Home / Romance / The Ring of Truth and Lies / KABANATA 1 (When she hit rock bottom)

Share

The Ring of Truth and Lies
The Ring of Truth and Lies
Author: MZTERIOUS

KABANATA 1 (When she hit rock bottom)

Author: MZTERIOUS
last update Last Updated: 2022-02-01 11:47:26

“Naka-aawa naman ang mag-ina, maagang na-ulila ng padre de pamilya.” Narinig n’yang bulong ng isang ginang sa kanyang kausap.

“Oo nga, at napakabata pa rin naman ng ina.” Sagot ng kausap nito, at sabay na tumingin ito sa kanya na puno ng awa sa mukha. Pagkaraa’y idinako ang tingin sa lalaking nakahimlay sa kabaong at wala ng buhay. Ilang sandal pa ay lumapit sa kanya ang dalawang ginang at nagpahatid ng kanilang pakikiramay, tska lumakad palayo.

Hindi na nya ito binigyan pa ng pansin at nagpatuloy lang sa pagtitig sa kabaong ng kanyang namayapang asawa.

“Andrei, ano na ang magiging kapalaran namin ng anak mo ngayon? Saan kami lalapit. Alam mo naman ang sitwasyon ng mga magulang natin, hindi ko kayang ipaubaya sa kanila si Nigel. Bakit mo kailangan umalis ng wala man lang naiiwan na kahit ano para sa amin ng anak mo?” Bulong nya sa bangkay ng kanyang asawa. Wala na ni isang patak pa ng luha ang makikita sa kanyang mga mata. Para bang lahat ng natitirang emosyon sa kanyang sistema ay naglaho kasabay ng pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay.

Nasa ganoong kalagayan sya nang may bigla na lamang humila ng marahan sa kanyang suot na damit. Nakita nya ang kanyang anak na may hawak na isang kendi sa kamay at nakangiti sa kanya habang pupungas-pungas ang mapupungay na mga mata, hudyat na inaantok na ang munting bata.

“Antok ka na ba Nigel? Pasensya na kung hindi kita masyadong naasikaso kanina ha? May mga ginawa lang si mama. Tara na, linisan na kita para makatulog ka na.” Malambing n’yang sagot sa anak at inakay ito papasok sa kanilang maliit na bahay.

“Lena, maari bang dito ka muna sa pwesto ko saglit, at lilinisan ko lamang si Nigel upang mapatulog ko na?” Pakisuyo nya sa dalagitang kapitbahay nila na madalas makipaglaro sa kanyang anak.

“Sige po ate Glay, goodnight Nigel.” Nakangiting tugon nito na dinaluhan muna ng halik sa pisngi si Nigel bago umupo sa tabi ng kabaong ni Andrei.

Habang nililinisan ni Glayscent ang kanyang anak ay bigla na lamang n’yang narinig ang kaptid ng kanyang asawa.

“Ano na ngayon ang plano mo sa buhay Glay? Huwag mong sabihin na ipaa-ako mo ang responsibilidad ng pag-aalaga sa anak mo kay nanay. Aba, isipin mo naman ang kalagayan nya. Marami na s’yang inaalagaang apo. ‘Wag mo na sanang dagdagan pa ang alagain nya.” Singhal nito sa kanya ngunit sa paraang sila lamang dalawa ang magkakarinigan.

Nag-iinit ang kanyang mukha sa galit, talagang ini-itsapwera sila ng mga kapatid nito. Palibhasa ay si Andrei ang halos bumuhay sa pamilya nila noong binata pa ito, kaya naman laking gulat nila nang magdesisyon s’yang mag-asawa.

“Wala naman akong balak na iwan si Nigel kay nanay. Alam ko naman ang sitwasyon nya, at ayokong maging pabigat pa sa inyo.” Sagot nya, habang pinupunasan na ng tuyong twalya ang anak.

