Iyon na ang araw kung saan ay darating na si Loid. Hindi siya nagsabi kay Carina kasi gusto niya itong surprisahin kaya naman excited na siya na pupunta sa apartment nila kinabukasan.Nakarating na sila sa bahay ng kanyang auntie at uncle at kasama din niya sila galing sa Pilipinas.“Hello, mom and dad . How was vacation in Philipipines?“Naku! Pia, subrang saya. Kahit isang buwan lang kami doon pero super enjoy. Ah! Siyanga pala nasaan si Patrick?” Sagot ng kanyang ina.“Oh! Hindi ko po alam mom, kasi wala naman po siyang sinabi sa akin. Ganyan naman iyong kapatid ko kahit saan nagpupunta. Hayaan na natin malaki na naman siya alam na niya kung ano ang tama at mali.” Sabi ni Pia.Sina David at Olivia ang mga magulang nina Patrick at Pia. Pamilya sila ng mga mayayamang angkan. Dahil ang mga magulang nila, may maraming negosyo. Magkapatid ang ama ni Loid at ama nina Patrick at Pia. Nasa linya na nila ang lahi ng mga negosyante na kaya tinaguriang mga bilyonaryong angkan.“Oh! Akala ko b
Masaya naman na nagkwentuhan ang pamilyang Taylor. Dumating na rin si Patrick at niyakap niya agad ang kanyang mga magulang. Nakangiti si Patrick habang niyakap niya ang kanyang mga magulang.“Patrick saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang sumama sa kapatid mo na sunduin kami sa airport.” Sabi ng kanyang ama.“Sorry dad, nakalimutan ko talaga. Maaga akong pumunta sa restaurant kasi may inaasikaso ako.” Alibi niya ni Patrick.“Ah! Ganoon ba, bakit hindi mo naman sinabi kay Pia para naman maintindihan namin na hindi ka makasama sa kapatid mo magsundo sa amin sa airport.” Sabi ni Olivia.“Hayaan mo na auntie, busy lang yan si Patrick.”“Oo nga mom, tama po si Loid. Ah! Siya nga pala may ka business partner pala akong darating dito inimbita ko siya para makilala niyo din siya.” “Oh! Okay son, antayin nalang natin siya bago tayo kumain.” “Okay mom, sabi naman niya na papunta na siya malapit na daw siya sa bahay natin.” Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang inaantay nilang bi
Nasa Pilipinas na sina Loid at Carina. Ikinasal sila matapos magpropose si Loid sa kanya. Hindi naman nakadalo sina Marco at Patrick dahil sa may iba itong appointment pumunta sila sa Paris para umattend ng symposium para panoorin ang mga sikat na chef at magkaroon na rin sila ng idea about sa mga famous recipes na gusto ng mga briton at iba pang foreign people na nagbabakasyon sa London at kumakain sa kanilang restaurant.Naiintindihan naman ni Loid si Patrick at naiintindihan naman ni Carina si Marco ang dati niyang manager.Natapos ang kasal nila at unang gabi nila ni Carina at Loid para sa kanilang honeymon at nasa bahay lang sila pero may plano silang magbakasyon para sa second honeymon nila.Nagbihis nang magandang lingerie at nighties si Carina. Masaya namang nakatingin si Loid.Nagsimula nang halikan ni Loid si Carina sa kanyang leeg, mahinahon ang halik niya dito. Hanggang sa bumalik siya sa labi nito at mas mainit na ang halik nila. Naging malikot naman ang kamay ni Loid, hi
Napansin naman ni Carina na nakasulyap pa rin si Evelyn kay Loid. Nakadama siya ng pagkabahala baka darating ang araw na akitin ng kasamabahay nila ang asawa niya.“Hon, tahimik ka ata. May problema ba? May masakit ba sa tiyan mo?”“Ah! Wala naman hon. Aalis ka pa ba mamaya?”“Hindi na, kailan nga pala ang sunod na check up mo? Baka makasama na ako sa iyo.”“Bukas hon, may lakad ka ba bukas?”“Ah! Wala naman at hindi naman gaanong busy sa office. Samahan na kita, anong oras ba?”“Siguro mga 9am hon. E message nalang kita pag nakaready na ako.”“Okay, sunduin nalang kita dito sa bahay.”Natapos ang hapunan ng mag asawa. Nag usap na sila sa sala habang nililigpit naman ni Evelyn ang pinagkainan nila. Nakikinig lang si Evelyn sa usapan nilang mag asawa. Nakadama siya ng pagka inggit kay Carina kasi nakikita niyang mahal na mahal siya ni Loid. Kahit anong gawin niyang pagpapaganda ay deadma pa rin siya nito.~~~~~Sa London…Umalis na din si Dina sa restaurant na pinagtatrabahoan niya. G
