"I’m sorry about yesterday, my fiancée."
The words he spoke kept repeating in my head, and the kiss we shared kept me from uttering any word. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil sa labis na pagkagulat sa mga nangyari sa pagitan namin ni Evan.
Gusto ko na magalit sa kan’ya dahil sa nakaw na halik na iyon, pero hindi ba at ako ang nagsimula no’n? Ako ang nagpanggap na fiancée niya, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya sinasakyan ang kalokohan ko na ‘yon?
"Harper?" Tawag niya sa akin habang ang mga kamay ay patuloy sa paghimas sa aking tagiliran. "I’m sorry about yesterday." Pag-uulit pa niya. Nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakaharap sa kan’ya at sunod-sunod na pagtango lamang ang aking nagawa.
"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" Umiling ako sa tanong niya. Sobra na nga ang lapit niya ngunit mas lalo pa siya na lumapit na halos magkadikit na ang aming mga katawan. "Sigurado ka na hindi ka galit?" tanong niya ulit.
"D-do you believe me? Naniniwala ka ba na fiancé kita?" Ako naman ang nagbalik ng tanong sa kan’ya kaya mabilis naman na nagbago ang ekspresyon niya sa akin.
"Frankly, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa’yo. You woke up without even remembering anything about me. Kahit na pilitin kita na alalahanin ang pamilya mo at ako na boyfriend mo ay hindi mo magawa. And it hurts me so much, masakit na hindi mo ako naalala agad." Ang kanina na malambing na boses niya ay napalitan nang pagkayamot sa akin.
"I-I’m trying to remember things, but I can’t. Kung naniniwala ka ay bakit mo ako gusto na paalisin dito? Why are you willing to let me go, kahit na alam mo na may sakit ako? Hanggang do’n lamang ba ang pagmamahal mo sa akin? Just because I forgot about you, hahayaan mo na lamang ako sa buhay ko?" May panunumbat na balik ko sa kan’ya.
I need to make him feel that I am not stupid enough, at kung kaya niya ako na paghinalaan ay iyon din ang gagawin ko sa kan’ya. This is a game and a challenge that I both have to win.
Huminga siya ng malalim at hinimas pa ang pisngi ko. "I’m sorry, Harper. I have no intention to do that. Hindi ko plano na tuluyan ka na paalisin. Sinusubukan ko lamang kung hanggang saan ang mga bagay na naaalala mo."
"Bakit ilang araw mo ako na hindi pinuntahan?" Pilit ko na pinapalabas na nagtatampo ako sa mga naging pagtrato niya sa akin sa mga nakalipas na araw.
"Naging abala ako sa trabaho at inasikaso ko pa ang estado mo. Kinailangan ko na siguruhin kay doc na ayos ang lagay mo. Idagdag pa ro’n ang sandamakmak na trabaho na mayro’n ako. Pero gabi-gabi kita na sinisilip sa kuwarto mo. I’m checking if everything is okay with you."
"I’m sorry, pasensya ka na at hindi agad kita naalala. Sorry kung tuluyan na na-blangko ang memorya ko at tanging pangalan ko lamang ang natatandaan ko. Pero natatandaan na kita ngayon, I can see glimpses of our past together."
Nangunot ang noo niya, "Really? Naaalala mo na ang mga nakaraan natin dalawa?" Tumango ako sa tanong niya na iyon. Kailangan ko na magpanggap na may bahagi na ng nakaraan namin ang naaalala ko na. "But you still have a lot of explaining to do, Harper." Matigas na salita pa niya sa akin.
Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Bawat buka ng bibig ni Evan at bawat mga salita na namumutawi sa kan’yang labi ay naghahatid sa akin ng milya-milya na kaba. Hindi ko masabi kung pinaghihinalaan na ba niya ako o sinasakyan niya lamang ako dahil sa alam niya na may amnesia ako.
"Explain?"
"Yes, but let’s not talk about that right now. Ang mahalaga sa akin ay naaalala mo na ako. I am so fucking worried about you, kaya gano’n na lamang ang galit ko kay Ever." Muli siya na lumapit sa akin at itinaas ang mukha ko upang magtapat ang paningin namin dalawa. Tinititigan niya ang mga mata ko habang patuloy sa paghimas sa pisngi ko.
"I miss you, mi amore." Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na sagutin ang sinabi niya dahil muli na naman na sinakop ng labi niya ang labi ko. "Kiss me, Harper. I miss your kisses so fucking much." Pag-utos pa niya sa akin sa gitna ng kan'yang paghalik sa akin.