“Mabuti naman kung ganoon, Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo Glay. Tama nang mga apo nya sa amin ni Esther ang inaalagaan nya, sobra na kung dadagdag pa ang batang iyan.” Talagang pinaiikli nito ang pisi nya. Sa pagkakataong iyon ay nabihisan na nya si Nigel at nakahiga na sa papag at agad na nakatulog sa kanyang marahang pagtapik. Tumayo sya para lumakad palayo kay Nigel bago hinarap ang hipag na nakasunod sa kanya.

“Pwde ba? Kung maaari lang, bigyan mo naman ng respeto ang nakahimlay ngayon. Hindi ito ang oras para sa mga walang kwenta mong banat. Unang-una, wala akong balak ipagkatiwala sa nanay mo ang anak ko, dahil alam ko ang magiging sitwasyon nya kung iiwan ko sya sa poder ninyo. Pangalawa, wala na si Andrei, patay na sya! Kaya itigil mo na ‘yang pagiging bitter mo. Kung gusto mo i*****k mo na sa baga mo ‘yang kabaong ng kapatid mo! Tutal hindi na rin naman sya makakaangal dahil wala na s’yang buhay!” Singhal nya sa babae na labis namang ikinamula ng mukha nito sa galit.

“Aba! At sumasagot ka pang h*******k ka! Kung hindi dahil sa’yo buhay pa sana si Andrei ngayon. Kung hindi mo sya inutusang bumili sa labas ng dis oras ng gabi ay hindi sana sya mababangga! Tapos ngayon ikaw pa itong may ganang taasan ako ng boses, walanghiya ka!” Inambaan sya nito ng sampal ngunit agad itong napigilan ng asawa nya.

“Tumigil ka na nga Hilda! Nasa lamay tayo ng kapatid mo, huwag kang mag-eskandalo!” Habang hawak-hawak sya sa braso ng asawang si Junnie.

“Bitiwan mo nga ako!” Pagpupumiglas pa nya.

“Dapat sa babaeng ito ay binibigyan ng leksyon, napaka walang utang na loob!”

“Wala talaga akong utang na loob sa inyo! Ano ba ang naitulong nyo sa buhay ko? Sa buhay namin ni Andrei? Meron ba? Wala akong natatandaang magandang bagay na naidulot nyo sa amin, kundi puro sama lang ng loob!” Pasigaw n’yang sabi.

Ang mga nakaririnig sa paligid ay unti-unti nang dumarami at nag-uumpukan na kaya naman madalian nang inilayo ni Junnie ang asawa kahit pa ayaw nitong tumigil sa pagpupumiglas at gustong sugurin si Glayscent.

Naiwang nagpupuyos sa galit si Glayscent at napaupo na lamang sa sahig habang nanghihina dahil sa nailabas na sama ng loob sa kapatid ng kanyang asawa.

“Mama, huwag ka na galit, ha?” Narinig n’yang bulong ng anak sa kanya ng bata. Nagising pala ito habang nagsisigawan sila ni Hilda.

Napatingin sya sa kalagayan ng anak. Nangungupas na ang suot na t-shirt na napaglumaan na ng kanyang pinsan at ibinigay sa kanya. May butas din ang short nito at hindi na nya magawa pang tahiin. Nakahiga ito sa isang matigas na papag na nasasapinan lamang ng pinagpatong-patong na mga lumang kumot upang hindi tagusan ng lamig.

Doon bumuhos muli ang luha na kanyang kinimkim mula ng mamatay ang asawa nya. Puno ng awa ang kanyang puso para sa walang kamuwang-muwang na anak na na-ulila ng maaga sa ama.

“Halika rito baby ko.” Inilahad nya ang kanyang bisig na sya namang nilapitan ng bata.

“Huwag kang mag-alala ha, gagawa ng paraan si mama upang makaalis tayo sa ganitong sitwasyon, Balang araw makakaraos din tayo. Hindi ko alam kung papaano pero hindi ako titigil hangga’t hindi tayo gumiginhawa. Pangako ‘yan anak ko.” Hinalikan nya sa noo ang bata at hinaplos-haplos ang buhok nito hanggang sa makatulog muli si Nigel sa kanyang mga bisig.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na sumulpot pa sa libing si Hilda, nag-iwan na lamang ng mensahe si Junnie na hindi na nya ito pinayagan pang pumunta dahil baka kung ano pang kabaliwan ang gawin ng asawa nya sa mismong libing ni Andrei.

