“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
Isang mayamang bilyonaryo si Loid Taylor, nag iisang anak nina Larry at Berna Taylor. Sikat ang pamilya nila sa buong mundo dahil sa madami silang negosyo na halos may mga branches sila sa iba’t ibang bansa.Dahil sa gusto nang mga magulang ni Loid na magkaroon na siya nang asawa at magkaroon na sila nang apo ay na stress naman si Loid sa gusto nang kanyang mga magulang.Nagbakasyon siya sa London para maibsan ang stress na nararamdaman niya dahil sa kakaisip kung paano niya mapagbigyan ang kanyang mga magulang. Thirty five years old na siya pero hindi pa rin siya nag aasawa dahil sa super busy niya sa mga negosyo nila.Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makilala niya ang isang babaeng magpapatibok nang kanyang puso.Sa restaurant…“Carina, paki dala nga nang order ng customer na nasa table 5 may gagawin lang ako.” Sabi ng kasama niya sa trabaho.“Sige po,” dinala ni Carina ang order ng customer na nasa table 5.Hindi naman napansin ni Carina na may kaunting basa pala sa sahig kaya na
Ilang araw na lamang ay matatapos na ang bakasyon ni Loid sa London. Nakadama din siya nang lungkot dahil matagal na naman hindi niya makikita si Carina. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na para bang nahuhulog na ang loob niya sa babae. Kaya naman ay sinulit niya ang tatlong araw na natitira sa bakasyon niya. Bumalik siya sa restaurant para makita niya uli si Carina.Nang nasa resturant na siya ay napansin niyang wala si Carina, hindi niya ito nakikita. Kaya naman nagtanong siya sa isang kasamahan niya sa trabaho.“Good morning sir, please come in! We have here a table for two. Maganda po dito sa area na ito para tanaw po ninyo ang labas. Here is the menu sir, pili lang po kayo.” Hindi naman nakafocus si Loid sa server dahil ang mga mata niya ay hinahanap si Carina.“Can I take your order sir?” tanong uli nang server.“Ha?! Ah, sorry! Same lang din sa ini order ko sa tuwing kumakain ako dito.” Sagot ni Loid.“Okay sir noted! Just wait for about 5 minutes sir.”“Thank you! Ah
Hindi mapalagay si Carina sa nabalitaan niya tungkol sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi na niya alam kung saan siya hahanap nang pera para may maipadala siya sa kanyang ina sa Pilipinas. Inaalala din niya si Loid, alam niyang nagtatampo iyon dahil hindi siya sumipot sa usapan nila.Tinawagan niya uli si Loid pero hindi na ito sumasagot. Hindi pa man naging sila pero nasasaktan na siya sa mga nangyari sa kanila sa naging sitwasyon niya ngayon. Hindi naman niya kagustuhan na darating ang problema sa pamilya nila.Tumawag siya uli sa ina niya sa Pilipinas para itanong kung kumusta na ang kapatid niya.“Hello mom, kumusta na po? Ano na po ang balita kay Carlos?” nag alalang tanong niya.“Nasa I.C.U pa rin siya Carina. Ilang oras na ang doctor na hindi pa lumalabas, subra na akong nag alala sa kapatid mo.”“Ganoon po ba! Kawawa naman ang kapatid ko. Magpakatatag ka mom, e update mo ako palagi. Maghahanap lang po ako ng pera dito
Hindi muna sumagot si Carina, kaya naman nagtanong uli si Loid.“Ano Carina? Tatanggapin mo ba ang offer ko?” tanong uli ni Loid.“Ah! Pag iisipan ko pa po sir. Ayaw ko pong maka abala sa inyo. Nahihiya po ako, problema po ito nang pamilya namin.” Sagot ni Carina.“Huwag munang isipin iyon, ang mahalaga may maipadala ka na sa pamilya mo sa Pilipinas. Kumusta na nga pala ang kapatid mo? Okay na ba siya?” “Hindi pa nga po sir, nasa I.C.U pa siya.”“Ah! Ganoon ba kawawa naman pala. Magpakatatag ka lang magiging okay din ang lahat.” “Salamat po sir Loid.”Natapos ang usapan nila. Napanatag na ang kalooban ni Carina ngunit naalala niya ang sinabi niya sa kanyang manager na pumayag na siya sa alok nito. Hindi na rin niya alam kung paano niya sasabihin sa kanyang manager na aatras na siya sa alok nito.~~~~~Kinabukasan…Nakabalik na siya sa trabaho dahil tapos na ang days of suspension niya. Nakita niya ang kanyang manager na nasa pintuan nang office niya na para bang inaantay siya nito.
Naghahanap na nang ibang trabaho si Carina para makaalis na siya doon sa restaurant na pinagtrabahoan niya at hindi na niya palaging makikita ang amo niya.Iyon naman ang huling araw ni Loid sa London kaya noong pumayag si Carina na makipagkita sa kanya ay masaya naman siya sa narinig niya. Kumain sila sa isang restaurant na may overlooking. Medyo malayo sa pinagtatrabahoan niya. “I am happy Carina, kasi pinagbigyan mo ako sa kahilingan ko na makipagkita sa akin sa huling araw ko sa London.”“Okay lang po sir, nahihiya nga po ako sa inyo dahil sa noong unang usapan natin ay hindi ako sumipot.”“Okay lang naiintindihan ko naman ang rason mo. So, ano papayag ka na sa offer ko?”Hindi muna sumagot si Carina. Pero naisip niya ang sinabi ni Dina, kailangan na kailangan talaga niya ng pera. Hindi din siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi ni Dina sa kanya, naisip niya na kung hindi niya tatanggapin ang alok ni Loid ay wala na siyang ibang mapuntahan kasi si Dina ay kunti lang din
Kinabukasan ay nakisabay si Carina kay Dina para pumunta siya sa opisina ng manager nila sa restaurant. Habang papalabas na sila ay nakatingin sa kanya ang mga Pilipina din na kapitbahay nila. Nahihiya ako sa kanila kaya nakayuko na lamang ako habang naglalakad kami papunta sa may eskinita para sumakay ng taxi.“Hayaan muna sila Carina, mawawala din ang issue na iyan kailangan mo lang magpakatatag.” Sabi ni Dina.“Hindi ko maiwasan na mag alala para sa sarili ko kasi wala naman akong kasalanan at hindi ko naman ginawa iyon. Naiinis lang ako sa manager natin kasi kung kailan may nahanap na akong trabaho para makaalis sa restaurant na iyon para di ko na siya makita ay ito pa ang ginawa niya sa akin. Hindi naman siya ganyan dati pero bakit ang tao nagbabago.” Sabi ni Carina.“Matagal na sigurong may gusto sa iyo ang manager natin kaya noong humingi ka nang pabor sa kanya ay nagtake advantage siya.” “Grabe naman siya, di ba bawal sa mga employer na magkagusto sa isang empleyado. Talagang