Share

Chapter 6 - I am Renata Sumatra-La Valle

RENATA — I Am Renata Sumatra-La Valle

"Doc? How's my daugther? Ano po nangyari sa kanya nag ta-tantrium po siya?"

"She's been temporary amnesia. Side effect ng mahabang pagkatulog niya kaya normal lang na magkaroon siya ng reaksyon na ganun. Let her rest and sleep. After twenty-hour magigising ulit siya and don't force her na magsalita. Observe her."

Tulog ako pero ang diwa ko naman ay gising. Hindi lahat ay narinig ko sa mga usapan nila dahil name-mental blocl 'yung utak ko. Side effect din siguro ito ng gamot. Nakakarinig ako na mga boses; babae at lalaki as usual. Hindi ko alam sa pagising ko mamaya ay matatanggap ko ba na nasa ibang katawan na ang ispirito ko. Panay kibot ng noo ko dahil ramdam ko ang pananakit ng aking mga ugat sa utak ko. Masakit. Parang tinutusok.

24 hours later

I feel my body ache. Bente-kwatro oras ba naman akong tulog at dahil na rin sa gamot na binigay ng doktor. I hate medicines pa naman.

Nang maimulat ang mga mata, maaliwalas ang paligid ng kwarto. Ngayon ko lang na-appreciate na nasa VIP pala ako. Of course may pera din 'tong pamilya ni Avil.

Pumasok ang isang nurse at ngumiti sa akin. Alam niya siguro na ganitong oras ay gigising ako.

"Hello po, Ma'am. Kumusta po kayo? Kumusta po tulog niyo? May masakit ba kayong nararamdaman? Panhihilo po?"

"Water please?" I ask the nurse. Kumuha naman siya kaagad na nasa pitchel at nilagyan ang baso ng tubig. Inabot niya iyon sa akin saka hinintay na maubos ko iyon. "Salamat." Sabi ko saka niya kinuha ang baso na hawak hawak ko.

Pansin ko na wala akong bantay. Ayos nga kasi hindi pa ako handa na magsalita o magtanong o kahit anong usapan dahil hindi naman ako si Avil! I am Renata Sumatra for christ sake.

"Let me check your vital po at tawagin ko na rin si doc para tignan ang kalayaan mo ngayon."

"Ah? Nurse?" Tawag ko.

"Yes po, Ma'am?"

"Kilala mo ba ako? Ako pangalan ko? Sino ako? Totoo ba na anim na buwan akong coma?" Sunod sunod na katanungan ko.

Ngumiti ang babae. "Ma'am? You're the miracle. Big time. Imagine, you died and you rose again. You fight your life from death Ma'am Avil."

Avil. Tama. My appearance now is Avil's appearance, not my own body. I am not Renata Sumatra in their sight, but I am Attorney Avil Velasco.

"Nurse? Pwede ba pakikuha ng salamin?"

"Po? Salamin po Ma'am?"

Tumango ako. "Yes please. I need to see something."

"Sure po Ma'am."

Nilapit ng nurse ang standing mirror sa akin. I'm still in shock. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na ang katawan ng best friend kong Avil ay katawan ko na ngayon. Paanong nangyari ito? Sino ang makakapagpaliwanag sa akin nito? Ang seyensya ay hindi rin ito maipaliwanag. Pero kung ako ang tatanungin, may ibang tao ang makakapagpaliwanag nito.

"Love?" Pumasok si Forth. Avil's boyfriend. "How are you? Thanks God you're good now." And he hug me. 'Yung yakap na alam mo na hindi para sa iyo, kundi para kay Avil. I feel sorry for myself. Pero nandito na. I am Avil Velasco in teir sight.

"I-I am fine. Nothing to worry about me, Forth." Tinapik-tapik ko ang likod niya para naman kumalma ang lalaking ito. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay napahawak siya kaagad sa magkabilang pisngi ko. Nababasa ko sa mga mata niya ang labis-labis na pag-aalala. Ang mga mata na ang nagsasabi kung gaano siya nag-alala. Eyes don't lie.

I know Forth for a long time. Alam ko kung gaano ka mahal ni Forth ang best friend kong si Avil. And Avil loves Forth, too. Which is napakahealthy ng relationship nila. Pero paano na ito ngayon? Sa mga mata nila ay si Avil ako.