Nasa restaurant na si Dina sinunod niya ang address na binigay ni Patrick. Pumasok siya sa loob at may isang staff na nag guide sa kanya para interviewhin siya. Pumasok sila sa room at ipinakilala ng isang staff si Dina. “Good morning po ma’am, ako nga pala po si Dina may interview po ako ngayon.” Sabi niya sa babaeng nakatalikod. Tapos humarap na ito sa kanya.“Oh! Dina, maupo ka muna. So, mag tatanong lang ako ng mga personal question ha!” sabi ng babae.“Okay po, ready na po ako.”Mga 10 to 15 minutes lang nag interview ang staff ng restaurant medyo kinabahan naman si Dina. Nag alala siya na baka hindi siya makapasa sa interview pero iniisip pa rin niya ang positive na resulta. Kinakabahan na siya kasi sabi ng staff mag antay lang daw siya ng ilang minutes dahil malalaman na ang resulta. Makalipas ang ilang minuto ay nalaman na ni Dina ang resulta. Subra ang kaligayahan niya dahil nakapasa siya sa interview at puwede na siyang magsimula kinabukasan. Ngunit nakiusap siya sa staff n
Kinbukasan ay pumunta si Dina sa office ng kanyang manager para ibigay ang resignation letter niya.“Magandang umaga po sir Leo. Nais ko po sanang ibigay sa iyo ang resignation letter ko sana po ay tanggapin ninyo.”“Ano?! Bakit ka magreresign? Sakto naman ang sweldo mo at hindi ka pinababayaan dito sa restaurant.”“Alam ko po sir, kaya nagpapasalamat po ako sa inyo sa halos mahigit na tatlong taon na pagtatrabaho ko dito ay okay naman ang mga kasamahan ko. Kaya lang po, hindi ko na po kaya ang pambabastos ninyo sa akin. Ayaw ko po na dumating sa point na gayahin ninyo ako kay Carina. Nirerespeto po kita kaya naman ay ako nalang po ang aalis.”“Ano bang pinagsasabi? Kailan kita binabastos?”“Sir, hindi naman po siguro kayo na amnesia para kalimutan ninyo ang ginawa ninyo sa akin na hinihipuan po ninyo ako noong nagkaroon tayo ng staff party kaya huwag na po kayong magdeny.”“Dina, masama ang mag accuse na walang basehan.”“Kahit po ipa check natin ang CCTV?” sagot ni Dina.Hindi nakai
Makalipas ang isang taon…Marami na ang nagbago. Ngunit hindi pa rin alam ni Dina na ang may-ari ng restaurant na pinapasukan niya ay ang lalaking nakakasama niya at nangliligaw sa kanya.Habang nag usap sina Carina at Loid para sa nalalapit na one year old ng kanilang unija iha, kaya nagplano sila ng malaking party na ang mga bisita ay malapit lang nilang kamag-anak at kaibigan. Excited naman si Carina para sa celebrasyon lalo na si Loid.“Hon, sabi nga pala ni mom siya na daw ang bahala sa venue at foods.”“Oh! Talaga?! Nakakahiya naman sa mom mo.”“Ano ka ba, ganyan lang iyan si mom kasi nag iisang apo niya si Carmela.”“Sige, si mom na ang bahala. May tiwala naman ako sa kanya.Nakikinig uli si Evelyn sa usapan ng mag-asawa at may masama na naman siyang plano para sa mag ina maliban kay Loid.Tinawagan na rin ni Carina si Dina para imbitahin baka sakaling makadalo siya.“Hello Dina, kumusta? Ang tagal na nating hindi nagkikita ah! Ano! Nakakita ka na ba ng prince charming mo?”“Hm
Bumisita ang mga magulang ni Loid sa bahay nila. Masayang sinalubong nina Loid at Carina sina Larry at Berna. Malaki naman ang ngiti ni Berna nang makita niya ang kanyang apo na nakangiti tumitingin sa kanila. Kinuha niya ito at kinarga.“Hay naku! Subrang namimiss ko ang aking apo. How are you baby?” habang nakangiti ito sa kanyang apo. Nakangiti naman si Carina na pinagmasdan ang mag lola. Pumasok na sila sa loob para pag usapan ang tungkol sa nalalapit na kaarawan ng kanilang anak. Nagsuggest naman si Carina tungkol sa binyag.“Mom and dad, nais ko sanang imungkahi sa inyo ang tungkol sa binyag ni baby Carmela. Puwede po bang isabay nalang sa kaarawan niya. Para po isang gastusan nalang.” Nagtinginan naman ang mag asawa at tahimik lang din si Loid.“Bakit naman Carina? Kaya naman naming gumastos ng ilang libo para sa apo namin. Bakit kailangan pang isabay?” sabi ni Berna.Natahimik naman si Carina parang nasampal siya sa katotohanang mahirap lamang siya kaya wala siyang karapatan
