Naghahanap na nang ibang trabaho si Carina para makaalis na siya doon sa restaurant na pinagtrabahoan niya at hindi na niya palaging makikita ang amo niya.
Iyon naman ang huling araw ni Loid sa London kaya noong pumayag si Carina na makipagkita sa kanya ay masaya naman siya sa narinig niya. Kumain sila sa isang restaurant na may overlooking. Medyo malayo sa pinagtatrabahoan niya.“I am happy Carina, kasi pinagbigyan mo ako sa kahilingan ko na makipagkita sa akin sa huling araw ko sa London.”
“Okay lang po sir, nahihiya nga po ako sa inyo dahil sa noong unang usapan natin ay hindi ako sumipot.”“Okay lang naiintindihan ko naman ang rason mo. So, ano papayag ka na sa offer ko?”Hindi muna sumagot si Carina. Pero naisip niya ang sinabi ni Dina, kailangan na kailangan talaga niya ng pera. Hindi din siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi ni Dina sa kanya, naisip niya na kung hindi niya tatanggapin ang alok ni Loid ay wala na siyang ibang mapuntahan kasi si Dina ay kunti lang din ang masasahod niya umaasa lang din ang pamilya niya sa kanya.“Okay ka lang ba Carina?”
“Ha?! Opo sir, may iniisip lang ako.”“Huwag ka na masyadong mag alala Carina, magiging okay din ang lahat.”Biglang nag ring ang phone ni Carina, nakita niya ang pangalan ng kanyang ina. Agad niya iyong sinagot.“Hello Mom, kumusta na po diyan?”
“Carina…” narinig niya na parang umiiyak ang kanyang ina.“Mom, ano po?! Bakit po kayo umiiyak? Kumusta na po si Carlos?“Hindi pa rin siya nagigising, magdalawang araw na. Nahihirapan na ako, ang laki na nang bill sa hospital huhu!” malungkot na sabi ng kanyang ina.“Mom, huminahon ka gagawa ako ng paraan para mabayaran natin iyan.” Sabi ni Carina.“Salamat anak, pasensiya ka na kung palagi kaming pabigat sa iyo. Alam ko naman na hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa. Nandiyan lahat lungkot, pagod at puyat para lang makapagtrabaho at may maipadala ka dito sa pamilya mo sa Pilipinas.” Sabi ng kanyang ina.“Mom, okay lang po para po sa inyo ang lahat ng ginagawa ko. Huwag niyo na po iyang isipin. Sige mom, magpahinga muna kayo. Balitaan niyo nalang ako, at huwag po kayong mag alala kasi po magpapadala po ako within this week.” Sabi ni Carina.
Pagkababa niya ng phone ay makikita sa mukha niya ang lungkot. Napansin naman iyon ni Loid.“Okay ka lang ba Carina?”Matagal siyang nagsalita dahil nalulungkot siya narinig niyang balita mula sa kanyang ina.“Ha?! Okay lang po sir.”“Sigurado ka ba? Bakit parang gusto nang tumulo ng luha galing sa mga mata mo?”Hindi na rin napigilan ni Carina ang mapaluha. Doon na bumuhos ang luha niya. Ayaw man niyang umiyak sa harapan ni Loid ay hindi na niya nakaya. Nakisimpatiya naman sa kanya si Loid, niyakap siya nito para e comfort. Ramdam niya ang matipunong bisig ni Loid, habang nakasandal siya sa may dibdib nito nalalanghap niya ang mabangong amoy na perfume na gamit nito. Nasabi niya sa kanyang isipan na masarap sigurong magmahal ang taong ito?
