“Ano!” malakas na bulalas nya na agad naman n’yang pinagsisihan dahil naalala n’yang nahihimbing na sa kwarto ang kanyang anak, pinandilatan nya ng mga mata si Shierra bago muling nagsalita, “Nahihibang ka na ba? Shierra! Bakit naman ako papayag na magpakasal sa hambog na lalaking iyon?” mahinang singhal nya rito, ikinwento na kasi ni Shierra sa kanya ang lahat ng nalaman sa dalawa at hindi makapaniwala si Glayscent na sya ang naisipan nitong isabit sa kalokohang naiisip.
“Ano ka ba! Kailangan lang naman n’yang maisalin sa pangalan nya ang mga ari-arian ng lolo nya, pagkatapos n’un pwde na kayong maghiwalay. Tska isipin mo, mababayaran ka nya ng Malaki, tapos pwde mong isuggest na gumawa kayo ng kasulatan para naman may panghahawakan ka incase nagkagipitan,” patuloy n’yang pangungumbinsi sa kaibigan.
“Kahit na, Shierra. Kasal ang pinag-uusapan dito, hindi basta kung ano lang. At isa pa, malamang na hindi rin pumayag ang mokong na iyon da
Pagkatapos na maisa-ayos ang mga kailangan para sa operasyon ni Nigel ay agad na sumailalim sya sa operasyon, kabadong-kabado si Glayscent kahit na alam naman n’yang magiging matagumpay ang operasyon. Sinamahan naman sya nina Bradly at Haniel sa ospital habang si Shierra naman ay kinailangang pumunta sa laguna dahil sa isang mahalagang lakad. Hinawakan sya sa balikat ni Bradly, napaangat sya ng ulo tska malungkot na ngumiti. “Don’t worry, the doctors will secure his safety. You don’t have to feel nervous. He will make it. Nigel knows that you need him and he needs you too.” Umupo si Bradly sa tabi nya at hinawakan ang magkabilang kamay nya at pinagdaop. Nakaramdam naman sya ng kapanatagan sa mga sinabi sa kanya ni Bradly, kahit na alam nya kasing magiging matagumpay ang operasyon ay hindi maalis sa kanya ang pag-aalala at takot na baka may biglang hindi inaasahang mangyari habang inooperahan ang anak nya. Ngunit dahil sa sinabing
“Lo, I want you to meet, Glayscent, the girl I want to marry, and my son, Nigel.” Naningkit ang mga mata ng Don nang marinig nya ang sinabi ni Haniel habang ang kanyang kamay na nakapatong sa hawakan ng sofa ay mahigpit na kinapitan. Ang lola naman nya ay napahawak sa kanyang dibdib, halata rin ang gulat sa mga mata. “How?” tipid na tanong ng kanyang lolo na mas ikinatakot ni Glayscent. Hindi pala salita ang matanda ngunit may mga diin sa bawat salitang kanyang binibitiwan. Tumikhim si Haniel bago nag-umpisang magkwento, “We dated while I was in college, she is one of Bradly’s friend. He introduced us to each other, lolo.” Nilingon nya si Glayscent at pilit na ngumiti, Inilipat nya ang kamay sa balikat niya bago bahagya nya iyong pinisil hudyat na kailangan nang umarte ng kasama. Gumanti rin ng malawak na ngiti si Glayscent at humawak sa bewang ni Haniel bago ito kinurot, bahagyang napaigtad ang binata ngun
Kanina pa hinahanap ni Haniel si Glayscent ngunit hindi nya ito makita sa mansyon. “Nasaan na ba ang babaitang iyon? Sinabi ko nang maghintay lang sa akin, napakatigas ng ulo. Humanda ka talaga ‘pag nakita kita,” inis na sabi nya sa isip habang naglilibot sa mansyon. Nagtanong-tanong na rin sya kung may nakapansin sa kanya o nakakita ngunit wala ni isa ang nagbigay ng impormasyon, hanggang sa nakita nya si mang Artemio na palabas ng mansyon galing sa kusina. “Mang Artemio, nakita nyo ho ba si Glayscent? ‘Yung kasama kong babae? Kanina ko pa po kasi hinahanap eh.” “Ah, si Ms. Glayscent po? Akala ko ho ay kasama nyo sa cellar? Nakita ko kasi s’yang pumasok doon kaya akala ko ay nauna kang pumasok doon,” sagot ng matanda. Nagtaka si Haniel, paano naman mapapadpad ang babaeng iyon doon? “May ilang oras na po ang nakalipas nu’ng makita nyo sya?” “Mga dalawang oras na po sir. Kanina pa po iyon eh,” sagot