Dumating sa libing ang nanay ni Andrei kasama ang bunsong anak nito na si Anthony. Magkasundo naman sila ng kapatid na ito ni Andrei, sadyang ang dalawang nakatatandang kapatid nito ang mga kontrabida sa buhay nila. Mabuti na lamang at hindi rin makakauwi si Esther dahil hindi pinayagan ng amo nya na makauwi upang pumunta sa libing kaya tahimik ang naging huling hantungan ni Andrei.

Hindi na rin nya binanggit pa sa matanda ang naging sagutan nila ni Hilda kamakailan upang mabawasan na rin sa isipin at lungkot na nararamdaman nito.

“Ate Glay, ano na ang plano mo ngayon? Paano si Nigel? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Napakabata pa niya.” Tanong ni Anthony sa kanya habang umu-usad ang karo papunta sa simenteryo.

“Sa totoo lang, Ton-ton, hindi ko pa talaga alam. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong kumayod para sa kanya. Ini-isip kong umalis na sa lugar na ito at maghanap ng bagong matutuluyan, malayo sa mga mata ng mga ate mo. Kaysa naman araw-arawin nila ako sa bahay at awayin ng awayin. Baka hindi ko makaya at sumunod ako sa kuya mo. Ayoko namang mangyari iyon. Kawawa si Nigel kung pati ako ay mawawala rin,” malungkot na sagot nya kay Anthony na puno na rin ng pagod ang boses.

Halos ilang araw na rin s’yang walang ma-ayos na tulog mula pa nu’ng unang araw ng lamay. Kaya naman pagod na pagod na ang buong katawan ni Glayscent, idagdag mo pa na kailangan n’yang asikasuhin maging ang anak.

Nang makarating ang karo sa simenteryo ay lumapit ang nanay ni Andrei kay Glay.

“Anak, ito lamang ang mai-tutulong ko sa inyong mag-ina. Ipandagdag mo ito sa pang araw-araw ninyong gastusin. Maliit na halaga lamang ito pero sana ay makatulong.” Iniabot ng matanda ang isang sobre kay Glay, nang sulyapan nya ito ay tumambad sa kanya ang ilang bungkos ng pera na agad naman n’yang ibinalik sa matanda.

“Hindi ko ho ito matatanggap nanay. Pinagpaguran n’yo po ito sa paglalako ng mga gulay. Ipambili n’yo na lamang po ito ng mga kailangan n’yong maintenance na gamot. Makakahanap din po ako ng matinong trabaho.” Pilit n’yang ibinabalik ang sobre sa matanda ngunit mapilit ito.

“Parang awa mo na anak. Tanggapin mo na ito, sa pamamagitan man lamang nito ay masuklian ko ang kabutihan ni Andrei. Napakaswerte ko at naging anak ko sya. At alam kong maswerte rin sya sa’yo dahil napaka buti mong asawa. Gusto ko lang na may maitulong sa iyo at ito lamang ang alam kong paraan. Gustuhin ko mang alagaan si Nigel ay alam kong hindi ka titigilan ng mga anak ko. Mas Mabuti na rin na ikaw mismo ang mag-palaki sa kanya dahil alam kong mabuti kang tao. Kaya tanggapin mo na ito. Para kay Nigel.” Iniabot nya muli kay Glayscent ang sobre na hindi na nito nahindian pa.

“M-maraming Salamat po nanay, malaking tulong na po ito para sa amin ni Nigel. Pangako po na ipangsisimula namin ito ng apo n’yo upang hindi po masayang ang pinaghirapan ninyo. Salamat po talaga.” Nag-aalangan man ay masaya na rin nya itong kinuha dahil alam n’yang sa sitwayong ito ay hindi nya kailangan ang pride. Mas kailangan nya ang perang magbibigay sa kanilang mag-ina ng pagkain sa hapag.