"Nurse have you check her vital? How is she? Please tell us if she needs some test. So we can assure she's fine."

One more thing. Forth is a presecutor.

"Let us the doctor decide about her, Sir. Her doctor will be her soon. May I excuse na po? Ma'am pahinga ka po, ha? Congrats po ulit. You are so amazing." Masayang sabi ng nurse.

Ngiti ang ganti ko sa mga sinabi niya. Mabait ang nurse na ito. Nang paalis na siya ay humabol pa ako ng tanong.

"Your name?"

"Ah? Nurse Fatima Villa po Ma'am. But people calls me, Fat."

Ngumiti ako. "Maraming salamat Miss Fat. See you later."

"Opo. Inform ko nalang po ulit si doc about you po Ma'am."

Lumabas si Fatima na nakangiti. Napatingin ako kay Forth na hindi maalis alis ang tingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tinawagan ko si Tita Greta. She's on her way na Love. Are you sure you okay now?"

Sunod sunod akong tumango. "Forth? Can I have a favor?"

"Yes love, what is it?"

"May gusto sana akong makitang tao. Pwede ba papuntahin niyo rin siya dito?"

"Sure! Who?"

"Hmm... My mom—I mean, si Tita Ingred. Pwede ba papuntahin niyo siya dito?"

Kumunot ang noo ni Forth. It's random na magpapatawag ako ng isang tao na alam niyang hindi ito madalas ginagawa ni Avil kung hindi naman involve sa trabaho niya.

"You want to talk about Renata?" Biglang naging malungkot ang tono ng boses ni Forth.

No. Gusto kong makita at mayakap ang mama ko. How she is now? Paano niya malalagpasan ang lahat na ngayon ay wala na ako sa tabi niya. Also how's Abbadon? Kapag ba pinatawag ko si Abbadon rito ay magpapakita siya? I am not sure about it, pero kung hindi ko susubukan ay hindi ko malalaman.

"Okay! Okay! I call her right away. Don't worry Love."

Ngumiti ako. Anim na buwan tulog ang ispirito ko sa katawan ng ibang tao. Anim na buwan akong nakipaglaban kay kamatayan; dahil sa panaginip ko hinahabol niya ako. Anim na buwan akong nawala, at pagising ko ibang tao na ako; hindi na ako si Renata.

"Pahinga ka muna dito ha? Tatawagin ko lang ang doktor mo. Kanina pa 'yun bakit hindi ka pa niya inaasikaso. Paano natin malalaman kung okay ka na ba talaga o kailangan pa natin ng maraming test."

"Forth?" Hinawakan ko ang mga kamay niya. "I am okay. I am fine. Gusto ko lang talaga ngayon ay makita 'yung mga taong gusto ko makita." Hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. Ayaw ko rin ipakita sa kanya na ibang tao ako. Ako na ngayon si Avil—ang kasintahan ni Prosecutor Forth Lim.

Saktong paglabas ni Forth ng kwarto ay nakasalubong niya rin ang doktor ko. Bumalik nalang ito kasama ang doktor habang tinatanong nito ang tungkol sa kalagayan ko. Ang ganda ng ngiti ko dahil sa mga good feedback ng doktor sa akin. Pero hindi pa ako pinayagan na lumabas ng hospital dahil kailangan ko pa raw ng mas maraming mahinga. Nang palabas na ang doktor saka naman nawala ang ngiti ko nang makita ko ang isang pamilyar na tao. Nasa bungad siya ng pintuan—kausap ang doktor ko.

"Abbadon?" Mahinang tawag ko pero sinigurado kong narinig niya iyon dahil kaagad niya akong tinignan. Nakangiti siya. Masaya siya. Pero bakit? Bakit hindi ko nakikita sa mga mata niya na malungkot siya?

Maluha ako nang pumasok siya, at lumapit sa akin.

"Love, gusto ka pala kumustahin ni Doc La Valle." Wika ni Forth.

"How are you, Attorney Avil?"

"Abba?" Abba, ako ito—si Renata—ang asawa mo—.

"Attorney Avil are you alright—"

Hindi ko napigilan ang aking damdamin at emosyon. Bigla kong niyakap si Abbadon dahilan para magulat siya at maging si Forth. Gusto kong sabihin sa kanya na ako ang asawa niya. Ako si Renata Sumatra—La Valle.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status