Share

Chapter 5 - Bring back to Life

RENATA — Bring back to Life

Why is everyone crying? Why do I feel the weight of my body—as if someone ran over it. I can't even move every part of my body. what is going on, I feel paralyzed.

"Doc? Please save my daughter! I'm begging you. Iligtas ninyo ang aking anak sa kamatayan! Hindi siya pwedeng mamatay! Buhayin ninyo siya!"

That voice was familiar to me. Voice of Auntie Greta—Avil's mom. But why do I hear her voice? Later I heard a voice again—Pablo. Avil's older brother. Teka! Naguguluhan na talaga ako. Bakit mga boses ng pamilya ni Avil ang aking naririnig instead na boses ng aking asawa na si Abba at boses ng aking pamilya. Ano ba'ng nangyayari bakit hindi ako maigalaw aking katawan! What the hell is happening right now?!

I can't breath! Parang may bumabara sa lalamunan ko, na siyang pumipigil sa aking paghinga.

"I'm really sorry Misis Velasco. We try our very best, but—"

Anong, but iyan?!

"No! Please! Try again. One more please. Try again. I'm begging." Umiiyak na pakikiusap pa ni Tita Greta sa dalubhasa.

Saka, daughter? Naguguluhan na ako. Ano ba ang nangyayari! Bumaligtad na ba ang mundo? O nasa isang parallel world ba kami na ako ang anak ni Tita Greta sa mundong ito?

"Nurse Ann, defibrillation please. Let's take one more time. Two-hundred joulces." Kalmadong wika ng doktor sa nurse nito.

"Yes, doc." Nurse responds

"Please, one more time." Iyak na sabi ni Tita Greta.

I feel sorry for her. Pero mas naawa na ako sa aking sarili ngayon dahil sa isang masamang panaginip na naman. Wait! Panaginip lang ba lahat ng iyon? Did Abba betray me? He cheated on me with.... Doc Rita?

"Clear!"

My body suddenly react. 'Yung kanina na walang sense of reaction, ngayo ay unti-unti ko nang nararamdaman. 'Yung kanina na parang mabigat ay medyo gumagaan na. It's strange. Bakit pakiramdam ko sobrang sakit nang bawat kalaman-laman ng katawan ko. Naririnig ko ang bawat boses ng isa kung nasaan man ako ngayon, at isang tunog na animo'y galing sa isang makina. Ngayon napantanto ko na nasa hospital nga pala talaga ako at nire-revive ang aking buhay. Pero ang ipinagtataka ko lang talaga ay bakit ni isang boses sa pamilya ko ay wala aking may naririnig?

Mayamaya ay bigla nalang ako nakaramdam ng paghahabol ng aking hininga. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko, at tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Dahil sa pagkabigla—minulat ko ang aking mga mata pero sa hindi inaasahan ay bigla akong nanghina. Over reaction. Ang katawan ko ay wala sa oras ang pagresponde dahil na rin siguro sa defibrillation na ginawa sa akin ng doktor. Pero pakiramdam ko ngayon ay gumaan dahil ramdam ko ang magaan kong maghinga, at normal na pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog ulit. Pagising ko, medyo madilim ang kwarto ngunit may lamp shade na umiilaw na nasa side table para magbigay ng kaunting liwanag. Ang sakit ng katawan ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking mga braso para tignan ang sitwasyon ko. May tubo na nakakabit sa akin. Tatlong pero nakakonekta ito sa isang hose na siyang nakaturok sa aking ugat.

Bumaling ako sa aking gilid. May isang lalaking natutulog sa sofa. Nakatalikod siya kaya hindi ko ito namumukhaan. Pero sa hula ko ang asawa ko ito—si Abbadon.

Dahan-dahan akong bumangon para maupo. Sa side table may maliit na orasan; alas-tres ng madaling araw. Kaya pala ang tahimik ng paligid at medyo madilim sa loob ng kwarto dahil oras ng mahimbing na pagtulog. Mabuti nalang at may nakahandang tubig sa tabi, in case siguro na pagising ko alam na nila na iinom ako. Ang tuyong-tuyo na lalamunan ay nagkaroon ng magandang ginhawa. Uhaw na uhaw ang lalamunan ko. Bumalik ako sa pagkahiga para ipahinga ang aking katawan.

Ang daming tumatakbo sa isip ko pero bakit wala akong may maalala? Dahil ba ito sa gamot? Iyong aksidente namin ni Abba noong gabing iyon, paano kami nakaligtas? Bakit may parte sa utak ko na wala akong may maalala?