Lumipas din ang ilang minutong pagyayakapan nila. At tinanong uli siya ni Loid kung tatanggapin niya ang offer nito.“Ano? Tatanggapin mo na ba?”“Nakakahiya man po, pero sige po babayaran ko nalang po paunti-unti.” Sagot ni Carina.“Puwede mo nang hindi bayaran pero may pabor sana akong hihilingin sa iyo. Kung okay lang sa iyo.” Tanong ni Loid.Kinabahan naman si Carina baka pareho ito sa alok ng kanyang manager. Pero mas may tiwala siya kay Loid kesa sa manager niya. At binata naman si Loid hindi gaya ng manager niya.“Ano po iyong pabor ninyo sir?”“Ah! Ayaw ko sanang gawin ito kasi alam kung bago pa lang tayong nagkakilala, hindi mo pa ako lubusang kilala at hindi din kita lubusang kilala pero may tiwala ako sa iyo. Iba ka sa lahat ng nakilala ko. Alam kung mabait ka at mapagkatiwalaan.” Paliwanag ni Loid.“Salamat po sir sa tiwala ninyo. Ano po sana ang pabor ninyo?” tanong ni Carina.“Ah! Puwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?”Biglang nabilaokan si Carina sa pagkain niya. Agad siyang kumuha ng tubig para uminom.“Ano po?! Magpanggap na girlfriend?”“Oo sana, na pressure na kasi ako kay mom at dad palagi nalang nila akong kinukulit kung kailan daw ako magkakaroon ng sariling pamilya dahil may edad na daw ako.” Sagot ni Loid.Hindi naman sumagot kaagad si Carina. Nag isip muna siya, tatanggapin kaya niya ang pabor na iyon. Naisip din niyang magkaroon siya ng malaking utang na loob kay Loid kung tatanggapin niya ang pera pero wala na talaga siyang choice kundi tanggapin ang offer na iyon para sa pamilya niya sa Pilipinas lalo na sa kapatid niya kaya naman ay makalipas ang ilang minuto ay sumagot na siya.“Ah! Sige po, gagawin ko po ito para sa pamilya ko para ma save po ang kapatid ko.” Sagot ni Carina.“Talaga?! Nakangiting sabi ni Loid. “Oo naman I promise na kahit magkano ang hihiramin mo ibibigay ko.” Naisip naman ni Carina, ganito ba talaga ka yaman ang lalaking ito parang kaya niyang ibigay ang langit at lupa ah! Napatitig siya kay Loid. Sino kaya ang lalaking ito?“Ah! Bakit ganyan ka makatingin sa akin Carina? Masyado ba akong over reacting sa tugon ko sa sagot mo sa akin?” tanong ni Loid.“Ha? Hindi naman po sa ganoon. Wala din po akong ibang sinasabi, ah! Nagulat lang po ako sa sinabi ninyo. As in magpanggap talaga na girlfriend mo?”“Yes, gagawa nalang ako ng contract about sa mga rules natin para naman kahit papaano ay alam natin ang mga limitation natin.”Natahimik uli si Carina. Madaming gumugulo sa isip niya, ang hirap naman ng kondisyon o pabor na hinihingi ni Loid. Naisip niyang paano kung mahulog ang loob niya sa lalaki, makakaya kaya niyang iwasan ang lalaking ito? Haist! Napabuntong hininga na lamang siya.“Paano po ang contract di ba po aalis na kayo bukas pabalik ng Pilipinas?”
“Yes, pero puwede kung email sa iyo at iprint mo tapos e scan mo nalang na may pirma muna at e email mo pabalik sa akin.” Sagot ni Loid.“Ah! Okay sige po,”“By the way, uutusan ko nalang ang secretary ko na siya na ang magbigay ng pera sa mother mo, kasi malaki ata ang charge kung ikaw na ang magpadala total nasa Pilipinas na naman ako by tomorrow or the next day.”“Sige po, e inform niyo nalang po ako kung ano po sasabihin ng mother ko pagkabigay ng pera.”“Yes, huwag kang mag alala hindi kita bibiguin kung anong napagkasunduan natin ay gagawin ko at sana hindi ka aatras sa usapan natin. Maybe next month babalik uli ako dito sa London.”Napatingin siya kay Loid. Naisip niya, babalik siya sa London next month? Wow naman ang yaman siguro ng lalaking ito para ginawa lang niya Manila at Cebu ang London ah! Napakamahal kaya ng pamasahe.“Hey! May dumi ba ako sa mukha? “Ah! Wala naman po sir, nagagwapuhan lang ako sa iyo ay este may iniisip lang ako para kasing subrang tagal na nating magkakilala.” Napangiti naman si Carina sa sinabi niya.“Haha! Talaga?! Naninibago ka lang siguro baka may kamukha lang ako na naging customer mo kaya na confuse ka. Siyanga pala ok lang ba magpicture tayong dalawa ipakita ko lang kay mom at dad.” “Ha?! Sige po pero nakakahiya naman.”“Huwag ka nang mahiya maganda ka naman.” Nakangiting sabi ni Loid.Natapos ang gabing iyon na masaya silang dalawa, inihatid na ni Loid si Carina sa apartment nila medyo late na din at nakatulog na si Dina galing sa trabaho.