Hinila na ako ni Dina palabas nang store dahil kakain daw kami. Isa iyong magarang restaurant halos ata lahat nang customer doon ay mayayaman. Nagmamasid lang ako sa paligid habang inaantay ko si Dina galing nang wash room. Sa tapat naman nang restaurant na iyon ay may cafeteria, may nakita akong isang babae at dalawang lalaki.Magkatabi ang isang babae at lalaki habang nasa harap naman nila nakaupo ang isang lalaki. Familiar sa akin ang katabi nang babae. Subrang lapit nila sa isa't-isa kaya naman ay napa iling nalang ako. Grabe naman ang babaeng iyon wala man lang delikadesa kahit kaharap nila ang isang lalaki din. Parang namukhaan ko iyong lalaki na nasa harap nila. Oo nga pala siya iyong lalaki na nakabanggaan ko kanina, at kilala siya ni Dina."Wait, parang kilala ko iyong lalaki na katabi nang babae. Si Alfred ba iyon?" Hindi na ako mapakali sa nakita ko, sino ang babaeng iyon bakit ganoon nalang ang pagkahawak niya sa braso nang asawa ko. "Hey! Carina, kanina ka pa nakatingin
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Sa hospital…“Hi! Danilo, kumusta?” “Oh! Ate, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko sa iyo na tatawag nalang ako sa iyo para sunduin ka. Alam mo naman na maselan ang kalagayan mo. Tatawagan na sana kita kasi katatapos ko lang e check up ang pasyente ko kaaalis lang din niya.” “Talaga?! Baka siya iyong nakasalubong ko sa may lobby kanina. Siyanga pala, ano nga pala ang pina consult niya sa iyo? Di ba neuro surgeon ka?” “Ah! Actually this is confidential kasi may policy kami sa hospital na never namin e share ang mga information at result nang patient namin unless kung family siya nang patient.” “Ah! Ganoon ba? Pasensiya ka na kasi na curious lang ako sa babaeng iyon. Hindi ba puwede malaman ang name niya? Kahit name lang. Please…Hindi ko naman matiis ang Ate ko kaya sinabi ko sa kanya ang name nang pasyente ko. Ngunit nagtaka ako bakit parang nalungkot siya at nanglumo wala naman akong ibang sinabi kay Ate kundi pangalan nang pasyente ko.“Ha! Ilang taon mo na siyang kilala Danilo?”N
Nakauwi na si Dina sa apartment na inuupahan niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakabanggaan niya kanina sa hospital. Si Carina kaya ang babaeng nakabanggaan ko? Pero impossible! Ilang taon na ang nakakalipas hindi na namin alam ang kaso tungkol sa pagkawala nila Carina at nang anak niya. Pero possible rin na may nakakita sa kanila sa laot at sinagip sila. Kailangan kung imbestigahan ang tungkol sa kanila ni Carina hindi ako titigil hanggat hindi ko ma kumpirma kung sino ang babaeng iyon. Biglang nag ring ang phone ko. Isang unknown number, ayaw ko sanang sagutin kaso ilang beses nang tumatawag. “Hello! Who’s this please?” Walang sumasagot, kinakabahan tuloy ako. Sino na naman kaya ang nanakot sa akin. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong isang ungol nang babae at may boses na lalaki. Wala akong ibang maisip kundi ang asawa at friend ko sa London. Mga baboy talaga ang dalawang iyon, iniinis talaga ako. Hintayin niyo lang na manganak ako at babalikan ko kayo
