Parehong nanlalaki ang mga mata nila Semion at Celeste sa pagkabigla dahil sa pagsigaw na iyon ni Darson. Pareho silang ‘di makapaniwala sa katapangang pinapakita nito ngayon sa ibaba ng mababaw na enteblado.Hindi maipinta ang mukha ni Darson ngayon na nakatingala sa dalawa partikular sa asawa niya. “Celeste! Don't make me repeat it twice. Huwag mong hintayin na kaladkarin kita palabas sa lugar na ‘to!”“Ano…?” abot-abot ang kaba sa dibdib ni Celeste. Oo, gusto niyang masurpresa ang lalaking ito ngayong gabi. Gusto niyang ipakita rito na hindi siya abandonadong babae! Pero hindi sumagi sa isipan niya na bigla-bigla nitong ibababa ang sarili para gumawa ng iskandalo bago pa man niya ipakita ang katayuan niya ngayon sa pamilyang Lombardi. Kitang-kita rin ang pagkagulat ng mga bisita. Lahat ay napapasinghap ng hangin at napapalaki ng mga mata. Ramdam na ramdam ang tensyong naglilipana sa kabuuan ng lugar! Sinong ang makakapredikta na ang dapat sana'y masayang party ngayong gabi ay mapu
“CELESTE!!” galit na sigaw ni Darson sa tangkang pagpigil sa planong paglalandak ni Celeste sa sekreto nito.“You!” hindi iyon nagustuhan ni Semion at gustong abahan si Darson subalit humigpit ang pagkakakapit ni Celeste sa braso nito, habang puno parin ng dignidad na nakatitig kay Darson.“You stripped me down from my position in the Allegra family, not abiding by the contractual marriage that we had. Nakakagalit ba na sa bibig ko mismo lumabas na ginawa mo ang kahangalang bagay na iyon para sa isang bayarang babae?” natawa si Celeste. “Your pregnant mistress must be enjoying a luxurious life with you without knowing she's been kept hidden by you.”“Prostitute?”“Pregnant mistress?”“Nagkaroon ng affair si Darson at sa isang bayarang babae?’“Bakit tanggap ng mga Allegra?”“Come to think of it, Celeste is much better because at least she came from a family with high status before.”Lahat ng bulong-bulungan sa likod ni Darson ay pumapasok sa tainga niya. Ang reputasyon at mukhang iniin
“Talaga namang nakakasurpresa ang gabing ito kung hindi niyo masasamain, Primo Semion, Miss Celeste.” nagpakita ng hindi komportableng ngiti si General Basque sa harapan nina Semion at Celeste. “Dahil kailan lamang ay isa pang numero unang bachelor itong si Primo Semion—ni walang kumalat na tsismis patungkol sa nililigawan niyang babae.”Tumugon si Semion nang may ngisi sa labi, puno ng kahaambugan. “Malamang ay maraming susubok na manghimasok sa relasyon namin kung lantaran kong liligawan si Celeste. Not to mention how many women are fighting over me.”“Ah..” napangiwi ang labi ng matandang heneral. “Totoo nga naman. Sa kasamaang palad ay mukhang minasama ng tagapagmana ng pamilyang Allegra ang relasyon ninyong dalawa. Tama lang na maaga siyang paalisin sa pagsasalong ito bago pa lumala ang panggugulo.”“He'll surely be bitter after this.” hindi tinago ni Semion ang masamang timpla ng mukha niya. “Celeste's right, some dogs just don't know when and where to bark.” nang balingan ni Se
Matapos ang solong sayaw nina Semion at Celeste ay doon lamang din nagsimulang magsayaw sa dancefloor ang mga couple na nais sumayaw. “Semion, may kakausapin lang ako sandali, mag-entertain ka na rin muna ng mga kaibigan mo.” paalam ni Celeste at bumitaw sa pagkakakapit sa braso ni Semion. “Huh? Saan ka pupunta?” kunot-noong tanong ni Semion, hinabol pa ang kamay niya. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi ni Celeste. “Pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko.” “Oh,” dahil narinig ni Semion ang naging usapan ng mga babae kanina mula sa wireless earphones at napagtanto na niya kung anong ibig-sabihin ni Celeste. “Sure, have fun. Doon lang ako banda kung kailanganin mo.” “Okay.” naghiwalay sila ng landas. Sa sandaling iyon ay kanina pa walang imik ang kaninang madaldal na mga babae na sina Veron, Ranina, at Anetta na nakatayo sa kaninang stand-up table kung sila huling iniwan ni Celeste. Pare-pareho silang napipipilan sa sunod-sunod na pangyayari ngayong gabi na talaga namang hindi n