Hinalikan siya sa pisngi ni Loid at nakangiti naman si Carina. Napaka gentle ni Loid, hindi siya gaya ng ibang lalaki na nakilala niya na minsan ay hindi marunong rumespeto sa mga babae.~~~~~Lumipas ang mga araw, ay nakadama naman ng excitement si Carina dahil sa naalala niya ang sinabi ni Loid na babalik siya sa London next month at ilang araw nalang ay patapos na ang buwan. Magkikita na uli sila.Naging magaan na rin ang pakiramdam ni Carina dahil sa nabalitaan niyang naging successful ang surgery ng kanyang kapatid, at kasalukuyang nagpapagaling na si Carlos. Nagpapasalamat siya ng malaki kay Loid dahil sa pagpapahiram nito sa kanya ng malaking halaga. Alam niyang may kondisyon ang perang iyon pero wala na siyang choice kundi tanggapin iyon para sa pamilya niya at maisalba ang buhay ng kanyang kapatid.
Habang inaasikaso niya ang kanyang pag resign sa restaurant dahil sa umalis na siya doon sa pinagtrabahoan niya ay may nakita naman siyang news sa isang newspaper. Nandoon ang mukha niya, subra ang pagkahiya niya dahil nakalagay doon na humiram daw siya ng pera sa isang manager kapalit ng dignidad niya. Nanlumo siya sa nabasa niya, hindi niya alam kung sino ang nagbalita nun at wala naman siyang ginawa na ganoon.
Naiyak na lamang siya, nahihiya siyang lumabas kasi kilala na siya ng mga kapitbahay nila. At naisip niyang nabalitaan na rin iyon ni Dina.Kinagabihan ay dumating galing sa trabaho si Dina.
“Carina, okay ka lang ba?”
“Nabasa mo din ba?”“Oo, pero huwag ka masyado mag alala kasi naniniwala naman akong hindi mo magagawa iyon. May idea ka na siguro kung sino ngpakalat ng maling balitang iyon?” sagot ni Dina.“Oo, pero wala akong laban kasi wala akong pera. Kahit anong sasabihin niya ay sa kanya maniniwala at makisimpatiya ang mga tao.” Malungkot na sabi ni Carina.“Magpakatatag ka kasi alam kung lalabas din ang katotohanan, ginawa niya siguro iyon dahil sa nagalit siya na nagresign ka at umalis na sa restaurant.” Sabi naman ni Dina.“Nahihiya ako Dina, hindi ko alam paano ako haharap sa mga tao lalo na kilala ako ng mga kapitbahay natin.”“Naiintindihan kita pero alam kung makakaya mo iyan, at mawawala din ang issue na iyan.”“Sana nga, paano kung mabalitaan iyan ni Loid?”“Hindi naman siguro kasi nasa Pilipinas pa naman siya at next month pa siya babalik dito di ba?” “Sana nga, alam mo naman ang balita kahit nasa ibang bansa tayo ay mabilis din kakalat sa Pilipinas.” Nag alalang sabi ni Carina.“Huwag ka nang masyadong mag alala, halika na kumain na tayo gutom na ako eh!”Hindi pa rin mapakali si Carina sa nabasa niya. Kaya naisip niyang pupuntahan niya ang kanyang manager dahil hindi naman makatarungan ang ginawa niya.
Makakuha kaya si Carina ng hustisya sa pagpapahiya sa kanya?
