Kinabukasan ay nakisabay si Carina kay Dina para pumunta siya sa opisina ng manager nila sa restaurant. Habang papalabas na sila ay nakatingin sa kanya ang mga Pilipina din na kapitbahay nila. Nahihiya ako sa kanila kaya nakayuko na lamang ako habang naglalakad kami papunta sa may eskinita para sumakay ng taxi.
“Hayaan muna sila Carina, mawawala din ang issue na iyan kailangan mo lang magpakatatag.” Sabi ni Dina.
“Hindi ko maiwasan na mag alala para sa sarili ko kasi wala naman akong kasalanan at hindi ko naman ginawa iyon. Naiinis lang ako sa manager natin kasi kung kailan may nahanap na akong trabaho para makaalis sa restaurant na iyon para di ko na siya makita ay ito pa ang ginawa niya sa akin. Hindi naman siya ganyan dati pero bakit ang tao nagbabago.” Sabi ni Carina.“Matagal na sigurong may gusto sa iyo ang manager natin kaya noong humingi ka nang pabor sa kanya ay nagtake advantage siya.” “Grabe naman siya, di ba bawal sa mga employer na magkagusto sa isang empleyado. Talagang m*****g lang siya kaya ganoon.”“Haist! Naku Carina, huwag ka nang masyadong mag isip baka ikaw lang din ang magkakasakit niyan.”“Hindi ako mapakali eh! Kaya kokomprontahin ko siya sa ginawa niya sa akin wala naman ibang gagawa sa akin nito kundi siya lang naman.” Naiinis na sabi ni Carina.Nakarating na nga sila sa restaurant. Agad si Carina nagtungo sa opisina ng kanilang manager. Kumatok siya sa may pinto walang sumagot at nang tinanong niya ang isa nilang kasamahan ay sinabi na nasa loob lang ang manager nila. Nag attempt siyang buksan ang pinto at nagulat siya ng masilip niyang isa sa mga kasamahan nila sa trabaho ang nandoon sa opisina ng manager nila may ginagawa silang kababalaghan.
Nakita niyang nakapatong ang babae sa manager nila habang nakaupo at naghalikan sila, kilala niya ang babae dahil sa katrabaho niya ito. Biglang tumaas ang dugo niya, kung asawa lang niya ang manager nila baka sumugod na siya at sinabunutan ang babae. Nagkaroon naman siya ng idea, kinuha niya ang phone niya. Nagpicture siya at nagvideo, walang alam ang manager niya at ng babae. Naging mautak din siya, para kung ano man ang mangyari ay may panlaban siya.Nakita niyang tumayo na ang babae at paalis na ito. Dali-dali naman siyang naglakad kunwari papunta kay Dina. Nang mapansin niyang nakalabas na ang babae ay nagtungo siya doon at kumatok uli. Narinig na iyon nang manager nila pumasok siya.“What are you doing here?”
“Sir, gusto ko lang itanong kung kayo po ba ang nagpakalat ng issue na trending ngayon sa social media at sa newspapers?”“Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mga sinasabi mo. At isa pa ako lang ba ang kaaway mo bakit ako ang pinagbibintingan mo. May proof ka ba na ako ang nag utos sa mga journalist na isulat iyon?” Depensa ng kanilang manager.“Bakit po? Dapat po ba akong magduda at maniwalang kayo ang may gawa nun? Bakit masyado kayong defensive nagtatanong lang naman ako.” Sagot naman ni Carina.“Wala kang proof na ako ang may gawa noon kaya huwag mo akong idamay sa kahibangan mo.” Naiinis na sagot ni Leo.“Alam mo ba ang naidulot sa akin ng issue na iyon? Alam mo sa sarili mo na hindi ko magagawa iyon. Kaya nga kita tinanggihan kasi hindi kaya ng konsensya ko ang manloko at manlamang ng tao. Oo, manager kita nirerespeto kita pero hindi po makatarungan ang ginagawa ninyong pagpapakalat ng fake news. Sinira niyo po ang reputasyon ko, alam ko naman na hindi ka aamin pero alam mo din sa sarili mo na ikaw ang may gawa nun.” Halos maluha-luha na si Carina sa mga sinabi niya dahil naghalo-halo na ang galit at takot sa puso niya.“Tumahimik ka na umalis ka sa opisina ko. Baka gusto mong ipadampot pa kita sa guard.”
