Share

Chapter 4 - Theory of Tragic

RENATA

A week later.

"Enjoy your haneymoon. More babies please?" Tawang sabi ni Alona sa kabilang linya bago niya tinapos ang usapan namin.

I just smile and look at the mirror. In heal, exhale.

"Ready?" Ani Aba habang nilalagay ang mga maleta namin sa compartment ng sasakyan.

"Hmm... finally, makapag-Japan na rin." Ngiting tagumpay na sabi ko sa kanya.

Nasa front seat na ako habang hinihintay ko si Aba—may kausap siya sa linya ng cellphone niya at halos matagal-tagal din na usapan. Panay tingin sa akin ni Aba—nakangiti siya. Hindi naman kailangan magmadali dahil madaling araw pa naman ang flight namin patungong Japan.

"Okay! Just text me if you were there. Bye!" Huling sabi ni Aba sa kausap nito sa linya, saka nag switch-on ng sasakyan. Gusto ko sanang tanungin king sino ang kausap niya pero hindi na ako nagbalak dahil alam kong trabaho na naman iyon. Meanwhile 'yong mga nakaappointment sa akin ay pending o pinakansela ko dahil nga sa honeymoon namin ni Aba. Maliban kina Thea at Alona, at parents ko ay wala na akong kinakausap pa.

Alas-siete ng gabi, nasa kalagitnaan na kami ng byahe patungong Parañaque galing pa kami ng Antipolo. Mabuti nalang ay hindi trapik sa mga oras na iyon.

"Want some water?" inabot sa akin ni Aba ang bottled water na kanina ay binuksan niya pero 'di niya nainuman. "Drink it then rest. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo sa airport."

"Thanks." Ngiti kong sabi. Nang makaramdam ng antok, hindi na ako nagdalawang isip na umidlip saglit. As Abaddon said, gigisingin niya naman na ako.

"Rena! Rena! Wake up! Renata!" napaungol pa ako nang marinig ko ang pagising sa akin ni Abaddon. "Renata!" Pukaw ulit sa akin ni Aba nang mapagtantong sumisigaw na pala ito.

Napabalikwas ako subalit hindi ko na maigaw ang aking mga katawan sa mga oras na iyon. Napatanto ko nalang na nakatali na pala ang katawan ko sa umupuan habang si Abaddon naman ay nasa labas na ng sasakyan—duguan ang mukha at umiiyak na nagmamakaawa na pakawalan kami. Dalawang lalaki ang may hawak sa kanya—nakatutok ang baril sa ulo nito. Sa harapan ng pintuan ko may isang lalaki doon—makamask ng itim at may hawak na baril. Nang binuksan ang pintuan, kinalas ng lalaki ang nakatali kong katawan, at walang awang hinila hinila ang mahaba kong buhok at patapun na nilibas galing sa loob ng sasakyan. Napaluhod ako.

"Anong nangyari? S—sino kayo?! Bakit ninyo ginagawa ito sa amin?! Anong kailangan ninyo!"

Natulog lang ako, pagising ko ganito na ang nangyari. Panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ito totoo.

"Aba! Aba!" Tawag ko sa aking asawa.

"Rena! It's okay, calm dowm. It's okay. Ugh!"

Pinapalakas ni Aba ang sarili ko, pero ito ako hinang-hina na sa mga nangyayari. Panay salita din ng tatlong lalaki kung itutuloy na ba ang nakaplano.

Plano? Ibig sabihin simula nakaalis kami ng bahay ay nakasunod sila sa amin? Bakit? Anong kasalanan namin?

"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa amin?! Pera?! Magkanu!"

"Please, huwag ang asawa ko!" bulyaw ni Aba subalit tanging tadyak lang ang nakuha nito sa mga lalaki. Duguan na ang asawa ko. "Please! Not my wife!" Pagmamakaawa ni Aba.

Luha, sipon at pawis. Nakaluhod akong nagmamakaawa na buhayin kami, at ibigay ang gusto nila subalit hindi raw iyon ang nais nila sa amin dahil meron raw nilang ganun. Dahil sa ingay ko at nairita na rin sa akin ang isang lalaki, binusalan ang bibig ko, at ibinalik ako sa loob ng sasakyan habang si Aba naman ay pinaghiwalay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa asawa ko. Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon na mag-usap. Inilayo nila sa akin si Aba, habang ako ay nasa loob ng sasakyan.

"Rena! Renata! No! Let go my wife!" Rinig kong bulyaw ni Aba sa mga lalaki. Mayamaya ay nakarinig ako ng boses ng babae—sigaw siya ng sigaw at mayamaya ay tatawa. Hindi ko na makita kung sino dahil nasa likuran sila ng sasakyan—nandun rin si Aba, doon siya dinala ng mga lalaki.

"Panginoon, maawa ka po sa amin. Iligtas niyo po ang asawa ko—kahit siya nalang Panginoon." Hagulhol ako nang hagulhol. Hindi ko na alam ang gagawin dahil nawawalan na ako ng pag-asa na makaligtas pa kami rito ni Aba. Malayo, madilim at mapuno. Hindi ko alam kung saan lugar ito at kung bakit kaki napunta sa lugar na ito. Kanina lang ay masaya kami bumabyahe ni Aba patungong airport. Nakaidlip lang ako, at pagising ko nasa ganitong sitwasyon na kami.

Umalma na ako nang may kumatok sa may bintana ng pintuan. Hindi ko maaninag ang mukha dahil sa subrang dilim ng paligid. Tanging halakhak niya lang ang naririnig ko at ang pagkaway niya sa akin. Mayamaya ay gumalaw ang sasakyan at dahan-dahan itong tumatakbo.

"Huwag! Saklulo! Tulog! Aba! Aba! Parang awa niyo na huwag niyong gawin sa amin ito! Tulong!"

Naaninagan ko sa unahan na parang bangin ang kahuhulugan ng sinasakyan kong kotse. Sigaw ako nang sigaw sa pangalan ni Aba kahit na alam kong hindi niya na ako matutulungan. Yung hagulhol ko halos lalabas na ang ugat sa leeg dahil sa takot na hanggang dito nalang ang buhay ko.

If God gives me life again, I will avenge my death. Hindi ako papayag na ganituhin nila ang buhay ko! Ayaw kong masayang ang lahat na mga pinaghirapan ko sa buhay.

Bago pumikit ang aking mga, isang panaginip ang aking naalala. Ang panaginip na iyon ay isang babala na binaliwa ko lang, dahil ang buong pagkakaakala ko, ang panaginip na iyon ay kabaliktaran nun. Everything has it's own time. And this is my time.

Iniisip ko nalang na isa pa rin itong masamang panaginip—na pagising ko kinabukasan ay nakangiti pa rin ako sa harapan ng marami. God knows how I cherish my lifes, but God also had a plan. He take my soul from my precious body.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status