Share

02: PASO DE BLAS

Author: Iya Perez
last update Huling Na-update: 2022-07-30 18:55:50

Panay ang tingin sa akin ni Helion. Iyon ang napapansin ko sa kaniya kapag napapatingin ako sa lugar kung saan siya nakapuwesto. Malakas ang pakiramdam ko na gusto niya akong kausapin pero nagpipigil lang siya.

Ilang oras ang lumipas, dumaong na rin ang barkong sinasakyan namin. Nakasunod lang ako sa mga taong naunang bumaba. Ilang beses akong lumingon sa aking likuran para tingnan kung nasaan si Helion pero hindi ko na ito muling nakita pa.

 Santa Victoria is one of the best provinces that I know. Ang probinsiyang iyon ay nahahati ng anim na bayan at isa na sa mga ito ang Paso De Blas.

Nang tuluyan akong makababa ng barko, agad kong natanaw ang mga nakapila na bus sa hindi kalayuan. May mga barker sa paligid na nagtatawag ng mga pasahero. Kasabay ng aking paglalakad ay nag-iisip din ako kung saan ba ako pupunta. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakapag-desisyon tungkol sa bagay na ‘yon, gawa nang na-occupy ng nangyari sa barko ang isipan ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka- get over sa nakita ko sa CR. At pakiramdam ko ay nanatili sa isipan ko ang ungol ng babaeng kasintahan ng kaibigan ni Helion na si Bryan.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga kaibigan ko kung ganoon din ba sila kapag nakikipagtalik sila sa kanilang mga nobyo.

“Paso De Blas! Sinong papuntang bayan ng Paso De Blas diyan?”

Napalingon ako sa barker ng bus nang marinig ang sinisigaw nito. Paulit-ulit siya sa kaniyang sinasabi. Sa lakas ng boses nito, karamihan sa napapadaan sa gawi ng lalaki ay napapatakip ng kanilang tainga.

Dahan-dahan akong lumapit sa barker at alanganing ngumiti.

“Ikaw ineng? Paso De Blas ka ba?”

Isang marahang tango ang isinagot ko sa tanong nito.

“Sige, sakay ka na roon,” sambit nito saka tinuro ang nakabukas na pinto ng bus.

Hindi airconditioned ang bus. Bukas ang bintana nito, kaya pumapasok ang hangin mula sa labas. At kahit medyo malayo na kami sa dagat ay amoy ko pa rin ang amoy ng alat ng tubig.

Pag-akyat ko, saka ko lang napansin na sa bandang dulo lang may tao.

“Kailangan munang mapuno ang bus o kahit kalahati bago tayo umalis.”

Napalingon ako sa driver na nakaupo kaharap ng manibela.

“Taga-rito ka ba sa Santa Victoria?”

Sasagot na sana ako nang bigla kong maalala ang sinabi ni Isabelle sa akin.

“Huwag na huwag mong ipapaalam sa iba na dayo ka sa probinsiyang iyan. Mahirap na at baka kung ano ang mangyari sa’yo.”

Tumango ako sa driver.

“Saan ka sa Paso De Blas?” tanong pa nito.

“Sa Lola ko po. Doon po kasi siya nakatira.”

Matagal na tumitig sa akin ang driver bago ito tumango. Alam kong hindi ito naniniwala sa sinabi ko kaya naman nagmadali na ako sa paglalakad. Sa bandang dulo sana ako pupuwesto, pero nasa kalagitnaan palang ako ay agad akong napahinto nang marinig ang mahinang ungol ng lalaki at babae.

Halos kasing-pareho lang iyon ng ungol na narinig ko sa CR sa barko.

Muli akong lumingon sa driver. Marahil kaya hindi nito naririnig ang ungol ay dahil nakasuot na ito ng earphones.

 “Babe, may pasahero.”

Nag-angat nang tingin ang lalaki at babae sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong napaiwas nang tingin. Pero hindi nakatakas sa aking mga mata ang kanilang posisyon. Nakaupo sa upuan ang lalaki habang naka-kandong naman sa kaniya ang babae. Sapo ng dalawang kamay ng lalaki ang dibdib nito habang patuloy pa rin sa paggalaw ang babae na nakaupo sa harapan niya. Walang suot na pang-itaas ang babae, kaya kita ko kung paano lamasin ng binata ang dibdib nang babae.

