Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko. Alam ko kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya ko ring protektahan sila mommy pero ang tanong ay kung hanggang saan ko kaya? Wala akong kahit anong bagay na maaaring magamit para gawin kong weapon. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. At naiinis ako sa sarili ko, dahil walang ibang bagay ang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang mga alaala namin. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at marahan na tumingin sa likod ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala na ang lalaki kanina. Naaalala ko no'ng mga panahong hindi pa ako gaano nagtitiwala kay Michael dahil natatakot ako sa tunay niyang intensyon. Flashback Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong n
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko inalis ang pagbabantay ko sa paligid. Baka kasi may bigla na lang sumalubong sa akin dito ay may gawing masama. Napahinga naman ako ng malalalim nang isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Michael habang nag-iisip nang maaari kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong humingi sa kanya ng pasensya. Pero para saan nga ba? "Michael?" pagtawag ko sa kanyang pangalan bago ko hinawakan ang doorknob ng kanyang pinto. Kanina pa ako nakauwi rito sa bahay niya. Matapos namin mag-usap ni Mommy ay kaagad akong umalis ng bahay. Nagulat na nga lang ako nang makita ko sina Redenn at Tyron hindi kalayuan sa bahay. Inutusan daw kasi sila ni Michael na hintayin akong umuwi ng bahay. Malalim akong napabuntong hininga bago ako muling tumingin sa pinto na ngayon ay nasa aking harapan. No'ng huling beses na pumunta ako rito ay iba ang natunghayan ko, at ayaw ko na muling maulit ang bagay
Papasok na ako ng bahay nang mapansin ko na may kakaiba sa paligid. Mabilis na napakunot ang aking noo. Hindi ko rin alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon. Natatakot ako na baka kung sino ito. Hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa akin ang ginawang pag-kidnap sa akin noon. Nagdadalawang isip ako na sagutin ang tawag ngunit biglang pumasok sa alaala ko ang huling beses na nagdalawang isip ako. Flashback Tulala akong nakaupo ngayon dito sa table ko sa opisina ni Michael. Ang mga sinabi sa akin ni Redenn ay paulit ulit kong naririnig mula sa magkabila kong tenga. Hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy ni Redenn, pero may hinala ako na siya ang babaeng kausap ni Michael nitong nakaraan na narinig ko at si Mommy mismo ang nakakita. Napahinga ako ng malalim. Baki
Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Pakiramdam ko kasi nagka-trauma a ako sa ganitong bagay. Kapag may tumatawag sa akin ay nagkakaroon ako ng matinding takot. Natatakot ako, dahil noon nang mga tumawag kay daddy ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. Gano'n din sa akin bago ako ma-kidnap. Flashback Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan namin. Si Mommy ay busy sa pagpapatahan kay Ranie na umiiyak dahil ayaw pa niyang umuwi ng bahay. "Daddy," pagtawag ko kay daddy habang patuloy siya sa pagmamaneho. Nakaupo ako sa passenger seat katabi ni daddy. Dapat si Mommy ang nakaupo rito ngayon pero hindi niya kasi mapatigil sa pag-iyak si Ranie. Buntis ngayon si Mommy sa lalaki at bunso naming kapatid. Pagkagaling namin sa hospital para ipa-check up si Mommy ay pumunta kaming mall para mamasyal. Alam ko nga ay hindi pa dapat kami uuwi pero biglang nagbago ang isip ni Daddy. "Daddy," pagtawag ko ulit sa kanya. Hi
Mabagal akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Pigil ko ang aking hininga habang naglalakad. Gusto ko sanang tawagin sila mommy pero natatakot ako. Akma na rin sana akong sisigaw at tatawagin ang mga kapatid ko nang bigla na lamang naglakad papalabas ng kwarto si Ranie habang nag-ce-cellphone. Para naman akong nabunutan ng tinik matapos ko siyang makita. Kung gano'n walang kung anong masamang nangyayari ngayon. Nag-iisip pa lamang ako? Napahinga ako ng malalim bago ako naupo sa sofa. Kinagat ko rin ang pang-ibaba kong labi. Paranoid na ako. Dah matapos ang lahat ng mga nangyari noong kasama ko pa si Michael ay natatakot ako. Lalo na no'ng na-kidnap ako. Flashback Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa. Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin an
Matapos kong maglinis ng sarili ay pumunta na ako sa kuwarto namin ni Ranie at doon nahiga. Napahinga naman ako nang makaramdam ako ng lungkot. Kahit anong gawin ko si Michael ang pumapasok sa isip ko. Kahit paghiga sa kama mukha niya ang naaalala kk. Flashback Nakaupo ako rito sa sofa sa labas habang pinagmamasdan ang mga lalaking nakaitim at naglilibot sa paligid. Nang lumabas nga ako mula sa loob ay dumoble ang bilang nila rito. "Ma'am, madilim na ho ang paligid. Hindi pa ho ba kayo papasok sa loob?" biglang tanong sa akin ng isa sa kanila. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Maya-maya, kuya papasok na rin ako," sagot ko bago ako tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang villa na ito ni Michael ay napapalibutan ng mga malalaking puno. "Kabilin-bilinan ho kasi sa amin, Ma'am na hindi kayo hayaang manatili rito sa labas lalo kung gabi na. Panigurado ho kasing malilintikan kami kay Sir Michael kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad niy
Halos araw-araw ay palaging alaala naming dalawa ang naaalala ko. Hindi ko na nga alam kung ano ba ang dapat kong gawin para lamang makalimutan siya. Gusto ko na kasi maka-move on dahil mukhang wala na talagang pag-asa na bumalik kami sa dati. Mukhang tapos na talaga ang kontrata naming dalawa. Flashback "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot
Isa na namang araw ang lumipas. Sana tuluyan ko ng maiwaksi sa isip ko ang lalaking 'yon. Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad palabas ng kwarto. Kailangan ko na namang magkunwari na ayos lang ako. "May pasok ka, anak?" narinig kong tanong ni mommy. Kaagad naman akong tumango bago ako ngumiti. Sana maaari kong sabihin kay mommy ang sakit na nararamdaman ko. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin. "I w