Naghuhurumentado ang isip ko. Kailangan ko na gawin ang sinabi niya upang hindi niya ako tuluyan na paghinalaan. At sa kabila ng pagdagundong ng puso ko ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa kan’yang leeg at tumugon sa mga halik niya. Hindi maitatanggi ang reaksyon ng kan’yang katawan sa pinagsasaluhan namin na halik. Patuloy na naba-blangko ang isip ko dahil sa padiin nang padiin na halik na ibinibigay sa akin ni Evan.
Gumagapang ang kamay niya at patuloy nito na hinihimas ang tagiliran ko. Idinikit pa niya ako sa katawan niya at hindi tumitigil sa pagpupog sa akin ng mga halik kaya naman ramdam na ramdam ko ang nagigising niya na pagkalalaki.
"Evan." Ang tawag ko na iyon sa pangalan niya upang sana ay pigilan ang mga halik na pinagsasaluhan namin ay lumabas sa paraan na pag-ungol ko sa pangalan niya. Dahil dito ay mas lalo siya na ginanahan sa ginagawa namin at mas lalo na dumiin ang mga halik niya at pinagapang pa niya iyon sa aking leeg.
"Fuck!" mahina na mura pa niya.
"E-Evan, baka dumating si Ever." Sinubukan ko muli na pigilan siya. Hindi maaari na may mangyari sa pagitan namin dalawa. Hindi maaari na madala ako dahil lamang sa mga paghalik.
"Let’s take this to my room, mi amore," he whispered seductively in my ear.
Nanlalambot ako sa ginagawa niya sa akin. Matagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong init sa aking katawan na dala ng isang lalaki. Things with Brent are different. At ngayon na mga halik pa lamang ni Evan ay nakakalimot na ako sa misyon na mayro’n ako, ay hindi ko na alam kung hanggang saan ako tatagal bago tuluyan na bumigay sa nais niya.
"No." Pilit ko na pinaglalabanan ang tawag ng laman na nararamdaman ko.
"Harp, I miss you and I need you. I need my release; ilang araw na rin ako na nagpipigil sa’yo dahil nais ko na maalala mo muna ako bago kita angkinin muli." Bulong pa niya sa tainga ko.
Libo-libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan at pinanindigan ako ng balahibo. This is just lust that I am feeling, at hindi makakatulong ito sa mga plano ko kung magpapatalo ako sa pagnanasa na aking nararamdaman.
Or maybe it can? Maybe it can help me with my revenge plan. Pero ganon na ba ako ka-desperada na makapaghiganti na ultimo sarili ko na katawan ay gagamitin ko? But do I have a choice? I told him he was my fiancé. Goodness, Harper! Ano na ba ang ginagawa mo sa sarili mo? You’re trying to ruin yourself just to get back at Brent. But am I really ruining myself, or am I making myself stronger? I am recreating myself to get a better version of who I am.
"Harper." Bulong muli ni Evan sa akin na sadya pa na pinadikit ang kan’yang labi sa aking tainga. Naramdaman ko pa ang pagtaas ng kamay ni Evan papunta sa aking beywang at patuloy na tumataas iyon sa bawat halik na iginagawad niya sa akin leeg at tainga.
"Shit! Okay! What is this all about? Did I miss something?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Ever.
Pilit ako na kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Evan pero mas lalo lamang niya na hinigpitan ang kapit niya sa akin. Humarap siya sa kan’yang kapatid at sinalubong niya ang mga nagtatanong na mata ni Ever.
"Ever, she remembered. My fiancée already remembered me."
"What?!"
