Share

Chapter 225

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2022-08-15 22:40:27
Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko. Alam ko kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya ko ring protektahan sila mommy pero ang tanong ay kung hanggang saan ko kaya?

Wala akong kahit anong bagay na maaaring magamit para gawin kong weapon. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.

At naiinis ako sa sarili ko, dahil walang ibang bagay ang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang mga alaala namin.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at marahan na tumingin sa likod ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala na ang lalaki kanina.

Naaalala ko no'ng mga panahong hindi pa ako gaano nagtitiwala kay Michael dahil natatakot ako sa tunay niyang intensyon.

Flashback

Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya.

Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa.

Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita.

Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Rented Wife   Chapter 226

    Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko inalis ang pagbabantay ko sa paligid. Baka kasi may bigla na lang sumalubong sa akin dito ay may gawing masama. Napahinga naman ako ng malalalim nang isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Michael habang nag-iisip nang maaari kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong humingi sa kanya ng pasensya. Pero para saan nga ba? "Michael?" pagtawag ko sa kanyang pangalan bago ko hinawakan ang doorknob ng kanyang pinto. Kanina pa ako nakauwi rito sa bahay niya. Matapos namin mag-usap ni Mommy ay kaagad akong umalis ng bahay. Nagulat na nga lang ako nang makita ko sina Redenn at Tyron hindi kalayuan sa bahay. Inutusan daw kasi sila ni Michael na hintayin akong umuwi ng bahay. Malalim akong napabuntong hininga bago ako muling tumingin sa pinto na ngayon ay nasa aking harapan. No'ng huling beses na pumunta ako rito ay iba ang natunghayan ko, at ayaw ko na muling maulit ang bagay

    Last Updated : 2022-08-16
  • The Rented Wife   Chapter 227

    Papasok na ako ng bahay nang mapansin ko na may kakaiba sa paligid. Mabilis na napakunot ang aking noo. Hindi ko rin alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon. Natatakot ako na baka kung sino ito. Hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa akin ang ginawang pag-kidnap sa akin noon. Nagdadalawang isip ako na sagutin ang tawag ngunit biglang pumasok sa alaala ko ang huling beses na nagdalawang isip ako. Flashback Tulala akong nakaupo ngayon dito sa table ko sa opisina ni Michael. Ang mga sinabi sa akin ni Redenn ay paulit ulit kong naririnig mula sa magkabila kong tenga. Hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy ni Redenn, pero may hinala ako na siya ang babaeng kausap ni Michael nitong nakaraan na narinig ko at si Mommy mismo ang nakakita. Napahinga ako ng malalim. Baki

    Last Updated : 2022-08-17
  • The Rented Wife   Chapter 228

    Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Pakiramdam ko kasi nagka-trauma a ako sa ganitong bagay. Kapag may tumatawag sa akin ay nagkakaroon ako ng matinding takot. Natatakot ako, dahil noon nang mga tumawag kay daddy ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. Gano'n din sa akin bago ako ma-kidnap. Flashback Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan namin. Si Mommy ay busy sa pagpapatahan kay Ranie na umiiyak dahil ayaw pa niyang umuwi ng bahay. "Daddy," pagtawag ko kay daddy habang patuloy siya sa pagmamaneho. Nakaupo ako sa passenger seat katabi ni daddy. Dapat si Mommy ang nakaupo rito ngayon pero hindi niya kasi mapatigil sa pag-iyak si Ranie. Buntis ngayon si Mommy sa lalaki at bunso naming kapatid. Pagkagaling namin sa hospital para ipa-check up si Mommy ay pumunta kaming mall para mamasyal. Alam ko nga ay hindi pa dapat kami uuwi pero biglang nagbago ang isip ni Daddy. "Daddy," pagtawag ko ulit sa kanya. Hi

    Last Updated : 2022-08-18
  • The Rented Wife   Chapter 229

    Mabagal akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Pigil ko ang aking hininga habang naglalakad. Gusto ko sanang tawagin sila mommy pero natatakot ako. Akma na rin sana akong sisigaw at tatawagin ang mga kapatid ko nang bigla na lamang naglakad papalabas ng kwarto si Ranie habang nag-ce-cellphone. Para naman akong nabunutan ng tinik matapos ko siyang makita. Kung gano'n walang kung anong masamang nangyayari ngayon. Nag-iisip pa lamang ako? Napahinga ako ng malalim bago ako naupo sa sofa. Kinagat ko rin ang pang-ibaba kong labi. Paranoid na ako. Dah matapos ang lahat ng mga nangyari noong kasama ko pa si Michael ay natatakot ako. Lalo na no'ng na-kidnap ako. Flashback Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa. Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin an

    Last Updated : 2022-08-19
  • The Rented Wife   Chapter 230

    Matapos kong maglinis ng sarili ay pumunta na ako sa kuwarto namin ni Ranie at doon nahiga. Napahinga naman ako nang makaramdam ako ng lungkot. Kahit anong gawin ko si Michael ang pumapasok sa isip ko. Kahit paghiga sa kama mukha niya ang naaalala kk. Flashback Nakaupo ako rito sa sofa sa labas habang pinagmamasdan ang mga lalaking nakaitim at naglilibot sa paligid. Nang lumabas nga ako mula sa loob ay dumoble ang bilang nila rito. "Ma'am, madilim na ho ang paligid. Hindi pa ho ba kayo papasok sa loob?" biglang tanong sa akin ng isa sa kanila. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Maya-maya, kuya papasok na rin ako," sagot ko bago ako tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang villa na ito ni Michael ay napapalibutan ng mga malalaking puno. "Kabilin-bilinan ho kasi sa amin, Ma'am na hindi kayo hayaang manatili rito sa labas lalo kung gabi na. Panigurado ho kasing malilintikan kami kay Sir Michael kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad niy

    Last Updated : 2022-09-05
  • The Rented Wife   Chapter 231

    Halos araw-araw ay palaging alaala naming dalawa ang naaalala ko. Hindi ko na nga alam kung ano ba ang dapat kong gawin para lamang makalimutan siya. Gusto ko na kasi maka-move on dahil mukhang wala na talagang pag-asa na bumalik kami sa dati. Mukhang tapos na talaga ang kontrata naming dalawa. Flashback "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot

    Last Updated : 2022-09-07
  • The Rented Wife   Chapter 232

    Isa na namang araw ang lumipas. Sana tuluyan ko ng maiwaksi sa isip ko ang lalaking 'yon. Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad palabas ng kwarto. Kailangan ko na namang magkunwari na ayos lang ako. "May pasok ka, anak?" narinig kong tanong ni mommy. Kaagad naman akong tumango bago ako ngumiti. Sana maaari kong sabihin kay mommy ang sakit na nararamdaman ko. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin. "I w

    Last Updated : 2022-09-08
  • The Rented Wife   Chapter 233

    Marahan kong iniunat ang mga kamay ko matapos akong magising mula sa isang mahabang tulog. Kagabi pa ako wala talagang tulog, o kahit kain. Napahinga ako ng malalalim. Pumasok tuloy sa isip ko ang nangyari noon. Flashback "Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang suot niyang parang headphone para sa firing. Kasalukuyan niya kasi

    Last Updated : 2022-09-09

Latest chapter

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

  • The Rented Wife   Chapter 357

    "I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan

  • The Rented Wife   Chapter 356

    I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl

  • The Rented Wife   Chapter 355

    I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I

DMCA.com Protection Status