce papers na ‘yan. I won’t stop, Harper, until I get what I want. Masasaktan ka lang kaya ngayon pa lang, save yourself from the hurt. Sign the divorce papers and walk away."
"I won’t!" Pagmamatigas ko pa, pero ang huling sinabi niya ang tuluyan na pumutol sa natitira na pag-asa ko ng pagkakaayos namin ni Brent.
"My baby needs a father, Harper. Buntis ako. Buntis ako kay Brent."
Dalawang salita. Dalawang salita lamang ang tuluyan na nagpaguho ng mundo at pamilya ko. Buntis siya at magiging isang buong pamilya na sila. Ang pinapangarap ko lamang dati ay abot-kamay na ngayon ni Elise. Sobra ang sakit, pero mas masakit na malaman na ang lalaki na ipinaglaban ko sa pamilya ko at ibinigay ko ang lahat ay basta-basta na lamang ako na itatapon. Bitbit ang envelope na naglalaman ng dokumento ay dumiretso ako sa opisina ni Brent. Tinawagan ko kanina ang sekretarya niya upang itanong kung naro’n ba siya at nang malaman ko na nasa opisina siya ay agad ko na inayos ang mga dokumento. Pagkatapos nang pag-uusap namin na iyon ni Elise tatlong araw na ang nakakalipas ay napagdesisyunan ko na tuluyan nang bitawan si Brent. Isusuko ko na ang laban sa taong ayaw na ipaglaban ko siya. Simula rin ng araw na kausapin ako ni Brent na pirmahan ko ang divorce papers ay hindi na rin siya muli na umuwi sa bahay namin. Para akong mababaliw gabi-gabi sa kaka-isip kung kay Elise ba siya
Ang sakit ng katawan ko at para ako na nabunggo ng kotse na hindi ko maintindihan. Ang huli ko na natatandaan ay ang paglalasing ko at ang pagnanais ko na makapunta sa hotel na huling tinuluyan namin ni Brent. Pero ang mga sumunod na ro’n ay ang bola na may ilaw na hindi ko alam kung saan ang tungo kaya kahit ako ay hindi ko alam kung saan direksyon ako pupunta. Hindi ko naman talaga alam saan na ako pupunta matapos ang paghihiwalay namin ni Brent. Hindi naman ako makakauwi sa mga magulang ko sa ngayon hangga’t hindi ko pa naisasaayos ang magulo ko na buhay. Wala rin naman ako na trabaho. May konti ako na ipon pero hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin iyon. Ang aasahan ko na lamang ay ang magiging hatian sa conjugal properties at rights namin ni Brent. Kasalanan lahat ito ni Elise. Ngayon, hindi lamang ako nawalan ng asawa ngunit pati buhay at matitirahan ay wala rin ako. Pinilit ko na galawin ang mga kamay at paa ko pero wala pa akong sapat na lakas upang magawa iyon. Bukod pa
Titig na titig sa akin ang nakakatanda sa dalawang magkapatid na Ruiz at aaminin ko na sobra ang kaba na nararamdaman ko sa mga tingin na iyon. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa palabas ko, o hindi kaya ay sadya na tinatakot niya ako sa mga tingin niya. Pero wala na akong magagawa pa kung hindi ang magtuloy-tuloy na sa pagpapanggap na naumpisahan ko na. Hindi kailanman ako nanggamit ng ibang tao para makuha ang gusto ko, but this time, things will be different. Things will have to change in order for me to survive. I need to survive. At sa labanan ngayon ng buhay, ang mahihina ay ang mga lagi na naaargrabyado at naloloko. And I’ve experienced that, na dahil sa sobrang kabaitan ko at sobrang pagmamahal sa mga tao sa paligid ko ay inisihan nila akong lahat at sinaktan. Once is enough, and two is definitely too much, kaya kailangan ko na patatagin ang sarili ko. I learned the hard way that love isn’t a reason for you to stay together. Regardless of the love that you have, kapag
Ilang araw na rin ako na narito sa mansyon ng mga Ruiz at sa loob ng ilang araw na iyon ay hindi ko na nasilayan pa muli ang magkapatid. Tama nga si Ever nang sabihin niya na hindi sila malimit na nananatili rito. Tangi na mga katulong ang nakakasalamuha ko at ang doktor na tumingin sa akin. Hirap na hirap na nga ako na magpanggap sa doktor na iyon dahil hindi ko alam kung ano-ano ang mga tests na ginagawa niya sa akin at natatakot ako na mabuko niya ang pagpapanggap na ginagawa ko. Hindi maaari na sa ganito ka aga ay masisira na agad ang mga plano ko. Wala pa akong naiisip na paraan para makabawi sa dalawang tao na lubhang nakasakit sa akin, kaya hindi pa puwede na may makaalam na gawa-gawa ko lamang ang lahat ng ito. Kaya naman sa tingin ko rin ay mas kinakailangan ko na i-level up ang pagpapanggap na ginagawa ko na ito. I need to excel in this one job that I've got for myself, para masiguro ang mga susunod na araw ko rito sa mansyon ng mga Ruiz. Ngunit kung paano ko gagawin iyon
Hanggang ngayon ay salubong ang kilay ko at hindi ko maipinta ang mukha ko. Hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang sinabi ng babae na iyon. Fiancé. She thought that I was her fucking fiancé. I don’t know if it was deliberate or not, but she is definitely pissing me off because of that. Noon unang araw pa lang na makita ko siya ay mabigat na ang loob ko sa kan’ya, lalo nang malaman ko na ang pangalan niya ay Harper. I have nothing against women in particular, but I definitely have something against a woman whose name is Harper. At hinding-hindi ko makakalimutan ang galit ko sa babae na iyon na nagngangalan na Harper, because I vow to get revenge on her. Revenge for turning her back on me and for being a money-hungry bitch. At kapag naiisip ko ang mga panahon na ‘yon ay lalo nang nabubuhay ang galit sa akin at ang kagustuhan na balikan ang babae na iyon at gantihan. Bakit nga ba ako galit na galit sa babae na may pangalan na Harper? Because my ex-fiancee’s name was Harper. Harper Merc