Lumapit ako sa may table nila Papa Alfred, nakita ko din doon si sir Loid. Kinabahan ako, ano kaya ang sasabihin ko kay Papa.“Oh! Anak, anong ginagawa mo dito sa mall? Sino bang kasama mo?“Alfred? Anak mo si Carmela?”“Yes po sir Loid, pasensiya na po kayo hindi ko po siya masayadong nababanggit sa inyo. Siya po ang binilhan ninyo nang gift noong graduation niya.”“Talaga! So, you mean classmate siya ng mga anak ko? Pero nagtatrabaho siya sa company ko.”Bigla akong pinagpawisan nang malamig grabe parang binuhusan ako nang madaming yelo sa katawan ko. Nabuking na ako, alam kung magagalit si Papa sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya at kay Mama na nagtatrabaho ako sa Taylor’s Company kasi ayaw ni Mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ni Mama pero ang sigurado ako, masesermonan ako nito pag uwi ni Papa sa bahay. Nakikita ko sa mga mukha ni Papa na nadisappoint siya sa akin pero nagpipigil siguro siya dahil nasa harapan namin si sir Loid.“Ah! Sige, Pa at sir Loid mauna na po ako
“Ikaw ang tinatanong ko kung bakit nagbabakasyon ka sa Pilipinas nang hindi ko alam.”“Kailan pa naging concern sa iyo ang opinion at decision ko sa buhay, di ba wala ka nang pakialam sa akin?”“It doesn’t mean, hindi lang tayo naging okay pero natural lamang sa mag asawa na hindi maging okay minsan pero wala akong sinasabi na puwede ka nang magdecision na hindi ko alam.”“So, gusto mo hawak mo ang buhay ko. For your info Patrick, mag asawa lang tayo sa papel. Pero hindi ibig sabihin na hawak mo na ang buhay ko. May sarili tayong decision sa buhay kaya wala kang pakialam kung nasaan ako ngayon at kung kailan ako babalik nang London.” Inis kung sabi kay Patrick.Tumahimik na lamang siya, siguro naisip niyang may point naman ako. Wala pa talaga akong plano bumalik sa London, gusto kung sa Pilipinas na ako manganganak. Pero nahihirapan na rin ako medyo lumaki na ang tiyan ko at malapit na rin akong manganak. Kailangan kung humingi nang tulong sa kapatid ko. Tatawagan ko nga siya.Si Dan
“Hey! Jacob?! Really is that you?”Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin.“Who are you?!”“Wow naman Jacob, nakalimutan muna kaagad ako. Ako si Rowena ang future fiancee mo.”“What?!”. Ano naman kaya ang pinagsasabi nang babaeng ito.“Of course I’m telling you the truth. Actually nagkita na tayo before when we are still in primary school. Kapatid ako nang business partner nang dad mo. Hindi na tayo nagkita uli after nun kasi nga dito na ako sa America nag continue mag aral. Mabuti at same tayo nang school makikita na kita palagi. I’m sure magkaklasi din tayo.”Haistt! Ano bang babaeng ito ang daming sinasabi hindi naman ako nagtatanong.“Okay! I have to go, kasi susunduin ko pa si Jenny.”“Oh! Andito din pala ang best competitor ko noon sa school.”“Yes, bakit may problema ka? It’s none of your business kung andito din siya kasi kambal kami. And besides, our parents decided that. Kaya tumahimik ka na, dami mong sinasabi hindi naman kita tinatanong.”Umalis na ako, alam kung napahi
“Doc, kumusta po ang kalagayan nang baby ko?”“Okay naman ang baby mo Mrs. Taylor,”“Doc just call me Dina nalang po. Ayaw ko pong marinig ang apelyido na iyan.”“Okay, Dina! Kailangan lang mag ingat ka kasi mahina ang kapit nang bata bibigyan nalang kita nang gamot para mas kakapit siya.”“Okay po doc, salamat po. And doc, favor naman po. Please po wala po sanang makakaalam na nagdadalang tao ako lalo na sa mga Taylor.”“If you don’t mind, Dina. Bakit?”Napaisip ako, chismoso din pala ang doctor na ito.“Ah! May rason po ako doc, sana po respetuhin niyo nalang po.” sabi ko sa doctor.“Oh! Pasensiya ka na Dina. Sige mauna na ako. Basta huwag mong kalimutan ang bilin ko sa iyo.” Umalis na ang doctor at ako naman ay napasunod sa kanya. Pero huminto siya saglit dahil may tumawag sa kanya. Dahil nga chismosa din ako, nakinig ako sa usapan nila. May narinig akong pangalan na Leah, wait siya ba ang Leah na kaibigan ko? Pero impossible, anong koneksyon nila sa doctor ko. Kinakabahan tuloy ak