Pinagmasdan ko sa bintana ang sasakyan ni Marco habang papalayo ito. Kahit ilang minuto na ang lumipas magmula nang umalis siya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang paraan ng kaniyang pagngiti sa akin. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero alam kong kinilig ako dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Napakababaw kung iisipin pero sa panahon ngayon, bihira na ang ganoong uri ng lalaki. So, I must say that chivalry is not dead yet.
“Ehem.”
Nang may tumikhim sa aking likuran ay saka ko lang napansin ang landlady na nasa likuran ko. Mukhang kanina pa ito nakatingin sa akin.
“Hija, puwede ba akong magtanong?”
Alanganin akong tumango sa matanda at tipid na ngumiti.
“Malapit ba kayo sa isa’t-isa ng anak ni Mayor Franco Madrigal?”
Mukhang ang tinutukoy nito ay si Marco. Umiling naman ako agad.
“Naku, hindi po. Nagkataong nakita niya lang ako kanina. Kaya naman po tinulungan niya ako na maghanap ng pansamantalang matutuluyan.”
Tumaas ang kilay ng matanda nang marinig niya ang sinabi ko. Mukhang hindi natuwa ito sa narinig.
“Ibig mo bang sabihin ay ngayon lang kayo nagkita ng anak ni Mayor?”
“Opo.”
“Ngayon ko lang nakitang ganoon ang pakikitungo ng anak ng Mayor sa isang dayo. Kung ako sa’yo, hija, mag-iingat ka.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
“Po?”
Umiling naman ito at ngumiti.
“Wala hija, ang gusto ko lang sabihin ay sana mag-enjoy ka sa pananatili rito kahit isang gabi lang.”
Bago ito tumalikod sa akin ay napansin ko ang bahagyang pagtalim nang tingin nito sa akin. May sinasabi pa ito ngunit mahina lang kaya hindi ko narinig.
Kumunot naman ang noo ko. That’s really weird. Hindi ko alam kung normal bang magtanong sila sa isang taong hindi nila kilala na para bang close nila. Mukhang masungit pa ang matandang iyon kaya hindi ko maiwasang mainis nang palihim. Isa pa, kung may gusto siyang sabihin, puwede niya naman akong diretsuhin nalang hindi iyong bumubulong pa siya. Akala ba niya bingi ako para hindi marinig ang sinasabi niya?
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Mabuti nalang talaga at maganda ang silid na binigay nito sa akin.
Inilapag ko ang gamit ko sa lamesang maliit. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong jacket at umupo sa dulo ng kama.
Hay, nami-miss ko na ang mga magulang ko pati na rin si Isabelle. Gayunpaman, masaya ako na narito ako. Ibig sabihin ay nagawa ko ito nang ako lang. Masarap sa pakiramdam kapag independent ka na. Pakiramdam mo ay kaya mo nang gawin ang lahat.
Ni-replyan ko lang ang ibang text ni Isabelle pagkatapos naligo na ako at nagbihis ng pantulog. Ang marumi kong damit ay nilagay ko sa isang wash bag at nilagay sa pinakailalim ng dala kong duffel bag.
Kinabukasan ay maaga rin akong nagising. Gusto ko kasing simulan ang araw ko nang hindi pa sumisikat ang araw. Saktong alas sais nang matapos akong maligo at magbihis.
Dumaan ako sa reception area ng apartment para magbayad. Pero bago pa man ako makarating ay may babaeng bumangga sa gilid ko.
“Ano ba ‘yan, ang aga-aga, haharang-harang sa daan ko.”
Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng babae.
“Doreen, mag-iingat ka naman at isa iyan sa mga costumer natin,” anang landlady na nakasunod sa babae.
“Eh, inay! Alam niyo namang ayoko ng humaharang sa daan ko hindi ba?”
Humingi nang pasensiya sa akin ang landlady. Ah, alam ko na kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa ibang tao, kasi nagmana ito sa kaniyang ina.
Huminto ang babae sa harapan ko at pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa.
“Ito ba iyong sinasabi mo sa aking dayo rito sa Paso De Blas, Inay?” tanong ng babae habang nakaturo siya sa akin.