“Hindi na po kailangan sir, kusa akong aalis. Pero ito po tatandaan ninyo sir. Pagsisihan niyo po ang ginawa ninyo sa akin.”“Tinatakot mo ba ako? Ikaw pa talaga ang may ganang manakot sa akin. Sino ka ba ha?! Isa ka lang naman hampaslupa na nagtatrabaho dito sa ibang bansa para may maipakain sa pamilya sa Pilipinas.” “Iniinsulto niyo po ba ang pagkatao ko sir, sabihin mo na ang lahat ng panlalait pero huwag mong idamay ang pamilya ko. Dahil marangal akong nagtatrabaho dito. Hindi gaya ng iba diyan kahit may pamilya na sa Pilipinas ay nakukuha pa rin na manloko dito sa ibang bansa.” Buwelta naman ni Carina.“Pinaparinggan mo ba ako?”“May sinabi ba akong pangalan? Bakit po napaka defensive ninyo, guilty po ba kayo?”“Talagang ginagalit mo ako Carina, lumabas ka na sa opisina ko kung hindi ay ipapadampot na kita sa guard at nang makalayas ka na dito.” Galit na galit na ang manager niya.“Okay fine, aalis na ako. Magkakaroon din nang hustisya ang lahat ng ginawa mo sa akin. Darating ang araw makakarma ka din.” Sabay alis ni Carina.Na high blood naman ang manager niya dahil hindi niya akalain na ganoon pala katapang si Carina. Habang nabunutan naman ng tinik sa puso si Carina nang mailabas niya ang kung ano man ang gusto niyang sabihin sa kanyang manager at ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso.~~~~~Ilang araw nalang at babalik na uli si Loid sa London. Nakatanggap naman siya ng tawag mula sa pinsan niya sa London.“Hello cousin, how are you?”
“Ito okay lang Pia, kayo diyan kumusta?”“Okay lang din, ah siyanga pala sasabay na pala sina uncle at auntie sa akin diyan, babalik kasi ako diyan.” Sabi ni Loid.“Oh! Talaga? That’s good. Ah! May nabalitaan pala ako dito at kalat na kalat dito sa lugar. Kilala mo iyong babae sa restaurant na nakaalitan ni Lizel, iyong natapunan siya ng juice sa damit niya?”“Ah! Si Carina? Yes, kilala ko siya. Kasi palagi nila akong customer doon. Bakit ba anong tungkol sa kanya?”“Alam mo bang kalat ang mukha at pangalan niya dito na issue kasi siya na tumanggap daw siya ng pera mula sa manager niya kapalit ng isang gabi na magkasama sila para daw may maipadala siya sa pamilya niya sa Pilipinas.” Kwento ni Pia.“Ano?! Sigurado ka ba sa balitang iyan? Baka naman fake news iyan.” Gulat na sabi ni Loid.“Hindi ko rin sure eh! Pero kawawa naman iyong babae kung hindi nga totoo ang news na iyon talagang napahiya siya ng husto.” Sabi ni Pia.Natahimik naman si Loid. Nag alala siya kay Carina dahil naniniwala siyang hindi iyon magagawa ni Carina. Alam niya na siya ang nagpahiram ng pera sa kanya kaya naman at gusto na niyang madaliin ang araw para makapunta na uli siya sa London. Para ma comfort niya si Carina alam niyang kailangan niya ng karamay ngayon.Tumawag nalang siya kay Carina.“Hello Carina, how are you?”