Ilang sandal pa ay inilibing na nga si Andrei, kasama sa pag-libing nito ang pangako ni Glayscent na hinding hindi sya susuko hangga’t hindi naiaahon sa kahirapan ang anak.

Kinaumagahan ay agad na umalis sina Glayscent at Nigel sa kanilang tinutuluyan. Nais n’yang makapagsimula muli, malayo sa mga taong gusto s’yang ilugmok lalo sa kahirapan. Mga taong wala namang ambag sa kanilang buhay ngunit kung makapagsalita ng masakit ay gano’n gano’n na lamang.

Lumuwas sila ng Maynila ni Nigel ng walang siguradong destinasyon. Ang alam nya lamang ay kailangan n’yang makahanap agad ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng isang taon n’yang anak. Pagkaraa’y nakahanap siya ng maliit na paupahan upang tuluyan nila ni Nigel.

Sumunod ay humanap sya ng mga trabaho na maglalaan lamang sya ng Ilang oras, katulad na lamang ng home service na pag mamanicure at pedicure sa mga kapitbahay nya, bit-bit ang anak sa pagbabahay-bahay. Pinasok nya rin ang pagtitinda ng mga kakanin sa lansangan kasama parin si Nigel habang nasa katirikan ng araw o rumagasa man ang malakas na buhos ng ulan.

Buong taon n’yang ginapang ang buhay nilang mag-ina sa iba’t-ibang uri ng trabahong kanyang pinasok.

~~

“Glay, palinis naman ako ng paa. Nananakit na ang mga daliri ko. Puro ingrown na siguro,” sambit ng kanilang kapitbahay na nagtatrabaho sa isang malaking bar sa Maynila.

“Sige, pagkatapos ko rito, saglit na lang ito Shierra,” tugon nya habang ma-ingat na kinukutkot ang kuko ng isa pang customer.

Ilang sandali pa ay natapos na s’yang linisan ng kuko ang unang customer nya, inabutan sya nito ng isang daan para sa kamay nito. Nilingon nya si Shierra na busy naman sa pagkalikot sa cellphone nito.

“Shierra, halika na. Tapos na ako dun sa isa. Teka lang at babanlian ko muna ng mainit na tubig ang mga gamit ko bago kita linisan ha.” Hindi na nya hinintay pa ang tugon nito at dali-dali s’yang tumayo upang linisan ang mga gamit, pagkatapos niyon ay muli s’yang umupo sa bangkito na kanyang ginagamit upang madaling malinisan ang mga paa ng kanyang customers.

“Naku, nakakainis talaga ‘tong matandang ito! Anong petsa na wala pa rin ang ayuda ko. Hulas na ang ganda ko!” Matinis na boses nito bumungad sa kanya pagka-upong pagka-upo nya sa bangkito.

“Bakit? Anong nanyari, Shierra?” tanong nya sa kapitbahay.

“Hay naku! ‘Yung matandang ka-chat ko kasi, hindi raw makapagpapadala sa akin ng anda dahil may bagyo sa kanila at sarado ang mga padalahan. Nakakainis!” may pagmamaktol sa kanyang tinig habang patuloy na nakaharap sa kanyang cellphone.

“Nasa ibang bansa pala ang nobyo mo?” sagot naman nya habang inuumpisahan na n’yang linisin ang paa ni Shierra.

“Excuse me Glay, hindi ko sya jowa. Kinu-kwartahan ko lang sya para may pantustos ako sa totoong jowa ko! Nag-aaral pa kasi day! Hahaha!” Matinis na tawa ang umalingawngaw sa tainga ni Glayscent dahil sa malakas na paghalakhak ng kausap.

“Nagtu-two-timer ka?”

“Hindi ah, Hindi naman ako naikakama nu’ng nasa ibang bansa noh, kaya technically hindi kami mag jowa. Syempre pag jowa mo dapat kinakama mo noh. Ikaw talaga Glay, parang hindi naka experience ng jugjug. Hahaha!” Muling hagalpak ng tawa nito.

“Pasensya na. Hindi ko kasi naranasan ‘yan.”