"I’m sorry about yesterday, my fiancée." The words he spoke kept repeating in my head, and the kiss we shared kept me from uttering any word. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil sa labis na pagkagulat sa mga nangyari sa pagitan namin ni Evan. Gusto ko na magalit sa kan’ya dahil sa nakaw na halik na iyon, pero hindi ba at ako ang nagsimula no’n? Ako ang nagpanggap na fiancée niya, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya sinasakyan ang kalokohan ko na ‘yon? "Harper?" Tawag niya sa akin habang ang mga kamay ay patuloy sa paghimas sa aking tagiliran. "I’m sorry about yesterday." Pag-uulit pa niya. Nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakaharap sa kan’ya at sunod-sunod na pagtango lamang ang aking nagawa. "Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" Umiling ako sa tanong niya. Sobra na nga ang lapit niya ngunit mas lalo pa siya na lumapit na halos magkadikit na ang aming mga katawan. "Sigurado ka na hindi ka galit?" tanong niya ulit. "D-do you believe me? Naniniwa
"What the hell was that? What is happening, Evan?" Ito ang unang pagkakataon na galit na galit si Ever sa nakatatanda niya na kapatid. Hindi niya maintindihan ang mga eksena na naabutan niya kanina na naghahalikan sina Evan at Harper. Pero ang mas lalo niya na ikinagulat ay nang sabihin ni Evan na fiancée niya si Harper. Evan was fuming mad the day of the accident. Hindi makalimutan ni Ever ang galit na nakita niya sa kapatid niya nang iuwi niya si Harper sa kanilang bahay dahil sa sobrang takot niya dahil nawalan ng malay ang babae. Pero ngayon naman ay tuwang-tuwa ang kapatid niya na ibalita sa kan'ya na engaged sila at mukhang masayang-masaya pa na kahalikan ang babae? "I should be thanking you for that accident, Ever." "What?!" naguguluhan niya na tanong sa kapatid. "I apologize, kung ano man ang mga nasabi ko nang araw na iyon. It was an initial reaction on my part, dahil sa parati mo na pagdadala ng problema sa akin. But this time, brother, hindi problema ang dala mo kung hin
Dahan-dahan na humahagod ang kamay na iyon sa aking tagiliran. The movement was sensual, and it’s igniting something in me. Pinipisil-pisil pa ang beywang ko at patuloy sa paghipo sa akin ang malikot na kamay na iyon. In the midst of my sleep, I feel things, at nabubuhay ang init ng pakiramdam na iyon. Am I having a wet dream? Muli ko na naramdaman ang mainit na kamay na nakapasok na sa ilalim ng damit ko at dahan-dahan na naglaro ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan ko. Napapangiti ako sa sensasyon na idinudulot nito sa akin. "Harper." Napabalikwas ako sa pagbangon nang maramdaman at marinig ang pagbulong na iyon sa aking tainga kasabay nang muli na paghimas sa aking tagiliran. Shit! This is not a dream. Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran ko na katabi ko sa kama si Evan na walang suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lang ang suot. "A-ano ang? What are you doing here?" Nauutal na tanong ko sa kan’ya. Hinatak ko pa ang kumot para ipantakip sa katawan ko. Nangiti nam
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa
Ang sabi nila ang pangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Every woman dreams of having to walk down the aisle to meet the man of her dreams. Most women dream about this, but not all are fortunate enough to be able to experience marriage bliss. At isa ako sa mga babae na iyon: nangarap; naikasal at nasaktan. Isa ako sa hindi sinuwerte noon na mahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking aking pinakasalan, pero hindi huminto ang pangarap ko na iyon dahil lamang sa sakit na aking naranasan. Patuloy ako na umasa na isang araw ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. Nang unang beses kami na maikasal ni Brent ay halo-halo ang mga emosyon ko: Joy, sadness, excitement, and even anxiety. Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, pero malungkot ako dahil nang ikasal kami ay walang ibang tao na nakisaya sa pag-iisang dibdib namin na iyon. It was a secret marriage because it was a decision that had not been carefully thought of. Ang alam lang namin ay mahal namin
"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t you read between the lines? I honestly just want to make sure that you are ready for anything that’s about to happen, just in case. Hindi man tayo sigurado na darating siya, pero handa ka ba na maging
Pangisi-ngisi sa akin ang magkapatid na sina Evan at Ever habang magkakaharap kami ngayon dito sa may patio. Kasama rin namin si Clarise ngayon at simula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin upang simulan ang pag-uusap na ito. I was rooted to my place when I heard what Clarise had to say earlier. Hindi ako nakahuma kaya naman inabutan kami ng magkapatid habang titig na titig lamang kami ni Clarise sa isa't-isa. And when Evan arrived, the first thing he did was walk straight to me and hug me, and once again I was left speechless. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas sa silid kanina upang harapin silang lahat kahit na ang nais ko na lamang talaga na mangyari ay ang sana bumuka ang lupa at kunin na lamang ako nito. Hiyang-hiya ako sa inasta ko at sa mga nasabi ko, lalo na kay Clarise. But then again, in my defense, I don’t know her. I don't know who she is or her connections with these two brothers. And yet, in her defense as well, she tried to