“Oh! Okay lang po sir Loid, napatawag po kayo.”“Oo, nag alala ako sa iyo.”“Okay lang naman po ako.” Biglang naisip ni Carina na baka nalaman na ni Loid ang tungkol sa issue na kumalat sa lugar nila.“Sigurado ka ba? Baka may gusto kang sabihin sa akin.”“Ah! Wala naman po sir, okay lang po talaga ako. Salamat po sa tawag ninyo at sa pangungumusta. Ibaba ko na po ang telepono may gagawin pa po ako.” Paalam ni Carina.“Ah! Ganoon ba! Busy ka pala, pasensiya ka na kung nadisturbo man kita.” Malungkot na sabi ni Carina.Nahalata ni Loid ang boses ni Carina na malungkot ito. Gusto niyang yakapin si Carina pero malayo ito. Kaya tiniis na lamang niya iyon, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya na parang nahuhulog na siya kay Carina. Napabuntong hininga na lamang siya at malalim ang iniisip niya subra siyang nag alala kay Carina.~~~~~Makalipas ang ilang araw ay medyo gumaan na ang pakiramdam ni Carina, nakapasok na rin siya ng bagong trabaho at sa isang restaurant din. Hindi pa niya kilala ang bago niyang employer pero sabi ng secretary nito na paparating na daw ang boss nila nawala lang ito ng ilang araw dahil sa nagbakasyon ito sa ibang bansa at kararating lang niya.Sa pangalawang araw niya sa trabaho ay tinawag siya ng secretary para kausapin daw siya ng may-ari ng restaurant. Malakas ang kabog ng dibdib niya, kinakabahan siya na para bang may kakaibang mangyayari. Kumatok siya sa pinto at narinig naman niya ang boses ng isang lalaki na nagsabing pumasok na siya. Nang nakapasok na siya ay nakita niyang nakaupo ang lalaki at nakatalikod ito patingin sa may labas ng building.“Good morning sir, ako nga pala si Carina ang bagong empleyado ninyo.”
Dahan-dahan na humarap ang lalaki. Natulala naman siya nang makita niya ang lalaki, napakagwapo ng lalaki at mukhang mabait naman ito. Nakangiti ito sa kanya sabay salita.“Oh! Good morning, maupo ka muna. Ah! So, ikaw iyong bagong empleyado. Nakita ko sa resume mo na may two years experience ka na sa restaurant and I’m glad to know that because kailangan ko talaga ng empleyado na may experience sa restaurant.” “Salamat po sir, I will do my best po na makaserve sa customer ng maayos at ma satisfy sila.” Nakangiting sabi ni Carina.“That’s nice to hear from you. And by the way I would like you to introduce yourself before me.” Sabi ng owner.“Oh! Sorry po sir, I forgot to introduce myself. I am Carina Chavez, 25 years old. I have two siblings. I myself was considered to be the bread winner of the family since my dad passed away two years ago and I am the one who will provide my family needs lalo na po wala nang katuwang ang mom ko. Nasa Pilipinas po sila, nagbabakasali naman po ako na magkaroon ng maayos na trabaho dito sa ibang bansa at pinalad naman pong makapagtrabaho dito. Oh! Pasensiya na po sir, medyo mahaba ata ang introduction ko.” Sabi ni Carina.“Oh! It’s fine, I like your introduction and very interesting. And yeah, I am Marco Buenaventura, you can call me sir Marc or sir Marco anything you want. Hopefully, you will enjoy working here in my restaurant and if you need anything you can approach me.” Sabi ni Marco.“Thank you for being so nice sir.”“Your welcome. You can go to work now and nice meeting you.”Umalis na si Carina napangiti siya habang papunt sa kusina. Nakadama siya ng kapanatagan nang makausap niya ang may-ari ng restaurant at siya na ring manager nila. Nabalitaan naman niya sa ibang mga staff na mabait daw talaga ang employer nila at hindi daw madamot magbigay ng mga incentives kaya naman mas lalong ginaganahan siyang magtrabaho.