Pasimple siyang siniko ng ina sa tagiliran.
“Maganda ka nga. Kaya siguro nagkagusto sa’yo agad si Marco.”
“Doreen, tama na.”
“Pero tandaan mo, hindi papayag ang mga taga-Paso na sa isang dayuhan mahuhulog ang loob ng prinsipe ng aming lugar.”
Hindi ko maiwasang maguluhan sa inaakto nito. Kakikita lang namin sa isa’t-isa pero ganito na ang pakikitungo nito. Dahil lang kay Marco? Ganoon ba siya kasikat sa lugar na ito? Mukhang dahil sa minsan niyang paghatid sa akin ay magkakaroon ako ng kaaway. Hindi naman iyon ang pinunta ko rito.
Ngumiti ako sa landlady at inabot ang bayad ko para sa pananatili ko sa kuwarto na iyon kagabi.
“Naku hija, hindi na. Binayaran na ni Marco ang pagtuloy mo rito.”
“Po? Binayaran? Paano po?”
“Tumawag siya kagabi sa akin at sinabing siya na ang bahala sa gastos mo rito. Kaninang madaling araw ay pinadaan niya sa helper nila.”
Marahan akong napakamot sa aking batok.
“Hindi naman po kailangan. May pambayad naman ako. Pero kapag nagawi po siya ulit dito, pakisabi nalang po na maraming salamat.”
“Bakit, hindi na ba kayo ulit magkikita ni Marco?”
Umiling ako.
Kahit naman sabihing alam niya ang bawat lugar dito sa Paso De Blas, imposibleng magkatagpo ang aming landas.
“Malabo ho, eh. Sige po. Maraming salamat po ulit.”
Masama pa rin ang tingin sa akin ng anak ng landlady. Hindi man lang yata ito ngumiti kahit na peke sa akin. Habang naglalakad ako papalayo ay naririnig ko pang nagbabangayan ang mag-ina.
Pinili ko nalang na hindi pansinin ang mga ito.
Nang makakita ako ng tricycle sa hindi kalayuan ay agad akong tumakbo sa gilid ng daan para parahin iyon.
“Saan po kayo, Ma’am?”
“Saan po ba rito mayroong kainan?”
“Ah sa bandang west po ng Paso. Maraming masasarap na pagkain doon. Doon ko na kayo ihatid, Ma’am?”
Agad naman akong tumango. Hindi kasi ako nakakain kagabi kaya naman magmula pa kanina ay gutom na gutom ako.
Nang makarating kami sa hilerang kainan, napansin ko na maraming nakatambay na lalaki roon. Ang iba ay mga tricycle driver, ang ilan naman ay tambay lang. Wala pang suot na damit. Habang naglalakad ako para tumingin ng pagkain ay nakasunod ang tingin nila sa akin. Mukhang maling damit ang suot ko ngayon. Bakit ba naman kasi ako nag-palda?
Gusto ko nalang kutusan ang sarili ko dahil sa inis.
“Miss, bago ka rito sa Paso De Blas?”
Alanganin akong ngumiti.
“Hindi. Taga-rito ako.”
Naghiyawan ang mga kalalakihan.
“Miss, ikaw lang ang ganiyan kagandang babae na nakita ko rito sa Paso, kaya imposibleng taga-rito ka. Kilala ko lahat ng magaganda rito. Pero yung kagandahan mo, pang-diyosa na yata.”
Tipid akong ngumiti. Hindi ko alam kung tatanggapin ko bilang compliment ang sinasabi nila o pambabastos.
“Tapos ang kinis pa ng legs. Ang puti. Masarap,” sabi pa ng isa.
Sinaway naman ito ng isang lalaki.
“Baka naman magalit si Miss. Kakain ka ba rito, Miss? Willing kaming pagsilbihan ka. Ano bang maitutulong namin sa’yo?”
Umiling ako.
“No, thank you. Okay lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko.”
Nagkatinginan ang mga ito at saka nagtawanan. Akmang lalapit na sana ang isa sa mga ito sa akin nang biglang may huminto ito sa harapan ng kainan sa tapat namin. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na sasakyang iyon.