Kinabukasan ay nakisabay si Carina kay Dina para pumunta siya sa opisina ng manager nila sa restaurant. Habang papalabas na sila ay nakatingin sa kanya ang mga Pilipina din na kapitbahay nila. Nahihiya ako sa kanila kaya nakayuko na lamang ako habang naglalakad kami papunta sa may eskinita para sumakay ng taxi.“Hayaan muna sila Carina, mawawala din ang issue na iyan kailangan mo lang magpakatatag.” Sabi ni Dina.“Hindi ko maiwasan na mag alala para sa sarili ko kasi wala naman akong kasalanan at hindi ko naman ginawa iyon. Naiinis lang ako sa manager natin kasi kung kailan may nahanap na akong trabaho para makaalis sa restaurant na iyon para di ko na siya makita ay ito pa ang ginawa niya sa akin. Hindi naman siya ganyan dati pero bakit ang tao nagbabago.” Sabi ni Carina.“Matagal na sigurong may gusto sa iyo ang manager natin kaya noong humingi ka nang pabor sa kanya ay nagtake advantage siya.” “Grabe naman siya, di ba bawal sa mga employer na magkagusto sa isang empleyado. Talagang
Masaya si Carina sa bago niyang trabaho, kahit nakakapagod ang gawain kasi madaming mga customer na kumakain lalo na pag weekends at salary day. Maganda kasi ang lokasyon ng restaurant na iyon.Habang nag seserve siya ay may nakita siyang isang gwapong lalaki na pumasok sa opisina nang kanilang manager. Naisip niyang ang swerte naman niya sa bagong workplace niya kasi puro mga pogi ang nandoon. Sign na kaya iyon para magkaroon siya ng bagong boyfriend, napangiti na lamang siya. Pero biglang sumagi sa kanyang isipan si Loid, guwapo din naman si Loid at elegante kaya naman mas okay din naman siya. Natawa uli siya ng palihim.Tinawag naman ako ng isa kung katrabaho dahil inutusan daw siya ng aming manager para magdala ng pagkain sa loob ng opisina.“Sige po, kukuhanin ko nalang ang mga pagkain at dalhin doon sa opisina ni sir.” Sabi ni Carina.Nang mahanda na lahat ni Carina ang pagkain ay agad naman siyang pumasok sa opisina, nakita niya doon ang dalawang nag gwapuhang mga lalaki.“Shit
Lumipas ang mga araw at dalawang araw na lamang ay darating na si Loid sa London.Nagpaalam naman si Patrick kay Pia na may lakad siya.“Sis, may lakad pala ako ngayon. Tingnan mo nga ang ayos ko, okay lang ba?”“Haha! Ano ba ang nakain mo? Himala ata na naisipan mong kunin ang opinyon ko. Parang may something akong hindi alam ah!” nakangiting sabi ni Pia.“Oh! Bawal na bang magtanong nang opinyon ngayon sa kapatid.” “Hindi naman bro, pero nababaguhan lang ako kasi ni minsan hindi ka pa nagtanong ng opinyon ko. May nagugustuhan na ba ang kakambal ko?” nakangiting sabi ni Pia.“Ha?! Pag nagbago ng style may nagugustuhan na hindi ba puwedeng na realize kung mas okay pala na magbehave haha!”“Ikaw talaga, niloloko mo na naman ako. Oo na okay na iyang suot mo. Sino ba ang e meet up mo at bakit nagpapapogi ka ata ngayon.” “Sister, akin na lang iyon baka naman hindi tutuloy iyong babae na e meet up ko. Kakain lang kami sa labas.”“Oh! Talaga, sure ba ba iyan? Baka naman ay lolokohin mo na
Iyon na ang araw kung saan ay darating na si Loid. Hindi siya nagsabi kay Carina kasi gusto niya itong surprisahin kaya naman excited na siya na pupunta sa apartment nila kinabukasan.Nakarating na sila sa bahay ng kanyang auntie at uncle at kasama din niya sila galing sa Pilipinas.“Hello, mom and dad . How was vacation in Philipipines?“Naku! Pia, subrang saya. Kahit isang buwan lang kami doon pero super enjoy. Ah! Siyanga pala nasaan si Patrick?” Sagot ng kanyang ina.“Oh! Hindi ko po alam mom, kasi wala naman po siyang sinabi sa akin. Ganyan naman iyong kapatid ko kahit saan nagpupunta. Hayaan na natin malaki na naman siya alam na niya kung ano ang tama at mali.” Sabi ni Pia.Sina David at Olivia ang mga magulang nina Patrick at Pia. Pamilya sila ng mga mayayamang angkan. Dahil ang mga magulang nila, may maraming negosyo. Magkapatid ang ama ni Loid at ama nina Patrick at Pia. Nasa linya na nila ang lahi ng mga negosyante na kaya tinaguriang mga bilyonaryong angkan.“Oh! Akala ko b