“Gusto mo ba? Sabagay, mukha ka namang dalaga. Maganda ka rin, hindi nga lang kasing ganda ko, pero pwde ka na. Gusto mo bang kumita ng mas malaki? May alam ako.” Pag-aalok ni Shierra sa kanya. Napa-isip naman sya sa trabahong gustong i-alok nito sa kanya.

“Anong trabaho naman iyon? Baka ilegal yan ha? Kung ilegal ‘wag na lang,” umiiling pang sabi nya.

“Gaga! Hindi! Alam ko namang hindi ka papayga sa ilegal. Tska ikaw na lang ang meron si baby Nigel noh, di kita ipapahamak. Dontcha worry, okay?”

“Pag-iisipan ko, Shierra.”

Naputol ang usapan nila ni Shierra nang marinig ni Glay na isinisigaw ang kanyang pangalan.

“Ate Glay! Ate Glay! Si Nigel po!” Humahangos na sabi ni Nenita, isa sa mga kalaro ni Nigel sa kanilang lugar.

Agad na napatayo si Glayscent at lumapit kay Nenita.

“Anong nangyari sa kanya?” kinakabahang tanong nya sa bata.

“Nandu’n po sya dumudugo ang ulo, nahulog po kasi sa upuan habang naglalaro kami!” Nang marinig nya ito ay mabilis na tumakbo si Glayscent patungo sa kinaroroonan ng anak.

Nang makita nya ito ay nanlumo sya sa kalagayan ng anak. Umaatungal ito ng iyak habang ang ulo ay napalilibutan ng dugo. Agad nya itong kinarga at isinugod sa pinaka malapit na hospital pang bayan kasama si Shierra.

Kinailangang tahiin ang sugat ng bata dahil sa may kalaliman ang natamong sugat nito. Iminungkahi rin ng doctor na isailalim sa CT scan ang bata upang masiguro na walang anumang naging epekto sa ulo ang aksidente. Pumayag naman sya at naghintay ng resulta.

Magkahawak kamay sila ni Shierra habang hinihintay ang resulta ng ginawang CT scan kay Nigel. Maya-maya ay dumating na ang doktor at lumapit sa kanila.

“Ms. Clemente, sa CT scan ni Nigel, may Nakita kami tumor sa utak ng bata. Kailangang maalis ang tumor sa utak bago pa ito lumala at maging kanser. Sa ngayon ay bibigyan ko muna kayo ng mga gamot na kailangang inumin ni Nigel habang hindi pa sya nao-operahan. Pero sana po ay sa lalong madaling panahon ay matanggal na ang tumor ng bata.” Halos mabingi si Glayscent dahil sa kanyang narinig.

Hindi sya makapaniwala na sa murang edad ng kanyang anak ay mararanasan na nito ang ganitong sakit. Hindi nya malaman kung saan sya nagkulang o kung ano ang mga kakulangan nya bilang ina, at humantong sa ganito ang kalagayan ng anak. Bigla na lamang s’yang nilayasan ng lakas at lupaypay na napaupo, mabuti na lamang ay agad s’yang nasalo ni Shierra.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Chrysnah May
Nice ang introduction ...
goodnovel comment avatar
leeeigh_
ang ganda ng pagkakasulat, medyo nakakapanibago pero nakakahook!!
goodnovel comment avatar
Miss A.
lovee this
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 2 (His Story)

    “Let’s eat,” usal ng kanyang lolo kasabay ng marahang paghiwa nito sa karne na nasa plato. Ilang minutong tahimik silang kumakain nang ang isa sa kanyang mga pinsan na kasalo nila sa hapag ang nagsalita. “Lo, I want you to meet my girlfriend, Lilian. Hon, this is my lolo, Don Graciano Hermuenez. The one and only founder of the best winery in the Philippines. Ang El Hermuenez.” Pagmamalaki nya. Tumikhim ang matandang Hermuenez at tinitigan ang dalaga. Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi man lang sya nito ginantihan maski tipid na ngiti. Sa halip, ipinagpatuloy nito ang pagkain. Medyo napahiya ang dalaga at itinuon na lamang muli ang atensyon sa kanyang plato. Hinawakan sya sa kamay ng kanyang nobyo at sabay silang napatitig sa isa’t-isa ng may kahulugan. Napuna naman ito ng asawa ng Don na si Donya Eloisa Hermuenez. Kaya agad syang nagsalita. “Napakaganda mo naman iha, saa