“Hayaan mo siya, babe. Ayaw mo ba noon? Mas may thrill kapag may nanunuod sa atin?” dinig kong sabi ng lalaki, habang hinahalik-halikan ang leeg ng babae. Nang magtama ang tingin namin ng binata ay kumindat pa ito.

 Dahil kinabahan ako, agad akong tumalikod sa mga ito. Umupo na lamang ako sa pinakamalapit na upuan at inilapag ang gamit ko sa gilid bakanteng espasyo.

 Patuloy pa rin ang ginagawa ng mga ito. Sarap na sarap pa nga sa pag-ungol ang babae habang dinig ko ang hingal ng lalaki.

“Yes, babe. Ibaon mo pa, babe. Ang sarap.”

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal na lamang ang ulo ko sa headrest. Mabilis kong binuksan ang bag ko at hinanap doon ang aking earphones. Pero malas! Dahil hindi ko ito nakita. Mukhang nakalimutan ko ang earphones ko na ilagay sa backpack ko.

Wala rin yata akong choice kundi makinig nalang sa ginagawa ng dalawang iyon. It was weird for them to do it in a public transpo. Sa bus pa talaga. Balewala rin sa mga ito kung may makakita sa kanila. Ganoon na ba sila kahayok sa sex?

“Lakasan mo pa ang ungol mo babe? Gusto ko naririnig niya tayo,” sambit ng lalaki sa babae.

Gusto ko sanang lingunin ito. Pero hindi ko na ginawa. Ako ba ang tinutukoy niya?

“Sigurado akong naiinggit siya sa’yo ngayon, babe.”

Gusto kong matawa. Ako? Maiinggit sa kanila? Excuse me? Hinding-hindi ‘no! I’m a city girl, marami rin akong guwapong friends at manliligaw pero hindi naman ako na-attract sa mga ito. Kung tutuusin ay puwedeng-puwede ko naman talagang gayahin sina Isabelle sa mga kalokohan nila, ako lang yung may ayaw.

Isa pa, bakit naman ako maiinggit?

Mas lalong lumakas ang ungol ng babae. Naririnig ko na rin ang tunog ng nagsasalpukan nilang mga ari kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na itakip ang mga palad ko sa aking tainga.

Tatayo na sana ako para magreklamo, pero paglingon ko, nakita kong nagbibihis na ang mga ito.

“Ano, miss? Nasarapan ka rin ba?” nakangising tanong sa akin ng lalaki.

Kalma, Atasha! Hindi ka pumunta ng Santa Victoria para makipag-away.

Imbes na sumagot ay hindi na ako umimik. Inirapan ko nalang ang lalaki nang sa gayon ay alam niyang hindi ako natuwa sa ginawa nila.

“Mukhang virgin pa yata, babe. Hindi marunong um-appreciate sa art of sex.”

Napangiwi ako nang marinig ang tinuran ng babae. Mabuti nalang talaga ay sunod-sunod ang naging pagdating ng mga pasahero. Ilang sandali lang ay nangalahati na ito kaya nagbigay na ng signal ang driver na aalis na ang bus. Kinuha ko ang phone ko para i-search kung gaano katagal ang biyahe mula port hanggang Paso De Blas, ngunit mahina ang internet sa area kaya ang ending ay natulog nalang ako.

Hindi ako pagod, kaya maya’t-maya akong nagigising sa biyahe. Hawak ko ang phone ko at ka-text ko si Isabelle. Tawang-tawa ang lukaret nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin.

Halatang excited na excited din ito na malaman ang reaksiyon ko. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil tinupad niya ang pangako niyang magiging in-touch siya sa akin.

“Malapit na tayo sa babaan ng mga pasahero.”

Kinuha ko agad ang bag ko at isinabit ang strap niyon sa balikat ko. Maliwanag ang bayan ng Paso De Blas. Napakaraming ilaw sa paligid at maraming mga establishments gaya ng hospital, convenience store, at mga supermarket na hanggang ngayon ay bukas pa rin.

Pagbaba namin sa bus ay agad akong luminga-linga sa paligid. Kailangan ko munang maghanap ng hotel na matutuluyan habang madilim pa. Bukas nalang siguro ako maghahanap ng bahay na matutuluyan kapag maliwanag na. Panigurado namang marami akong oras para bukas.