Masaya naman na nagkwentuhan ang pamilyang Taylor. Dumating na rin si Patrick at niyakap niya agad ang kanyang mga magulang. Nakangiti si Patrick habang niyakap niya ang kanyang mga magulang.“Patrick saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang sumama sa kapatid mo na sunduin kami sa airport.” Sabi ng kanyang ama.“Sorry dad, nakalimutan ko talaga. Maaga akong pumunta sa restaurant kasi may inaasikaso ako.” Alibi niya ni Patrick.“Ah! Ganoon ba, bakit hindi mo naman sinabi kay Pia para naman maintindihan namin na hindi ka makasama sa kapatid mo magsundo sa amin sa airport.” Sabi ni Olivia.“Hayaan mo na auntie, busy lang yan si Patrick.”“Oo nga mom, tama po si Loid. Ah! Siya nga pala may ka business partner pala akong darating dito inimbita ko siya para makilala niyo din siya.” “Oh! Okay son, antayin nalang natin siya bago tayo kumain.” “Okay mom, sabi naman niya na papunta na siya malapit na daw siya sa bahay natin.” Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang inaantay nilang bi
Nasa Pilipinas na sina Loid at Carina. Ikinasal sila matapos magpropose si Loid sa kanya. Hindi naman nakadalo sina Marco at Patrick dahil sa may iba itong appointment pumunta sila sa Paris para umattend ng symposium para panoorin ang mga sikat na chef at magkaroon na rin sila ng idea about sa mga famous recipes na gusto ng mga briton at iba pang foreign people na nagbabakasyon sa London at kumakain sa kanilang restaurant.Naiintindihan naman ni Loid si Patrick at naiintindihan naman ni Carina si Marco ang dati niyang manager.Natapos ang kasal nila at unang gabi nila ni Carina at Loid para sa kanilang honeymon at nasa bahay lang sila pero may plano silang magbakasyon para sa second honeymon nila.Nagbihis nang magandang lingerie at nighties si Carina. Masaya namang nakatingin si Loid.Nagsimula nang halikan ni Loid si Carina sa kanyang leeg, mahinahon ang halik niya dito. Hanggang sa bumalik siya sa labi nito at mas mainit na ang halik nila. Naging malikot naman ang kamay ni Loid, hi
Napansin naman ni Carina na nakasulyap pa rin si Evelyn kay Loid. Nakadama siya ng pagkabahala baka darating ang araw na akitin ng kasamabahay nila ang asawa niya.“Hon, tahimik ka ata. May problema ba? May masakit ba sa tiyan mo?”“Ah! Wala naman hon. Aalis ka pa ba mamaya?”“Hindi na, kailan nga pala ang sunod na check up mo? Baka makasama na ako sa iyo.”“Bukas hon, may lakad ka ba bukas?”“Ah! Wala naman at hindi naman gaanong busy sa office. Samahan na kita, anong oras ba?”“Siguro mga 9am hon. E message nalang kita pag nakaready na ako.”“Okay, sunduin nalang kita dito sa bahay.”Natapos ang hapunan ng mag asawa. Nag usap na sila sa sala habang nililigpit naman ni Evelyn ang pinagkainan nila. Nakikinig lang si Evelyn sa usapan nilang mag asawa. Nakadama siya ng pagka inggit kay Carina kasi nakikita niyang mahal na mahal siya ni Loid. Kahit anong gawin niyang pagpapaganda ay deadma pa rin siya nito.~~~~~Sa London…Umalis na din si Dina sa restaurant na pinagtatrabahoan niya. G
Nasa restaurant na si Dina sinunod niya ang address na binigay ni Patrick. Pumasok siya sa loob at may isang staff na nag guide sa kanya para interviewhin siya. Pumasok sila sa room at ipinakilala ng isang staff si Dina. “Good morning po ma’am, ako nga pala po si Dina may interview po ako ngayon.” Sabi niya sa babaeng nakatalikod. Tapos humarap na ito sa kanya.“Oh! Dina, maupo ka muna. So, mag tatanong lang ako ng mga personal question ha!” sabi ng babae.“Okay po, ready na po ako.”Mga 10 to 15 minutes lang nag interview ang staff ng restaurant medyo kinabahan naman si Dina. Nag alala siya na baka hindi siya makapasa sa interview pero iniisip pa rin niya ang positive na resulta. Kinakabahan na siya kasi sabi ng staff mag antay lang daw siya ng ilang minutes dahil malalaman na ang resulta. Makalipas ang ilang minuto ay nalaman na ni Dina ang resulta. Subra ang kaligayahan niya dahil nakapasa siya sa interview at puwede na siyang magsimula kinabukasan. Ngunit nakiusap siya sa staff n