    Last Updated : 2022-02-01
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 3 (First meeting/fighting)

    “Maaari na po kayong makalabas ng ospital, but I suggest that Nigel should undergo the operation as soon as possible. Alam kong ayaw nyo naman na maisa alang-alang ang kaligtasan ng inyong anak. Lalo na at napaka bata nya pa. Sana po ay makapag desisyon agad kayo sa lalong madaling panahon.” Ito ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan magmula nang sila ay umalis ng ospital pagkaraang matahi ang ulo ng kanyang anak. “Glay, kailangan mo na agad magdesisyon, para ito sa anak mo. Kung ako sa iyo ay tanggapin mo na ang inaalok ko. Promise, hindi kita ipapahamak. Walang mangangahas na mambastos sa iyo sa bar, magiging waitress ka lang talaga. No more no less, at isa pa maganda magpasahod ang bar na iyon at magaling magbigay ng tip ang mga customers.” Muling pangungumbinsi ni Shierra kay Galyscent na pumayag nang magtrabaho sa bar na kanya ring pinapasukan.

    Last Updated : 2022-02-01
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 4(Miss Amazona)

    “Hahaha! Akala mo multo itong si Nigel? Ang cute-cute ng batang ito para maging multo, Haniel.” Hagalpak ang tawa ni Bradly nang malaman nya kung ano ang nangyari sa dalawa kanina habang karga-karga ang batang may subong tsupon sa bibig. “Tigilan mo nga ang pang-aasar Bradly, hindi ka nakakatawa!” asar na sabi nya, kasabay ng masamang tingin na ipinukol nya sa kaibigan. Naalala nya muli ang ginawa ng babaeng unang-unang taong namahiya sa kanya sa maraming tao. “Sir! Huwag ho kayong mag eskandalo rito, Mawalang galang lang ho, lumabas na kayo ng maayos bago ko pa kayo ipakaladkad sa mga bouncer.” Halata na ang pagkairita ng babae sa kanya, habang inilalahad nito ang kanyang kamay upang igiya sya kung saan ang daan palabas. “You don’t undestand.” Hinawakan nya ito sa braso upang sana ay kausapin ngunit ikinabigla nya ang sumunod na ginawa ng kaharap sa kanya. “Ohh!” Bigla

    Last Updated : 2022-02-23
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 5 (Shierra the chismosa)

    “Ahhhhh!” Sigaw nya na sa sobrang lakas ay parang umabot hanggang sa kabilang barangay. Kasabay nang pagyakap nya ng mahigpit kay Nigel. “Huy! Grabe ka naman makasigaw. Ako lang ito, si Shierra.” Halos maubusan ng lakas ang mga tuhod ni Glayscent nang marinig ang boses ng kaibigan. Bigla s’yang napaupo sa isang gutter sa gilid ng kalsada at napahinga pa ng malalim. Inalalayan naman sya ni Shierra at naupo na rin. “Akala ko mamamatay tao na ang sumusunod sa akin, bakit kasi hindi ka agad nagsalita? Maaga akong susunduin ni San Pedro sa ginagawa mo eh.” Nang makakuha na muli ng sapat na lakas ay tumayo na sya at naglakad kasabay na ni Shierra. “Sorry na. Nerbyosa ka pala, hindi na kita gugulatin. Baka maging kargo de konsenya pa kita. Hahaha!” biro pa ni Shierra sa kanya

    Last Updated : 2022-03-01
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 6(The contract)