Masaya niyang ibinalita kay Dina ang bago niyang workplace at kung paano siya wini welcome ng mga katrabaho niya lalo na ang makilala niya ang kanyang bagong employer.~~~~~Naunang nakauwi ng bahay si Carina na halos ilang minuto lang ang pagitan ay dumating naman si Dina.“Friend, kumusta sa bagong work place mo? Excited na akong magkwento ka nabitin kasi ako sa mga sinabi mo kanina hindi ako kontento.” Nakangiting sabi ni Dina.“Okay lang naman Dina, mas okay ako sa bagong trabaho ko. And guess what? Ang pogi ng bago kung manager, subrang bait pa.” “Talaga?! Ang swerte mo naman. Nakikita ko nga sa mukha mo na mas prefer mong magtrabaho ngayon kesa noon. And I am happy for you. By the way, naitanong mo ba kung single pa siya?” natatawang sabi ni Dina.“Grabe siya oh! Masyado naman atang personal ang tanong na iyan. Hindi anuh! Nakakahiya naman kung ganoon parang close na kami. Alam mo naman ang relasyon ng empleyado at employer di ba, pure business lang.” sagot ni Carina.“Opps! Sorry, pasensiya na excited lang akong malaman baka kasi puwede mo akong e reto sa kanya. Haha!”“Baliw ka talaga, disperada lang?! Darating din ang tamang tao para sa iyo kaya maghintay ka lang.”“Ano ka ba Carina? Baka magmenopause nalang ako hindi ko pa makikita ang prince charming ko. Ewan ko ba bakit ang hirap niyang hagilapin, hindi naman ako pangit di ba?” sabi ni Dina.“Oo naman, ang ganda mo nga. Pero hayaan muna, kusang darating iyan sa tamang panahon. Ako nga inaantay ko lang magkakaroon ng himala. Haha!”“Mas matindi ka pa pala kesa sa akin Carina. Haha! Sige na nga kakain na tayo baka gutom lang ito puro na tayo illusyon.” Sabi ni Dina.Ano ang magiging papel ni Marco sa buhay ni Carina?
Masaya si Carina sa bago niyang trabaho, kahit nakakapagod ang gawain kasi madaming mga customer na kumakain lalo na pag weekends at salary day. Maganda kasi ang lokasyon ng restaurant na iyon.Habang nag seserve siya ay may nakita siyang isang gwapong lalaki na pumasok sa opisina nang kanilang manager. Naisip niyang ang swerte naman niya sa bagong workplace niya kasi puro mga pogi ang nandoon. Sign na kaya iyon para magkaroon siya ng bagong boyfriend, napangiti na lamang siya. Pero biglang sumagi sa kanyang isipan si Loid, guwapo din naman si Loid at elegante kaya naman mas okay din naman siya. Natawa uli siya ng palihim.Tinawag naman ako ng isa kung katrabaho dahil inutusan daw siya ng aming manager para magdala ng pagkain sa loob ng opisina.“Sige po, kukuhanin ko nalang ang mga pagkain at dalhin doon sa opisina ni sir.” Sabi ni Carina.Nang mahanda na lahat ni Carina ang pagkain ay agad naman siyang pumasok sa opisina, nakita niya doon ang dalawang nag gwapuhang mga lalaki.“Shit
Lumipas ang mga araw at dalawang araw na lamang ay darating na si Loid sa London.Nagpaalam naman si Patrick kay Pia na may lakad siya.“Sis, may lakad pala ako ngayon. Tingnan mo nga ang ayos ko, okay lang ba?”“Haha! Ano ba ang nakain mo? Himala ata na naisipan mong kunin ang opinyon ko. Parang may something akong hindi alam ah!” nakangiting sabi ni Pia.“Oh! Bawal na bang magtanong nang opinyon ngayon sa kapatid.” “Hindi naman bro, pero nababaguhan lang ako kasi ni minsan hindi ka pa nagtanong ng opinyon ko. May nagugustuhan na ba ang kakambal ko?” nakangiting sabi ni Pia.“Ha?! Pag nagbago ng style may nagugustuhan na hindi ba puwedeng na realize kung mas okay pala na magbehave haha!”“Ikaw talaga, niloloko mo na naman ako. Oo na okay na iyang suot mo. Sino ba ang e meet up mo at bakit nagpapapogi ka ata ngayon.” “Sister, akin na lang iyon baka naman hindi tutuloy iyong babae na e meet up ko. Kakain lang kami sa labas.”“Oh! Talaga, sure ba ba iyan? Baka naman ay lolokohin mo na