Ilang minuto akong palinga-linga sa paligid nang makita ko ang isang sasakyan na palapit sa kinaroroonan ko. Napaatras ako nang makitang bumaba mula roon ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa 5’9 ang tangkad. Guwapo ito, malinis tingnan, at higit sa lahat, nakakaakit ang mga ngiti nito.

Napakurap-kurap ako nang huminto sa tapat ko ang lalaki.

“B-bakit? May kailangan ka sa akin?”

Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan.  Baka kasi modus lang pala ang ganito at plano ako nitong holdapin lalo na at mag-isa lang ako sa kinaroroonan ko ngayon.

“Ah, sorry. Napansin ko kasi kanina noong lumabas ako ng convenience store na parang may hinahanap ka. Baka puwede kitang tulungan.”

Nakagat ko ang aking ibabang labi at tipid na umiling.

“Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko,” pagsisinungaling ko rito.

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siya sa pagkakatitig sa akin.

“Sigurado ka? Mukhang kailangan mo ng tulong. Hindi naman ako masamang tao.”

Inilabas pa niya ang kaniyang wallet at ipinakita ang kaniyang ID.

Kunot-noo ko itong binasa.

“Marco D. Madrigal?” naging patanong pa ang naging paraan ng pagkakabasa ko.

“Yep, that’s me. I’m the son of the Mayor of this town. Kaya makakaasa kang safe ka kapag ako ang kasama mo. First time mo ba rito sa Paso De Blas.”

Umiling ako.

“Hindi. Nakapunta na rin ako rito dati.”

“You’re lying,” agad niyang sambit.

“Ha? Hindi ah! Bakit naman ako magsisinungaling?”

“I can feel it. Saka kilala ko halos lahat ng mga tao rito sa Paso. And I am sure na kailanman ay hindi pa kita nakikita.”

Kumunot ang noo ko.

“What I mean is, maganda ka. Your beauty stands out. Wala pa akong nakikitang kasing ganda mo rito sa buong Paso De Blas.”

Hindi ko alam kung binibola lang ako ng lalaking ito, pero dahil sa sinabi niya ay napangiti ako.

“Oh, ngumiti ka. I saw it.”

Sinadya kong pakunutin ang noo ko para kunwari ay naiinis ako pero hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko dahil patuloy pa rin siya sa pang-aasar.

“Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

“Ay, sorry. Naiwan ko kasi yung pangalan ko sa bahay namin.”

Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“Bakit? Saan ba yung bahay niyo? Handa akong puntahan kahit gaano kalayo para lang malaman ko ang pangalan mo.”

Hindi ko na naiwasang matawa sa pagkakataong iyon. Halatang sanay na sanay na siya sa ganoong uri ng usapan ah? But then, I don’t want to let him know my real identity that is why I will stick to the name that I used earlier in the ferry.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniyang harapan.

“Celine Altamonte. That’s my name.”

Malugod niyang tinanggap ang kamay ko. He smiled cockily while he lightly bowed to give the back of my hand a kiss.

“Halatang sanay na sanay ka nang gawin iyan ah. I’m sure, ganyan ka rin magpakilala sa ibang babae.”

“Of course not!” agap nito.

“Hindi naman ako basta-basta nakikipag-usap sa mga babae.”

Ngumisi ako.

“Eh ano pala itong ginagawa mo?”

Napakamot ito ng batok saka tumingin muli sa akin.

“I told you, you’re different. Isa pa, I just want to help you. Ano bang maitutulong ko sa’yo?”

“Okay, para matigil ka na, tulungan mo akong maghanap ng matutuluyan.”

“Matutuluyan? You mean, hotel?”

Tumango ako.

“That would be a problem. Walang hotel dito sa Paso De Blas. Pero mayroong mga boarding house at apartment na puwedeng tuluyan.”

Agad akong umiling.

“Hindi naman ako magtatagal. Bukas aalis din ako sa area na ito para maghanap ng ibang matutuluyan.”

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

“Aalis ka? Do you want me to give you a ride for tomorrow?”

Mabilis akong umiling.

“Naku, hindi na.”

Hindi naman siya nagpumilit. Hindi na ako tumanggi nang tulungan niya ako sa paghahanap ng apartment na tatanggap sa akin kahit isang gabi lang ako na tutuloy.