“Goodnight, mama.” Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Nigel sa kanyang ina dahil ngayon ang gabi na magkahiwalay na muna silang matutulog. Mahabang paliwanagan ang nangyari bago nya napapayag ang anak na matulog sa kwarto ng mag-asawang Hermuenez. Medyo natatakot kasi ito sa boses ng Don maging sa matatalim na titig nito, hindi man nya aminin sa anak ay nakakaramdam din sya ng takot sa presensya ng matanda ngunit kailangan n’yang ituloy ang plano dahil tinupad ni Haniel ang napagkasunduan nila. Natatakot sya na baka pagbayarin sya nito kung mabubulilyaso agad ang kanilang plano. “Goodnight din baby ko, sleep ka na kina lola ha, ‘wag kang pasaway.” Hinalikan nya ito sa noo at ngumiti naman ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng pinto at sumunod sa naghihintay na kasambahay. Habang nasa kwarto ay bumalik muli sa kanyang isip ang sinabi ni Haniel sa kanya, May kung anong kurot iyon sa kanyang puso kahit na wala na
Isang linggo pagkatapos ng araw na bumisita si Ryker sa mansyon ng mga Hermuenez ay pinuntahan ito ni Haniel sa kanyang condo unit sa Makati upang ipaliwanag ang buong pangyayari, nagkaunawaan naman ang dalawa at nangako si Ryker na mananahimik hanggang sa maging maayos na ang lahat kapalit ng pangako rin ni Haniel na magsasama sila at lalayo sa oras na mapasakamay na ni Haniel ang kanyang mana. Para makabawi sa paglilihim nya kay Ryker ay lumabas sila upang makapag-date, kumain sila sa labas at nanuod ng sine. Pumunta sila sa lugar na walang makakakilala sa kanila, ang hindi nila alam ay may nagmamatyag sa bawat kilos nilang dalawa. Kinukunan sila ng litrato ng palihim. ~~ “February 14, 2021. The much-awaited wedding of the century, especially from the Hermuenez clan. Haniel Hermuenez, the very handsome sole heir of Don Graciano Hermuenez will now tie the knot to the very beautiful Ms. Glayscent Clemente, they’ve
Kinabukasan, nakahanda na ang mga gamit nina Haniel at Glayscent para sa kanilang honeymoon. Inayos na nila ito noong isang araw. Hindi nila makakasama si Nigel dahil mamimiss daw ni Donya Eloisa ang bata, naging malapit na ito sa kanyang anak. “Baby, ‘wag mong masyadong papagurin si lola ha? Magpakabait ka. Babalik kami agad. I love you.” Isang matamis na halik sa pisngi ang iginawad nya sa kanyang anak na tinugunan naman nito ng isa ring halik. “Opo mama, balik kayo agad ha. Pasalubong.” Lambing nito sa kanya, tumango naman sya at sinabing, “Sige, baby. Pag-uwi nina mama at papa marami kang pasalubong.” Lumapit din si Haniel kay Nigel at bumulong, “Batang multo, ‘wag kang malikot ha. ‘wag ka rin masyadong madaldal, baka kung ano ang sabihin mo kina lolo at lola mayayari ka sa’kin.” Sinamaan lamang sya ng tingin ni Nigel tska sya dinilaan nito sabay takbo sa likod ni Donya Eloisa. “A
“What the fuck are these?” Halos malaglag ang panga at hindi makapaniwala si Haniel sa kanyang nakita, maging si Glayscent ay halata ang gulat sa mga mata, napatakip pa ito sa kanyang bibig. Naabutan kasi nila sa kanilang silid ang iba’t ibang uri ng mga adult toys at mga bagay na ginagamit para sa love making na kaparehas sa pelikulang fifty shades of grey. “U-umamin ka nga, Haniel. Kalahi mo ba si Christian Grey?” anito habang hawak ang isang latigo na napulot nya sa carpet ng kwarto. Pinandilatan sya ng mga mata ni Haniel bago kinuha ang latigong hawak nya “I don’t do this kind of stuff, Glayscent. Lalong-lalo na hindi sa’yo. Pinagkibit balikat lamang ito ni Glayscent. “Sinisigurado ko lang.” Tska lumakad palayo upang maglibot sa buong kwarto. Nag-ring ang cellphone ni Haniel at rumehistro ang pangalan ni Bradly. “Hello?” “Nakita nyo na
