Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim
“Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging
Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab
“Itatakas na kita rito, Celine habang wala pa si Marco. Halika, aalalayan kita.” Seryoso akong tumingin kay Leon habang nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ko ang aking mga binti. Kanina pa ako umiiyak pagkatapos akong pagmalupitan ng ina ni Marco. Sa mga nakalipas na araw, palagi nalang ako ang napagbubuntunan nito tuwing galit siya kaya kitang-kita ang mga sugat at pasa na natatamo ko tuwing sasaktan ako nito. Halos isang taon na rin akong nanatili sa kanilang poder at magmula noon, walang araw na hindi ako nakakaranas na pagsalitaan ng masasakit na salita at tratuhin na para bang isang alila na kailangang sumunod sa mga utos nila. Hindi naman ako nakaranas ng ganito sa mga magulang ko. Kahit gaano kayaman ang pamilya namin, hindi naman ganito ang pakikitungo nila sa ibang tao. Nanggaling din ako sa isang mayamang pamilya. Kung tutuusin ay mas mayaman pa sa pamilya Madrigal. Mas malaki rin ang mansiyon na mayroon kami. Mas maraming katulong. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nakaka
“Atasha, saan ka pupunta? Bakit mayroon kang mga nakaimpakeng gamit ka rito?” naguguluhang tanong ng kaibigan kong si Isabelle nang makita niya ang mga gamit ko na inilagay sa isang malaking duffel bag pagkapasok palang niya sa silid ko. Wala naman akong balak na ipakita sa kaniya iyon. Wala rin akong balak na sabihin sa kaniya ang plano kong pag-alis dito sa amin. “May plano kang umalis? Akala ko ba biro mo lang iyong sinabi mo sa akin?” I once told her about my plan. I want to leave our mansion for one stupid reason. At iyon ay walang iba kundi gusto kong maging isang strong independent woman na hindi umaasa sa pera ng kaniyang mga magulang. I’m nineteen. Malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Sa totoo lang, alam ko namang dapat ang pag-aaral ko ang inaasikaso ko. Pero heto ako, nagnanais umalis sa isang magandang bahay at magandang lugar kung saan narito na ang lahat. “I still want to leave. Kahit ilang buwan lang. Susubukan ko kung kaya ko. Kung hindi naman, edi babalik ako.”
Panay ang tingin sa akin ni Helion. Iyon ang napapansin ko sa kaniya kapag napapatingin ako sa lugar kung saan siya nakapuwesto. Malakas ang pakiramdam ko na gusto niya akong kausapin pero nagpipigil lang siya. Ilang oras ang lumipas, dumaong na rin ang barkong sinasakyan namin. Nakasunod lang ako sa mga taong naunang bumaba. Ilang beses akong lumingon sa aking likuran para tingnan kung nasaan si Helion pero hindi ko na ito muling nakita pa. Santa Victoria is one of the best provinces that I know. Ang probinsiyang iyon ay nahahati ng anim na bayan at isa na sa mga ito ang Paso De Blas. Nang tuluyan akong makababa ng barko, agad kong natanaw ang mga nakapila na bus sa hindi kalayuan. May mga barker sa paligid na nagtatawag ng mga pasahero. Kasabay ng aking paglalakad ay nag-iisip din ako kung saan ba ako pupunta. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakapag-desisyon tungkol sa bagay na ‘yon, gawa nang na-occupy ng nangyari sa barko ang isipan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin a
Pinagmasdan ko sa bintana ang sasakyan ni Marco habang papalayo ito. Kahit ilang minuto na ang lumipas magmula nang umalis siya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang paraan ng kaniyang pagngiti sa akin. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero alam kong kinilig ako dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Napakababaw kung iisipin pero sa panahon ngayon, bihira na ang ganoong uri ng lalaki. So, I must say that chivalry is not dead yet. “Ehem.” Nang may tumikhim sa aking likuran ay saka ko lang napansin ang landlady na nasa likuran ko. Mukhang kanina pa ito nakatingin sa akin. “Hija, puwede ba akong magtanong?” Alanganin akong tumango sa matanda at tipid na ngumiti. “Malapit ba kayo sa isa’t-isa ng anak ni Mayor Franco Madrigal?” Mukhang ang tinutukoy nito ay si Marco. Umiling naman ako agad. “Naku, hindi po. Nagkataong nakita niya lang ako kanina. Kaya naman po tinulungan niya ako na maghanap ng pansamantalang matutuluyan.” Tumaas a
Kapag kasama ko si Marco, ang saya-saya ko. Sobrang gaan niyang kasama at higit sa lahat, hindi niya pinaramdam na dayo ako sa kanilang lugar. Ipinakilala pa nga niya ako sa lahat ng mga kakilala at kaibigan niya bilang soon-to-be girlfriend niya. Kahit nakakahiya, hindi ko na siya pinigilan. Minsan lang ako makaranas ng ganito. Mabuti pang sulitin ko na ito dahil baka ito na rin ang huling beses ko siyang makikita. Hindi ko naman gustong manatili rito sa sentro ng bayan. Mas gusto ko pa ring mabuhay sa rural area. Ang sabi ng isa sa mga kaibigan ko noong nagku-kuwento siya sa akin, maganda raw manirahan sa tabi ng dagat. Iyon din ang pangarap ko. Siguro ay magre-renta nalang ako ng bahay-paupahan nang sa gayon ay mayroon akong matutuluyan. Hindi ako magtatagal dito dahil nangako ako kay Isabelle na babalik ako agad. Ayokong ubusin at aksayahin ang natitira kong oras dito sa Paso De Blas nang hindi nagagawa ang mga plano ko. “Malungkot ka, may problema ka ba?” tanong niya sa akin n
Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab
“Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging
Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim
Every person we pass in the area stares at the two of us."Isn't he the Mayor's son? Who is that girl with him? What, his apple of the month again?"I swallowed when I heard what one of the people we passed said. We are in front of the community college that Marco mentioned to me. The school is good. It doesn't look like a simple community college. The government of Paso De Blas is really spending that money. But this place is nothing compared to private universities across the province.I just remained crouched down. I thought, he will not continue to let me enter this place. I couldn't help but be nervous and scared because firstly, I didn't know anything about this school's policy, secondly, I didn't know anyone here. What if someone hurts me? Also, it's obvious that there are many people who like him here. What if those girls do something bad to me?I don't know how else to get through it.Honestly, I don't care if he finds someone else. That would be better for me to lose the att
Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.Humugot ako ng malalim na hininga at sin
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano
“Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.“Ayaw mo bang nandito ako?”Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”Kumunot lalo ang aking noo.“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”Nagkibit-balikat siya.“I can make few arrangement
Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”Ikinuyom ko ang aking kama
“What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin.”Umiling ako.“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”“Ba