Warning: This contains sexual content. Rated 18+ “Luca, where's your brother and Celeste?” ngunot-noong tanong ng Mommy ni Luca na si Isabella pagkarating sa table na kinauupuan niya.Si Luca na kumakain ng pasta at kanina pa nagmamasid-masid sa pangyayari sa loob ng ballroom ay kaagad na nakatugon. “Umakyat sila sa third floor, baka yata pumasok sa kwarto nila.”“Oh? Hindi pa tapos ang party, kailangan pa nilang magpaalam sa mga guests natin since sila ang hosts dito. Kanina pa ba sila wala?”“About thirty minutes ago. Siguro nagsusuka na dahil naparami ang inom. Narinig ko na nakailang shot sila ng pinaka-strong na alcohol sa mundo.” napaisip pa si Luca. “I wonder when I will taste it too?”“What?” napamaywang si Isabella. “Paano naman nagkaroon ng gano'ng alak dito sa party nila? Aba't paano na lang nila wawakasan ‘to kung bigla-bigla silang mawawala?”“I don't know why you are asking me, Mom? Nandiyan naman kayo ni Dad. Kayo na ang magtuloy.”Napakawala ng hininga si Isabella. “Oh
At Allegra's Residence…Malakas na sampal ang inabot ni Darson sa kamay ng kanyang ama sa si Demetrio. Nakuyom niya ang sariling kamao at pinanatili ang pagtagilid ng kanyang ulo, hindi magawang labanan ang napakatalim na titig ng sariling ama.“Estupido! Alam mo ba kung anong kapahamakan ang dinala mo sa buong pamilya?!” nanggagalaiti sa galit na bulyaw sa kanya. “Anong sumapi sa’yo at naisipan mo pang gumawa ng eskandalo mismo sa lugar na ‘yon? Sino ka para utusan ang dati mong asawa na iyon?! Pinatunayan mo pa sa lahat kung paano mo siya basta na lang tratuhin! Paniguradong nasa kanya ang simpatya ng mga tao!!”Madiin niyang kinagat ang dila niya, pinipigilan ang sarili na sagutin ang ama dahil paniguradong mabubugbog na naman siya nito.“Oo, alam kong nakakagulat na nagawa ng magaling na babaeng ‘yon na sumiping sa tagapagmana ng Lombardi! Pero maling-mali na nagpakita ka ng ganoong reaksyon! Ano?! May nararamdaman ka ba sa babaeng ‘yon at apektado ka?!” halos mapigti ang litid nit
Sumilip ang sinag ng araw sa kwarto kung saan magkayakap sina Semion at Celeste sa kama. Parehong mga walang saplot ang katawan, may panlalagkit man ngunit napakakomportable nila sa ganoong posisyon.Nang gumalaw si Celeste at tangkaing bumaling ng pagkakahiga palikod kay Semion ay hindi siya nito hinayaang makagalaw, sa halip ay mas lalong pumulupot ang mga braso ni Semion sa kanyang katawan.“Mmm,” napareklamo si Celeste sa pagtulog, iniisip kung anong mabigat ang nakadagan sa kanya at pawang pumipigil sa kanyang gumalaw.Hindi lang ‘yon, napakiramdaman niya ang sariling katawan na parang dinaanan ng isang truck, partikular sa kanyang pribadong parte. Malagkit at hindi komportable, gusto niyang magbanyo nang makaramdam din ng pagkaihi.“Don't move, sleep more.” malambing at antok na boses ang bumulong sa kanyang tainga kasabay ng pagmudmod ng kanyang mukha sa isang matigas na dibdib at pagpatong ng isang mabigat na binti sa kanyang nakatagilid na katawan.“Uhm!” hindi nakahinga ng m
Nakailang kain na ng hotdog at itlog si Celeste bago niya lamang mapansin ang mga matang nakatitig sa kanya sa hapagkainan. Ngingiti-ngiti ang kanyang Tita Isabella, Tito Alessandro, at maging si Ate Val.“May gusto mo po ba kayong sabihin?” nahihiya pang tanong niya.“Ay, wala naman, wala,” umiling-iling si Tita Isabella. “Mukhang napagod ka kagabi, kaya sige’t kumain ka pa ng marami!” hindi nawala ang ngiti nitong iyon na parang mayroong pinapahiwatig. “Selya! Maglagay ka pa rito ng mga putahe nang makakain pa si Celeste.”“Opo, Senyora~”“Ah, pabusog na rin po ako, Tita, baka hindi ko na kayanin!” napatanggi siya dahil hindi siya sanay na marami ang kinakain. Sa katunayan ay sanay siyang ang kinakain lamang na pagkain ay kung ano ang nasa harapan niya sa hapagkainan dala ng etiquette. Ngunit sa kasalukuyan ay inaabutan siya ng mga pagkaing malalayo sa kanya.“You eat so little, iha,” pagsasalita ni Primo Alessandro. “Hindi ka mabubusog ng ganiyan. Look how skinny you are! Kailangan