    “Ano!” malakas na bulalas nya na agad naman n’yang pinagsisihan dahil naalala n’yang nahihimbing na sa kwarto ang kanyang anak, pinandilatan nya ng mga mata si Shierra bago muling nagsalita, “Nahihibang ka na ba? Shierra! Bakit naman ako papayag na magpakasal sa hambog na lalaking iyon?” mahinang singhal nya rito, ikinwento na kasi ni Shierra sa kanya ang lahat ng nalaman sa dalawa at hindi makapaniwala si Glayscent na sya ang naisipan nitong isabit sa kalokohang naiisip. “Ano ka ba! Kailangan lang naman n’yang maisalin sa pangalan nya ang mga ari-arian ng lolo nya, pagkatapos n’un pwde na kayong maghiwalay. Tska isipin mo, mababayaran ka nya ng Malaki, tapos pwde mong isuggest na gumawa kayo ng kasulatan para naman may panghahawakan ka incase nagkagipitan,” patuloy n’yang pangungumbinsi sa kaibigan. “Kahit na, Shierra. Kasal ang pinag-uusapan dito, hindi basta kung ano lang. At isa pa, malamang na hindi rin pumayag ang mokong na iyon da

    Last Updated : 2022-03-02
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 7(Meet the family)

    Pagkatapos na maisa-ayos ang mga kailangan para sa operasyon ni Nigel ay agad na sumailalim sya sa operasyon, kabadong-kabado si Glayscent kahit na alam naman n’yang magiging matagumpay ang operasyon. Sinamahan naman sya nina Bradly at Haniel sa ospital habang si Shierra naman ay kinailangang pumunta sa laguna dahil sa isang mahalagang lakad. Hinawakan sya sa balikat ni Bradly, napaangat sya ng ulo tska malungkot na ngumiti. “Don’t worry, the doctors will secure his safety. You don’t have to feel nervous. He will make it. Nigel knows that you need him and he needs you too.” Umupo si Bradly sa tabi nya at hinawakan ang magkabilang kamay nya at pinagdaop. Nakaramdam naman sya ng kapanatagan sa mga sinabi sa kanya ni Bradly, kahit na alam nya kasing magiging matagumpay ang operasyon ay hindi maalis sa kanya ang pag-aalala at takot na baka may biglang hindi inaasahang mangyari habang inooperahan ang anak nya. Ngunit dahil sa sinabing

    Last Updated : 2022-03-03
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 8 (Lucas, the cousin)

    “Lo, I want you to meet, Glayscent, the girl I want to marry, and my son, Nigel.” Naningkit ang mga mata ng Don nang marinig nya ang sinabi ni Haniel habang ang kanyang kamay na nakapatong sa hawakan ng sofa ay mahigpit na kinapitan. Ang lola naman nya ay napahawak sa kanyang dibdib, halata rin ang gulat sa mga mata. “How?” tipid na tanong ng kanyang lolo na mas ikinatakot ni Glayscent. Hindi pala salita ang matanda ngunit may mga diin sa bawat salitang kanyang binibitiwan. Tumikhim si Haniel bago nag-umpisang magkwento, “We dated while I was in college, she is one of Bradly’s friend. He introduced us to each other, lolo.” Nilingon nya si Glayscent at pilit na ngumiti, Inilipat nya ang kamay sa balikat niya bago bahagya nya iyong pinisil hudyat na kailangan nang umarte ng kasama. Gumanti rin ng malawak na ngiti si Glayscent at humawak sa bewang ni Haniel bago ito kinurot, bahagyang napaigtad ang binata ngun

    Last Updated : 2022-03-04
  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 9 (Living with the Hermuenez)

    Kanina pa hinahanap ni Haniel si Glayscent ngunit hindi nya ito makita sa mansyon. “Nasaan na ba ang babaitang iyon? Sinabi ko nang maghintay lang sa akin, napakatigas ng ulo. Humanda ka talaga ‘pag nakita kita,” inis na sabi nya sa isip habang naglilibot sa mansyon. Nagtanong-tanong na rin sya kung may nakapansin sa kanya o nakakita ngunit wala ni isa ang nagbigay ng impormasyon, hanggang sa nakita nya si mang Artemio na palabas ng mansyon galing sa kusina. “Mang Artemio, nakita nyo ho ba si Glayscent? ‘Yung kasama kong babae? Kanina ko pa po kasi hinahanap eh.” “Ah, si Ms. Glayscent po? Akala ko ho ay kasama nyo sa cellar? Nakita ko kasi s’yang pumasok doon kaya akala ko ay nauna kang pumasok doon,” sagot ng matanda. Nagtaka si Haniel, paano naman mapapadpad ang babaeng iyon doon? “May ilang oras na po ang nakalipas nu’ng makita nyo sya?” “Mga dalawang oras na po sir. Kanina pa po iyon eh,” sagot