Madali kaming nakahanap ng matutuluyan ko sa tulong niya. Mukhang kilalang-kilala rin siya ng mga tao rito. Natutuwa ako sa kaniya sa paraan ng kaniyang pakikitungo sa iba. Lagi siyang nakangiti kaya hindi ko maiwasan ang mahawa.

“Oh, paano ba ‘yan. Dito ka na. Aling Ester, ingatan niyo po itong si Celine.”

Ngumiti ang matanda kay Marco.

“Siyempre naman hijo. Halika na hija, dadalhin na kita sa silid mo.”

Ngumiti ako kay Marco at ilang beses nagpasalamat sa kaniya. Nauna nang umalis ang matanda. Marahil ay para mabigyan kami ni Marco ng privacy kahit sandali.

“See you when I see you, Celine. It’s actually nice to meet a beautiful woman like you.”

Humakbang ako palapit sa kaniya. Huminto ako sa tapat niya at tinitigan siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

“Thank you, Marco.”

Pagkasabi ko niyon ay tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi. Mukhang ikinagulat niya ang ginawa ko dahil ilang segundo siyang hindi gumalaw.

“You’re welcome,” aniya nang matauhan.

Muli akong ngumiti sa binata bago ako tuluyang tumalikod para sumunod sa landlady ng apartment.

Kaugnay na kabanata

  • The Revengeful Heiress   03: MARCO MADRIGAL

    Pinagmasdan ko sa bintana ang sasakyan ni Marco habang papalayo ito. Kahit ilang minuto na ang lumipas magmula nang umalis siya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang paraan ng kaniyang pagngiti sa akin. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero alam kong kinilig ako dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Napakababaw kung iisipin pero sa panahon ngayon, bihira na ang ganoong uri ng lalaki. So, I must say that chivalry is not dead yet. “Ehem.” Nang may tumikhim sa aking likuran ay saka ko lang napansin ang landlady na nasa likuran ko. Mukhang kanina pa ito nakatingin sa akin. “Hija, puwede ba akong magtanong?” Alanganin akong tumango sa matanda at tipid na ngumiti. “Malapit ba kayo sa isa’t-isa ng anak ni Mayor Franco Madrigal?” Mukhang ang tinutukoy nito ay si Marco. Umiling naman ako agad. “Naku, hindi po. Nagkataong nakita niya lang ako kanina. Kaya naman po tinulungan niya ako na maghanap ng pansamantalang matutuluyan.” Tumaas a

    Huling Na-update : 2022-07-31
  • The Revengeful Heiress   04: FIRST LOVE

    Kapag kasama ko si Marco, ang saya-saya ko. Sobrang gaan niyang kasama at higit sa lahat, hindi niya pinaramdam na dayo ako sa kanilang lugar. Ipinakilala pa nga niya ako sa lahat ng mga kakilala at kaibigan niya bilang soon-to-be girlfriend niya. Kahit nakakahiya, hindi ko na siya pinigilan. Minsan lang ako makaranas ng ganito. Mabuti pang sulitin ko na ito dahil baka ito na rin ang huling beses ko siyang makikita. Hindi ko naman gustong manatili rito sa sentro ng bayan. Mas gusto ko pa ring mabuhay sa rural area. Ang sabi ng isa sa mga kaibigan ko noong nagku-kuwento siya sa akin, maganda raw manirahan sa tabi ng dagat. Iyon din ang pangarap ko. Siguro ay magre-renta nalang ako ng bahay-paupahan nang sa gayon ay mayroon akong matutuluyan. Hindi ako magtatagal dito dahil nangako ako kay Isabelle na babalik ako agad. Ayokong ubusin at aksayahin ang natitira kong oras dito sa Paso De Blas nang hindi nagagawa ang mga plano ko. “Malungkot ka, may problema ka ba?” tanong niya sa akin n

    Huling Na-update : 2022-09-17
  • The Revengeful Heiress   05: THE SENSUAL INTERACTION