Pare-pareho kaming napatingin sa lalaking bumaba roon. Napakaguwapo nito sa suot nitong damit. Nakasuot din ito ng salamin. Para itong isang Hollywood star. Tila nag-slow motion ang paligid nang tanggalin niya ang kaniyang suot na salamin.
“May problema ba tayo rito?” tanong niya sa mga lalaking nakatambay roon.
Lumapit sa akin si Marco at umakbay ito sa balikat ko na dahilan kung bakit bahagyang nanlaki ang mata ko. I wasn’t expecting that.
Naamoy ko agad ang isang pamilyar na pabango niya. Mukhang mahihirapan na akong alisin iyon sa sistema ko. Paglingon ko ay nakita ko si Marco na nakangiti sa akin.
Napaatras ang lalaki na lalapit sana.
“Boss Marco. Kilala niyo pala itong si Miss?”
Tumaas ang gilid ng labi ni Marco.
“This girl is my future girlfriend. Kaya kung ako sa inyo, huwag niyong tatakutin itong si Celine. Dahil malalagot kayo sa akin. Actually, hindi lang sa akin, pati na rin kay Daddy. Gusto niyo bang mangyari iyon?”
Mabilis na umiling ang mga ito. Nagtakbuhan ang iba palayo habang ang ilan ay sumaludo pa kay Marco.
Nang umalis na ang mga ito ay saka niya inalis ang kamay na nakapatong sa balikat ko. Nakita kong bumaba ang kaniyang paningin sa aking binti saka muling umangat ang tingin para matitigan ako.
“I understand why they acted like that. Ang ganda mo kasi Celine.”
Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa kaniyang sinabi.
“And you’re sexy too and flawless. Nasayo na yata lahat ang hinahanap ko sa isang babae.”
Matagal kaming nagkakatitigan. Kumabog ang dibdib ko. Ito na ba iyong tinatawag na love? Kung maganda ako, ‘di hamak na guwapo siya.
“Ikaw rin, ang guwapo mo,” saad ko saka ngumiti.
Napangiti rin siya. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko para hilahin ako patungo sa kaniyang sasakyan.
“I bet nagugutom ka. I’ll bring you to a nice place, Celine.”
Celine. He calls me Celine. For some reason gusto kong sabihin sa kaniya na hindi iyon ang pangalan ko. Pero mas mabuti na rin ito. Ayokong makilala nila ako bilang isang Revamonte. Mas makakatulong din ito para hindi ako mahanap ng mga magulang ko kung sakali man.
Mukhang kailangan ko nang masanay na Celine ang tawag sa akin ng mga tao.
Ang mga gamit ko ay inilagay niya sa backseat ng kaniyang sasakyan. Sa harapan ako pumuwesto. Habang nagmamaneho siya ay panay ang sulyap niya sa akin.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko pagkalipas ng ilang minuto.
Bumaling siya sa akin at ngumiti.
“I will bring you in the perfect place you belong. In the castle restaurant on the top of the hill.”
Noong una, akala ko ay niloloko niya lang ako. Pero habang patagal nang patagal ang biyahe namin, mula sa malayo ay natatanaw ko na ang burol sa hindi kalayuan at ang magandang building na nakatayo roon. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko rin ang nakahilerang mga sasakyan at mga taong naglalakad papasok sa loob ng building.
“That’s the castle restaurant here in Paso De Blas. Project iyan ng kaibigan ng Daddy ko. And now, dinarayo na iyan dito sa Paso De Blas ng mga turista all-year-round. Minsan, ito rin ang sinasadya ng mga bakasyonista kaya bumibisita sa Santa Victoria.”
Marahan akong tumango.
“Wait. Can I ask you exactly why you’re bringing me there? Okay na akong kumain sa carinderia. Hindi naman ako mapili.”
Umiling agad si Marco.
“No way. I won’t allow you to do that.”
“Bakit naman?”
“I’m telling you, you’re my future girlfriend.”
Sa pagkakataong iyon ay tumawa na talaga ako.
“Hey, Mr. Babaero. Akala mo ba hindi ko alam iyang mga galawan mo?”