Kung maaari lamang na bugbugin ni Haniel ang parte ng sarili n’yang nag-udyok na halikan si Glayscent ay ginawa na nya. Ngunit huli na para mag-sisi, nagawa na n’yang ilapat ang labi sa babae. Nang dahan-dahang ilayo ni Haniel ang mukha nya rito ay hindi malaman ni Glayscent ang dapat maging reaksyon, naging awkward ang buong paligid at hindi sila halos makatingin sa mata ng isa’t-isa.Tumikhim si Glayscent, nagtanggal ng bara sa lalamunan na parang biglang natuyo dahil sa biglaang nangyari.“B-bakit… bakit mo ginawa i-iyon?” Nag-aalangan man ay tinanong nya parin si Haniel kahit na nauutal sya sa pagsasalita.Hindi naman agad nakasagot si Haniel at parang walang mahagilap na tamang salitang dapat n’yang sabihin.“Ah, i-iyon ba? Ha-ha-ha, a-ano… s-sabi mo kasi, ano… na nakakakilig y-y’ung eksena dun sa… pinanuod mo. Hindi ba? Kaya, ano&hel
Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang
Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama
His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin
“You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya
“Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq
Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka
“Bwisit talaga ang ungas na ‘yon! Nakakagigil sya.” Halos mapatay na nya si Haniel sa kanyang isip habang kinukwento kay Shierra ang naging bangayan nilang dalawa.Nagpunta sila ni Nigel sa bahay ni Shierra upang doon nya sabihin lahat ng hinanakit kay Haniel.“Ah, Glay? Glay…” untag nya kay Glayscent ngunit nanatili itong nakatulala.“Glay!” sa pangatlong pagkakataon ay nilakasan na nya ito kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kaibigan.“Wala ka naman sigurong balak tanggalan ng ulo iyang teddy bear ng anak mo 'no?” ininguso nya ang hawak na stuff toy ni Glayscent.“Ha?” dahan-dahan s’yang yumuko at nagulat nang makita ang kawawang stuff toy na pilipit na ang ulo habang mahigpit n'yang hawak. Bigla nya rin itong nabitiwan at napatingin sa anak.“Mama, galit ka po ba sa bear ko?” takang tano
Nagising si Glayscent nang maramdamang parang namamanhid ang kanyang kanang kamay. Nang magmulat sya ng mga mata ay nakita nya ang isang anghel na himbing na himbing sa pagkakatulog, ay hindi pala. Si Haniel na nakapikit at…at…“Ano to? Laway ba ito?” Napansin nya ang isang likido na nasa kanyang pulsuhan kung saan din nakadantay ang ulo ni Haniel. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya nang mapagtantong laway nga ito.“Hoooy! Kadiri ka! ‘Yung laway mo natulo sa kamay ko! Waaaaah!” sigaw nya kasabay ng biglaang paghatak ng kamay at pinunas-punas pa ito sa pisngi ni Haniel na nagising naman dahil sa sigaw nya kasabay ng pagkatama ng ulo nya sa kama nang hatakin ni Glayscent ang kamay nito.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo!” pupungas-pungas pa sya habang inaaninag si Glayscent.“Hoy, ungas ka talaga! Nakakadiri ka, ang gwapo mo sana per
Naghihintay si Haniel sa pagbukas ng elevator, katatapos lamang ng kanilang meeting. Nalaman nya mula sa kanyang secretary na nandito si Glayscent ngunit nalimutan nya ang kanyang cellphone sa opisina kaya naman babalikan nya ito upang matawagan si Glayscent. Habang naghihintay ay ipinaling ni Haniel ang kanyang ulo sa kanan at may napansin s'yang isang pamilyar na bulto ng katawan sa bandang pinto ng kanilang kumpanya. Mabagal s’yang naglakad upang masiguro kung tama ba ang kanyang hinala, habang lumalapit sya ay nagiging mas malinaw ang dalawang tao sa kanyang harap. Tama nga sya, si Glayscent ito ngunit kasama ang pinsan n’yang si Lucas. “Bakit kasama ni Glayscent ang mokong na iyon?” Napangisi pa sya nang makita ang paghampas ni Glayscent sa braso nito, “Aba, may paghampas ka pang nalalaman ha, close na talaga kayo, huh?” Nakita n’yang tumalikod si Glayscent, bigla s’yang nataranta dahil