    “What are you doing?” tanong ko saka muling mapasinghap nang padaanan niyang muli ng kaniyang daliri ang gitna ng aking pang-ibabang underwear. Halos manginig ang katawan ko lalo nan ang hawakan niya ito sa magkabilang gilid at marahang hinila iyon pababa, dahilan para mahubad na ito nang tuluyan.Nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa aking pagkababae.“Freshly shaved, hmm,” aniya saka tumingin sa akin at ngumisi.Napalunok ako nang ilapit niya ang tungki ng kaniyang ilong sa hiwa ng aking pagkababae at inamoy iyon.“Damn! You smell good, Celine.”Ngayon sigurado na akong nanginginig ang katawan ko. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi nang ilapat niya ang kaniyang dalawang daliri sa labi ng aking kaselanan at marahang binuka ito.“Your cl*t is hiding,” nakangiti niyang sabi saka mabilis na inilabas ang kaniyang dila upang tudyuin ito.Napalunok ako nang sunod-sunod nang maramdaman ang kakaibang kiliti na dulot ng kaniyang ginagawa sa buong pagkatao ko.“Y

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • The Revengeful Heiress   06: BIRTHDAY GIFT  

    Alam ko sa aking sarili na hindi matutupad ang aking naunang plano. Marco showed me the love that I’ve been finding for so many years. At hindi ko magagawang iwan ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na nais kong makamit. Lumipas ang isang buong buwan na halos siya ang kasama ko sa araw-araw. Tinulungan niya akong makahanap ng magandang apartment na malapit sa dagat. Halos araw-araw ay palagi niya akong binibisita. May dala siyang kung anu-ano. Pagkain, bulaklak, tsokolate, at iba pang mga bagay na sa tingin niya ay magpapasaya sa akin. Pero hindi naman iyon ang kailangan ko. Kahit wala siyang dala, basta makita ko siya, ay ayos na ako. Sa hindi kalayuan mula sa aking apartment, mayroong mga puno ng aroma. Mayayabong ang dahon nito kaya nagmumukhang liblib ang lugar. Iyon ang palaging pinupuntahan namin ni Marco kapag gusto naming malayo sa karamihan ng tao. Naging safe place at hide out namin ang lugar na iyon. Magdadala lang ako ng tela bilang pan-sapin sa aming mga likura

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • The Revengeful Heiress   07: WILD TRAVEL

    “Do you really think it’s the best idea na ipakilala mo ako sa friends mo? Hindi ako mayaman, Marco. Baka kung ano lang ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila ako.”Nakaharap ako sa salamin at sinisipat ang hitsura ko. Pagkatapos ng nangyari sa amin sa hide-out, inimbita ako ni Marco na sumama sa kaniya sa isang resort sa kabilang bayan. Naghanda raw kasi ang mga kaibigan niya para sa kaniya.Wala sa plano niya ang tungkol sa pagpa-party, ito lang daw talaga ang mga pasimuno.Magmula sa biyahe ay kanina pa ako nag-iisip kung sasama ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Akala ko kasi ay pasusuotin niya ako ng revealing clothes kapag pumunta kami sa Del Rama—ang kabilang bayan kung saan ama ng kaniyang kaibigan ang Mayor doon.“Ano naman kung hindi ka mayaman? Ano naman kung may sabihin silang masama sa’yo. Ako lang ang nakakakilala sa’yo, Celine. Kaya kahit anong sabihin nila, hindi iyon mahalaga dahil ang importante, kilala kita. Tayong dalawa lang ang importante. Kung

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • The Revengeful Heiress   08: HIGH-CLASS FRIENDS  

    Nanatili kaming tahimik ni Marco sa biyahe. Pero maya’t-maya ay nililingon niya ako para tingnan kung ayos na ba ang pakiramdam ko.Aaminin ko, masama ang loob ko sa kaniya. I was mad actually. Naiinis nga ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang magawang mag-walk out o magsabing hindi nalang ako sasama.Sa buong buhay ko, ito palang ang unang pagkakataong masasabi kong nagmahal ako ng isang tao. Kaya gusto kong mag-work out ang unang relasyon ko. Marco promised me that he’ll marry me in the future. At sino ba naman ako para tanggihan siya kung aalukin niya ako ng kasal?Isa pa, mabait naman talaga si Marco. Spoiled lang talaga at hindi sanay na tinatanggihan. Ako ang uri ng taong hahanapin ang kabutihan sa puso ng isang tao kahit gaano pa ito kasama. Hindi ko sinasabing masama si Marco.Oo, mali yung ginawa niya kanina, pero hindi ibig sabihin niyon ay masama na siya. Isa pa, sa isang buwan naming relasyon, iyon palang ang unang pagkakataon na nakagawa siya ng pagkakamali.“Gali