Iyon na ang araw kung saan ay darating na si Loid. Hindi siya nagsabi kay Carina kasi gusto niya itong surprisahin kaya naman excited na siya na pupunta sa apartment nila kinabukasan.Nakarating na sila sa bahay ng kanyang auntie at uncle at kasama din niya sila galing sa Pilipinas.“Hello, mom and dad . How was vacation in Philipipines?“Naku! Pia, subrang saya. Kahit isang buwan lang kami doon pero super enjoy. Ah! Siyanga pala nasaan si Patrick?” Sagot ng kanyang ina.“Oh! Hindi ko po alam mom, kasi wala naman po siyang sinabi sa akin. Ganyan naman iyong kapatid ko kahit saan nagpupunta. Hayaan na natin malaki na naman siya alam na niya kung ano ang tama at mali.” Sabi ni Pia.Sina David at Olivia ang mga magulang nina Patrick at Pia. Pamilya sila ng mga mayayamang angkan. Dahil ang mga magulang nila, may maraming negosyo. Magkapatid ang ama ni Loid at ama nina Patrick at Pia. Nasa linya na nila ang lahi ng mga negosyante na kaya tinaguriang mga bilyonaryong angkan.“Oh! Akala ko b
Masaya naman na nagkwentuhan ang pamilyang Taylor. Dumating na rin si Patrick at niyakap niya agad ang kanyang mga magulang. Nakangiti si Patrick habang niyakap niya ang kanyang mga magulang.“Patrick saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang sumama sa kapatid mo na sunduin kami sa airport.” Sabi ng kanyang ama.“Sorry dad, nakalimutan ko talaga. Maaga akong pumunta sa restaurant kasi may inaasikaso ako.” Alibi niya ni Patrick.“Ah! Ganoon ba, bakit hindi mo naman sinabi kay Pia para naman maintindihan namin na hindi ka makasama sa kapatid mo magsundo sa amin sa airport.” Sabi ni Olivia.“Hayaan mo na auntie, busy lang yan si Patrick.”“Oo nga mom, tama po si Loid. Ah! Siya nga pala may ka business partner pala akong darating dito inimbita ko siya para makilala niyo din siya.” “Oh! Okay son, antayin nalang natin siya bago tayo kumain.” “Okay mom, sabi naman niya na papunta na siya malapit na daw siya sa bahay natin.” Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang inaantay nilang bi
Nasa Pilipinas na sina Loid at Carina. Ikinasal sila matapos magpropose si Loid sa kanya. Hindi naman nakadalo sina Marco at Patrick dahil sa may iba itong appointment pumunta sila sa Paris para umattend ng symposium para panoorin ang mga sikat na chef at magkaroon na rin sila ng idea about sa mga famous recipes na gusto ng mga briton at iba pang foreign people na nagbabakasyon sa London at kumakain sa kanilang restaurant.Naiintindihan naman ni Loid si Patrick at naiintindihan naman ni Carina si Marco ang dati niyang manager.Natapos ang kasal nila at unang gabi nila ni Carina at Loid para sa kanilang honeymon at nasa bahay lang sila pero may plano silang magbakasyon para sa second honeymon nila.Nagbihis nang magandang lingerie at nighties si Carina. Masaya namang nakatingin si Loid.Nagsimula nang halikan ni Loid si Carina sa kanyang leeg, mahinahon ang halik niya dito. Hanggang sa bumalik siya sa labi nito at mas mainit na ang halik nila. Naging malikot naman ang kamay ni Loid, hi