Naningkit ang kaniyang mga mata. Ngunit nananatili pa rin siyang nakangiti.
“For your information, Miss Princess.”
“My name’s Celine.”
“Okay then, Celine. Just so you know, hindi ako babaero. And I am far from being one. Kahit itanong mo pa sa lahat ng tao rito sa Paso De Blas, they’ll tell you na malinis akong tao. I’ve never done anything wrong in my life. Hindi ako naninigarilyo.”
“But you drink.”
Ngumisi siya.
“A bit. Occasionally.”
Nang huminto na kami sa parking ng lugar ay nauna siyang bumaba. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto.
“Hold my hand Miss Future Girlfriend.”
Napailing nalang ako bago tinanggap ang kaniyang kamay.
“Kapag nalaman ng mga magulang mo ang ginagawa mo, ano kayang magiging reaksiyon nila?”
Marco smiled.
“I’m sure My Dad would be proud. Sa buong buhay ko hindi pa ako nagkaka-girlfriend dahil mahigpit ang Mommy ko. If you would allow, ikaw ang una kong magiging girlfriend. Kapag nangyari iyon, ikaw ang una at huling babaeng ipakikilala ko sa mga magulang ko.”
Napangiti ako. I don’t actually know if he’s being sincere. Pero sa ginagawa niyang ito, considering na dalawang beses palang kaming nagkita, it makes me feel valuable. Naaalala ko tuloy kung paano asikasuhin ni Dad si Mommy.
I feel like I’m living a dream.
“Tara na?” tanong ni Marco saka niya inilahad muli ang kamay sa akin.
Napatingin naman ako sa suot ko.
I’m wearing a simple pink shirt na fitted sa akin at palda na above the knee.
“Okay lang ba ang suot ko?”
Marco smiled.
“Of course. Kahit ano naman yata ang isuot mo, bagay pa rin sa’yo,” aniya saka kinindatan ako.
Now I know what he’s good at. Magaling siyang kumuha ng puso ng isang babae. Hindi pa man nagtatagal, nakuha niya na agad ang puso sa pagiging gentleman niya at pagiging maalaga niya.
Kapag kasama ko si Marco, ang saya-saya ko. Sobrang gaan niyang kasama at higit sa lahat, hindi niya pinaramdam na dayo ako sa kanilang lugar. Ipinakilala pa nga niya ako sa lahat ng mga kakilala at kaibigan niya bilang soon-to-be girlfriend niya. Kahit nakakahiya, hindi ko na siya pinigilan. Minsan lang ako makaranas ng ganito. Mabuti pang sulitin ko na ito dahil baka ito na rin ang huling beses ko siyang makikita. Hindi ko naman gustong manatili rito sa sentro ng bayan. Mas gusto ko pa ring mabuhay sa rural area. Ang sabi ng isa sa mga kaibigan ko noong nagku-kuwento siya sa akin, maganda raw manirahan sa tabi ng dagat. Iyon din ang pangarap ko. Siguro ay magre-renta nalang ako ng bahay-paupahan nang sa gayon ay mayroon akong matutuluyan. Hindi ako magtatagal dito dahil nangako ako kay Isabelle na babalik ako agad. Ayokong ubusin at aksayahin ang natitira kong oras dito sa Paso De Blas nang hindi nagagawa ang mga plano ko. “Malungkot ka, may problema ka ba?” tanong niya sa akin n
“What are you doing?” tanong ko saka muling mapasinghap nang padaanan niyang muli ng kaniyang daliri ang gitna ng aking pang-ibabang underwear. Halos manginig ang katawan ko lalo nan ang hawakan niya ito sa magkabilang gilid at marahang hinila iyon pababa, dahilan para mahubad na ito nang tuluyan.Nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa aking pagkababae.“Freshly shaved, hmm,” aniya saka tumingin sa akin at ngumisi.Napalunok ako nang ilapit niya ang tungki ng kaniyang ilong sa hiwa ng aking pagkababae at inamoy iyon.“Damn! You smell good, Celine.”Ngayon sigurado na akong nanginginig ang katawan ko. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi nang ilapat niya ang kaniyang dalawang daliri sa labi ng aking kaselanan at marahang binuka ito.“Your cl*t is hiding,” nakangiti niyang sabi saka mabilis na inilabas ang kaniyang dila upang tudyuin ito.Napalunok ako nang sunod-sunod nang maramdaman ang kakaibang kiliti na dulot ng kaniyang ginagawa sa buong pagkatao ko.“Y