"What the hell was that? What is happening, Evan?" Ito ang unang pagkakataon na galit na galit si Ever sa nakatatanda niya na kapatid. Hindi niya maintindihan ang mga eksena na naabutan niya kanina na naghahalikan sina Evan at Harper. Pero ang mas lalo niya na ikinagulat ay nang sabihin ni Evan na fiancée niya si Harper. Evan was fuming mad the day of the accident. Hindi makalimutan ni Ever ang galit na nakita niya sa kapatid niya nang iuwi niya si Harper sa kanilang bahay dahil sa sobrang takot niya dahil nawalan ng malay ang babae. Pero ngayon naman ay tuwang-tuwa ang kapatid niya na ibalita sa kan'ya na engaged sila at mukhang masayang-masaya pa na kahalikan ang babae? "I should be thanking you for that accident, Ever." "What?!" naguguluhan niya na tanong sa kapatid. "I apologize, kung ano man ang mga nasabi ko nang araw na iyon. It was an initial reaction on my part, dahil sa parati mo na pagdadala ng problema sa akin. But this time, brother, hindi problema ang dala mo kung hin
Dahan-dahan na humahagod ang kamay na iyon sa aking tagiliran. The movement was sensual, and it’s igniting something in me. Pinipisil-pisil pa ang beywang ko at patuloy sa paghipo sa akin ang malikot na kamay na iyon. In the midst of my sleep, I feel things, at nabubuhay ang init ng pakiramdam na iyon. Am I having a wet dream? Muli ko na naramdaman ang mainit na kamay na nakapasok na sa ilalim ng damit ko at dahan-dahan na naglaro ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan ko. Napapangiti ako sa sensasyon na idinudulot nito sa akin. "Harper." Napabalikwas ako sa pagbangon nang maramdaman at marinig ang pagbulong na iyon sa aking tainga kasabay nang muli na paghimas sa aking tagiliran. Shit! This is not a dream. Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran ko na katabi ko sa kama si Evan na walang suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lang ang suot. "A-ano ang? What are you doing here?" Nauutal na tanong ko sa kan’ya. Hinatak ko pa ang kumot para ipantakip sa katawan ko. Nangiti nam
Mabilis na lumilipas ang mga linggo at halos mag-ta-tatlong buwan na rin yata ako na nasa poder ng magkapatid na Ruiz. I can’t say that pretending to have amnesia was the best thing that I ever did, but it was the most helpful plan I’ve had in a while. At sa patuloy ko na pagpapanggap bilang fiancée ni Evan ay mas marami ako na nadidiskubre patungkol sa sarili ko. Evan is making me realize things that I have tried to ignore during my marriage with Brent. At ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na pinilit ko na ipagpalit para lamang maipakita ko ang pagmamahal ko sa lalaking sinumpaan ko na makakasama ko habang buhay. I forgot about myself when I was with Brent. And now, it feels good to be able to do things for myself once in a while. Ngayon lamang, pagkatapos ng ilang taon na muli ko naramdaman na sarili ko naman ang isipin ko at hindi ang ibang tao. I’ve been experiencing a lot of changes because of Evan, and I like the changes that are happening. "Umuwi ako ng maaga, and you k
"Ano ang sinabi mo?" Nanggigigil na tanong ko kay Ever matapos ako na sumunod sa kanila. "Brent Torres is here." Sagot niya sa akin na may halo rin na panggigigil. Bumaling ako kay Tof na salubong na salubong ang aking kilay. "What is the fucker doing here?" "Chill and relax, dalawang Ruiz. I just found out some new information. Mga bagay na sigurado ako na ikakatuwa mo, Evan." sagot niya pa sa akin. "Start talking." "I need to tell you that this additional information came in late, kaya huwag ka nang magwala pa sa akin kung bakit ngayon ko lang ito maire-report." "Go straight to the point, Tof." Masungit na utos ko pa. I don’t have the patience to wait for anything, kaya nga isang malaking milagro rin para sa akin na pinapalusot ko ang pagtanggi ni Harper Mercader sa mga nais ko. I wanted so much to fucking take her, pero kapag nakikiusap na siya sa akin na hindi pa siya handa ay lintik talaga at nagsasariling-sikap ako. Things that I didn’t do before, ginagawa ko ngayon dahil
The supposed business get-together for those in the business circle and the elite classes turned out to be an engagement announcement. At ang lahat ay hindi makapaniwala sa naging anunsyo na iyon. Evan Ruiz, the most eligible bachelor, is already engaged. Marami ang nadismaya na kababaihan na umaasa na masusungkit ang pihikan na bilyonaryo, at mas lalo na hindi nila inaasahan na sa bitag ng isang Mercader siya mahuhulog. The Mercaders are rich, but they do not belong to the Elite circle. Marami ang nagtaasan ng kilay sa anunsyo, but when they came to see Harper Mercader that same night of the party, lahat sila ay napahiya. She may not belong to the elite circle, but she definitely won the billionaire’s attention because of her elusive beauty and grace. And Evan cannot be happier with how everything turned out to be in his favor. Ngayon na unti-unti niya nang na-i-set ang mga plano niya magiging madali na ang lahat. All he has to do is wait. Wait until he can reap the fruits of his ha