"Aray!" Mahinang daing ko sabay hawak sa aking ulo. Masyado ata akong nag-iisip nang kung ano-ano. Iyong aksidente na iyon kailangan kong malaman, pero sa ngayon, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong magpalakas para bukas, lahat ay maaalala ko na.

"Nagising siya kagabi? Pero hindi mo nakita kasi tulog ka?" Boses ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Si Alona.

"Malay ko ba! Siguro nga nagising siya; wala nang laman ang baso e. Sino pa ba iinom niyan? Multo?!"

"Huwag mo akong pinagloloko diyan Fort! Teka! Gisingin kaya natin?"

Si Fort? Bakit siya nandito? Bakit siya ang nagbantay sa akin buong gabi?

Ginalaw ko ang aking katawan para makuha ang atensyon nilanh dalawa. Nang natagumpayan ay kaagad din naman sila lumapit sa akin. Nakangiti ako habang sila bigla nalang nagsihagulhol sa iyakan ang dalawa. It's strange.

"Avil?! Finally gising ka na! Forth tawagin mo ang doktor saka sina Tita Greta! Bilis!" Hindi maipinta ang pagmumukha ni Alona sa sobrang emosyonal.

"Alona?" Tawag ko sa kanya.

"How are you? Okay ka lang ba? Teka! Tubig? Tubig gusto mo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"

"Alona?" Tawag ko ulit sa kanya. Umiiyak pa rin.

"Oo si Alona nga 'to. Avi, okay ka lang ba? Nagising ka rin finally! Thanks to God."

Tumango ako. "Ayos lang naman. Bakit, Alona?"

"Anong bakit ka diyan?!"

"Tinawag mo akong Avi?"

Naupo sa gilid ng kama si Alona. Tumangong nakangiti ito sa akin. Ngiting may halong iyak.

"You lay there in bed for six months. You have been sleeping for six months. You've been in a coma for six months, Avil."

Naguguluhan ako. Bakit panay Avil nang Avil ang tawag sa akin ni Alona; Si Renata ako. Hindi ako si Avil.

"Patay ka na, e! Pero biglang nagkaroon ng malaking-malaking milagro na galing sa Diyos! Mahal na mahal ng ka Diyos, Avi—"

"Salamin."

"Ha?"

"Salamin! Bigyan mo ako ng salamin! Ngayon din!"

Natarantang tumayo si Alona, at kinuha ang standing mirror. Hinarap niya iyon sa akin, at sa laking gulat ko—

"Why? Is there any problem, Avil?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pinisil-pisil ko ang aking mukha at pinagsasampal hanggang namula ito dahil sa hindi ko ito kayang paniwalaan.

"Avil? Are you okay? Stop hurting yourself!"

"No! Sandali! Hindi ako si Avil!" Bumangon ako saka pinilit na tumayo. Sa pag-apak ng mga paa ko sa sahig ay bigla naman ako nawalan ng balanse dahilan para humandusay ako sa sahig.

"Teka, Avil! Kumalma ka. Teka! Tatawag ako ng doktor."

"Hindi ako si Avil! Alona, ako ito—si Renata. Si Renata ako, Alona. Hindi ako si Avil!" Umiiyak na bulyaw ko sa loob ng kwarto.

Kumalipas ng takbo palabas si Alona. Sakto din ang pagpasok ni Auntie Greta at ni Forth, na ngayon ay nagtataka na rin sa akin dahil sa sinasaktan ko na ang aking sarili.

"Avil? What happen? Please, tell me." Sabi ni Auntie Greta na bigla nalang umiiyak. Nilapitan niya ako para yakapin dahilan para humagulhol ako nang humagulhol.

"Hindi ako si Avil. Ako si Renata." Hikbi ko.

"Hush, baby!" alo sa akin ni Auntie Greta. "Renata is dead, six months ago. That day was also the day you died because you had a heart attack. Luckily, an hour later you suddenly had a pulse, pero na-coma ka naman. Hinintay ka namin na magising subalit bagaman habang coma ay bigla ka nalang naalarma dahilan para mawalan ng pulso ulit. Kung hindi dahil sa pagmamakaawa ko sa doktor ay siguro ngayon ay wala ka na sa amin. Pero isang malaking himala ulit ang nangyari. Mahal na mahal ka ng Diyos, Avil. Sa kabila ng sakripisyon mo. Sa kabila nang pakikipaglaban mo sa kamatayan ay hindi ka sumuko. Hindi man nagkaroon ng himala kay Renata pero alam ng Diyos na may dahilan ang lahat."

God bring me back to life, but in Avil's appearance.

Gusto kong alamin ang lahat kung bakit nasa katawan ako ng kaibigan kong si Avil. What happen to Avil's spirit? And where's my body burried?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status