Napansin naman ni Carina na nakasulyap pa rin si Evelyn kay Loid. Nakadama siya ng pagkabahala baka darating ang araw na akitin ng kasamabahay nila ang asawa niya.“Hon, tahimik ka ata. May problema ba? May masakit ba sa tiyan mo?”“Ah! Wala naman hon. Aalis ka pa ba mamaya?”“Hindi na, kailan nga pala ang sunod na check up mo? Baka makasama na ako sa iyo.”“Bukas hon, may lakad ka ba bukas?”“Ah! Wala naman at hindi naman gaanong busy sa office. Samahan na kita, anong oras ba?”“Siguro mga 9am hon. E message nalang kita pag nakaready na ako.”“Okay, sunduin nalang kita dito sa bahay.”Natapos ang hapunan ng mag asawa. Nag usap na sila sa sala habang nililigpit naman ni Evelyn ang pinagkainan nila. Nakikinig lang si Evelyn sa usapan nilang mag asawa. Nakadama siya ng pagka inggit kay Carina kasi nakikita niyang mahal na mahal siya ni Loid. Kahit anong gawin niyang pagpapaganda ay deadma pa rin siya nito.~~~~~Sa London…Umalis na din si Dina sa restaurant na pinagtatrabahoan niya. G
Nasa restaurant na si Dina sinunod niya ang address na binigay ni Patrick. Pumasok siya sa loob at may isang staff na nag guide sa kanya para interviewhin siya. Pumasok sila sa room at ipinakilala ng isang staff si Dina. “Good morning po ma’am, ako nga pala po si Dina may interview po ako ngayon.” Sabi niya sa babaeng nakatalikod. Tapos humarap na ito sa kanya.“Oh! Dina, maupo ka muna. So, mag tatanong lang ako ng mga personal question ha!” sabi ng babae.“Okay po, ready na po ako.”Mga 10 to 15 minutes lang nag interview ang staff ng restaurant medyo kinabahan naman si Dina. Nag alala siya na baka hindi siya makapasa sa interview pero iniisip pa rin niya ang positive na resulta. Kinakabahan na siya kasi sabi ng staff mag antay lang daw siya ng ilang minutes dahil malalaman na ang resulta. Makalipas ang ilang minuto ay nalaman na ni Dina ang resulta. Subra ang kaligayahan niya dahil nakapasa siya sa interview at puwede na siyang magsimula kinabukasan. Ngunit nakiusap siya sa staff n
Kinbukasan ay pumunta si Dina sa office ng kanyang manager para ibigay ang resignation letter niya.“Magandang umaga po sir Leo. Nais ko po sanang ibigay sa iyo ang resignation letter ko sana po ay tanggapin ninyo.”“Ano?! Bakit ka magreresign? Sakto naman ang sweldo mo at hindi ka pinababayaan dito sa restaurant.”“Alam ko po sir, kaya nagpapasalamat po ako sa inyo sa halos mahigit na tatlong taon na pagtatrabaho ko dito ay okay naman ang mga kasamahan ko. Kaya lang po, hindi ko na po kaya ang pambabastos ninyo sa akin. Ayaw ko po na dumating sa point na gayahin ninyo ako kay Carina. Nirerespeto po kita kaya naman ay ako nalang po ang aalis.”“Ano bang pinagsasabi? Kailan kita binabastos?”“Sir, hindi naman po siguro kayo na amnesia para kalimutan ninyo ang ginawa ninyo sa akin na hinihipuan po ninyo ako noong nagkaroon tayo ng staff party kaya huwag na po kayong magdeny.”“Dina, masama ang mag accuse na walang basehan.”“Kahit po ipa check natin ang CCTV?” sagot ni Dina.Hindi nakai