Alam ko sa aking sarili na hindi matutupad ang aking naunang plano. Marco showed me the love that I’ve been finding for so many years. At hindi ko magagawang iwan ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na nais kong makamit. Lumipas ang isang buong buwan na halos siya ang kasama ko sa araw-araw. Tinulungan niya akong makahanap ng magandang apartment na malapit sa dagat. Halos araw-araw ay palagi niya akong binibisita. May dala siyang kung anu-ano. Pagkain, bulaklak, tsokolate, at iba pang mga bagay na sa tingin niya ay magpapasaya sa akin. Pero hindi naman iyon ang kailangan ko. Kahit wala siyang dala, basta makita ko siya, ay ayos na ako. Sa hindi kalayuan mula sa aking apartment, mayroong mga puno ng aroma. Mayayabong ang dahon nito kaya nagmumukhang liblib ang lugar. Iyon ang palaging pinupuntahan namin ni Marco kapag gusto naming malayo sa karamihan ng tao. Naging safe place at hide out namin ang lugar na iyon. Magdadala lang ako ng tela bilang pan-sapin sa aming mga likura
“Do you really think it’s the best idea na ipakilala mo ako sa friends mo? Hindi ako mayaman, Marco. Baka kung ano lang ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila ako.”Nakaharap ako sa salamin at sinisipat ang hitsura ko. Pagkatapos ng nangyari sa amin sa hide-out, inimbita ako ni Marco na sumama sa kaniya sa isang resort sa kabilang bayan. Naghanda raw kasi ang mga kaibigan niya para sa kaniya.Wala sa plano niya ang tungkol sa pagpa-party, ito lang daw talaga ang mga pasimuno.Magmula sa biyahe ay kanina pa ako nag-iisip kung sasama ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Akala ko kasi ay pasusuotin niya ako ng revealing clothes kapag pumunta kami sa Del Rama—ang kabilang bayan kung saan ama ng kaniyang kaibigan ang Mayor doon.“Ano naman kung hindi ka mayaman? Ano naman kung may sabihin silang masama sa’yo. Ako lang ang nakakakilala sa’yo, Celine. Kaya kahit anong sabihin nila, hindi iyon mahalaga dahil ang importante, kilala kita. Tayong dalawa lang ang importante. Kung
Nanatili kaming tahimik ni Marco sa biyahe. Pero maya’t-maya ay nililingon niya ako para tingnan kung ayos na ba ang pakiramdam ko.Aaminin ko, masama ang loob ko sa kaniya. I was mad actually. Naiinis nga ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang magawang mag-walk out o magsabing hindi nalang ako sasama.Sa buong buhay ko, ito palang ang unang pagkakataong masasabi kong nagmahal ako ng isang tao. Kaya gusto kong mag-work out ang unang relasyon ko. Marco promised me that he’ll marry me in the future. At sino ba naman ako para tanggihan siya kung aalukin niya ako ng kasal?Isa pa, mabait naman talaga si Marco. Spoiled lang talaga at hindi sanay na tinatanggihan. Ako ang uri ng taong hahanapin ang kabutihan sa puso ng isang tao kahit gaano pa ito kasama. Hindi ko sinasabing masama si Marco.Oo, mali yung ginawa niya kanina, pero hindi ibig sabihin niyon ay masama na siya. Isa pa, sa isang buwan naming relasyon, iyon palang ang unang pagkakataon na nakagawa siya ng pagkakamali.“Gali
“Oh, ayan na pala sila,” ani Harwin habang kasalukuyan itong kumukuha ng beer sa ice box. Lahat kami ay sabay-sabay napalingon sa mga bagong dating.Tatlo ang mga ito. Dalawang lalaki at isang babae. Ang babae ay mahigpit na nakakapit sa braso ng isang lalaki. Medyo papadilim na ng mga oras na iyon kaya hindi ko na gaanong maaninag ang hitsura nito. Pero halatang magkasintahan ang nauna. Habang ang nag-iisang lalaki na naglalakad ay nasa hulihan ng mga ito.Kasabay ng kanilang pagdating ay pagsindi ng ilaw sa buong Villa.Tumayo sina Harwin, Lester, at Uriel para batiin ang mga bagong habang si Marco naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ko. Hindi niya inaalis ang kaniyang braso sa pagkakapulupot sa aking beywang.Nang lumingon ako, unang bumaling sa akin ay lalaking walang kapares. Kumunot ang aking noo nang makilala ko ito.Siya yung lalaki na nakausap ko sa barko. Doon ko rin nakumpirma na tama ang hinala ko. Pati yung Bryan at Maureen na tinutukoy ng mga ito, iyon din ang dala