Hinila na ako ni Dina palabas nang store dahil kakain daw kami. Isa iyong magarang restaurant halos ata lahat nang customer doon ay mayayaman. Nagmamasid lang ako sa paligid habang inaantay ko si Dina galing nang wash room. Sa tapat naman nang restaurant na iyon ay may cafeteria, may nakita akong isang babae at dalawang lalaki.Magkatabi ang isang babae at lalaki habang nasa harap naman nila nakaupo ang isang lalaki. Familiar sa akin ang katabi nang babae. Subrang lapit nila sa isa't-isa kaya naman ay napa iling nalang ako. Grabe naman ang babaeng iyon wala man lang delikadesa kahit kaharap nila ang isang lalaki din. Parang namukhaan ko iyong lalaki na nasa harap nila. Oo nga pala siya iyong lalaki na nakabanggaan ko kanina, at kilala siya ni Dina."Wait, parang kilala ko iyong lalaki na katabi nang babae. Si Alfred ba iyon?" Hindi na ako mapakali sa nakita ko, sino ang babaeng iyon bakit ganoon nalang ang pagkahawak niya sa braso nang asawa ko. "Hey! Carina, kanina ka pa nakatingin
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Sa hospital…“Hi! Danilo, kumusta?” “Oh! Ate, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko sa iyo na tatawag nalang ako sa iyo para sunduin ka. Alam mo naman na maselan ang kalagayan mo. Tatawagan na sana kita kasi katatapos ko lang e check up ang pasyente ko kaaalis lang din niya.” “Talaga?! Baka siya iyong nakasalubong ko sa may lobby kanina. Siyanga pala, ano nga pala ang pina consult niya sa iyo? Di ba neuro surgeon ka?” “Ah! Actually this is confidential kasi may policy kami sa hospital na never namin e share ang mga information at result nang patient namin unless kung family siya nang patient.” “Ah! Ganoon ba? Pasensiya ka na kasi na curious lang ako sa babaeng iyon. Hindi ba puwede malaman ang name niya? Kahit name lang. Please…Hindi ko naman matiis ang Ate ko kaya sinabi ko sa kanya ang name nang pasyente ko. Ngunit nagtaka ako bakit parang nalungkot siya at nanglumo wala naman akong ibang sinabi kay Ate kundi pangalan nang pasyente ko.“Ha! Ilang taon mo na siyang kilala Danilo?”N
Nakauwi na si Dina sa apartment na inuupahan niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakabanggaan niya kanina sa hospital. Si Carina kaya ang babaeng nakabanggaan ko? Pero impossible! Ilang taon na ang nakakalipas hindi na namin alam ang kaso tungkol sa pagkawala nila Carina at nang anak niya. Pero possible rin na may nakakita sa kanila sa laot at sinagip sila. Kailangan kung imbestigahan ang tungkol sa kanila ni Carina hindi ako titigil hanggat hindi ko ma kumpirma kung sino ang babaeng iyon. Biglang nag ring ang phone ko. Isang unknown number, ayaw ko sanang sagutin kaso ilang beses nang tumatawag. “Hello! Who’s this please?” Walang sumasagot, kinakabahan tuloy ako. Sino na naman kaya ang nanakot sa akin. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong isang ungol nang babae at may boses na lalaki. Wala akong ibang maisip kundi ang asawa at friend ko sa London. Mga baboy talaga ang dalawang iyon, iniinis talaga ako. Hintayin niyo lang na manganak ako at babalikan ko kayo