Hinila na ako ni Dina palabas nang store dahil kakain daw kami. Isa iyong magarang restaurant halos ata lahat nang customer doon ay mayayaman. Nagmamasid lang ako sa paligid habang inaantay ko si Dina galing nang wash room. Sa tapat naman nang restaurant na iyon ay may cafeteria, may nakita akong isang babae at dalawang lalaki.Magkatabi ang isang babae at lalaki habang nasa harap naman nila nakaupo ang isang lalaki. Familiar sa akin ang katabi nang babae. Subrang lapit nila sa isa't-isa kaya naman ay napa iling nalang ako. Grabe naman ang babaeng iyon wala man lang delikadesa kahit kaharap nila ang isang lalaki din. Parang namukhaan ko iyong lalaki na nasa harap nila. Oo nga pala siya iyong lalaki na nakabanggaan ko kanina, at kilala siya ni Dina."Wait, parang kilala ko iyong lalaki na katabi nang babae. Si Alfred ba iyon?" Hindi na ako mapakali sa nakita ko, sino ang babaeng iyon bakit ganoon nalang ang pagkahawak niya sa braso nang asawa ko. "Hey! Carina, kanina ka pa nakatingin
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Sa hospital…“Hi! Danilo, kumusta?” “Oh! Ate, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko sa iyo na tatawag nalang ako sa iyo para sunduin ka. Alam mo naman na maselan ang kalagayan mo. Tatawagan na sana kita kasi katatapos ko lang e check up ang pasyente ko kaaalis lang din niya.” “Talaga?! Baka siya iyong nakasalubong ko sa may lobby kanina. Siyanga pala, ano nga pala ang pina consult niya sa iyo? Di ba neuro surgeon ka?” “Ah! Actually this is confidential kasi may policy kami sa hospital na never namin e share ang mga information at result nang patient namin unless kung family siya nang patient.” “Ah! Ganoon ba? Pasensiya ka na kasi na curious lang ako sa babaeng iyon. Hindi ba puwede malaman ang name niya? Kahit name lang. Please…Hindi ko naman matiis ang Ate ko kaya sinabi ko sa kanya ang name nang pasyente ko. Ngunit nagtaka ako bakit parang nalungkot siya at nanglumo wala naman akong ibang sinabi kay Ate kundi pangalan nang pasyente ko.“Ha! Ilang taon mo na siyang kilala Danilo?”N
Nakauwi na si Dina sa apartment na inuupahan niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakabanggaan niya kanina sa hospital. Si Carina kaya ang babaeng nakabanggaan ko? Pero impossible! Ilang taon na ang nakakalipas hindi na namin alam ang kaso tungkol sa pagkawala nila Carina at nang anak niya. Pero possible rin na may nakakita sa kanila sa laot at sinagip sila. Kailangan kung imbestigahan ang tungkol sa kanila ni Carina hindi ako titigil hanggat hindi ko ma kumpirma kung sino ang babaeng iyon. Biglang nag ring ang phone ko. Isang unknown number, ayaw ko sanang sagutin kaso ilang beses nang tumatawag. “Hello! Who’s this please?” Walang sumasagot, kinakabahan tuloy ako. Sino na naman kaya ang nanakot sa akin. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong isang ungol nang babae at may boses na lalaki. Wala akong ibang maisip kundi ang asawa at friend ko sa London. Mga baboy talaga ang dalawang iyon, iniinis talaga ako. Hintayin niyo lang na manganak ako at babalikan ko kayo
Lumapit ako sa may table nila Papa Alfred, nakita ko din doon si sir Loid. Kinabahan ako, ano kaya ang sasabihin ko kay Papa.“Oh! Anak, anong ginagawa mo dito sa mall? Sino bang kasama mo?“Alfred? Anak mo si Carmela?”“Yes po sir Loid, pasensiya na po kayo hindi ko po siya masayadong nababanggit sa inyo. Siya po ang binilhan ninyo nang gift noong graduation niya.”“Talaga! So, you mean classmate siya ng mga anak ko? Pero nagtatrabaho siya sa company ko.”Bigla akong pinagpawisan nang malamig grabe parang binuhusan ako nang madaming yelo sa katawan ko. Nabuking na ako, alam kung magagalit si Papa sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya at kay Mama na nagtatrabaho ako sa Taylor’s Company kasi ayaw ni Mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ni Mama pero ang sigurado ako, masesermonan ako nito pag uwi ni Papa sa bahay. Nakikita ko sa mga mukha ni Papa na nadisappoint siya sa akin pero nagpipigil siguro siya dahil nasa harapan namin si sir Loid.“Ah! Sige, Pa at sir Loid mauna na po ako