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • The Revengeful Heiress   09: WARNING

    “Oh, ayan na pala sila,” ani Harwin habang kasalukuyan itong kumukuha ng beer sa ice box. Lahat kami ay sabay-sabay napalingon sa mga bagong dating.Tatlo ang mga ito. Dalawang lalaki at isang babae. Ang babae ay mahigpit na nakakapit sa braso ng isang lalaki. Medyo papadilim na ng mga oras na iyon kaya hindi ko na gaanong maaninag ang hitsura nito. Pero halatang magkasintahan ang nauna. Habang ang nag-iisang lalaki na naglalakad ay nasa hulihan ng mga ito.Kasabay ng kanilang pagdating ay pagsindi ng ilaw sa buong Villa.Tumayo sina Harwin, Lester, at Uriel para batiin ang mga bagong habang si Marco naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ko. Hindi niya inaalis ang kaniyang braso sa pagkakapulupot sa aking beywang.Nang lumingon ako, unang bumaling sa akin ay lalaking walang kapares. Kumunot ang aking noo nang makilala ko ito.Siya yung lalaki na nakausap ko sa barko. Doon ko rin nakumpirma na tama ang hinala ko. Pati yung Bryan at Maureen na tinutukoy ng mga ito, iyon din ang dala

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • The Revengeful Heiress   10: TENSION

    Naiwan akong nakanganga sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nag-aalala siya sa akin o dapat ay mainis ako dahil sa sinabi niya. Nang unti-unting mag-settle sa utak ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon sa akin ay unti-unting uminit ang ulo ko.Kahit naririnig ko ang ungol nina Kirsten at Uriel, binalewala ko iyon at inis na humabol sa papalayong si Leon.“Sino ka ba para pagsabihan ako?” Tumaas ang boses ko pero hindi man lang siya huminto para harapin ako.Sa sobrang inis ko ay hinaklit ko ang kaniyang braso para mapilitan siyang harapin ako. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at mariiin pinatuwid ako nang tayo.“Nakita mo naman hindi ba? Walang normal sa mga kaibigan ko maliban kina Maureen at Bryan. Kung talagang matino silang kaibigan at magandang impluwensiya sa’yo o sa akin o sa kahit sino, hindi sila gagawa ng ganitong kababuyan sa ating harapan.

    Huling Na-update : 2022-10-03

Pinakabagong kabanata

  • The Revengeful Heiress   24: THE GATHERING

    Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab

  • The Revengeful Heiress   23: THREE FRIENDS

    “Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging

  • The Revengeful Heiress   22: COMMUNITY COLLEGE TRANSFEREES

    Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim

  • The Revengeful Heiress   21: COMMUNITY COLLEGE

    Every person we pass in the area stares at the two of us."Isn't he the Mayor's son? Who is that girl with him? What, his apple of the month again?"I swallowed when I heard what one of the people we passed said. We are in front of the community college that Marco mentioned to me. The school is good. It doesn't look like a simple community college. The government of Paso De Blas is really spending that money. But this place is nothing compared to private universities across the province.I just remained crouched down. I thought, he will not continue to let me enter this place. I couldn't help but be nervous and scared because firstly, I didn't know anything about this school's policy, secondly, I didn't know anyone here. What if someone hurts me? Also, it's obvious that there are many people who like him here. What if those girls do something bad to me?I don't know how else to get through it.Honestly, I don't care if he finds someone else. That would be better for me to lose the att

  • The Revengeful Heiress   20: THE BODY

    Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.Humugot ako ng malalim na hininga at sin

  • The Revengeful Heiress   19: FIRST KILL

    Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano

  • The Revengeful Heiress   18: PRISONER

    “Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.“Ayaw mo bang nandito ako?”Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”Kumunot lalo ang aking noo.“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”Nagkibit-balikat siya.“I can make few arrangement

  • The Revengeful Heiress   17: OBSESSION  

    Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”Ikinuyom ko ang aking kama

  • The Revengeful Heiress   16: BLACKMAIL

    “What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin.”Umiling ako.“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”“Ba

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status