Hindi ako mapakali at patuloy ako na palakad-lakad sa silid namin ni Evan. Kabadong-kabado ako at pinagpapawisan ako sa kabila ng malakas na aircon. I received a text from Evan earlier today, and the message is something for which I am not prepared. "Mi amore, I’m coming home early. The countdown ends tonight, baby, and I can’t fucking wait to have a taste of you." Halos makabisado ko na yata ang mensahe na iyon ni Evan simula nang mabasa ko iyon kanina. I am not sure if I am ready to even sacrifice myself just for my revenge, pero makakatanggi pa ba ako? Makaka-iwas pa ba ako? I know I am not a virgin anymore, pero ilang buwan na rin simula nang maghiwalay kami ni Brent, and I never get intimate with anyone else. And when I said intimate, I meant that I never had sex aside from with my husband. Si Brent pa lamang ang una at huli na lalaki na nakaniig ko ngunit mukhang maiiba na ang lahat. Dahil ngayon, sa gabi na ito, ay mababago ang lahat ng iyon. I will give myself to my pretend
Mainit ang ulo ni Brent Torres sa kan’yang opisina. Ilang araw na rin siya na nanggigigil at naiinis. He wasn’t expecting to see Harper again. He wasn’t expecting to see her beside Evan Ruiz, the egocentric and self-centered billionaire. Pero ang mas lalo na ikinagulat niya ay ang makita ang ibang-iba na itsura ng kan’yang dating asawa. Harper is so fucking sexy and classy. Kung ikukumpara niya ngayon si Harper kay Elise ay mas lamang na lamang na ang dati niyang asawa. Hindi niya alam kung paano nangyari na ang dating losyang at walang kaayos-ayos na si Harper ay napaka-elegante at parang isang modelo na rin ngayon. Daig pa nga ang isang modelo sa kan'yang ayos at pananamit. When he saw his ex-wife again, it seemed like he went back into the past. Sa mga panahon na pinag-aagawan pa si Harper at napakasuwerte niya na siya ang pinili nito at pinakasalan. He loved her so much, and they married secretly, dahil alam nila na hindi papayag ang mga magulang ni Harper na magpakasal siya agad
Buong gabi na nakapulupot ang bisig ni Evan kay Harper. Buong gabi rin na maya’t-maya ang bulong niya sa babae. And right at this moment, Evan is hitting two birds with one stone. And he is rejoicing in that victory, hindi pa man siya lubusan na nakapagsisimula. Kitang-kita niya kung paano naaapektuhan si Harper sa mga paglalandi na ginagawa niya rito. Evan can easily capture Harper’s innocence with his vulgar and lustful words. At hindi mahirap gawin ang mga bagay na iyon dahil totoo naman na nakakabuhay ng pagkalalaki ang ayos at dating ni Harper. And seeing her like this makes Evan want to play with her all the more in bed all night long. At dahil hindi mapigilan ni Evan ang kan’yang sarili pagdating kay Harper ay lalo rin naman ang galit na nabubuhay kay Brent Torres habang tinatanaw buhat sa malayo ang dating asawa na kasama si Evan Ruiz. He is fuming mad, dahil kitang-kita niya ang epekto ni Evan Ruiz kay Harper. Evan’s simple touches can ignite a reaction in Harper, at hindi n
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa
Ang sabi nila ang pangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Every woman dreams of having to walk down the aisle to meet the man of her dreams. Most women dream about this, but not all are fortunate enough to be able to experience marriage bliss. At isa ako sa mga babae na iyon: nangarap; naikasal at nasaktan. Isa ako sa hindi sinuwerte noon na mahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking aking pinakasalan, pero hindi huminto ang pangarap ko na iyon dahil lamang sa sakit na aking naranasan. Patuloy ako na umasa na isang araw ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. Nang unang beses kami na maikasal ni Brent ay halo-halo ang mga emosyon ko: Joy, sadness, excitement, and even anxiety. Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, pero malungkot ako dahil nang ikasal kami ay walang ibang tao na nakisaya sa pag-iisang dibdib namin na iyon. It was a secret marriage because it was a decision that had not been carefully thought of. Ang alam lang namin ay mahal namin
"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t you read between the lines? I honestly just want to make sure that you are ready for anything that’s about to happen, just in case. Hindi man tayo sigurado na darating siya, pero handa ka ba na maging
Pangisi-ngisi sa akin ang magkapatid na sina Evan at Ever habang magkakaharap kami ngayon dito sa may patio. Kasama rin namin si Clarise ngayon at simula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin upang simulan ang pag-uusap na ito. I was rooted to my place when I heard what Clarise had to say earlier. Hindi ako nakahuma kaya naman inabutan kami ng magkapatid habang titig na titig lamang kami ni Clarise sa isa't-isa. And when Evan arrived, the first thing he did was walk straight to me and hug me, and once again I was left speechless. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas sa silid kanina upang harapin silang lahat kahit na ang nais ko na lamang talaga na mangyari ay ang sana bumuka ang lupa at kunin na lamang ako nito. Hiyang-hiya ako sa inasta ko at sa mga nasabi ko, lalo na kay Clarise. But then again, in my defense, I don’t know her. I don't know who she is or her connections with these two brothers. And yet, in her defense as well, she tried to