Naiwan akong nakanganga sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nag-aalala siya sa akin o dapat ay mainis ako dahil sa sinabi niya. Nang unti-unting mag-settle sa utak ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon sa akin ay unti-unting uminit ang ulo ko.Kahit naririnig ko ang ungol nina Kirsten at Uriel, binalewala ko iyon at inis na humabol sa papalayong si Leon.“Sino ka ba para pagsabihan ako?” Tumaas ang boses ko pero hindi man lang siya huminto para harapin ako.Sa sobrang inis ko ay hinaklit ko ang kaniyang braso para mapilitan siyang harapin ako. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at mariiin pinatuwid ako nang tayo.“Nakita mo naman hindi ba? Walang normal sa mga kaibigan ko maliban kina Maureen at Bryan. Kung talagang matino silang kaibigan at magandang impluwensiya sa’yo o sa akin o sa kahit sino, hindi sila gagawa ng ganitong kababuyan sa ating harapan.
Dahil wala akong kakilala sa lugar na tinitirahan ko, bandang hapon ay nagdesisyon akong magtungo sa bahay nina Aira para bumisita sa kaniya. Hindi naman malayo ang bahay nila. Puwede itong lakarin mula sa apartment na tinutuluyan ko o kung tinatamad ka ay puwede ring mag-tricycle. Mayroon namang paradahan sa kanto malapit sa apartment. Pero dahil gusto ko ring maglakad-lakad, iyon ang ginawa ko para kahit paano ay ma-exercise ko naman ang aking mga paa at binti.Wala rin kasi akong ginagawa sa apartment kapag wala si Marco. Inaabala ko nalang ang sarili ko palagi sa pagbabasa ng mga pocketbooks o hindi kaya sa panunuod ng TV. Kapag naman tumatawag si Isabelle para magkuwento, ang pinakamatagal na naming pag-uusap ay umaabot lang ng tatlumpung minuto. Hindi katulad ng dati na ilang oras kaming magka-telebabad.Ito rin ang unang beses na pupunta ako sa bahay ng taga-rito sa Paso. Masarap sa pakiramdam na isiping may isang taga-local na gusto akong maging kaibigan.Nang makarating ako s
Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab
“Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging
Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim
Every person we pass in the area stares at the two of us."Isn't he the Mayor's son? Who is that girl with him? What, his apple of the month again?"I swallowed when I heard what one of the people we passed said. We are in front of the community college that Marco mentioned to me. The school is good. It doesn't look like a simple community college. The government of Paso De Blas is really spending that money. But this place is nothing compared to private universities across the province.I just remained crouched down. I thought, he will not continue to let me enter this place. I couldn't help but be nervous and scared because firstly, I didn't know anything about this school's policy, secondly, I didn't know anyone here. What if someone hurts me? Also, it's obvious that there are many people who like him here. What if those girls do something bad to me?I don't know how else to get through it.Honestly, I don't care if he finds someone else. That would be better for me to lose the att
Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.Humugot ako ng malalim na hininga at sin
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano
“Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.“Ayaw mo bang nandito ako?”Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”Kumunot lalo ang aking noo.“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”Nagkibit-balikat siya.“I can make few arrangement
Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”Ikinuyom ko ang aking kama
“What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin.”Umiling ako.“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”“Ba