“Ikaw ang tinatanong ko kung bakit nagbabakasyon ka sa Pilipinas nang hindi ko alam.”“Kailan pa naging concern sa iyo ang opinion at decision ko sa buhay, di ba wala ka nang pakialam sa akin?”“It doesn’t mean, hindi lang tayo naging okay pero natural lamang sa mag asawa na hindi maging okay minsan pero wala akong sinasabi na puwede ka nang magdecision na hindi ko alam.”“So, gusto mo hawak mo ang buhay ko. For your info Patrick, mag asawa lang tayo sa papel. Pero hindi ibig sabihin na hawak mo na ang buhay ko. May sarili tayong decision sa buhay kaya wala kang pakialam kung nasaan ako ngayon at kung kailan ako babalik nang London.” Inis kung sabi kay Patrick.Tumahimik na lamang siya, siguro naisip niyang may point naman ako. Wala pa talaga akong plano bumalik sa London, gusto kung sa Pilipinas na ako manganganak. Pero nahihirapan na rin ako medyo lumaki na ang tiyan ko at malapit na rin akong manganak. Kailangan kung humingi nang tulong sa kapatid ko. Tatawagan ko nga siya.Si Dan
“Hey! Jacob?! Really is that you?”Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin.“Who are you?!”“Wow naman Jacob, nakalimutan muna kaagad ako. Ako si Rowena ang future fiancee mo.”“What?!”. Ano naman kaya ang pinagsasabi nang babaeng ito.“Of course I’m telling you the truth. Actually nagkita na tayo before when we are still in primary school. Kapatid ako nang business partner nang dad mo. Hindi na tayo nagkita uli after nun kasi nga dito na ako sa America nag continue mag aral. Mabuti at same tayo nang school makikita na kita palagi. I’m sure magkaklasi din tayo.”Haistt! Ano bang babaeng ito ang daming sinasabi hindi naman ako nagtatanong.“Okay! I have to go, kasi susunduin ko pa si Jenny.”“Oh! Andito din pala ang best competitor ko noon sa school.”“Yes, bakit may problema ka? It’s none of your business kung andito din siya kasi kambal kami. And besides, our parents decided that. Kaya tumahimik ka na, dami mong sinasabi hindi naman kita tinatanong.”Umalis na ako, alam kung napahi
“Doc, kumusta po ang kalagayan nang baby ko?”“Okay naman ang baby mo Mrs. Taylor,”“Doc just call me Dina nalang po. Ayaw ko pong marinig ang apelyido na iyan.”“Okay, Dina! Kailangan lang mag ingat ka kasi mahina ang kapit nang bata bibigyan nalang kita nang gamot para mas kakapit siya.”“Okay po doc, salamat po. And doc, favor naman po. Please po wala po sanang makakaalam na nagdadalang tao ako lalo na sa mga Taylor.”“If you don’t mind, Dina. Bakit?”Napaisip ako, chismoso din pala ang doctor na ito.“Ah! May rason po ako doc, sana po respetuhin niyo nalang po.” sabi ko sa doctor.“Oh! Pasensiya ka na Dina. Sige mauna na ako. Basta huwag mong kalimutan ang bilin ko sa iyo.” Umalis na ang doctor at ako naman ay napasunod sa kanya. Pero huminto siya saglit dahil may tumawag sa kanya. Dahil nga chismosa din ako, nakinig ako sa usapan nila. May narinig akong pangalan na Leah, wait siya ba ang Leah na kaibigan ko? Pero impossible, anong koneksyon nila sa doctor ko. Kinakabahan tuloy ak