    Last Updated : 2022-03-05

Latest chapter

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 27.1(Don't get in my way)

    Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 26(Problem is like a rain)

    Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 25(Angels in heaven)

    His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 24(Haniel's desire)

    “You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 23(Haniel's feelings)

    “Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 22(Andrei and her two angels)

    Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.4(Cooking lesson)

    “Bwisit talaga ang ungas na ‘yon! Nakakagigil sya.” Halos mapatay na nya si Haniel sa kanyang isip habang kinukwento kay Shierra ang naging bangayan nilang dalawa.Nagpunta sila ni Nigel sa bahay ni Shierra upang doon nya sabihin lahat ng hinanakit kay Haniel.“Ah, Glay? Glay…” untag nya kay Glayscent ngunit nanatili itong nakatulala.“Glay!” sa pangatlong pagkakataon ay nilakasan na nya ito kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kaibigan.“Wala ka naman sigurong balak tanggalan ng ulo iyang teddy bear ng anak mo 'no?” ininguso nya ang hawak na stuff toy ni Glayscent.“Ha?” dahan-dahan s’yang yumuko at nagulat nang makita ang kawawang stuff toy na pilipit na ang ulo habang mahigpit n'yang hawak. Bigla nya rin itong nabitiwan at napatingin sa anak.“Mama, galit ka po ba sa bear ko?” takang tano

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.3(White lie)

    Nagising si Glayscent nang maramdamang parang namamanhid ang kanyang kanang kamay. Nang magmulat sya ng mga mata ay nakita nya ang isang anghel na himbing na himbing sa pagkakatulog, ay hindi pala. Si Haniel na nakapikit at…at…“Ano to? Laway ba ito?” Napansin nya ang isang likido na nasa kanyang pulsuhan kung saan din nakadantay ang ulo ni Haniel. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya nang mapagtantong laway nga ito.“Hoooy! Kadiri ka! ‘Yung laway mo natulo sa kamay ko! Waaaaah!” sigaw nya kasabay ng biglaang paghatak ng kamay at pinunas-punas pa ito sa pisngi ni Haniel na nagising naman dahil sa sigaw nya kasabay ng pagkatama ng ulo nya sa kama nang hatakin ni Glayscent ang kamay nito.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo!” pupungas-pungas pa sya habang inaaninag si Glayscent.“Hoy, ungas ka talaga! Nakakadiri ka, ang gwapo mo sana per

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.2(Her past)

    Naghihintay si Haniel sa pagbukas ng elevator, katatapos lamang ng kanilang meeting. Nalaman nya mula sa kanyang secretary na nandito si Glayscent ngunit nalimutan nya ang kanyang cellphone sa opisina kaya naman babalikan nya ito upang matawagan si Glayscent. Habang naghihintay ay ipinaling ni Haniel ang kanyang ulo sa kanan at may napansin s'yang isang pamilyar na bulto ng katawan sa bandang pinto ng kanilang kumpanya. Mabagal s’yang naglakad upang masiguro kung tama ba ang kanyang hinala, habang lumalapit sya ay nagiging mas malinaw ang dalawang tao sa kanyang harap. Tama nga sya, si Glayscent ito ngunit kasama ang pinsan n’yang si Lucas. “Bakit kasama ni Glayscent ang mokong na iyon?” Napangisi pa sya nang makita ang paghampas ni Glayscent sa braso nito, “Aba, may paghampas ka pang nalalaman ha, close na talaga kayo, huh?” Nakita n’yang tumalikod si Glayscent, bigla s’yang nataranta dahil

DMCA.com Protection Status