Lumapit ako sa may table nila Papa Alfred, nakita ko din doon si sir Loid. Kinabahan ako, ano kaya ang sasabihin ko kay Papa.“Oh! Anak, anong ginagawa mo dito sa mall? Sino bang kasama mo?“Alfred? Anak mo si Carmela?”“Yes po sir Loid, pasensiya na po kayo hindi ko po siya masayadong nababanggit sa inyo. Siya po ang binilhan ninyo nang gift noong graduation niya.”“Talaga! So, you mean classmate siya ng mga anak ko? Pero nagtatrabaho siya sa company ko.”Bigla akong pinagpawisan nang malamig grabe parang binuhusan ako nang madaming yelo sa katawan ko. Nabuking na ako, alam kung magagalit si Papa sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya at kay Mama na nagtatrabaho ako sa Taylor’s Company kasi ayaw ni Mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ni Mama pero ang sigurado ako, masesermonan ako nito pag uwi ni Papa sa bahay. Nakikita ko sa mga mukha ni Papa na nadisappoint siya sa akin pero nagpipigil siguro siya dahil nasa harapan namin si sir Loid.“Ah! Sige, Pa at sir Loid mauna na po ako
“Ikaw ang tinatanong ko kung bakit nagbabakasyon ka sa Pilipinas nang hindi ko alam.”“Kailan pa naging concern sa iyo ang opinion at decision ko sa buhay, di ba wala ka nang pakialam sa akin?”“It doesn’t mean, hindi lang tayo naging okay pero natural lamang sa mag asawa na hindi maging okay minsan pero wala akong sinasabi na puwede ka nang magdecision na hindi ko alam.”“So, gusto mo hawak mo ang buhay ko. For your info Patrick, mag asawa lang tayo sa papel. Pero hindi ibig sabihin na hawak mo na ang buhay ko. May sarili tayong decision sa buhay kaya wala kang pakialam kung nasaan ako ngayon at kung kailan ako babalik nang London.” Inis kung sabi kay Patrick.Tumahimik na lamang siya, siguro naisip niyang may point naman ako. Wala pa talaga akong plano bumalik sa London, gusto kung sa Pilipinas na ako manganganak. Pero nahihirapan na rin ako medyo lumaki na ang tiyan ko at malapit na rin akong manganak. Kailangan kung humingi nang tulong sa kapatid ko. Tatawagan ko nga siya.Si Dan
“Hey! Jacob?! Really is that you?”Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin.“Who are you?!”“Wow naman Jacob, nakalimutan muna kaagad ako. Ako si Rowena ang future fiancee mo.”“What?!”. Ano naman kaya ang pinagsasabi nang babaeng ito.“Of course I’m telling you the truth. Actually nagkita na tayo before when we are still in primary school. Kapatid ako nang business partner nang dad mo. Hindi na tayo nagkita uli after nun kasi nga dito na ako sa America nag continue mag aral. Mabuti at same tayo nang school makikita na kita palagi. I’m sure magkaklasi din tayo.”Haistt! Ano bang babaeng ito ang daming sinasabi hindi naman ako nagtatanong.“Okay! I have to go, kasi susunduin ko pa si Jenny.”“Oh! Andito din pala ang best competitor ko noon sa school.”“Yes, bakit may problema ka? It’s none of your business kung andito din siya kasi kambal kami. And besides, our parents decided that. Kaya tumahimik ka na, dami mong sinasabi hindi naman kita tinatanong.”Umalis na ako, alam kung napahi
“Doc, kumusta po ang kalagayan nang baby ko?”“Okay naman ang baby mo Mrs. Taylor,”“Doc just call me Dina nalang po. Ayaw ko pong marinig ang apelyido na iyan.”“Okay, Dina! Kailangan lang mag ingat ka kasi mahina ang kapit nang bata bibigyan nalang kita nang gamot para mas kakapit siya.”“Okay po doc, salamat po. And doc, favor naman po. Please po wala po sanang makakaalam na nagdadalang tao ako lalo na sa mga Taylor.”“If you don’t mind, Dina. Bakit?”Napaisip ako, chismoso din pala ang doctor na ito.“Ah! May rason po ako doc, sana po respetuhin niyo nalang po.” sabi ko sa doctor.“Oh! Pasensiya ka na Dina. Sige mauna na ako. Basta huwag mong kalimutan ang bilin ko sa iyo.” Umalis na ang doctor at ako naman ay napasunod sa kanya. Pero huminto siya saglit dahil may tumawag sa kanya. Dahil nga chismosa din ako, nakinig ako sa usapan nila. May narinig akong pangalan na Leah, wait siya ba ang Leah na kaibigan ko? Pero impossible, anong koneksyon nila sa doctor ko. Kinakabahan tuloy ak